Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Ang Pag-

uwi ni Sally
Ni: Nelia D. Bamba
“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni nanay.
Pumunta na tayo sa terminal ng bus
upang salubungin siya. Isasama ko si
Tatay at Ben upang magbuhat ng mga
bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya
Rosa upang maghanda ng masarap at
paboritong pagkain ni Sally “ Hindi na ako
makapag hintay nanay! Pagkatapos ng
dalwang buwang pag tatrabaho ay uuwi na
siya,” sabi ni Ben. “Ano kaya ang
pasalubong niya sa akin?”
“Dumating at umalis na ang mga bus.
Nasaan na kaya si Sally?” Tanong ni Tatay.
“Malapit ng lumubog ang araw, hintayin
na lang natin ang susunod na bus, baka
naman ay doon sumakay si Sally,” Nag-
aalalang sabi ni Nanay.
Uminom ng tubig si Ben at itinago ang
kaniyang luha. “ Nanay, huwag kang mag-
alala, sigurado akong nasa susunod na
bus na si Sally.”
“ Heto na ang huling bus mula sa
lungsod!” wika ng Tatay. “Umasa tayong
diyan na nakasakay si sally.” nang
bumukas ang pinto, patakbo at masayang
bumaba si Sally at sabay sabing, “ Sa
wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”
“Nag-alala kaming lahat sayo,” wika ni
Tatay. “halika na, naghihintay na ang
paborito mong pagkain sa bahay” wika ni
Nanay.
Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally
upang buhatin ang kaniyang bag nang
mapansin ni Ben na may isa pang bag na
dala si Sally. “Ben, binili kita ng tatlong
bagong t-shirts at backpack,” wika ni
Sally. “ Maraming Salamat pero ang mas
importante ay magkakasama na ulit
tayong lahat.”
Takdang Aralin 3
Sipiin ang tsart sa inyong kwaderno.
Talaan ng Tagpuan Talaan ng Tauhan Talaan ng mga Pangyayari
"Upang magtagumpay,
kailangan muna nating
paniwalaan na kaya nating
magtagumpay"— Nikos
Kazantzakis

You might also like