Reviewer in AP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Reviewer in AP – 1st Periodical

Kasaysayan – ay nakatuon sa pag aaral sa pamumuhay ng tao sa nakalipas na panahon. Ang


salitang kasaysayan ay hango sa salitang saysay na ang kahulugan ay halaga o kabuluhan. Sa
wikang ingles, ito ay tinatawag na history, na hinalaw naman sa salitang Griyego na historia na
nangangahulugang “pag-alam sa pamamagitan ng pagsasaliksik”.

Multidisiplinaryo – ang paraan ng pag-alam ng isang historyador sa mga paliwanag, pananaw, at


kaisipan na nakapaloob sa iba’t ibang agham panlipunan patungkol sa isang kaganapan.

Herodotus – kinikilala siya bilang “Ama ng Kasaysayan” dahil sa pagsulat niya ng akdang The
Histories.

Agham Pampolitika – sa larangang ito, sinusuri ang pagkilos ng estado at ang mga institusyon na
saklaw nito.

Ekonomiks – ang sangay nito ay naglalayong ilarawan at suriin ang produksiyon, distribusyon, at
pagkonsumo ng yaman.

Sosyolohiya – nakatuon ang larangang ito sa paraan ng pagkilos at kaasalan ng isang lipunan,
gayundin sa interaksiyon sa ibang mga lipunan.

Antropolohiya – ang tao ang sentro sa pagsusuri sa larangan na ito. Saklaw nito ang pag-aaral sa
pisikal na aspekto (biyolohiya), ebolusyong pisikal, at mga katangian ng mga lipunan at kultura
ng tao

- ay halaw sa mga salitang Griyego na anthropos na nangangahulugang “tao” at logos na


nangangahulugang “pag-aaral”.

Pisikal na antropolohiya – nakatuon sa katangiang pisikal at ebolusyon ng sangkatauhan at


etnolohiya.

Kultural na antropolohiya – tumatalakay sa katangian ng kultura ng mga pangkat ng tao.

Arkeolohiya – ito ay ang pag-aaral at pagsusuri ng mga material na labi o artepekto (artifact) at
iba pang nilikha ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng mga kasangkapan, gusali, templo, at
libingan.

- ay mula sa salitang Griyego na arkhaiologia na nangangahulugang “pag-aaral ng mga


sinaunang bagay”.

Heograpiya – pinag-aaralan sa larangang ito ang interaksiyon ng tao sa kapaligiran.


Sikolohiya – nilalayon sa pag-aaral na maunawaan kung paano gumagana ang isip ng tao at ang
epekto nito sa kaasalan niya.

Lingguwistika – saklaw ng araling ito ang pag-aaral sa katangian, balangkas, at pagkakaiba ng


mga wika sa mundo.

Kasaysayan ng sangkatauhan – ay tinatangkang ipaliwanag ng mga historyador sa pamamagitan


ng pagbuo ng mga paliwanag na magbibigay-linaw sa pagkilos ng mga tao, lipunan, at bansa sa
kanilang kasaysayan.

Pilosopiya ng kasaysayan – ay nabuo sa iba’t ibang kapanahunan na sumasalamin sa


namamayaning kaisipan ng mga tao noon.

Giambattista Vico – italyanong pilosopo (ika-17 siglo – ika-18 siglo)

- may akda ng Scienza Nuova o New Science (1725)

- Ayon sa kanya, may tatlong yugto ang sangkatauhan

Panahon ng mga diyos (age of gods) – kung saan naniniwala ang mga tao na sila ay nasa ilalim
ng kautusan, patnubay, at pamamahala ng mga diyos.

Panahon ng mga bayani (age of heroes) – kung saan ang naghahari ay ang mga aristokrata na
pawing makapangyarihan at maimpluwensiya sa mga karaniwang tao.

Panahon ng mga tao (age of men) – kinikilala ang pagkapantay-pantay ng mga tao sa kanilang
kalikasan.

