Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nurzalyn L.

Loza

BSN-2

PANITIKAN-FINALS

TULA-SCRIPT

“Pilipinas sa Ilalim ng Pandemya”

Madaming buhay ang nagbago,

Simula noong sakit ay lumago.

Karamihan sa atin ay nanibago,

At halos ang lahat ay nabigo.

Madaming tao ang nawalan,

Isa na dito ang kanilang kabuhayan.

Pangalawa naman ang kanilang ari-arian,

At higit sa lahat ang namatayan.

Kalian nga ba matatapos ito?

Mga tao ay gusto na ng pagbabago.

Para ang lahat ay makapagsimula ulit,

At gawin ang dating gawi ng paulit-ulit.

Patuloy na naasa ang bansa,

Para sa pagbabago mula sa pinsala.

Na dinulot ng napapanahong sakuna,

Kung saan lahat sa atin ay napatumba.


Kaya laban lang mga taga Pilipinas,

Langit ay babalik din sa aliwalas,

Dahil lahat ng kahirapang ating dinanas,

Ay may kapalit na kasing tamis ng mansanas.

You might also like