ANCHETA - ARVIN - JHON - OBRERO - WORK - SHEET - LIT - 107 - Arvin Jhon Ancheta

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

QUIRINO STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Diffun, Quirino

MODYUL NG SARILING PAGKATUTO


DULAANG FILIPINO

ARVIN JHON O. ANCHETA


arvinjhonobreroancheta@gmail.com / arvinjhonobreroancheta@yahoo.com.ph
BSED III A FILIPINO

CHARLIE T. MERIALES
Subject Instructor

Pre-competency checklist
Panuto: Puntahan ang link sa ibaba upang subukin ang iyong kaalaman patungkol sa dulaang
Filipino. Sagutin lamang ito ng 10 minuto.

YUNIT I
ANG DULA

Talakayin: Bakit mahalaga sa mag-aaral ang kasaysayan ng panulaang Filipino/ panulaang


Filipino?
Dahil dito, maraming nagbago sa larangan ng panitikan at pagsusulat. Ngunit, nananatili
pa rin ang ugat ng kulturang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit natin kailangang pag-aralan ang
panulaang Pinoy. Ang likas na kultura ng ating bansa at ng mga taong sinasakop nito ay makikita
sa mga pahina ng panulaang Pilipino na isinulat ng ating mga ninuno. Tayo’y nag-aaral nito dahil
binubuhay nito at binibigyang halaga ang ating sariling panitikan, pagsusulat, at ang kultura ng
Pilipino.
Post-competency Checklist
Gamit ang paghahabi ng impormasyon, bumuo ng isang pagpapakahulugan sa salitang
dula.
Link
Ipaliwanag ang mga salitang nabuo sa chart, isaisahin at pagtagpitagpihin ang mga
impormasyon, ideya. (10pts)
ANCHETA_ARVIN JHON_GAWAIN_1

SINING

INIISIP NAKAKAALIW

DULA

MAY
IKINIKILOS
MENSAHE

REALIDAD
Paliwanag:
Ang dula ay isang Sining sapagkat ang kaisipan at damdamin nito ay nagmula sa Tao. Ito rin ay
nagdudulot ng kaaliwan sa mga manunuod. Ngunit ito’y may taglay na mensahe at kaalamang
dapat matutunan. Sakop din ng dula ang pagpapakita ng realidad kung anu ng aba ang totoo
kalagayan ng lipunan. Ito’y Ikinikilos ng sa tulong ng mga tao sa mga entablado. At ang
kabuuang paksa ng dula ay nagmula sa isip o iniisip ito ng isang manunulat.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1
Link
Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Bigyan ng mas malawak na pagpapaliwanag ang mga
pahayag ng bantog na manunulat na si Shakespear na “Ang mundo ay isang teatro…” gayun din
ang mga pahayag sa isang sikat na komersyal sa telebisyon na “Ang buhay ay drama…” Paano
nyo ito maipapaliliwanag sa makumbinsing paraan upang mapaniwala nyo ang inyong mga
kamag-aaral kapag ito ay inyong nang ibinahagi sa kanila. (10 pts)
ANCHETA_ARVIN JHON_O_GAWAIN_1.2

Paliwanag
“Ang mundo ay isang Teatro” - Masasabing ang mundo ay isang Teatro dahil sa laman nitong
realidad at totoong kalagayan o istoryang naranasan mismo ng mga tao. Ito’y karanasan na
siyang ibabahagi at ipapalabas sa entablado. Gaya ng ating mundo na siyang nagisislbing
entablado.

“Ang buhay ay drama” – Ang buhay ay drama sapagkat dulot ng buhay ang iba’t ibang
hinagpis at kasiyahang ating nararanasan. Minsa’y sagad ang dramang ating nararanasanat
minsa’y naman ay kasiyahan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO 2
Link
Panuto: Magsagot sa bukod na papel.
1. Ipaliwanag ang mga pahayag ng tanyag na manunulat na si Julian Cruz-Balmaceda na ang dula
ay “nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang akdang pandulaan o paghahanda baga ng akdang
tatanghalin, pagpili ng paksa, paghahanda ng balangkas, paglikha ng tauhan at pagbibigay ng
buhay sa paksang napili na umaalinsunod sa… paglalahad, buhol o kagustuhan at kalutasan o
kakalasan.” Pangatuwiranan ang inyong mga kasagutan.