Oswald Spengler – Aleman na Historyador (ika-19 siglo – ika-20 siglo)

- may akda ng The Decline of the West (ang kasaysayan ng sangkatauhan ay katulad ng
kalikasan)-

- ayon sa kanya, ang kasaysayan ay larawan ng patuloy na pagbuo at pagbabagong ayos ng mga
lipunan, kultura at kabihasnan

- nagwawakas man ang kabihasnan ay hindi nangangahulugang nagwakas ang sangkatauhan;


bagkus ay may bagong sisibol na kapalit
Arnold Toynbee – ingles na historyador

- pilosopo ng kasaysayan na may akda na A Study of History

- mayroong modelo ang pagpapaliwanag sa pagkilos ng mga tao. Ito ay nakabatay sa batas ng
hamon at tugon (challenge and response)

Fernand Braudel – Pranses na Historyador

- The Mediterranean and the Mediterranean World in the Age of Philip II noong 1949

Courte duree – sumasaklaw ito sa maikling panahon na nakatuon sa mga indibidwal na tao sa
kani-kanilang mga gawain.

Conjoncture – sumasaklaw ito sa pagkilos ng mga intitusyon, kalagayan ng ekonomiya, at


estraktura ng lipunan na higit na mas mabagal at mas matagal ang epekto na masusukat sa 10-
50 taon.

Longue duree – sumasaklaw ito sa kalagayang pangklima at pisikal na katangian ng isang lugar.

Lahi – ay isang konseptong panlipunan na binuo upang pangkatin ang mga tao batay sa
pagkakaiba sa katangiang pisikal (taas, pangangatawan, kulay ng balat, buhok) at kaasalan.

Prehuwisyo (prejudice) – saloobin at opinion na walang katanggap-tanggap na batayan na


nagreresulta sa pagwawalang-bahala ng karapatan ng isang tao.

Diskriminasyon – hindi pantay na pagtrato ng tao sa ibang tao; maaring nasa anyo ng mataas na
pagtangi o mababang pagtingin sa iba

Pangkat etniko – isang paraan upang klasipikahin ang mga tao ay batay sa kanilang pinagmulan
(ancestry) at katangiang kultural.

Wika – sa pamamagitan nito, naisasalin sa bawat henerasyon ang mga kasanayan at kaalaman
ng isang lipunan. Ito ay nagsisilbi ring paraan sa pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan

Pidgin Language – ito ay isang wika na halaw ang bokubularyo at estraktura mula sa dalawa o
higit pang pangkat.

Lingua Franca – ang wika ng komunikasyon at kalakalan sa malawak na lugar. Ito ay kadalasang
sinasalita ng mga taong iba ang inang wika (mother tongue) o unang wikang natutunan.
Indo-European – ito ang pinakamalawak at pinakalaganap na wika sa buong mundo na siya ring
pangunahing wika sa mga bansa sa kontinente ng Europa, Hilaga at Timog Amerika, Australia, at
sa mga bahaging Timog-Kanlurang Asya, India, at Rusya.

Afro-Asiatic – binubuo ito ng dalawang sangay: ang Semitic at Hamitic

Semitic – ang wika ng mga naninirahan sa tangway ng Arabia, mula sa lambak ng Tigris-
Euphrates hanggang sa Syria at sa Hilagang Aprika

Hamitic – nalaganap ito sa bahagi ng Morocco, Algeria, at Sahara

Niger-Congo o Niger-Kordofanian – Laganap ang wikang ito mula sa timog ng Sahara hanggang
sa dulo ng Aprika.

Altaic – laganap ang pamilya ng wikang ito sa mga rehiyon ng Gitna, Hilaga, at Silangang Asya.

Uralic – sa hilagang Eurasia matatagpuan ang mga lipunang nagsasalita ng ganitong wika tulad
ng Finnish, Hungarian, Estonian, Mansi, at Mordovian.

Austronesian - saklaw ng pamilya ng wikang ito ang mga kapuluan ng Pasipiko tulad ng
Pilipinas, Indonesia, at Malaysia.

Austroasiatic – ipinangkat sa pamilyang ito ang wika ng mga naninirahan sa mainland Timog-
Silangang Asya tulad ng Vietnam, Cambodia, Thailand, at tangway ng Malaysia.

Sino-Tibetan – pinakamaraming tao sa mundo ang nagsasalita ng Han Chinese (Mandarin), na


kabilang sa pamilyang ito.

