Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gawain 1.

1: Paglinang ng Talasalitaan
1. Panitikan

KAHULUGAN: Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito na rin ang pinakayapak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

PANGUNGUSAP: Maaaring makabuo ng ibat-ibang pananaw sa larangan ng panitikan.

2. Kahirapan

KAHULUGAN: Tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng pag-aaring
material o salapi.

PANGUNGUSAP: Patuloy na lumalago ang kahirapan dahil sa kawalan ng trabaho ng mamamayan.

3. Patimpalak

KAHULUGAN: Paglalaban sa husay, ganda, o iba pang katangian ng dalawa o mahigit pang kalahok para
sa isang gantimpala.

PANGUNGUSAP: Si crisy ay sumasali at umaawit sa mga patimpalak.

4.Kabuhayan

KAHULUGAN: Trabaho o pinagkakakitaan ng pang araw-araw na gastusin.

PANGUNGUSAP: Pagsasaka at pangingisda ang kabuhayan ng mga tao.

5. Pahayagan

KAHULUGAN: Naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan.
Nagbibigay din ito ng mga impormasyon tulad ng patalastas.

PANGUNGUSAP: Ang balita ngayon sa pahayagan ay may paparating na isang malakas na bagyo.

Gawain 1.2
Tanong
1. Ano ang paksa ng teksto?

Ang paksa ay tungkol sa pandemya sa gutom at kahirapan, idudulot ng mga lockdown at


restriksyon

2. Ano ang suliranin na kinakaharap batay sa tekstong binasa?


Ang mga suliranin na kinakaharap batay sa teksto ay ang mga sumusunod: dumarami ang mga
nagugutom at naghihirap dulot ng kawalan ng trabaho at mababang kita. Pati narin ang
kakulangan ng suplay sa pang araw-araw na pangangailan ng tao.

3. Ano ano ang epekto ng kalagayan ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng Pandemya?

Dahil sa pagkakaroon ng pandemya milyun-milyon na ang nawalan ng trabaho sa buong mundo


at nagkaroon ng pagkaputol sa daloy ng suplay hindi lamang ng pagkain, kundi pati ng mga
gamit sa produksyon dahil sa matinding restriksyon sa biyahe at produksyon. Dahil dito
dumarami na dumaranas ng gutom, na matatagpuan hindi lamang sa siksikan na mga
komunidad sa mga syudad kundi pati sa malawak na kanayunan.

4. Paano binago ng kahirapan buhat ng pandemya ang ating panitikan? Pangatwiranan ang iyong
sagot.

Dahil sa lalong paghihirap na nararanasan ng mga mamayang Pilipino. Nagkaroon ng lakas ng


loob ang mga tao na magpahayag ng opinyon at nararamdaman ukol sa pandemiyang ito. Para
maipaglaban ang kani kanilang mga karapatan at mga rekomendsyon sa sitwasyon.

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang pamagat upang maipakita ang tunay na
kalagayang panlipunan natin sa kasalukuyan. Ano ang pamagat nito at bakit?

“MAY PAGBABAGO PA BA?”

You might also like