Answer in PDF Idk What Module

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO – Ikapitong Baitang

Modyul 3: Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto Pagmumungkahi


ng mga Angkop na Solusyon sa Suliraning Narinig sa Akda Ika-apat na Markahan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III


Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.phWebsite: www.depedzambales.ph

Ang sabi nila, kakambal na ng buhay ang problema. Naniniwala ka ba? Sa iyong edad, may
nagiging problema ka na ba? O kaya naman, problema ng iyong pamilya? May mga pagkakataon
bang nagbibigay ka ng mungkahi para masolusyonan ang isang problema?

Sa araling ito, mabibigyan ka ng pagkakataong makapagmungkahi ng mga angkop na solusyon sa


mga suliraning narinig sa akda.
Halika at unawain ang talakayan upang muling maragdagan ang iyong kaalaman!

Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda.


(F7PN-IVc-d-19)

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na ito, ikaw ay


inaasahang:

1.natutukoy ang mga suliranin sa binasang akda mula sa Ibong Adarna;


2.nailalapat ang angkop na solusyon sa mga suliranin sa binasang akda; at
3.naimumungkahi ang angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mulasa akda.

Kumusta ka na? Sa iyong nakaraang paksa ay naragdagan ang iyong kaalaman tungkol sa
kaligirang kasaysayan ng Ibong Adarna, tama ba? Bago ka tumungo sa panibagong aralin, may
inihain akong isang gawain upang mabalikan ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Ibong
Adarna.
Panuto: Sa pamamagitan ng Concept Map, itala ang ilang impormasyong may
kinalaman sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Kopyahin ang grapikong
pantulong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bago mo tuluyang pag-aralan ang paksa, mangyaring basahin mo muna ang isang akda.
Alam kong maiibigan mo ito sapagkat minsan mo na din itong naranasan. Ito pa nga minsan ang
paksa ng iyong kinukuwento sa iyong mga kaibigan o kaya ay kakilala. Sige, simulan mo nang
basahin ang akda.

Panuto: Basahin at unawain ang buod ng Kabanata 3 ng Ibong Adarna at sagutin sa


gawing ibaba ang nakahandang gawain bilang pag-unawa sa iyong binasang akda.

Ang Panaginip ng Hari


Ni Mae M. Besing, Mena Memorial National High School

Binalot nang lungkot ang kaharian ng Berbanya ng magkasakit nang malubha si Haring
Fernando. Nagbunga sa kaniya nang matinding pag-aalala at pagkabalisa ang minsang bangungot
ng hari. Maraming naging pagbabago sa kaniyang pisikal na anyo dahilan sa di malamang sakit.
Tunay na nagbigay nang pangamba sa kaniyang pamilya at sa buong kaharian ang pangyayaring
ito.

Nakita ng hari sa kaniyang malagim na panaginip ang isa niyang anak na si Don Juan, kung
saan kaawa-awa ang sinapit na kalagayan. Duguan ang prinsipe dahil sa ginawa ng mga taong
tampalasan o masasama. Kaawa-awa pa siyang inihulog sa isang balon. Ito ang mga
pangyayaring di mawaglit sa isipan ni Don Fernando.
Ang dating mabunyi at masayahing hari ng Berbanya ay unti- unting naging malungkutin at
nanghina. Hindi na halos natutulog at kumakain, dahil sa labis na pagkabalisa. Halos panawan na
rin siya ng pag-asa sa mga pagkakataong iyon.

Isang medikong paham o manggagamot, ang nagmungkahi ng isang natatanging lunas.


Isang mahiwagang awit na magmumula sa isang mahiwagang ibon. Ang sinasabing lunas ay
matatagpuan sa bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas. Ito ang
Ibong Adarna.

Sa kagustuhan nilang gumaling ang hari, agad na inutusan ang panganay na anak na si
Don Pedro, upang hanapin at hulihin ang natatanging lunas para sa tuluyang ikagagaling ng
haring si Don Fernando.

