Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 5

Pagsulat ng Bionote

KAHULUGAN NG BIONOTE
 Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay”
 Ayon kay Harper (2016), nagmula rin sa salitang Griyego ang salitang graphia na ang ibig
sabihin naman ay “tala”
 Sa pagsasanib ng dalawang salita, mabubuo ang salitang “tala ng buhay”
 Ang biography ay mahabang salaysay ng buhay ng tao. Mula rito ay nabubuo naman ang
bionote.
 Ayon sa Word-Mart (2009), ang bionote ay talata na naglalaman ng maikling deskripsyon
tungkol sa may-akda sa loob ng karaniwa'y dalawa hanggang tatlong pangungusap o isa
lamang talata na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinagtutungkulan.
 Isinusulat ang bionote upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling
panahon ng pagbasa.
 Tinitingnan ang bionote bilang “bio” o buhay at “note” na dapat tandaan, kaya masasabing ito ay
buhay na dapat tandaan.

ALAM MO BA NA ...
 Noon ay ipinakikilala ang mga susing tagapagsalita sa napakahabang pamamaraan at
nakakabagot para sa mga tagapakinig. Sa sobrang haba ng impormasyon, ito ay nakakaubos na ng
oras.
 Sa panahon ngayon, pinakikilala na lamang ang susing tagapagsalita sa pinaka-payak na
pamamaraan, kaya mahalagang matutunan ang pagsulat ng bionote.
 Ang bionote ay maikling talang pagkakakilanlan ng katangian ng isang tao batay sa kanyang mga
nagawa.
 Kalimitan itong binabasa upang ipakilala ang napiling susing tagapagsalita ng palatuntunan.
 Sa paglikha ng bionote nabibigyang-ideya ang mga tagapakinig o delegado kung ano ang
kakanyahan ng panauhing tagapagsalita sa sandaling panahon lamang.
 Ginagamit ang bionote sa paglalathala ng mga journal, magazine, antolohiya, at iba pang
publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala ng manunulat o sinuman na kailangang
pangalanan.

PAGKILALA SA BIONOTE, AUTOBIOGRAPHY AT CURRICULUM VITAE


1. Bionote - Ito ay maikli dahil siniksik ang mga impormasyon sa pagsulat ng maikling paglalahad
na itinatampok din lamang ang mga highlights ng kabuoan ng pagkakakilanlan.
2. Autobiography - Detalyadong isinasalaysay ang mga impormasyon hinggil sa buhay ng isang
tao.
3. Curriculum Vitae - Tinatawag din itong biodata na naglalaman ng mga personal na
impormasyong ginagamit sa paghahanap ng mapapasukang trabaho.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE


1. Dapat na maikli lamang ang nilalaman.
2. Palaging ginagamit ang ikatlong panauhan sa pagtukoy ng taong inilalahad o inilalarawan sa bionote.
3. Dapat kinikilala ang mambabasa na pagtutuonan sa pagsulat ng bionote.
4. Binibigyang-diin ang pinakamahahalagang impormasyon. Mahalagang gamitin ang pyramid style sa
pagsulat ng bionote upang maging gabay sa pagsulat - mula sa mga natamong karangalan hanggang sa
maliit na detalye ng kanyang buhay.
5. Bigyang-halaga lamangng angkop na kasanayan o katangian sa pagpapakilala ng panauhin.
6. Dapat maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.

Bio note
Higlights lamang, maikli, siniksik na impormasyon

Auto bio
Detalyadong isinasalaysay

Curriculum
Para magamit sa paghahanap ng mapapasukang trabaho
Nature of work ; about work

You might also like