Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Leyalyn V.

Coro Fed 311

BSED Filipino 3101

1. Prescriptive Grammar
 Ang Prescriptive Grammar ay sinasabi na gabay sa kung paano at saan nagagamit ang
mga baybay at ang bantas sa isang pangungusap na makakatulong sa bawat tao na
magsulat ng isang akda, ito ay isang panuntunan na dapat sundin upang malaman ang
tama at hindi tamang paggamit ng wika.
Halimbawa
 Isa sa mga halimbawa nito ay sa loob ng isang paaralan kung san gumawa ng
isang aktibidad ang guro na si Judyline na kung saan siya ay magbibigay ng
mga pangungusap at kailangan matukoy ng mga mag-aaral ang tama at maling
pangungusap na may gamit ng mga baybay at bantas.
2. Descriptive Linguistic
 Ito ang sangay ng linggwistiks na naglalarawan sa wika sa isang partikular
napanahon. Tinatalakay dito ang mga alituntunin sa pag sasama sama ng mga tunog
oponema, sa pagbubuo ng mga salita o morpema at ang pagbubuo ng mga prase at
pangungusap upang sa ganon ay makagawang isang gramatika na nagpapahayag sa
nalalaman sa isang katutubong nag sasalita tungkol sa kanyang wika.
Halimbawa
 Si Mhelody ay nagsasalita sa isang pahayagan na ginagamit ang kanyang
katutubong salita, at hindi lamang sinusunod ang salitang gustong marinig ng
mga tagapakinig,
3. Teoryang Behaviorist
 Ayon sa Teoryang ito ang mga batang ipinanganganak ay may kanya kanyang
kakayahan sa pagkakatuto at ang kanilang mga kilos ay nakadepende sa kanilang
kinalakihan na kapaligiran at kung ano ang kanilang mga gawi at kilos ito ay naaayon
sa lugar kung saan sila naninirahan.
Halimbawa
 Ang batang si Angelica na lumaki sa lugar na kung saan ang mga tao ay
magagalang sa isa‟t isa, kaya naman ang batang ito ay
lalaki na isa ding magalang na tao. At ganun din ang isa pang batang lumaki sa lugar kung saan maaga
niyang naririnig ang mga salitang bawal sa bata kaya naman habang siya ay lumalaki ay nakakagamit siya
ng mga masasamang salita. Dito natin makikita na nakadepende sa kinalakihan ng isang bata ang kanyang
magiging ugali sa hinaharap.

4. Teoryang Innativis

 Ang teoryang innative sa pagkatuto ng wika ay batay sa paniniwalang lahat ng


bata ay ipinanganak na may “likas na salik” sa pagkatuto ng wika at ito ay likas
na umuunlad batay sa pakikipag interaksyon ng bata sa kanyang paligid.
Halimbawa
 Ang batang si Princess ay laging kinakausap at kinakantahan ng kanyang
ina kahit siya ay sanggol pa lamang kaya naman ang batang si Princess ay
maagang natutong magsalita dahil na rin sa mga salitang kanyang laging
naririnig sa kanyang paligid.

5. Teoryang Cognitive
 Ang pagkakatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o
pangyayari dahil ito ay isang prosesong dinamiko na kung saan ang mga bagong
tanggap na impormasyon ay gagawing may saysay at makabuluhan.
Halimbawa
 Ang guro nila Maerie ay nagpagawa ng dulog na pabuod, na ginagabayan
ng guro ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at
ipasusuri niya ang mga ito upang makatukalas sila ng isang paglalahat.

6. Teoryang Makatao
 Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng mga
salik na pandamdamin at emosyunal. Ito„y nananalig na ang pagtatagumpay sa
pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop angkapaligiran, may kawilihan
ang mga mag-aaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman
atimpormasyon. Kung ang mga kondisyong ito„y hindi matutugunan, ang
anumang paraan o kagamitang panturoay maaaring hindi magbunga ng pagkatuto.
 Ang mag-aaral na hawak ni Binibining Capuli ay mabilis matuto dahil
naglaan at lumikha siya ng kaaya-ayang kapaligiran sa klasrum at isang
kung saan malaya nilang nagagamit at nasusuri ang wikang pinag-aralan.

You might also like