Magaling! Sa pagkakataong ito, sagutan mo ang mga sumusunod upang masukat ang
iyong naging pag-unawa sa akda.

Pag-unawa sa binasa:

1.Anong suliranin ang natukoy sa teksto?


2.Ibigay ang dahilan o sanhi ng naging suliranin sa teksto.
3.Ano ang iminungkahi ng mediko o manggagamot upang maging mabuti angpakiramdam ng
hari?
4.May maiiuugnay ka bang pangyayari sa akda na sa kasalukuyan aynangyayari rin sa mundo?
Isalaysay ang iyong sagot.
5.Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng problema o suliranin ang tao?Ipaliwanag ang iyong
sagot.

Narito ang ilan sa mga dapat mong tandaan kung ikaw ay magbibigay o magbabahagi
ng iyong mungkahi.

1.Iwasang maging paligoy-ligoy sa usapan. Gumamit ng mga payak o simplengpahayag upang


madaling maunawaan ng iyong kausap.
2.Huwag mong kalilimutang gumamit ng po at opo sa pagpapahayag ng iyongmungkahi.
3.Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Maiiwasan ang pagigingmapanghusga kung
makikinig muna sa ipinahahayag ng bawat isa.
4.Ilahad ang iyong mungkahi sa maayos at malumanay na paraan.

Narito naman ang ilan sa mga wastong pahayag na dapat gamitin sa pagbibigay ng
iyong mungkahi.

1.Higit na mainam
Halimbawa: Higit na mainam kung sama-sama tayong susunod sa health
protocols alang-alang sa ating kaligtasan.

2.Makabubuti kung
Halimbawa: Makabubuti kung susundin muna natin ang programang
ipinatutupad ng ating pamayanan bago ang sarili nating kagustuhan.

3.Sikapin mo
Halimbawa: Sikapin mong maintindihan ang nais niyang ipaunawa upang
maiwasan ang kaguluhan.

4.Maaari kang
Halimbawa: Maaari kang lumiban sa ating pagpupulong kung may mahalagakang pupuntahan.

Kung gagamitin mo ang wastong paraan upang ipahayag ang iyong mungkahi, magiging maayos
at malinaw ang nais mong iparating sa iyong kausap. Ito rin ang magbibigay daan upang
maiwasan ang di-pagkakaunawaan hinggil sa isang isyu o paksa.

Ngayon at naunawaan mo na ang tamang paraan sa pagpapahayag ng iyong mungkahi, alam


kong handa ka na sa mga gawaing inihanda. Paghusayan mo ang pagsagot sa mga hamon, ha?

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na akda hango sa Ibong Adarna. Tukuyin
ang suliraning nakapaloob dito. Kopyahin ang grapikong pantulong at sagutin sa iyong
sagutang papel.

Suliranin
Nagtaka si Don Pedro nang
narating niya ang Bundok
Tabor sapagkat wala siyang
naratnang ibon. Minarapat
niyang magpahinga
sapagkat mahaba ang
kaniyang naging
paglalakbay. Sa labis na
paghihintay sa pagdating ng
Ibong Adarna, siya ay
nakaidlip at hindi na niya
napansin ang mahiwagang
ibong dumapo sa gintong
puno.
Suliranin
Nahihiya nang humarap si
Don Diego kay Don Juan
dahil sa pagtataksil na
ginawa ng dalawa rito.
Bagamat hindi sumang-ayon
si Don Diego sa naging
plano ni Don Pedro na
manirahan sa gubat kasama
si Don Juan, nagtagumpay
pa rin ito na mapapayag si
Don Diego sa plano.

