Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HOLY ANGEL UNIVERSITY

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


SENIOR HIGH SCHOOL
Taong Pampaaralan 2021 - 2022

Pamagat ng Aktibiti: MALIKHAING PAG-UULAT SA KASAYSAYAN NG


WIKANG PAMBANSA
(PERFORMANCE TASK)
Target na Pampagkatuto 1: Makakapag-ulat ng mga mahahalagang pangyayari
ukol sa kasaysayang ng wikang pambansa
sa malikhain na paraan na naaayon sa mga
itinalagang indibidwal at pangkatang
pamantayan
Target na Pampagkatuto 2: Makakalahok nang may kaisahan at kolaborasyon
sa bawat gawaing nakatalaga at bawat miyembro
ng grupo
Sanggunian: PinagyamangPluma 11 (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino)
Awtor: Mary Grace G. Del Rosario at Alma M. Dayag

LIKHAIN MO!: Ang una at ikalawang bahagi ng kasaysayan ng wikang pambansa ay


nagpapatunay na napakahalaga para sa isang mamamayang Filipino na lingunin ang
nakaraan at alamin ang kasaysayan dahil ito ay susi upang mapailalim ang pag-unawa
sa wikang pambansang ating pagkakakilanlan.

TASK/GAWAIN:

1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na grupo.

Unang Grupo: Pinagmulan ng Wika at Panahon ng mga Katutubo


Ikalawang Grupo: Panahon ng Espanyol at Panahon ng Rebolusyong
Pilipino
Ikatlong Grupo: Panahon ng Amerikano
Ikaapat na Grupo: Panahon ng mga Hapones at Panahon ng
Pagsasarili Hanggang sa Kasalukuyan

2. Ang bawat grupo ay mabibigyan ng sapat na panahon upang makapagbahagi


ng ideya at kaisipan, makapagplano ng istratehiyang gagamitin,
makapagbalangkas ng ulat, makapagsanay, at mapaghandaan ang pagtatanghal
nang birtwal. Anumang gagawing paghahanda o pagsasanay ay dapat gawin
lamang ng birtwal o online. Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng pangkat ang
pagsasagawa nito ng face to face na paraan.
3. Ang bawat grupo ay bibigyan ng kalayaan na ipamalas ang kanilang sariling
konteksto ng malikhaing pag-uulat ngunit kailangan nilang isa-alang alang ang
mga sumusunod:

a. Lahat ng miyembro sa grupo ay mag-uulat.


b. Mayroon lamang isang PowerPoint Presentation na gagamitin ang bawat
grupo na magpapakita lamang ng balangkas at mahahalagang konsepto ng
kabuuang ulat. Ang pokus ng ulat ay sa mga pagbabagong naganap lamang
sa wikang umiiral sa ibat ibang panahon. Hindi pahihintulutan ang heavily
texted na PowerPoint Presentation at pagbabasa sa kabuuan ng pag-uulat.
c. Istriktong susundin ang itinalaga at pinal na skedyul para sa bawat grupo
pero ang kasunod na grupo ay dapat maging handa kung sakaling
magkaroon pa ng sapat na oras para sa kanila.
d. Ang takdang oras na gugugulin ng bawat grupo ay 20-30 minuto lamang
,kasama na ang pagsisimula at pagwawakas, upang makapagbigay pa ng
oras sa klase ng pagproseso sa gawain at paglalagom na pangungunahan ng
guro. Ang paglalabis sa itinakdang oras ay mabibigyan ng karampatang
bawas sa kabuuang puntos ng grupo.
e. Kailangang may payak na interaksiyong magaganap sa pagitan ng mga taga-
ulat at ng buong klase. Maari itong gawin sa umpisa o sa wakas ng ulat.
f. Ipinagbabawal ang magastos at magarbong kasuotan at kagamitan.
g. Gawing gabay at sundin ang mga pamantayan sa pagmamarka sa indibidwal
at grupo upang matiyak ang tagumpay ng pagtatanghal.
h. Ang kabuuang puntos ng Performance Task ay 50 puntos, 25 puntos sa
indibidwal at 25 puntos sa grupo.

4. Siguraduhing handa ang mga kagamitang gagamitin upang hindi mag-aksaya


ng oras at maayos ang daloy ng pag-uulat.

5. Ang sinumang grupo na di nagtatanghal at nakitaan ng kawalan ng interes,


partisipasyon, at respeto sa kasalukuyang nagtatanghal ay mabibigyan ng
karampatang bawas sa puntos ng sariling grupo.

6. Tanging ang guro lamang sa bawat seksyon na itinakda sa documentation ang


pweding kumuha ng mga iilang larawan na ibabahagi sa group chat ng seksyon
at istriktong ipinagbabawal na ipost sa anumang social media account.

You might also like