2. Ipaliwanag: Ang isip ng tao o manunulat ay may sariling tanghalan. Dito muna ito itinatanghal
bago maging katha.
ANCHETA_ARVIN JHON_O_GAWAIN_1.2

KASANAYANG PAMPAGKATUTO 3
Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Sagot na lamang ang ilalagay sa inyong sagutang papel.
1. BANGHAY
2. TAGA PAMAHALA NG TANGHALAN
3. TAGA DISENYO NG TANGHALAN
4. BALANSE SA ENTABLADO
5. KOMPLIKASYON
6. TINDIG
7. PAGBAGSAK
8. KATULONG NG DIREKTOR
9. PAGPASOK
10. TEMA
11. TAGAPAGDITA
12. KUMPAS
13. DIYALOGO
14. PAGLAKAD
15. SAYNETE
16. TAGAPAMAHALA NG ENTABLADO/TRADEHYA
17. POSISYON
18. PARSA
19. AKTOR
20. KRISIS
21. DIRECTOR
22. DIREKTOR TEKNIKAL
23. RESOLUSYON
24. TANGHALAN
25. EXPOSISYON
KASANAYANG PAMPAGKATUTO 4
Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Magsaliksik ng 10 dula alin man sa mga uri sa loob ng
parirala (Pantanghalan, pantelebisyon, pangradio, pangpelikula) Tukuyin kung anong teorya ng
dula ang ginamit sa mga ito.
Teorya Pamagat ng Dula
Teoryang Humanismo ANG PAMANA
Teoryang Formalistiko DAHIL SA ANAK
Teoryang Imahismo KWENTO NG KALABAW AT KAMBING
Teoryang Realismo MAGANDA PA ANG DAIGDIG
Teoryang Feminismo MGA SANTONG TAO
Teoryang Sosyolohikal WALANG SUGAT
Teoryang Eksistensyalismo SA PULA, SA PUTI
Teoryang Romantisismo ANGHEL
Teoryang Naturalismo DEKADA 70
Teoryang Dekonstruksyon ANG PULUBI
KASANAYANG PAMPAGKATUTO 5
Panuto: Pang-isahang proyekto. Gumawa ng isang dayorama ng dulang tanghalan gamit ang mga
bagay na pinaglumaan, gawing malikhain ang inyong proyekto kahalintulad ng ipinakitang
halimbawa.
WALANG SUGAT NI SEVERINO REYES (2012)
YOUTUBE: https://youtu.be/d2xE7yBtC_I

Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang Sugat ay unang naipalabas sa ‘Teatro Libertad’ noong 1902. Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino
noong panahon ng mga Kastila. Ang mga temang gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino
Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino

PAGSUSULIT
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfKdW5c90yl5G6dT1PW6BpdExxcAOvh
PMCj3FiwOGONA5eiPQ/viewform?usp=sf_link

YUNIT 2
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG DULA SA PILIPINA
KASANAYANG PAMPAGKATUTO 6
Panuto: Magsagot sa bukod na Papel. Batay sa mga huling nabangit na epiko, pumili ng
isa sa mga ito, saliksin kung ano ang kanilang mga kuwento at isasalaysay ang buod nito sa isang
papel.
Matapos isina-konteksto ang napiling sinaliksik, gumawa ng power point ilagay ang
kontekstong sinaliksik. Kunan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pag-video talakayin ang iyong
sinaliksik. Matapos kunan ng video upload ito sa youtube pumili ng limang kaklase upang
panoorin ang inyong video ginawa. Bibigyan nila ito ng puntos ayon sa pamantayan sa ibaba

Pamantayan
Nilalaman Kapanipaniwala Nangangailangan May mga salitang Kulangkulang ang
ang video pa ng konting di naipaliwanag sa mga ideya
pinanood ayon sa impormasyon may video ginawa, nasa kanyang sinaliksik
sinaliksik. (10-9 mga 1-3 salitang di (4-5) ang hindi at hindi malinaw
pts) naipapaliwanag naipaliwanag sa ang kanyang
(8-7 pts) kanyang pagkakalahad (3-1
sinaliksik. (64 pts) pts

Organisasyon Napakaayos ang Maayos ang daloy Hindi gaanong Hindi maayos ang
daloy ng kanyang ng kanyang maayos ang ginawang video
pagtatalakay (10 pagtatalakay ginawang nasa (5-7) ang
pts) nangangailangan pagsasaliksik nasa dapat pang iayos
pa ng konting (1-4) ang hindi sa naturang video
pagsasakatuparan pagkakaayos ng
ng pagkakasunod detalye (64 pts)
ng detalye. (8-7
pts)
Malikhain Napakasining ang Masining ang Hindi gaanong Walang
pagkakagawa ng ginawang awtput masining ang kasiningan ang
awtput (10-9 pts) sa video (8-7pts) pagkakagawa ng ginawang awtput
video (65pts) (4-1 pts)
Kabuan: 40
Komento:
Kalakasan:

Kinakailangan pang paunlarin:

______
Ratee
Ratee 1 = Score
Ratee 2 = Score
Ratee 3 = Score
Ratee 4 = Score
Ratee 5 = Score
Total /5 = Overall score

Kunin ang kanilang score ilagay sa word ang binigay na score at i-pdf, ipasa sa link sa ibaba.
Link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSddtyLQfyvbh9zJuBPnnK3TbHhbcd2E66j2yA__M
w3RERznh g/viewform?usp=sf_link
Link of Your Video: ________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO 7
Panuto: Magsagot sa bukod na Papel. Kopyahin ang buong pagsasanay. Tukuyin ang mga
ipinapahayag.
PANUNULUYAN 1. Tinatanghal tuwing Disyembre.
TIBAG 2. Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija,
Bataan, Rizal at Bicol. Ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na
kinamatayan ni Kristo.
DALIT ALAY (FLORES DE MAYO) 3. Pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino
sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa
buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria. pinaniniwalaang nagsimula noong
1854.
PAGLAKAD NG ESTRELLA AT NG BIRHEN 4. Ito ay isinasagawa sa tuwing sasapit ang
araw ng kapanganakan ni Hesus kung saan sya ay isinilang sa araw ng kapaskuhan, isa itong dula
sa loob ng simbahan kung saan ay isinasabuhay ang pagtunton ni Birheng Maria tamang lugar
kung saan nya isisilang ang anak ng Panginoon.
KARILYO 5. Dulang gumagamit ng mga ginupit-gupit na karton na nasa anyong tao tulad ng
isang puppet show. Subalit ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagatpat ng mga tau-tuhang
papel sa ilaw kung saan ang mga anino ng mga ito ang pinakatampok sa palabas.
PANANAPATAN 6. Ang pananapatan o kung tawagin sa Ingles ay Caroling ay ang pagkanta ng
mga awiting Pamasko na karaniwan ay sa tapat ng mga bahay-bahay na may layuning manghingi
ng regalo na malimit ay pera.
MORIONES 7. Mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan,
sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Simula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos
sa Pasko ng Pagkabuhay.
PANGANGALULUWA 8. Araw itong ipinangingilin ng mga Katoliko. Kaugalian na ng mga
Pilipino bilang pagtupad sa tungkulin nila sa yumao nilang mga magulang, asawa, o anak na
dalawin ang mga libingan ng mga ito.
SANTAKRUSAN 9. Isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores
de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni
Constantino. Ang emperador ng Roma, si Constantino, dinalaw ng isang panaginip pumunta sa
isang digmaan upang lumaban sa ngalan ng Banal na Krus. nagtagumpay a at naging sanhi nang
kanyang pagiging kristiyano.
JUEGO DE PRENDA 10. Laro ng parusa habang nasa lamayan. Ito ay isinasagawa upang di
makatulog ang mga taong nakikipaglamay sa isang pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Ang
mga manlalaro ay uupo at bubuo ng isang bilog at ang isang pinuno ay magbibigay ng mga puno
o bulaklak sa mga manlalaro. Ang pinuno ay magkukuwento ng sa isang ibon na nawala sa
pagmamay-ari.
PINETENCIA 11. Mula sa salitang Latin na poenitencia na ibig sabihin ay pagsisisi o
kagustuhang patawarin. Madalas makakikita ng ganitong uri ng dula ay lalawigan ng Pampanga
na nagging bahagi na ng kanilang kultura at tradisyon.
SALUBONG 12. Pagtatanghal o ritwal tuwing bukang-liwayway ng Linggo ng Pagkabuhay na
nagtatampok sa pagtatagpo ng imahen ni Kristo at ni Birhen Maria. Nagsisimula ito sa dalawang
magkahiwalay na prusisyon ng imahen ni Kristo na susundan ng kalalakihan at ng imahen ng
Birhen na susundan ng kababaihan.
DUPLO 13. Larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ringmauring tulang pantigan. Ang
mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ayduplera. Sila ay tinatawag na
bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
KARAGATAN 14. Ito ay itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Tinatawag itong tulang
padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng padula at ginagampanan ito ng tauhan. Ito din ay
tinatawag na dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng
namatay.
SENAKULO 15. Tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba
pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa bakuran ng simbahan.
Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at
palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula.
MORO-MORO 16. Isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ito
ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na
katulad nang sa Pilipinas.
DUPLO 17. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may
lamay o parangal s isangnamatay.Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian
oimpromptu. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol.
PANGANGALULUWA 18. Ang Gabi ng Pangangaluluwa gabi ng bisperas ng Undas o bisperas
ng Araw ng mga Patay. Taunang kapistahan araw ng pagdiriwang na idinaraos tuwing Oktubre
31. Ang unang araw ng Nobyembre ay kilala bilang Todos Los Santos.
PAGSUSULIT
I. Panuto: Ibigay ang nakitang pagkakaiba at pagkakatulad ng dula sa iba pang uri ng panitikan.
A. “May Pagkakaiba at Pagkakatulad”
PAGTUKOY SA PAGKAKAIBA at PAGKAKATULAD NG DULA SA IBA PANG URI NG
PANITIKAN
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
1. Naisasabuhay ang mga salita, Gaya ng ibang panitikan inilalarawan nito
pangungusap sa pamamagitan ng ang mga damdamin at pananaw ng may
akda.
pag-arte at pagkilos ng mga
tauhan sa akda.
2. Karamihan sa mga dulang Ang mga sangkap ng dula na:
itinatanghal ay mas hango sa Tagpuan,Tauhan,Sulyap sa suliranin,
totoong buhay kaysa sa iba pang- Saglit na kasiglahan, Tunggalian,
akdang pampanitikan kasukdulan, kakalasan at kalutasan ay
ang mga pagkakatulad nito sa iba pang
mga uri ng panitikan.
3. Inilalarawan ang akda/ o ang Tulad ng dula, ang iba pang uri ng
buhay na isinasagawa sa panitikan ay may tema, ang pinakapaksa
tanghalan ng bawat akda.
4. Pampanitikkang panggagaya sa Nakapagbibigay ng mahalagang aral o
buhay na isinasagawa sa mensahe sa mambabasa.
tanghalan
5. Hindi tulad sa ibang uri ng Gaya ng dula ang ibang mga uri ng
panitikan ang dula ay may mga panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag
kawani ng produksyon ito ay ang ng mga kaisipan, mga damdamin at
mga sumusunod: Direktor, humihingi ng pagbabago.
Katulong ng Direktor,
Tagapagdikta, Tagadisenyo ng
Tanghalan, Direktor Teknikal,
Tagapamahala ng Entablado, at
tagapamahala ng tanghalan.
6. Ang dula ay nangangailangan ng Gumagamit ng mga teoryang
iskrip, isa ito sa pampanitikan upang maging mas mabisa
pinakamahalagang element ng ang panitikan.
dula. Ito ay pinakakaluluwa ng
isang dula, sapagkat sa iskrip
nakikita ang banghay ng isang
dula.
7. Ang mga tauhan sa dula ay Ang bawat panitikan ay nasusulat ,
kinakailangang umarte, may nagmula ang panitikang dula at iba pang
alituntunin ang bawat paggalaw ng mga panitikan sa salitang “pang-titikan”
katawan at pag-arte, hindi tulad sa na ang ibig sabihin ay literature o akdang
ibang mga akdang paampanitikan, nasusulat.
maaring ang may akda ang
kumontrol nalamang sa tauhan ng
kaniyang mga akda, sa
pamamagitan ng paglalarawan
lamang sa isipan at hinidi tulad sa
dula na kailangang Makita ng mga
manunuod ang pagkilos.
8. Hindi lamang ito nasusulat o May banghay na sinusunod, upang sa
inililimbag na babasahin. Ito ay ganoon ay matukoy ang pagkakasunod-
nangangailangan ng dedikadong sunod ng mga pangyayari.
grupo ng mga tao para sa paggawa.
9. Ang dula ay may isang elemento na Ang dula tulad ng iba pang mga uri ng
wala sa ibang panitikan, ito ay ang panitikan naipakikita ang anyo ng
manonood. Hindi maituturing na pamumuhay, kalakaran ng mga
dula ang isang binansagang nailimbag , ang mga ito ay bahagi ng
pagtanghal kung hindi ito kasaysayan.
napanonod ng ibang tao, sapagkat
ang layunin ng dula ay
maitanghal.
10. Ang panitikang ito ay May layuning magpahayag, humikayat at
nangangailangan ng props o mga umaliw.
piling kagammitan upang mas
maging epektibo at kombinsido
ang gagawing pagtatanghal.
Samantala ang ibang panitikan ay
hindi nangangailangan ng
ganitong bagay-bagay.
II. Pagsusulit: Pagsusuri A. Walang Sugat ni Severino Reyes Basahin o panoorin: Walang Sugat
ni Severino Reyes at Fulgencio Tolentino https://www.youtube.com/watch?v=ESBNfhqoRS8