Iba Pang Pamilya ng Wika – matatagpuan sa mga refugee areas (kanlungan ng maliliit na
lipunan) ang ilang pamilya ng wika na may maliit na bilang ng nagsasalita.

Relihiyon – ay sistema ng paniniwala at mga Gawain na kumikilala sa pagkakaroon ng


kapangyarihan higit sa tao.

Monoteismo – kumikilala sa iisang diyos

Politeismo – sumasampalataya sa maraming bilang ng diyos.

Judaismo – ay ang unang relihiyon na uminog ang pananampalataya sa iisang diyos na


pinaniniwalaang lumikha sa lahat.

Kristiyanismo – itinuturing na pinakamalaking relihiyon base sa bilang ng mga kasapi


Islam – ito ay naitatag sa Arabia at nangangaral ng pagsunod sa kagustuhan ng iisang diyos na si
Allah.

Koran – ang banal na aklat ng mga Muslim

Hinduismo – ay sumasamba sa maraming mga diyos na may control sa iba’t ibang aspekto ng
buhay

Jainismo – nangangaral ng ahimsa (paggalang sa lahat ng may buhay) at reengkarnasyon


(pagkabuhay na muli sa ibang katawan o anyo matapos ang kamatayan).

Sikhismo – may ilang element ng Islam at Hinduismo na pinagsama sa kanilang paniniwala tulad
ng pagkakaroon ng iisang diyos at pamumuhay ng marangal at may tamang kaasalan

Budismo – ay nakabatay sa Four Noble Truth ni Siddharta Gautama

Siddharta Gautama – kinikilala sa tawag na Buddha na nangangahulugang naliwanagan


(enlightened)

Lumang Kaharian (sirka 2613-2181 BCE) – kinikilala ang panahong ito sa husay ng pamahalaan,
kagalingan ng pagsasaayos ng mga mapagkukunang yaman, maunlad na lipunan, at natatanging
mga asal at paniniwala.

Ra – ang tagapaglikha at diyos ng araw

Pinuno ng Ehipto – tinatawag na paraon at kinikilala siya ng mga Ehipsiyo bilang anak ni Ra

Step Pyramid – itinayo ni Djoser sa Saqqara, ito ay anyong bai-baitang kaya tinawag itong
_______.

Bent Pyramid – itinayo ni Sneferu sa Dashur, baluktot ang hitsura nito

Giza Ehipto – matatagpuan ang pinakamalaking piramide na kabilang sa Seven Wonders of the
Ancient World at isa ring UNESCO World Heritage Site

Khufu – itinayo nya ang pinakamalaki at pinakamatanda na pyramid

Khafre – itinato nya ang pangalawa sa pinakamalaki na pyramid

Menkaure – itinayo ang pinakamaliit sa tatlo na pyramid


Gitnang Kaharian (2040-1782 BCE) – muling naisaayos ang pamahalaan ng Ehipto

Mentuhotep II – tagapagtatag ng ika-12 dinastiya ng Gitnang Kaharian

Composite bow – ay isang uri ng pana na binubuo ng tatlong materyales; kahoy, sungay, at litid
ng hayop.

Bagong Kaharian (sirka 1570-1069 BCE) – sa pagsapit ng 1570 muling napagisa ang Ehipto

Ahmose I – kinikilala siya bilang tagapagtatag ng Bagong Kaharian

Akhenaten – siya ang paraon na pinalaganap ang monoteistang paniniwala at pagsamba kay
Aten

Hatshepsut – siya ang babaeng paraon na gumamit ng kalakalan bilang polisiyang panlabas

Thutmose III – pinalawak niya ang hangganan ng Ehipto hanggang Ilog Euphrates

Ramesses II - siya ang paraon ng Bagong Kaharian na nakamit ang rurok ng kalakasan ng
kaharian

Haring Menes – siya ang paraon na napagisa ang itaas na Ehipto at ibabang Ehipto

Heroglipiko – pormal na sistema ng pagsusulat sa Ehipto

- mula sa salitang Griyego na heiro o sagrado at glyphos o pag-uukit

Solar Calendar – ang kaalaman nila sa pagsukat ng panahon ay makikita sa isang sistema ng
kalendaryo na nakabatay sa araw

