Farm School

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PANGKALAHATANG ALITUTUNTUNIN AT REGULASYON

Kwalipikasyon ng Pagpasok
Ang pagpili sa mag-aaral ay nakabase sa kanyang kakayahan at kaangkupan sa sistema at ng
kanyang pamilya. Samakatuwid ay hindi lamang ang mag-aaral ang sumasailalim sa proseso
ng pagtanggap kundi gayundin ang kanilang mga magulang

A. Kwalipikasyon ng mag-aaral
Ang mga mag-aaral na tatanggapin ay kinakailangang nagtataglay ng mga sumusunod:
1. Lalaki na may edad na 11-16 sa panahon ng pagpasok sa hunyo.
2. Nagkapagtapos.
3. Maipapasa ang pagsusulit na binubuo ng mga pagsubok sa kakayahan at kaalaman sa
Mathematics, Science, English at Abstract Reasoning.
4. Maipapasa ang panayam na isasagawa ng pamunuan ng paaralan.
5. Maipapasa ang pamantayan para sa Family Visit.

B. Kwalipikasyon ng mga Magulang


1. Mayroong kabuhayang (pangunahin o sekundarya) kaugnay ng agrikultura tulad ng
pagtatanim ng halaman, pag-aalaga ng hayop, pagngangalakal ng produktong agrikultural,
pagbebenta ng produktong agrikultural at supplies at pagpoproseso ng produktong mula sa
halaman o hayop. Maaari ring dati nang nagkaroon ng nabanggit na kabuhayan, itinigil o kaya
may potensyal na magkaroon nito.
2. Makakapasa sa interview na isasagawa ng Academic Head o School Director.
3. Naniniwala sa pilosopiya ng edukasyon na angkop sa sistema ng Family Farm school.
Interesado sa sistema ng Edukasyon ng paaralan.
4. Handang makilahok sa mga pormasyong ibibigay ng FFS.
5. May kakayahang suportahan Ang mag-aaral sa aspetong material ay pinansiyal.
6. Makikipagkasundo ukol sa pormasyong espiritwal at pagkamakabayang ipinagkakaloob ng
paaralan.

Pagpapatala
A. Unang Antas
Sa pagpapatala kinakailangan ibigay ng kwalipikadong mag-aaral ang mga sumusunod na
pangangailangan upang pormal siyang maging mag-aaral:
1. Orihinal na form 138 o Grade 6 Report Card
2. Certificate of Good Moral Character mula sa paaralang pinanggalingan.
3. NSO – Authenticated Birth Certificate
4. Medical Certificate
5. Pinakabagong kopya ng larawan (2 pcs 2×2 at 4 pcs 1×1)

B. Ikalawa at ikatlong Antas


Kinakailangan lamang ibalik Ang Report Card at bayaran ang itinakdang bayarin.
Ang DiFFS ay may karapatang tanggapin, di - tanggapin at itiwalag ang isang mag-aaral batay
sa kanyang pagganap sa mga tungkuling pang – akademiko o pag – uugali ayon sa mga
itinakdang alituntunin ng paaralan.

Paglipat sa DiFFS

Ang sinumang mag-aaral Mula sa ibang high school na nasa mataas na antas na at nais
lumipat sa DiFFS ay dapat nagtataglay ng mga kwalipikasyon at kinakailangang mag – umpisa
sa unang antas.

Schedule of Fees
1. Ang pagbabayad ng standard school fees ay maaring cash o installment basis. Kapag
installment basis Ang gagawin kinakailangag magbayad ng 15% ng kabuuan ng Standard
school fees sa panahon ng pagpapatala.
2. Ang natira ng 15% ay hahatiin sa apat na installments na dapat bayaran bago kukuha ng
quarterly exams.
5. Sa pagbubukas ng school year, Ang mag-aaral na magdadrop sa loob o pagkatapos ang
isang linggo sa umpisa ng klase nakadalo man o Hindi sa klase; nakapagbayad man ng buo o
installment ng kanyang tuition at iba pang school fees; ay papatawan ng 10% multa para sa
kaukulang bayarin na sakop ng panahon. Kung mag – drop pagkatapos ikalawang linggo
matapos mag – umpisa ng klase ay papatawan ng 20% multa sa babayarin. Kung mag-drop
matapos Ang ikalawang linggo ng klase ay kailangan bayaran ang kabuuang school fees para
sa taon.