WALANG SUGAT
Severino Reyes

• Katangian, Elemento o sangkap


KATANGIAN
Ang dulang Walang Sugat ni Severino Reyes ay may katangiang nagsasalaysay, katulad ng iba mga
dula. Isang dula o sarswela na may kasamang awit at tugtog na pumupukaw sa damdamin ng mga
manonood. Dulang may natatangiang katangiang isinalaysay ang patungkol sa suliraning panlipunan o
pampubliko. Ito ay isang melodrama at tragi-komedyang anyo ng dula, na may diagulo na patula, pasalita
at paawit.
ELEMENTO
Iskrip o nakasulat na dula (Banghay/Plot)
Ang banghay ng dulang Walang Sugat ay punong-puno ng panggigilalas. Naitampok ang pag-ibig
sa sinisinta, sa pamilya, sa kapwa at lipunan. Ang pagsubok ng pagiging Pilipino; pinapahihirapan ng mga
prayle ang mga bilanggog Pilipino na inakusahang filibusterismo, at isa ang ama ni Tenyong na si Kapitan
Inggo. Naihayag sa dulang ito ang panlilinlang ng mga prayle sa dalaw ng mga bilanggo, sa
pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Nag-alsa ang
mga kalalakihan, sigaw ng mga patriolismo, dahil ang inang bayan ay inaapi na nang tatlong daang taon.
Sa kalagitnaan ng pag-aalsang ito, ipinagkakayari ng ina ni Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na
anak ni Tadeo , bagaman alam niya na ang kaniyang anak ay kasintahan si tenyong. Inutusan ni Julia si
Lucas na ipasabi kay Tenyong na ipinagkakayari si Julia ng kaniyang inang si Juana, kay Miguel at naitakda
na ang petsa ng kasal. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kaniyang ina at ikasasala na si Julia at
Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humini siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga kastila
at nagsimula ang digmaan. Bumalik si Lucas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong.
Nalungkot at balisa si Julia sa nangyaring iyon. Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan
na rin si Julia, pumayag siya sap ag-aakalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hinid mapahiya ang
kaniyang ina. Sa kalagitnaan ng seremonya dinala ang agaw-buhay na si Tenyong sa pinagdarausan ng
kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari nay man din
lamang na mamatay na siya, ikasal na sila ni Julia, at sa pagkamatay ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni
Julia si mIguel. Pumayag na rin si Miguel sa gustong mangyari ng nag-aagaw-buhay na si Tenyong, ikinasal
sila ni Julia ng paring kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong at lahat sy
napamangha at sumigaw ng: “Walang sugat, Walang sugat.”
GUMANAP O AKTOR/KARAKTER
Tenyong- isang ginoong umiibig ng tunay sa kasintahan niyang si Julia, bukod ditto ay mapagmahal din
siya sa kaniyang pamilya at bayan.
Julia- babaeng pinakamamahal ni Tenyong, na sinubok ang pag-ibig sa kasintahang si Tenyong dahil sa
planong makikipag-isang dibdib niya kay Miguel.
Juana- ina ni Julia, na nagplanong ikasal ang anak niya sa mayamang lalaki na Miguel.
Lucas- kanang-kamay at utusan ni Tenyong.
Miguel- ang lalaki ipinagkasundo kay Julia para pakasalan.
Tadeo- ama ni Miguel.
Kapitan Inggo- ama ni Tenyong na namatay dahil sa kalupitan ng mga kastila.
Kapitana Putin- ina ni Tenyong at asawa ni Inggo.