Suliranin
Suliranin
Pinabantay ni Haringng
Habang nilalakbay
Fernando ang Ibong
magkakapatid Adarna
ang daanan
kay Don Juan. Ngunit
pauwi sa kanilang palasyo,
pinagplanuhan
pinauna nina Donmuli Pedro
siya ngat
kaniyang mga
Don Diego si Don Juan.
nakatatandang kapatid. Sila
Walang kamalay-malay ang
ang pumalitprinsipe
naunang panandalian
na sa
pagbabantay sa
nagbabalak nang masama si
mahiwagang
Don Pedro at ibon.
Don Diego
Nagkunwari silang
laban sa kaniya. Nais ng
nagmalasakit
dalawa na silakayang
Don Juan
mismong
ngunit ang kapalit
makapagdala ng ay ang
Ibong
pagpapakawala sa Ibong
Adarna sa harap ng Haring
Adarna.
Fernando sa halip na si Don
Juan.

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Lapatan ng angkop na solusyon ang mga suliraning inilahad sa mga


sumusunod na pangyayaring hango sa Ibong Adarna. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Piliin mula sa mga pangungusap ang pagmumungkahing nasa wastong


paraan at hindi wasto ang paraan. Isulat ang tamang bilang ayon sa hinihingi ng mga
kahon sa grapikong pantulong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.Gawin mo na lang ang sinasabi ko sa iyo.


2.Ang sabi ko, iluto mo na lahat ng ito.
3.Makabubuti kung bibilhin mo ang produktong sariling atin.
4.Sabi ko, huwag ka nang tumuloy.
5.Higit na mainam kung malalaman niya ang totoo.
6.Maaari kang makinabang sa pagtitinda ng mga halaman.
7.Maglibot-libot ka sa hardin, iyan ang gawin mo.
8.Sikapin mong yakapin ang mga pagbabago sa kasalukuyan.
9.O hindi ba, higit na mainam kung tulong-tulong tayo sa gawaing ito?
10.Gumalaw ka para hindi sayang ang oras.

Paalaala: Ang teksto ay babasahin ng tagapagdaloy (magulang o kasama sa bahay).

Panuto: Pakinggang mabuti at unawain ang babasahing buod


ng kabanata 19 mula sa Ibong Adarna. Magtala ng limang (5)
suliraning nabanggit sa akda at lapatan mo ito ng angkop na
solusyon gamit ang wastong paraan sa pagbibigay ng
mungkahi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bantay na Higante
Ni Mae M. Besing, Mena Memorial National High School

Binalaan ni Donya Juana si Don Juan na may


tagabantay ang hardin kung saan siya nakatira. Hindi pa man sila nakapag-uusap nang matagal,
ay may mga pagyanig na silang naramdaman at narinig.

Nang makita ng bantay na higante si Don Juan, ay laking tuwa nito. Tila nakakita siya ng
isang bagay na makapagpapabusog sa kumakalam niyang tiyan. Hindi na niya kinakailangang
magpunta sa bundok upang humanap ng makakain. Si Don Juan ay sapat na para sa kaniya.

Nagsimulang magkaroon ng labanan sa pagitan ng dalawa. Nagalit si Don Juan at buong


tapang na sinugod ang higante gamit ang kaniyang matalim na espada. Hindi naging hadlang ang
laki ng higante. Hindi ito naging dahilan upang siya ay panghinaan ng loob.
Walang tigil ang prinsipe sa pagwasiwas ng kaniyang sibat.
Hindi siya magkamayaw sa pakaliwa at pakanan niyang diskarte
upang magapi ang kalaban. Pauli-ulit na siniguro ni Don Juan na
natatamaan niya ang higante upang tuluyan siyang manghina.

Sa wakas, natalo ni Don Juan ang higante.

Hiniling ni Donya Juana na kung maaari ay iligtas din ni Don Juan ang kaniyang kapatid na
si Prinsesa Leonora. Ayaw nitong umalis nang mag-isa. Muli, binalaan niya ang prinsipe na mas
lalong mag-ingat dahil higit na mabagsik at mapanganib ang bantay ni Prinsesa Leonora.

Nakaabang ang serpiyente o ahas na may pitong ulo upang kalabanin ang sinomang
magtangkang kunin si Prinsesa Leonora. Mahirap itong kalabanin. Kahit na tigpasin pa ang ulo
nito ay muling tutubo at mabubuhay.

You might also like