Scholarship Grants at financial Assistance


Sa sistema ng pag-aaral sa Dingle Family farm school at sa mga pormasyong ibibigay nito,
umaabot sa apatnapung libo (P 40,000) ang maaaring magastos ng isang mag-aaral sa loob ng
isang taon ngunit ito ay napupunan ng ilang mga donors sa pamamagitan ng pagbibigay ng
scholarship grants at financial assistance. Sa halip na bayaran ang halagang nabanggit, isang
libo at tatlong daang piso (P 1,300.00) na lamang ang kinakailangang bayaran ng mag-aaral
dahil ang tatlumpu't walong libo at pitong daang piso (P 38,700.00) ay babayaran ng donor.
Nangangahulugan lamang na ang bawat mag-aaral ng Dingle Family farm School ay isang
iskolar. Ilan sa mga kumpanya at institusyong tumutulong sa paaralan ay ang Dingle Family
Farm School Foundation, Inc at Financial Assistance for Private Education- Educational Service
Contracting. Sinumang mag-aaral ay kinakailangang mapanatili ang magandang academic
standing upang patuloy niyang makuha Ang scholarship grant. Kinakailangang lumagda Ang
magulang at grantee sa kasunduan tungkol sa scholarship.

Suspensiyon ng klase
1. Hindi suspendido ang klase may bagyo man o idineklarang National holiday kapag Ang mga-
aaral ay nasa paaralan na nang panahong iyon. Masususpinde lamang ito kung nagkataong
lunes o Biyernes Ang tinapatan ng bagyo o National Holiday.
2. Ang iba pang pagsuspinde ay pahihintulutan lamang base sa napagkasunduang piyesta
opisyal ng buong lupon ng mga Tutors.

Penalties
1. Ang isang mag-aaral na hindi nakakuha ng pagsusulit sa itinakdang iskedyul ng walang sapat
na kadahilanan ay magkakaroon ng penalty na P 30.00 kada asignaturang hindi niya nakuha.
2. Ang bawat late registrants sa panahon ng enrollment sa ikalawa at iba pang antas ay
papatawan na multang P100.00.
3. Ang mga magulang na hindi makakadalo ng quarterly meeting at iba pang okasyon at
gawaing pampaaralan ng walang sapat na kadahilanan ay papatawan ng multang P100.00.

Promosyon ng Mag-aaral

Academic Subjects
1. Ang promosyon ng isang mag-aaral para sa mas mataas na antas matapos ang huling
markahan (fourth grading period) ay base sa asignatura (subjects) at unit na maipapasa.
2. Ang sinumang mag-aaral na nakapasa sa lahat ng pangangailangan pang-akademiko ay
ililipat sa mas mataas na antas.
3. Ang mag-aaral na pasado Ang basic subjects at iba pang asignaturang pang-FFS lamang
subalit bagsak ang Farm Notebook ay hindi maaaring ilipat sa susunod na antas.
4. Ang isang mag-aaral na may bagsak na 4.5 units o mas mababa pa ay hindi na maaaring
ilipat sa susunod na antas maliban lamang Kung maipasa niya Ang removal exams at
makompleto Ang refreshing course.
5. Ang mag-aaral na napatawan ng suspensyon ay kailangan munang tapusin ang panahong
itinakda bago makakuha anumang exam.

Farm Notebook
Una at lkalawang Antas
1. Ang isang mag-aaral ay kailangang kumpletuhin maipasa ang mga ulat sa Form Notebook
bago siya makapunta sa susunod na markahan.
2. Ang isang mag-aaral na hindi makapagpasa ng anumang ulat sa takdang araw ay ituturing
ang ulat na “late” o huli. Ito ay bibigyan ng marka na hindi na tataas pa sa lima (5). Kailangan
maipasa niya ang mga kulang na ulat bago matapos ang “grading period” kung saan ang mga
ito ay nabibilang.
3. Kung hindi makompleto ang Farm Notebook matapos ang isang grading period ay bibigyan
ng INC sa kasalukuyang markahan. Kinakailangang matapos muna ng mag-aaral ang bawat
ulat sa Farm Notebook bago siya makapagpatuloy sa susunod na markahan.

Ikatlong Antas
1. Ang Farm Notebook sa ikatlong antas ay tinatawag na Farm Improvement Project (FIP), Ang
isang mag-aaral ay dapat makagawa, makapaglahad at maisakatuparan ang nasabing
proyekto.
2. Kapag Hindi nakapasa ang proyekto ayon sa pamantayan ng paaralan, hindi siya
pahihintulutan sa sunod na antas. Bibigyan siya ng pagkakataong mailahad muli ang kanyang
FIP. Kung hindi pa rin niya ito maipasa sa pamantayan, hindi siya makakasama sa mga
magsisipagtapos.
Pag – uulit ng Antas
1. Sinumang mag-aaral ay bibigyan lamang ng isang (l) pagkakataon na mag-ulit ng antas o
taon (repeater).
2. Ang mag-aaral na may bagsak na 4.6 o higit pang units ay mananatili sa kanyang antas.
3. Ang mag-aaral na bagsak ang Farm Notebook ay mag-uulit ng antas.

