Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

8/3/2021 Ang Katotohanan sa New Normal sa Pambulikong Paaralan - Issuu

Find creators and content FEATURES SOLUTIONS SUPPORT LOG IN TRY NOW

5 MINUTE READ

Ang Katotohanan sa New Normal


sa Pambulikong Paaralan

from SINAG 2020


by The BEACON Publications

Next Story
from 'SINAG 2020'
Itinuturing na 21st century learners ang mga mag-aaral sa henerasyong ito
dahil umano sa kanilang adaptive abilities, at ang pagkaangkla ng kanilang
pamamaraan ng pagkatuto sa teknolohiya. Noong araw, nasubukan nating pag-
aralan ang mga paksa kasama ang matinding gabay ng ating mga guro sa loob
ng apat na sulok ng silid-aralan. Ngunit sa panahon ngayon, ang mga magaaral
ang siyang nagsisilbing kani-kanilang mga personal na guro sa apat na sulok
ng kanilang mga tahanan. Ito ang kinalalagyan ng mga estudyante sa pagsibol
ng new normal at sa pagbukas ng panibagong akademikong taon. DIRETSAHAN

Sa kalagitnaan ng krisis na dulot ng COVID-19, isiniwalat ng Department of


Education (DepEd) ang kanilang plano sa pagpapatuloy ng klase sa
pamamagitan ng blended learning na binubuo ng online learning kasabay ng
pagbibigay ng mga modyul o CAPSLET (Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit). Isang kadahilanan dito ang mithiin na maibigay pa rin
ang karapatan ng mga kabataan sa libreng edukasyon sa kabila ng pandemya.
Subalit, kasabay nito ang mga pagsubok na siyang kinakaharap sa mga
pampublikong paaralan.

Nang mapagdesisyunan ng DepEd na simulan ang akademikong taon noong


ika-24 ng Agosto, ipinangako ng ahensya ang matinding preparasyon at ang
pagsasaalang-alang ng mga estudyanteng walang kakayahan sa online learning
—kabilang dito ang paggamit ng telebisyon at radyo sa pagtuturo. Sa kabila ng
pagsisikap ng ahensya, patuloy pa rin ang mga bumubuhos na problema nang
magsimula ang klase. Dahil dito, nag-isyu ang Malacañang ng memorandum na
nakaayon sa R.A. 11418 na nag-usad ng klase sa ika-5 ng Oktubre.

Ang ilang sa mga suliranin na kinakaharap ng DepEd ay ang sumusunod:


kahinaan ng internet connection, kakulangan ng mga modyul sa proseso ng
pag-aaral, at kawalan ng kasiguraduhan sa pag-unlad ng karunungan ng mag-
aaral.

Isa sa mga pinakamalaking salik na siyang nagiging hadlang sa epektibong


pag-aaral ay ang problema sa internet o data connection. Ito, kasama ng mga
gadyets ang siyang pinakapundasyon ng e-learning. Maraming mga Pilipino
ang naglabas ng kanilang mga hinaing ukol dito at iginiit na isa itong anti-poor
na aksyon. Ayon sa DepEd Information, Communications and Technology
Service Director na si Aida Yuvienco, nasa 26% lamang ang bilang ng mga
pampublikong paaralan ang may internet connection. Sa kalagayan at laganap
na kahirapan, mahihirapan ang mga pampublikong paaralan sa pagpapatuloy
ng klase lalo na at ika-83 lamang ang Pilipinas sa loob ng 183 na bansa
pagdating sa kahandaan para sa online learning ayon sa Department of Science
and Technology (DOST). Sa kabila ng kawalan ng katiyakan dito, pinili pa rin
ng DepEd na ipagpatuloy ang klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng
alternatibo sa mga mag-aaral, katulad na lamang ng CAPSLET. Nang magsimula
ang klase, nakitaan din ng mga problema ang mga ito dahil sa mga maling
impormasyong nakasaad dito. Kabilang na rin dito ang mga leksyon na ineere
sa telebisyon. Inamin naman ng DepEd ang kanilang mga pagkakamali sa mga

https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120 1/3
8/3/2021 Ang Katotohanan sa New Normal sa Pambulikong Paaralan - Issuu
learning materials na kanilang ibinabahagi. Ayon kay Education

Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga
pagkakamaling ito ay maaaring nagmula sa kawalan ng kontrol sa
pagpapanatili ng kalidad ng mga modyul at mga ineereng aralin sa telebisyon
dahil ilan sa mga ito ay gawa lamang ng mga lokal na departamento ng
paaralan. Nagpahayag naman si Education Undersecretary Alain Pascua na “…
may makakalusot talaga dahil we’re not living in a perfect world (hindi tayo
nabubuhay sa perpektong mundo).” Idinagdag din nito ang dami ng kanilang
ginagawang learning materials na siyang isa sa mga rason kung bakit may mga
hindi napapansing mali sa CAPSLET at sa mga iba pang pinagkukunan ng
aralin. Patuloy rin ang mga hinaing ng kabataan sa social media tungkol sa
kanilang mga karanasan sa online class na hindi umano nakatutulong o
nakadaragdag sa kanilang kaalaman dulot ng self-learning. Isa pang nakikitang
suliranin ay ang kawalan ng kasiguraduhan sa learning progress ng mga
estudyante dulot ng labis na pagtulong ng mga magulang o ng mga mas
nakatatandang kapatid sa pagsagot ng mga pagsusulit. Mas nagiging mahirap
mapunan ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa mga epekto na wala sa
kontrol tulad na lamang ng kawalan ng interes o atensyon sa pinag-aaralan na
siyang dahilan kung bakit ang mga magulang ang nagsisilbing mga mag-aaral.
Naglabas ng pahayag ang DepEd patungkol sa isyung ito at umapela sa mga
magulang na huwag sagutan ang mga pagsusulit na nakatalaga sa mga mag-
aaral.

Sa gitna ng mga pasulpot-sulpot na problemang hatid ng new normal sa mga


pampublikong paaralan, patuloy pa ring kinakaharap ng mga mag-aaral ang
mga epektong dulot nito sa kanilang edukasyon. Bagama’t nagsusulong ng
solusyon ang DepEd, hindi maipagkakaila ang kakulangan sa preparasyon o
kahandaan para sa online learning. Ayon sa isang pahayag ni DepEd Secretary
Leonor Briones noong Agosto, nais nilang iwasan ang pagkawala ng interes at
pagkahuli ng mga Pilipinong mag-aaral pagdating sa edukasyon. Kaya naman
ang pangunahing misyon nito ay patuloy na maibahagi ang serbisyong
edukasyon para sa mga kabataan. Sa kabila ng mga patong-patong na reklamo
at problema na kinahaharap ng mga mag-aaral, pinipili pa ring maging bingi
ng ahensya sa isinisigaw ng mga kabataan na tumatawag ng academic freeze.
Nakababahalang isipin na mithiin ng ahensiya ang pagtibayin ang kaalaman
ng mga mag-aaral, ngunit may pag-unlad nga ba talagang nakikita sa mithiing
ito? Nakababahalang isipin na mahigpit ang paniniwala ng ahensya sa
kanilang misyon na magbahagi ng maayos na kalidad ng edukasyon nang
walang solusyon sa mga suliraning ito. Kinakailangan bang magdusa ng mga
Pilipinong mag-aaral para lamang makamit ang hinahangad ng DepEd? Talaga
bang naghahatid-serbisyo ang ahensiya sa mga magaaral kung ang “serbisyo”
ay siyang nakikitaan ng problema? Ang “new normal” ba ay nagsilbing
solusyon upang muling makapag-aral o naging sanhi lamang ito ng panibagong
balakid sa karunungan? Kung ang mga mag-aaral noon ay lubusang nagabayan
ng mga guro, ang pinakamalaking ambisyon sa panahong ito ay maibalik ang
dating kalidad at sistema ng pag-aaral. Maaaring mas mabuti ang maghintay
na mayroong kasiguraduhang kaunlaran sa pagkatuto kaysa ang ipagpilitan
ang mga kondisyong hindi naaangkop sa kapasidad na mayroon ang ahensiya,
pati na rin ang mga mag-aaral. Oo, itunuturing 21st century learners ang
henerasyong ito ngunit wala itong magandang idudulot kung ang mismong
sistema ang siyang problema.

More stories from this publisher:

from 'SINAG 2020' from 'SINAG 2020' from 'SINAG 2020'

DIRETSAHAN 12 PANLIBANGAN SINAG 2020


https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120 2/3

You might also like