- ito ay binubuo ng 365 araw na hinati sa 12 buwan na may tig-30 araw at pagdaragdag ng
limang araw sa hulihan ng taon

Surgery – sa larangan ng medesina, gumagamit sila ng mga halamang gamot sa pagpapagaling


ng karamdaman at nagsasagawa rin sila ng pag-oopera

Ra – diyos ng araw

Horus – diyos ng liwanag

Isis – diyosa ng mga ina at mag-asawa


Anubis – tagapangalaga ng mga namatay

Momipikasyon (mummification) – ineembalsamo ang katawan ng isang yumao upang hindi ito
mabulok o maagnas na siyang nagiging momiya (mummy)

Indus – ay mula sa salitang Sanskrit na sindhu na nangangahulugang ilog.

Mohenjo-Daro – ditto nahukay ang mga laruan tulad ng maze, dice, at board games

Veda – ito ang aklat ng kaalaman na pumapatungkol sa relihiyon, pilosopiya, at mahika ng mga
Aryan

Rig Veda – berso ng kaalaman

Indra – diyos ng pag-ulan at pinakamakapangyarihan sa lahat

Agni – diyos ng apoy

Surya – diyos ng araw

Vayu – diyos ng hangin

Indo-Aryan sintesis – ito ang tawag sa pagsasama ng kulturang Aryan at Dravidian

Varna (kulay ng balat) – ang mga mamamayan na malawak na lipunan ng mga Aryan ay inantas
batay sa kanilang Gawain o kabuhayan

Brahman – ito ang itunuturing na kaluluwa ng sansinukob ayon sa Upanishad

Kshatriya – binubuo ng raja, mga mandirigma, at mga maharlika

Vaishya – mangangalakal at artesano

Shudra – ang mga hindi Aryan na mga magsasaka at manggagawa

Dalit – sila ay hindi kasama sa varna at may trabahong itunuturing na marumi

Sanskritization – ito ang proseso ng pag-angat ng isang jati sa mas mataas na antas

Jati – ito ang mas maliit na pagpapangkat sa isang varna

Hinduismo – ang relihiyong ito ay bunga rin ng sintesis ng paniniwala ng mga Aryan ng iba’t
ibang kultura ng mga tao sa Indus

Brahma – tagapaglikha
Vishnu – tagapangalaga; pinakamaraming sumasamba sa kanya dahil sa Gawain niya para sa
kapakanan ng mundo

Shiva – tagasira; marami ding sumasamba sa kanya dahil sinasalamin nya puwersa ng buhay
(life force) na taglay ang kapangyarihang magbuo at sumira

Brahmana –patungkol sa paraan ng pagsamba at pagsasakripisyo

Upanishads – naisulat ang 108 diskusyon sa pagitan ng mag aaral at guro

Samsara – ito ang paniniwala na kapag namatay ang isang tao, pansamantala siyang pupunta sa
“mundo ng kaniyang ama” at pagkatapos ay babalik sa mundo sa panibagong engkarnasyon

Jina o mananakop – tinatawag si Mahavira (kilala rin bilang Vardhamana) bilang _______.

Jain – tinatawag na _____ ang mga nananalig sa kanya

Ahimsa – pamumuhay nang mapayapa at pagwaksi ng karahasan

Satya – pagsasabi ng katotohanan

Asteya – pag-iwas sa pag-angkin ng mga bagay na hindi ipinagkaloob

Brahmacharya – pag-iwas sa pag-iisip at paggawa ng mga makamundong bagay

Aparigraha – paglayo sa paghahangad ng kaligayahang material

Dharma – ito ang doktrina ng mga aral ni Buddha

Bodhisattva – mga taong naliwanagan ngunit ipinagpaliban ang pagkamit ng nirvana upang
makatulong sa ibang tao