Dayalogo
Ang Dayalogo sa dulang Walang Sugat ay mabigat na binibitawan at akma sa karakter na
ginagampanan ng mga taga-ganap. Naipakikita ng buong husay ang emosyon. Makapangyarihan ang bawat
bitaw ng dayalogo, dahil sa lakas a klaro nito ang mga manonood ay tiyak na mapupukaw ang atensyon.
Tanghalan
Ang tanghalan ng dulang ito ay akma at may sapat na espasyo para sa mga karakter na
nasipagganap. Mahusay nilang naipakikita ang ganilang galaw mula sa entablado upang mas maaliw ang
mga manonood.
Direktor
Maayos at nagging karapatdapat ang tagadirehe sa dulang ito sapagkat ng daloy ng banghay ay
maayos na nagampanan ng bawat karakter at dahil iyon sa tulong niya. Angkop ang tagpuan, damit ng mga
tauhan, paraan ng pagganap at pagbigkas ng mg tauhan. Sa madaling sabi nagampanan ng direktor ang
kaniyang tungkulin bilang tagadirehe.
Manonood
Ito ang isa sa pinakamahalagang element ng dula sapagkat sila ang magbibigay ng komento at
opiniyon sa dula. Sa dulang ito at bilang isa sa tagapanood, palagay ko ay nabigyang kaluguran nila ang
bawat manonood sapagkat naihatid at naitanghal ng maibigi at buong husay ang dula.
Tema
Ang tema ng dulang “Walang Sugat” ay may temang Pagmamahal sa bayan at wagas na pagmamahal
sa kasintahan.
SANGKAP
Tanghalan
Sa Guiguinto, Bulacan, Pilipinas
Tauhan
Tenyong- isang ginoong umiibig ng tunay sa kasintahan niyang si Julia, bukod ditto ay mapagmahal din
siya sa kaniyang pamilya at bayan.
Julia- babaeng pinakamamahal ni Tenyong, na sinubok ang pag-ibig sa kasintahang si Tenyong dahil sa
planong makikipag-isang dibdib niya kay Miguel.
Juana- ina ni Julia, na nagplanong ikasal ang anak niya sa mayamang lalaki na Miguel.
Lucas- kanang-kamay at utusan ni Tenyong.
Miguel- ang lalaki ipinagkasundo kay Julia para pakasalan.
Tadeo- ama ni Miguel.
Kapitan Inggo- ama ni Tenyong na namatay dahil sa kalupitan ng mga kastila.
Kapitana Putin- ina ni Tenyong at asawa ni Inggo.
Sulap ng Suliranin
Nagtungo si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niya ng nagbuburdang si
Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kaniyang gawa. Nakita ni Tenyong ang panyo
ay may mga letra ng kaniyang pangalan, ngunit giit ni Julia ay para raw ito sa prayle. Sa kabilang banda ay
sinabi rin ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang
dumating si Lucas, isang alalay ni Tenoyng na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan oang
kalalakihan ng mga Guardia Civil sap ag-aakalang sila ay mga rebelde.
Saglit na Kasiglahan
Handong magbigay ng pagkain sa kulungan ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto. Ang
isang tren ang nakalaang sakyan nila patungong kapitolyo. Inutusan ng mga kastilang prayle si Kapitan
Luis Marcelo na pluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag-aagaw-buhay
na si Kapitan Inggo. Sinabi ng punong-prayle na pakakawlan na si Kapitan Inggo sa kaniyang asawa. Sinabi
rin niyang pupunta siya sa maynila upang sabiin sa Gobernador-heneral na pakawalan na ang iba pang mga
inaresto. Ngunit iba pala ang plano ng prayle pagdating doon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at
edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo, ang kaniyang pamilya at mga kaibigan bago siya
mamatay. Namatay nga si kapitan Inggo at pagkamatay nito ay sumumba si Tenyong ng paghihiganti.
Tunggalian
Sa lugar ng mga katipunero, biglang dumating Lucas na may bitbit na sulat na para kay Tenyong
na galling kay Julia. Nalaman ni Tenoyng na namatay na ang kaniyang ina at ipakakasal si Julia kay Miguel.
Balisa at malungkot si Tenyong matapos niyang basahin ang liham. Humingi siya ng tulong sa kaniyang
heneral. Umatake ang mga kastila at nagsimula ang labanan. Bumalik si Lucas kay Julia na walang
nakuhang sagot mula kay Tenoyng. BUmisit muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang
kanilang kasal. Nagkunwari masakit ang upang maiwasan ang pakikipag-sap kay Miguel.
Kasukdulan
Dumating na ang nakatagdang araw ng kasal nina Julia at Miguel. Napilitan si Julia na pumayag
sap ag-aakalang patay na ang pag-ibig niyang si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kaniyang
ina.
Kakalasan
Bago pa man simulan ang seremonya ng kasal, dumating si Lucas na may balitang nakita na si
Tenyong pero siya ay nag-aagaw-buhay itong nakaratay ito sa karte. Dinala si tenyong sa pinagdarausan
ng kasal ni Julia. Sa muli nilang pagtatagpo, hinihiling ni Tenoyng sa pari na, yaman din lamang na
mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay nito ay maaari nang pakasalan ni Miguel si Julia.
Kalutasan
Sa pag-aakala ng lahat na matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa huling hiling
ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo
si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw ng “Walang Sugat, Walang Sugat.”
Kasunduan Ng Dula
Ang dulang ito ay gumamit ng Ikaapat na Paladindingan (Fourth Wall) sapagkat ang ikaapat na
dinding sa isang entablado ay nakaharap sa mga manonood nang walang harang.kitang-kita ng mga
manonood ang pangyayaring at nakaharap ang bawat nagtatanghal sa mga ito ng walang anumang balakid.
MGA TEORYA AT MGA BISANG DULANG PAMPANITIKAN
Ang ginamit na mga teoryang at mga mabisang dulang pampanitikan ay ang mga sumusunod:
Teoryang Sosyolohikal
Ang dulang ito ay hango sa tiyak na panahon at nilikha noong panahon ng kastila noong ang mga
Pilipino ay nasa kamay ng paghahari ng mga kastila.Bukod dito ay ang dulan ito ay tumatalakay sa
kalagayang panlipunan sa isang tiyak na panahon. Inihayag abg pangyayaring panlipunan at pangkalikasan
na kaniyang ginagawalan.
Teoryang Romantisismo
Ang dulang ito ay punong-puno ng halo-halong emosyon at damdamin. Inilalarawan ng dula ang
bawat sitwasyon nagaganap sa buhay ng tao at lipunan sa paraang emosyonal. Bukod ditto ay ang mga
tauhan tulad ni Tenyong ay nagging huwaran sa kanilang minamaha, kawa at lipunan.
Teatro o Tanghalan
Mahusay at naayon ang tanghalan para sa mga karakter ng dula at maging sa manunuod. Ang mga
tauhan ay lagging naaharap sa mga manunood. Hindi ganoon kaikli at sikip ang tanghalan para sa lahat,
mahusay na nabibigyang buhay ang bawat galaw ng mga karakter dahil sa mga sapat nitong espasyo.
KAHALAGAHAN NG DULA
Ang kahalagahan ng dulang Walang Sugat ni Severino Reyes ay ang pagpapakita ng pagmamahal
at pagnanalasakit sa bayan. Ang dulang ito ay maraming kaakibat na mahihirap na karanasan sa buhay,
ngunit nanaig parin ang pagmamahal sa bayan, kapwa at sinisinta. Ipinakita sa dula na hindi matutumbasan
ng ano mang hirap at sakit ang tunay na pagmamahal sa bayan at kapwa.
Pagsusuri II. B. Bakit Babae ang naghuhugas ng pingan. (PANOORIN AT SURIIN)
BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN
KATANGIAN, ELEMENTO O SANGKAP
KATANGIAN
Isa itong dulang komedya na patungkol sa mag-asawang pinagpupustahan at
ginawan ng kondisyon ang paghuhugas ng pinggan. Dulang nagsasalaysay ng
kadahilanan sa likod ng paguhugas ng pinggan ng mga kababaihan.

