Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Ryd-jee Fernandez Petsa: Septyembre 24, 2021

Kurso/Taon: BSED-FILIPINO 2

Sabjek: Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

Guro: John Rick P. Cambongga

Reaksyong Papel: Kasalukuyang Nagaganap sa Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon

Sa kasalukuyang pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon ngayon, pinaiiral parin ang limang
makrong kasanayan na pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pag-iisip na kung saan nakatutulong
sa mas maiging paglinang ng mga kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral. Hanggang sa itoy
gumagana at ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral ng Filipino, epektibong makukuha ng mga mag-aaral
ang kanilang dapat malaman sa larangan na ito at mas madali rin silang matuturuan.

Ang tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan


sa lubusang pagkatutu. Dito binago ang mga kasanayan o kompetensi sa pagkatutu na kung saan
isinasaayos, binabawasan at pinapangkat sa kasanayang magkakatulad. Binibigyan din ng diin ang
pagbabasa at pakikipagtalastasan para sa pag-uunawa sa mga batayang kaisipan para ang mga bata ay
maging dalubhasa at maging mabisa sa pakikipagtalastasan at patuloy na matuto upang maangkop sa
mabilis na pabagobagong nagaganap sa ating daigdig.

Ang paggamit ng dulog sa pagtuturo ay isa din sa mga paraan na maaring gamitin upang mas
maging epektibo ang pagtuturo. Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon na
kung saan ang mga mag-aaral ay gumagawa ng mga gawain na sama-sama na kung saan nagkakaroon
sila ng magandang komunikasyon sa bawa’t kasapi at nagkakaroon ng pagtatalastasan na kung saan sila
ay nagpapahayag ng kanilang mga sariling ideya at umuunawa sa ideya ng iba upang makabuo ng
magandang nilalaman. Mahalaga dito na mayroon ang bawat isa ng kakayahang makinig sa bawat isa
upang mas makabuo ng mas magandang kahulugan sa isang binigay na konteksto.

Mahalaga na mabigyan ng sapat na oras ang bawat mag-aaral na makaunawa sa mga tinatalakay
na konteksto upang mas umangat ang kanilang kakayahan sa komprehensibong pagtatalakay. Dito
mahahamon sila na mag-isip ng mga bagay na dapat gawin na makatutulong sa kanilang ginagawa at isa
itong magandang paraan na ginagamit ng bawat nagtuturo. Maigi na malinang ang kanilang mga
kakayahan upang ang bawat isa ay makapagbigay ng mga saloobin at pananaw sa mga bagay-bagay na
kanilang pinanghahawakan. Kaya maituturing ko na isang magandang paraan talaga ng pagtuturo ang
ginagamit sa kasalukuyang batayang edukasyon at sinusuportahan ko to, at nawa’y mas marami pang
mag-aaral ang makakuha ng mga kakayahan na ito.

You might also like