Mahabang Pagsusulit
1. Ang mahabang Pagsusulit ay ibinibigay bago Ang bawat markahan. May apat na markahan
sa loob ng isang taong panunuruan.
2. Bawat mag-aaral ay kailangang kumuha ng test permit bago ang nakatakdang araw ng
pagsusulit.
3. Sinumang mag-aaral na may obligasyong pinansiyal ay hindi mabibigyan ng test permit.

Pagkuha ng Removal Exam


1. Ang mag-aaral na may bagsak na 4.5 o mas mababa pang yunits base sa pinakahuling
pagtataya ay bibigyan ng pagkakataong kumuha ng removal exam kung papayagan ng lupon
ng tutors. Kung hindi, kinakailangan niya itong maipasa sa pamamagitan ng Summer Classes.
2. Ang isang mag-aaral ay bibigyan lamang ng dalawang pagkakataong na kumuha ng removal
exam kung may pahintulot ng lupon ng mga Tutors.
3. Ang pagkuha ng removal exam ay may bayad na P100.00 / subject/take
4. Bago tanggapin ang mag-aaral sa mas mataas na antas, kinakailangang naipasa na niya ang
mga bagsak na asignatura. Upang mangyari ito, pinahihintulutan silang mag-summer class sa
ibang paaralan.

Paglipat sa ibang paaralan


Kung ang isang mag-aaral ay nagnanais nang lumipat ng ibang paaralan, kinakailangang
makipag-ugnayan muna siya at ang kanyang mga magulang.
Kinakailangan din makumpleto niya Ang mga sumusunod.

1. Clearance form na nagpapatunay na Wala na siya at ang kanyang mga magulang na


anumang obligasyong pangakademiko at pinansiyal sa paaralan at DFFAI.
2. Pagtingi ng Form 138 (report card) at certificate of good moral character sa nakatalagang
Registrar ng pangalan o Punung-guro tatlong araw bago ang nakatakdang araw ng
pangangailangan nito.

Pagkuha ng Credentials
Walang anumang dokumento (credentials) ang ibibigay sa mag-aaral na nagtapos o nagnanais
lumipat kung mayroon pa siyang obligasyong pinansiyal sa paaralan o kung hindi pa natatapos
ang panahon ng suspensyon kung napatawan siya nito. Ang mga mag-aaral na kukuha ng mga
credentials tulad ng report card, certificate of good moral character, school recognition at
transcript of records ay dapat munang magpakita ng akomplisadong clearance form.
Ang request sa transcript of records ay dapat nanggaling sa pinapasukang Kolehiyo o
Universidad at pirmado ng Registrar nito. Ito ay tatlong araw ang pagpoproseso matapos
matanggap ang request.
May kaukulang bayad ang mga dokumentong hinihiling:
a. Transcript of records
b. Report Card
c. Certificate of Good Moral Character
d. School Recognition
e.
KURIKULUM AT SISTEMA NG PAGMAMARKA

Kurikulum
Ang DFFS ay may kurikulum na Basic Education Curriculum na ibinibigay sa loob ng apat na
taon. Pinakatampok na asignatura ng kurikulum ang Form Improvement Project at Agriculture.

TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD
Ang pagpapatala ng isang mag-aaral sa DFFS ay nagpapakita ng kanyang kagustuhan at ng
kanyang mga magulang o tagasubaybay na sumunod sa mga alituntunin ng paaralan.
Nangangahulugan ang mga mag-aaral at mga magulang o tagasubaybay ay taos – pusong
susundin ang mga ito.
Ang mga alituntuning ito ay gabay upang maging maayos at maganda ang pamumuhay ng mga
mag-aaral sa paaralan.
1. Sumunod sa mga tungkulin at patakaran ng paaralan.
2. Mag-aaral nang mabuti at gawin ang takdang aralin.
3. Gawin ang mga tungkulin sa bahay, bukid, at hayupan.
4. Maging maayos at malinis sa sarili.

PATAKARAN UKOL SA KAASALAN NG MAG-AARAL

Pagdalo sa Klase
1. Ang oras ng pagpasok ay 7:30 ng umaga.
2. Walang maaaring lumabas ng paaralan nang walang pahintulot ng nakatalagang tutor (tutor
of the Day).
3. Nangangailangan ng “excuse letter” Mula sa magulang sa anumang pagliban sa klase. Ito ay
ibibigay ng Kung sino man ang kanilang maatasan sa araw ng lunes ng “cycle” na siya ay
lumiban. Kailangan din na ipadala ang takdang aralin at Farm Notebook na ginawa upang
magkaroon siya ng grado sa mga ito. Sa kanyang pagliban sa klase, reaponsibilidad niya ang
manghiram at kumopya ng mga naitalang pinag-aralan sa bawat asignatura upang mapag-
aralan ang mga ito. Kinakailangan din na lumipat siya sa mga tutors sa susunod na cycle na
pagpasok niya upang kumuha ng mga make-up sa pagsusulit.
4. Walang mag-aaral na maaaring ipasa sa susunod na antas kung ito ay hindi nakadalo sa
dalawang (2) magkasunod na cycles. Katumbas din nito ay ang pagliban na nangyari sa ibat-
ibang cycle na may kabuuang bilang na 15 araw. Ito ay epektibo sa lahat, may excuse letter
man o wala.