ELEMENTO
Iskrip/Banghay
Ang istoryang “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan”, ay tungkol sa dalawang
mag-asawa na nagkaroon ng kasunduan sa paghuhugas ng pinggan, kung saan ang
sinuman sa kanila ang unang magsalita ay siyang maghuhugas ng pinggan. Sa
kalagitnaan ng kanilang pananahimik, dumating ang kanilang kapitbahay at nang
napansin niya na hindi nagsasalita ang mag-asawa ay nagpatawag siya ng albularyo.
Dumating ito at gumawa ng mga ritwal nunit tulad ng mga kapitbahay ng ma-asawa
nawalan narin ito ng pag-asa at nagplano na nga silang ilibing ang mga ito sapagkat
tila may kakaiba na sa kanila. Habang inaayos ang mag-asawa para sa gagawing
paglilibing, nagsalita ang babaeng asawa na si Ka Maldang, sa madaling salita nanalo
ang asawa nito sa pustahan at mula noon ang babae na ang siyang naghuhugas ng
pinggan.
GUMANAP, AKTOR O KARAKTER
Ka Ugong- asawa ni Ka Maldang, gumawa ng kasunduan para sa paghuhugas ng
pinggan.
Ka Maldang- asawa ni Ka Ugong na sumang-ayon sa kasunduan. Isang palaban na
babae.
Babaeng kapitbahay- kaibigan nilang humihiram ng plantsa sa mag-asawa, siya rin
ang unang taong nakapansin sa hindi magandang kinikilos at nangyayari sa mag-
asawa. Siya ang nagbalita sa mga kapitbahay ng nangyari sa mag-asawa.
Albularyo- ang siyang sumubok na gamutin ang mag-asawa sa pag-aakalang na
engkanto ang mga ito. Gumawa ng iba’t ibang ritwal upang mapagsalita ang dalawa.
Mga Kapitbahay- mga taong nag-aalala at bumulabog sa mag-asawa.
Dayalogo
Ang dayalogo sa dulang ito na “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan” , ay tunay
ngang nakaaaliw sapagkat nang aking pinanuod ang dulang ito ay angkop at malinaw
ang dayalogong ginamit. Ginamitan io ng mga pangkaraniwang mga salita na tiyak na
maiintindihan ng marami o ng mga manunood.
Tanghalan
Ang tanghalan sa dulang ito ay may sapat na espasyo para sa mga nagsisipagganap.
Ang lawak nito ay akma lamang para sa mga manonood, nakikita o napanunood ito ng
maayos at malinis.
Direktor
Ang pagkadederihe ng direktor sa naturing na dulang ito ay mahusay, gumamit ito
ng sapat at mabisang mga karakter para bigyang buhay ang dula. Bukod dito ay ang
paggamit nila ng musika at pailaw upang mas bigyang aliw at buhay ang dula.
Manonood
Nabigyang kaluguran ng mga nagsipagganap ang mga manunood, sapagkat ang
dulang komedyang ito ay unay na inaliw ang mga manonood, ang mga manunood na
siyang magbibigay ng reaksyon at opinyon sa ginagawang pagtatanghal.
Tema
Maliwanag na ang tema ng dulang ito ay ang, kasunduan sa kung sino ang maghuhugas
ng pinggan.
SANGKAP
Tagpuan
Sa bayan ng Santa Rosa
Sa hapagkainan ng mag-asawa
Tauhan
Ka Ugong- asawa ni Ka Maldang, gumawa ng kasunduan para sa paghuhugas ng
pinggan.
Ka Maldang- asawa ni Ka Ugong na sumang-ayon sa kasunduan. Isang palaban na
babae.
Babaeng kapitbahay- kaibigan nilang humihiram ng plantsa sa mag-asawa, siya rin
ang unang taong nakapansin sa hindi magandang kinikilos at nangyayari sa mag-
asawa. Siya ang nagbalita sa mga kapitbahay ng nangyari sa mag-asawa.
Albularyo- ang siyang sumubok na gamutin ang mag-asawa sa pag-aakalang na
engkanto ang mga ito. Gumawa ng iba’t ibang ritwal upang mapagsalita ang dalawa.
Mga Kapitbahay- mga taong nag-aalala at bumulabog sa mag-asawa.
SULYAP SA SULIRANIN
Sa isang bayan ng Santa Rosa, nakatira ang mag-asawang si Ka Ugong at Ka
Maldang. Isang araw pinagtatalunan ng mag-asawa ang kung sino sa kanila ang
paghuhugas ng mga pinagkainan at bakas sa kanilang mukha ang pagkainis sa
naturing na gawaing bahay na ito.
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Nagkaroon ng kasunduan ang mag-asawa upang matapos na ang kanilang pag-
aaway. Ang kasunduang inalok ni Ka Ugong kay Ka Maldang ay ang kung sinuman sa
kanila ang maunang magsalita ay siyang aghuhugas ng pinggan palagi.
Tunggalian
Sumang-ayon si Ka Maldang sa kasunduang ito sa lamesa, sa kanilang hapagkainan
ay magkaharap nilang sinimulan ang kasunduan at nagsimula naring manahimik.
Binigyang katuturan nila ang kasunduan at tahimik na namalagi sa kani-kanilang
upuan.
Kasukdulan
Sa kalagitnaan ng katahimikan ng mag-asawa ay dumating ang isa sa kanilang mga
kapitbahay na babae para humiram ng plantsa. Nagtaka ang babae sapagkat bkas ang
pinto ng bahay ng mag-asawa at tila tahimik. Pumasok ito at laking gulat niya sapagkar
naratnan niya ang mag-asawa na tahimik at walang kibo. Nabahala ito at dali-daling
tinawag ang iba pa nilang mga kapitbahay upang ipagbigay alam ang hindi
maipaliwanag na nangyayari sa mag-asawa.
Kakalasan
Nabahala at nag-alala rin ang iba pa nilang mga kapitbahay sa kanilang nasaksihan,
kaya nagpasya sila na tumawag ng albularyo upang bigyang kalutasan ang sitwasyon
ng mag-asawa. Dumating ang albularyo at gumawa ng mga ritwal upang magamot ang
mag-asawa sap ag-aakalang may salit ang mga ito. Hanggang sa nagpasya ang
albularyo na ilibing na lamang ang mag-asawa.
Kalutasan
Nang inihanda na ng mga kalalakihan ang gagamitin sa panlibing, inunang binuhat
si Ka Ugong, walang kibo parin ang pustura nito, umasa si ka Maldang na pipigilan
niya ang mga ito na ibuhat sa kabaong ngunit mali ang kaniyang buong akala. Kaya
naman sa galit ni Ka Maldang sa mga kapitbahay napasigaw ito dahil sa kanilang
pangingiala. Narinig iyon ng kaniyang asawa kaya tuwang-tuwa ito at pumalakpak dahil
nanalo siya sa pustuhan na kanilang pinagkasunduan. Magmula noon ay si Ka
Maldang na ang naghuhugas ng pinggan.
Kasunduan Ng Dula ( check it oout again)
Ginamitan ng Ikaapat na Paladindingan (Fourth Wall) ang dulang ito sapagkat ang
ikaapat na dinding sa isang entablado ay nakaharap sa mga manonood nang walang
harang.
MGA TEORYA AT MGA BISANG DULANG PAMPANITIKAN
Ang ginamit na mga teoryang at mga mabisang dulang pampanitikan ay ang mga
sumusunod:
Teoryang Femenismo
Ang dulang ito ay may teoryang femenismo sapagkat inilarawan sa dulang ito
ang karanasan ng isang babae at ang bagay na ipinaglalaban niya. Sa dulo ng dula ay
binigyang diin ang respi=onsibilidad bilang babae at iyon ang paghuhugas ng pinggan.
Teoryang Imahismo
Ang dulang ito ay gumamit ng imahen na higit na nagpapahayag sa mga damdamin,
kaisipan,ideya at saloobin na nais na ibahagi ng may akda na higit na madaing
maunawaan. Inilantad ang totoong kaid=sipan ng pahayag sa dula. Ang dulang ito ay
imahismo sapagkat naisusulat ito sa malayang berso, may kalayaan sa pagpili ng mga
paksa, porma at ang paggamit ng mga pangkaranwiang slaita na ginagamit sa araw-
araw ay nasaksihan din sa dulang ito.

