Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bilang huling tagapagsalita sa diskusyong ito mula sa panig ng oposisyon, nais

ko munang pasalamatan ang mga hukom, ang madla, at ang mga kapwa namin kalahok
na sa kabila ng ating pagkakaiba, napag-usapan natin ito sa maayos at sopistikadong
paraan.

Kaya, bago namin tapusin ang talakayang ito, nais namin ipahayag muli na ang
Martial Law o Batas Militar, ay hindi matataguriang “Golden Age” ng Pilipinas,
bagkus ito’y isang naging madilim na parte ng kasaysayan ng ating bansa.

At mas lalong hindi si Marcos, ang “Greatest President of all Time” na pilit na sinasabi ng
mangilan-ngilan. Eh, kahit si Google na nga lang ang tanungin kung sino ang “Most
Corrupt Leaders” hinding-hindi mawawala ang mga pangalang, Ferdinand Marcos,
Marcos, o Makoy.

Sa pagdedeklara ng Batas Militar sa bansa, na siyang pinangakong magiging


daan patungo sa “Bagong Lipunan”, Ang inaasahang hakbang para sa pagdidisiplina at
pangseguridad ay tila yata naging bangungot dahil nagbukas ito ng daan para tapakan
at patayin ang karapatang pantao.

Magsimula tayo, hindi matatawag na “Golden Age” ang rehimeng Marcos dahil
maliban sa bumabagsak na ekonomiya ay ang mababang pasweldo sa mga
manggagawa at mataas na inflation rate ng mga bilhin, na nagresulta sa hustong
pagtaas ng numero ng mga maralita. Pati na rin ang bilyon-bilyong “international debt”
na hanggang ngayon ay ating binabayaran hanggang sa taong 2025 (dalawang libo’t
dalawampu’t lima). Isipin niyo, ilang taon na ang lumipas tayo pa rin ang nagdurusa sa
sa pera na di naman natin halos napakinabangan.

Siyempre, hindi natin dapat malimutan ang pambubulsa ng Pamilyang Marcos sa


pera ng taong-bayan, dahil lantaran ang “Crony Capitalism” sa kaniyang panahon.
Kasama ng pagbagsak ng ekonomiya ang pagbaba ng Sistema ng edukasyon na nag-
udyok sa mga estudyante at manggagawa na magsagawa ng animo’y illegal na
pagwewelga, kaya’t kakikitaan rin ang paglobo at pagdagsa ng aktibismo lalong-lalo sa
mga estudyante, na alam naman natin na ayaw ng administrasyon sa ganitong mga
gawain kaya’t lantaran talaga ang pag-aabuso ng mga militar.

Isa sa mga nakaranas ng kalunos-lunos na pangyayaring ito ay ang unang


biktima na si Liliosa Hilao, isang estudyante mula sa Pamantasan ng Lungsod ng
Maynila na kilalang aktibista, siya’y walang habas na ginahasa at pinatay.

Libo-libong kaparehong sitwasyon ang mga nangyari sa panahong ito, totoo nga
ba na mapayapa ang “Golden Age” na ito?

Siguro nga, totoo na mapayapa talaga ang mga panahong ito dahil sa pilit na
pinatahimik ang mga tao dahil sa pagpapatigil sa media o iba pang lathalain at maging
ang pang-aabuso lalo sa mga kritiko na pinapatay o sa termino na tawag nila noon ay
ang salitang “salvage”. Lahat ng ito ay ginawa para takpan ang madilim na katotohanan
sa likod ng mga pambobola.

Maliban sa pambubusabos ng gobyerno sa mga kapwa nito Pilipino ay ang


pananamantala ng dayuhang korporasyon dahil sa paglalapat ng malalaking tubo na
nagtulak sa mga manggagawa nating magsasakaua na mabaon sa utang, na kahit ilang
taon na ang lumipas at ilang presidente na ang dumaan, naging daan ito para tayo’y
maging sunud-sunuran.

Sa lahat ng pangyayaring ito, at kahit lumipas ang ilan pang mga taon, hindi mo
pa rin masasabi na gumaling na ang ating bansa mula sa sugat ng nakaraan. Mahirap
sabihin ang salitang, “Move on na!” kung pinahirapan ka sa loob ng dalawampu’t-isang
taon at makakapag “move on” ka pa ba sa panahon na libo-libong kinitil ang buhay at
isinialang-alang ang bituka ng karamihan para sa pansariling interes? Na nabubuhay ka
sa takot at kasinungalingan sa sarili mong bansa?

Kaya ito ang aming sagot sa katanungang, kanina pa natin tinatalakay, MARTIAL
LAW nga ba ang “Golden Age” ng Pilipinas?

Sa lahat ng pangyayaring ito, kung kasaysayan man ang tatanungin kung dapat
ba talaga nating hangaan at tingalain ang isang diktador na si Marcos, ang tanging
sagot lamang na ating matatanggap ay isang malakas at nakakabinging, “Hindi!”.
Bagamat nagtagumpay man siya na mang-abuso ng kapangyarihan sa loob ng
dalawang dekada, hinding-hindi niya masusupil ang pag-asang nagmumula sa taong-
bayan.

Dahil kung may dapat idakila at itanghal dito, ito ay walang iba kundi tayong
mga Pilipino na patuloy na tumindig at nakikibaka para sa katotohanan.

Yun lamang po, Maraming Salamat at Magandang Araw sa inyong lahat!

You might also like