5. Ang tatlong beses na sunud-sunod na pagpasok nang huli ng isang mag-aaral tuwing lunes
ay nangangahulugan o katumbas ng isang araw na pagliban sa klase.
6. Kung nais nang lumipat o huminto sa pagpasok ng isang mag-aaral, nangangailangang
makipag-ugnayan muna Ang magulang sa punong-guro ng paaralan,

Pagsusuot ng I.D.
1. Sinumang mag-aaral ay dapat magsuot nang Tama at sariling I.D. habang nasa loob ng
paaralan.
2. Tuwing magsasagawa ng interview para sa Form Notebook ay dapat rin nakasuot ng I.D.

Uniporme at iba Pang Kasuotan


1. Ang opisyal na uniporme ng paaralan ay polong berde, pantalong itim (hindi rubber shoes)
kung Martes. Long sleeves (kahit anong kulay), itim na pantalon, at balat na sapatos kung
Miyerkules, long sleeves na berde, itim na pantalon, at itim na sapatos kung Huwebes.
2. Para sa subject na PE, putting t-shirt na may logo, jogging pants at rubber shoes.
3. Sinumang mag-aaral na makikipanayam para sa paksa at babalik sa paaralan sa panahon ng
form period para sa panabaliksik, paggawa ng proyekto, takdang aralin ay dapat nakasuot ng
tamang uniporme maliban kung may okasyon sa paaralan na hindi kailangang mag-uniporme.

Iba pang Kagamitang kailangan dalhin


1. Toothpaste, toothbrush at suklay
2. Sirbelyeta ( table napkin) – 12 ×12 inches (white)

Pansariling Kaayusan
1. Ang isang mag-aaral ay dapat may maayos na gupit (maiksi sa bahagi ng teynga at
hindi na natatakpan ng buhok ang mata.
2. Hindi pinahihintulutan ang pagpapakulay ng buhok maliban sa natural nitong kulay.
3. 3. Ang pagpapabutas ng teynga at paglalagay ng hikaw, pagpapahaba ng kuko ay
mahigpit na ipinagbabawal
4.
5. Paggamit ng Pasilidad
6. Ang lahat ng gamit sa paaralan ay kailangang ingatan. Anumang bagay o gamit na
masira ng isang mag-aaral ay kailangan bayaran o palitan ng mismong bagay o gamit.
7. 1. Sa Loob ng Paaralan
8. a. Panatilihing malinis ang paaralan
9. b. ayusin ang pagkakaayos ng silya at mesa matapos gamitin.
10. c. ang huling lalabas sa kuwarto ang siyang magpapatay ng mga may sinding ilaw.
11. d. Ipagbigay alam agad sa "day tutor" o sa "repairs committee" Ang anumang bagay na
nasira o nabasag.
12. e. Anumang bagay ang napulot ay ibigay sa "day tutor" na siyang magsasa-uli sa may-
ari.
13. f. Ipaalam agad sa "day tutor" ang anumang bagay na nawawala
14. g. Bawal tumigil sa opisina ng mga "tutors" at sa silid pulungan ng mga guro.
15. 2. Sa Silid-Kainan
16. a. Pumila muna sa labas at hintayin ang pahintulot ng "day tutor" bago pumasok dito sa
oras ng kainan
17. b. Panatilihing maayos at malinis ang silid na ito
18. c. Maki-usap sa katabi kung may malayong bagay sa mesa na nais makuha
19. d. Katamtamang dami lamang ng pagkain Ang kunin at kumuha lamang kung ubos na at
gusto pa.
20. e. Hanggang sa hugasan lamang maaaring pumasok ang mag-aaral.
3. Sa Aklatan
a. Ibalik nang maayos Ang mga libro matapos gamitin.
b. Makipag-ugnayan sa “librarian” Kung nais humiram ng libro.
c. Anumang nasira o nawalang libro ay papalitan ng mismong libro
d. Huwag maingay sa loob ng silid-aklatan
e. Bawal kumain sa loob ng silid-aklatan

4. Sa loob ng Classroom
a. Panatilihing maayos at malinis Ang mga nesa, silya, at iba pang Kagamitan
b. Huwag sulatan Ang mga mesa at silya
c. Magpa-alam sa “tutor” kung nais lumabas
d. Itapon Ang basura sa tamang tapunan

You might also like