Teatro o Tanghalan
Mahusay at naayon ang tanghalan para sa dulang ito, sapagkat ang bilang ng mga
karakter ay sapat lamang sa espasyong mayroon ang tanghalan. Sa aking ginawang
panunuod, bagaman sa harap lamang ng entablado lumalabas, pasok ang mga
nagsisipagganap, tingin ko ay may sapat naming espasyo ang tanghalan para mismo sa
kanilang pagganap. Ang dulang ito ay masasabi kong isang yugtong dula-dulaan
sapagkat ito ay maikoi na binubuo lamang ng isang yugto.
Kahalagahan ng Dula
Ang kahalagahan ng dulang “Bakit babae ang naghuhugas ng pinggan”, ay ng
mga posibleng responsibilidad na dapat gampanan ng isang indibidwal.

Pagsusulit III. Pasanaysay Discuss Board

➢ Bakit mahalaga sa mag-aaral ang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng panulaang


Filipino?
Ang pagaaral ng kasaysayan ay pagbalik tanaw sa ating nakaraan, pagtuklas sa
ating pinanggalingan at pag giging maalam sa ating makulay na tradisyon at kultura.
Mahalaga ito sa pagbuo hindi lamang ng isang bansa kondi mahalaga din ito sa pag
buo ng ating pagkatao.
Sa pagtuklas natin ng ating nakaraan ay malalaman natin ang ating
pinanggalingan mas lalo nating mauunawaan ang ating pagka Pilipino. Magkaka ruon
tayo ng malalim na pagmamahal sa ating bansa na mag bubunga upang tayo ay maging
isang mabuting mamayan ng bansang Pilipinas.

You might also like