Mahayana – dakilang balsa o sasakyan

Theravada – paraan ng matatanda

Mahajanapada – mga kaharian sa kahabaan ng Ilog Indus

Arthashastra – isang aklat-gabay na nililinaw ang pamamaraan ng pamamahala sa kalakalan,


agrikultura, pagbubuwis, pakikipag-ugnayang panlabas, at pakikidigma
Ashoka – ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na emperador ng dinastiyang Maurya na
ang sakop na lupain ay mula sa kasalukuyang bahagi ng Hindu Kush sa Afghanistan hanggang sa
Bangladesh

Dinastiya – ang pagkasunod-sunod ng mga namumuno mula sa iisang pamilya o angkan na


nanatili sa kapangyarihan sa loob ng mahabang panahon

Dinastiyang Xia – kauna-unahang dinastiya na naitatag sa Tsina

Dinastiyang Shang – naghari ang dinastiya mula 1766 hanggang 1122 BCE

Dinastiyang Zhou – sa lambak ng Wei nagmula ang ___________ na kinikilala bilang matatag na
kaharian sa kanluran ng Huang Ho

Tianming o mandato ng langit – ayon sa paniniwalang ito, nasa patnubay ng langit ang hari kung
siya ay marangal at maayos mamahala

Confucius (Kongfuzi) – ay mula sa aristokratang pamilya sa estado ng Lu sa hilagang Tsina.


Pilosopo mula sa Tsina na pinapahalagahan ang moralidad at etika sa usaping pampolitika

Ren (Jen) – ibig sabihin nito ay pagpapakatao o pagpapabuti

Li – ito ay nagpapakita ng kagandahang asal sa kapwa at paggalang sa batas

Yi – ito ay ang tawag sa pagiging matuwid o ang paggawa ng tama nang hindi naghahangad ng
anumang kapalit

Xiao (Hsiao) – ito ay ang paggalang sa matatanda

Zhi (Chi) – ito ay karunungang moral at kaalaman ng tama at mali

Dao – nangangahulugang paraan ng kalikasan

Wu wei – ito ay ang paglayo sa gawaing makamundo at sa halip ay mamuhay nang payak at
walang pagpapanggap at may pakikiisa sa kalikasan

Yin – ay simbolismo ng lupa, dilim, at kababaihan

Yang – sumasagisag sa kalangitan, liwanag, kalalakihan


Han Feizi – ay lalong nakilala sa pagkakalimbag ng kaniyang eponimong aklat na Hanfeizi

Dinastiyang Quin –

Lintong District sa Xi’an – matatagpuan ang libingan ni Shi Huangdi

Dinastiyang Han –

Wudi (Wu-ti) – binansagang “mapandigmang emperador”

Dinastiyang Sui – mula 581-618 CE ito namahala sa Tsina

Yang Jian - ang nagtatag ng Dinastiyang Sui at kinilala bilang Emperador Wen

Hittite – ito ay isang kabihasnan mula sa Anatolia na unang nakapagproseso ng bakal para
gawing armas at kasangkapan noong 1000 BCE

Phoenician – sa Canan at Lebanon nakapagtatag ng malayang kaharian ang mga ________.

Phoencia – ay halaw sa salitang Griyego na phoinike na nangangahulugang “lupain ng lila”

Hebreo – ang tawag sa mga taong nagsasalita ng wikang Hebreo

Haring Solomon – nakilala siya dahil nagawa niyang palakasin at patatagin ang kaharian ng
Israel

Torah – ay ang kalipunan ng mga rebolusyon ng kanilang mga propeta patungkol sa


pananampalataya

Persiyano – kabilang sa mga Indo-European ang pangkat ng mga Indo-Aryan na naglakbay at


nanirahan sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran

Mede – ang nauna sa pagbuo ng kaharian at nakilala bilang isa sa mga pangkat na lumupig sa
mga Chaldean

Cyrus II – pinagisa nya Achaemenid at Persiyano para kalabanin ang Mede

- kinilala bilang shah o hari ng Persiya at tagapagtatag ng Imperyong Achaemenid

Zoroastrianismo – nakapaloob sa aral na ito ang pagdakila ni Ahura Mazda (Auramazda) na may
lalang sa lahat at bukal ng kaliwanagan at katotohanan

Zarathustra – ipinalaganap nya ang Zoroastrianismo

You might also like