Journal2 PagsusuringCognitive

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Name: Ryd-jee Fernandez BSED-FILIPINO II

Subject: Ang Filipino saKurikulum ng Batayang Edukasyon

Cognitive na Pagsusuri: Layunin ng Edukasyon

Ang talagang layunin ng edukasyon ay gawing isang ganap na mamayan ang


bawat isa na naayon sa etika, pangbansa, at pandaigdigang antas na mga katangian ng
isang individual. Kalakip na dito ang patriotismo at pagkanasyonalismo na nagtataglay
ng magandang asal at pakikitao sa bawat isa. Kailangan ng bawat tao na magkaroon ng
isang magandang pag-ibig sa ating bansa at pagpapahalaga sa bawat bagay upang
mapakita ang paggalang sa ating mga bayani at ninuno na lumaban para sa ating
kalayaan at kalakip na rin ang pagtingin sa karapatang pantao ng bawat kasapi.

Kailangan nating matuto sa mga karapatan at sa ating mga tungkulin bilang isa
sa mga mamamayan ng ating bansa upang magampanan ang etikal at ispritwal na mga
gawain. Kailangan nating magkaroon ng isang malikhaing pag-iisip at disiplina sa sarili
na magdadala sa atin sa pagiging isang kapaki-pakinabang na kasapi ng bayan.
Bibigyan tayo ng mga kaalamang pansiyensiya at panteknolohiya na isa pa sa mga
paraan na ating magagamit sa ating pansarili at panlahatang pag-usbong at pag-unlad
na magpapayaman sa ating mga utak o kaisipan kung paano makagagawa ng mga
bagay na makatutulong sa lahat ng mga pang-araw araw na gawain natin. Dahil isa na
ito sa pinakamalawak na gamit ng mundo sa lahat ng bagay, kaya dapat natin itong
maisaisip na ang pagkakaroon ng malawak na pag-iisip at kaalaman sa bagay na ito
ang daan sa magandang mundo na ating minitmithi. Ito rin ang daan sa atin upang
magkaroon ng mga kakayahang boksyunal na magbibigay ng trabaho sa lahat.

Kung may isang kayamanan man na kailangan nating makuha, ito ang
edukasyon. Kailangan na matuto ang lahat ng kasapi ng bayan upang malaman natin
ang ating mga kakayahan at magampanan natin ng tama ang ating mga tungkulin sa
ating pinakamamahal na bayan. Ito ang layunin ng edukasyon na ito. Nakapaloob na
din dito ang pagtuturo sa pangkalusugang pagpapahalaga, paghahanda na makahanap
ng wastong trabaho, at pagkamamayan ng bawat isa. Kung kinaya ng iba, kaya rin
nating gawin ito. Kailangan lang ng sapat na tiyaga at lakas ng loob.

You might also like