Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REYES, Mitch Elmei A.

ACCTY 113

MILAGROS

Ang kwentong Milagros mula sa librong “Breaking the Silence” ni Lourdes Montinola ay
tungkol sa kung paano bumangon at lumaban ang mga Pilipino sa hirap at sakit na dinanas nila
mula sa kamay ng mga Hapon. Pinakita sa kwentong ito ang pagiging matapang ng isang
Pilipino sa kabila ng pagkakaalam na maari silang patayin ng mga Hapon sa bawat paglubog ng
araw at pag sakop ng kadiliman sa kapaligiran. Nakasaad din dito sa kwento ang pagiging
matatag ng isang Pilipino na hindi sila nag patinag sa mga malalakas na pagsabog ng bomba at
samga pagpapaulan ng mga bala tuwing sasapit ang gabi;bagkus tinatagan nila ang kanilang loob
at hindi sila nawalan ng pag asa na matatapos din ang lahat ng hirap na kanilang dinadanas sa
kamay ng mga Hapon. Pinakita din sa kwentong ito ang pagiging matulungin at maawin ng mga
Pilipino sa kanilang kapwa Pilipino na katulad ni Milagros; Si Milagros ay isang bata na nag
mula Settlement House sapagkat hindi na ito kayang alagaan dahil sa digmaang dumating sa
bansa. Kinukpop nila si Milagros at tinuring na tunay na kapamilya kahit ito ay hindi umiimik at
hindi kaaya aya ang itsura ngunit sa kabila nang pakikitungo sakanila ni Milagros minabuti padin
nila na pakitaan ito ng magandang pakikitungo. Pinakagusto kong parte ng istoryang ito ay
noong sinabihan sila ng kanilang Ama na “Tibayan ang loob” kahit alam na nila sa kanilang
sarili na sila na ang susunod; ito na ang kanilang katapusan. Talagang makikitaan ng katapangan
ang mga Pilipino hanggang sa huling pagkakataon na hindi sila sumusuko kahit alam nila na
wala na silang pag-asa at talagang makikitaan sila na lumaban sila hanggang dulo; hindi
sumusuko basta basta. Maihahambing ko ang mga katangiang pinakita sa istoryang Milagros sa
pagiging isang estudyante ng Far Eastern University sapagkat alam ko na sa kabila ng lahat na
pag dadaanan at kakaharapin naming problema ang mga estudyante ng FEU ay patuloy padin na
mag susumikap at lalaban gaano man kabigat ang kahaharapin na pagsubok. Mahirap man ang
tungkulin ng pagiging isang studyante, ngunit kami ay hindi susuko sapagkat alam namin na sa
kabila ng lahat ng paghihirap na ito ay mayroon itong kapalit na magandang kinabukasan para sa
aming buhay at para na din sa bansang kinalakihan Makikitaan din kami bilang studyante ng
kahusayan di lamang sa mga kung ano anong bagay ngunit maging sa mga pang akademiko dahil
ito ay isa sa prayoridad ng bawat estudyante. Ang pag susumikap ng bawat estudyante sa
kanilang pang akademiko ay hindi lamang para sila kanilang sarili na magkaron ng magandang
kinabukasan, isa sa mga dahilan nito ay ang kagustuhang mapaglingkuran at matulungan ang
bansa para maaiahon ang Pilipinas sa hirap na kinakaharap nito. Matagal na panahon na
nakakaranas ng paghihirap ang bansang Pilipinas mula sa pananakop ng iba’t ibang bansa at sa
tingin ko bilang isang estudyante ng FEU ay oras na para mag tulungan ang mga Pilipino sa
kung paano ito mapapaunlad at maiaahon sa kahirapan.

You might also like