Serato - Pokus NG Pandiwa - Banghay-Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

LYCEUM OF ALABANG

Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo sa Filipino Baitang 10

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan,ang mag-aaral ay inaasahan na
makatatamo ng mga sumusunod na kasanayan:
A. Natutukoy ang pagkakaiba ng dalawang pokus ng pandiwa;
B. Napahahalagahan ang saloobin ng mag-aaral tungkol sa importansya ng
pokus ng pandiwa;
C. Naisasakatuparan ang tamang gamit ng dalawang pokus ng pandiwa sa
pamamagitan ng pangkatang gawain.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pokus ng Pandiwa (Pokus sa Tagaganap at Pokus sa Layon)
B. Sanggunian: Darwin Serato. (2021). Pokus ng Pandiwa: Pokus sa
Tagaganap at Pokus sa Layon{Video}.Youtube.com.
https://youtu.be/CpSnRaDMyD8
C. Kagamitan: Laptop, Powerpoint presentation, Kahon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Alituntunin sa birtuwal na klase
4. Pagtatala ng Lumiban
5. Pagbabalik-Aral
LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

4 Pics, 1 Word

Magpapakita ang guro ng mga larawan sa mga mag-aaral at ito’y


kinakailangan mahulaan gamit ang mga gulo-gulong letra upang matukoy kung
anong kilos o galaw ang nais ipabatid ng mga mag-aaral. Matapos nito’y gamitin
sa pangungusap ang mga salita.
LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

6. Pagganyak

Name It, To Win It

Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan na pagdudugtungin ng mga


mag-aaral upang mahulaan ang pangalan ng aktor/aktres at kilos loob na nais
ipabatid. Matapos nito’y sasagutan ng mga mag-aaral ang isang katanungan
patungkol sa laro na “Name It To Win It”.

Tanong: Sa iyong palagay, naniniwala ka ba na ang aktor/aktres ay sa


harap lamang ng kamera gumaganap bilang bida o kontrabida?
Patunayan.

B. Paglalahad ng Aralin:

1. Pagtalakay

Ang guro ay magpapanood ng isang maikling videoclip tungkol sa


paksang tatalakayin. Habang nanonood, ang lahat ay dapat magtala ng
mga impormasyon para sa isang malayang talakayan.
LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

https://youtu.be/CpSnRaDMyD8

2. Malayang talakayan

Gabay na Tanong

1. Ano ang pagkakaiba ng Pokus sa Tagaganap at Pokus sa


Layon o Gol?
2. Magbigay ng halimbawang pangungusap gamit ang Pokus sa
Tagaganap at Pokus sa Layon.
3. Para sa’yo, ano ang kahalagahan ng paggamit nang panlapi sa
pandiwa? Bakit?
3. Paglinang ng Gawain
Una at Ikalawang Pangkat: Battle of the Brain
Ang bawat miyembro ng dalawang pangkat ay makikipagtagisan ng
talino. Ang unang pangkat ay bubuo ng pangungusap at huhulaan ito
ng kabilang pangkat kung anong uri ng pokus ng pandiwa ang ginamit.
LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

Daloy ng Gawain:

PANGKAT I PANGKAT II
Pagbuo ng pangungusap Anong uri ng pokus ng pandiwa
Anong uri ng pokus ng pandiwa Pagbuo ng pangungusap
Pagbuo ng pangungusap Anong uri ng pokus ng pandiwa
Anong uri ng pokus ng pandiwa Pagbuo ng pangungusap

Ikatlong Pangkat: SaliHay

Bigyang buhay ang dalawang pokus ng pandiwa gamit ang


pangungusap (3 pangungusap para sa Pokus sa Tagaganap at Layon
o Gol)

POKUS NG PANDIWA PANGUNGUSAP


Pokus sa Tagaganap o Aktor 1.
2.
3.
Pokus sa Layon o Gol 1.
2.
3.

Ikaapat na Pangkat: TelePanscene


LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

Gumawa ng dalawang maikling seneryo at ipakita ang Pokus sa


Tagaganap at Pokus sa Layon sa pamamagitan ng mga diyalogo.

Rubriks ng Pangkatang Gawain:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(15) (10) ng pag-unlad
(5)
Pagkamalikhain
Nilalaman ng Gawain
Pagkakabuo ng mga
pangungusap, baybay, at
gamit ng malalaking
letra.
Kooperasyon

C. Pagpapahalaga/ Paglalapat

Kantanong
LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

Ang guro ay magpapakita ng isang kahon na naglalaman ng papel na may


nakasulat na TANONG o KANTA. Kung ang nabunot ay “TANONG” sasagutin ng
mag-aaral ang tanong ng guro. Samantala, kung ang nabunot ay “KANTA” ang
mag –aaral ay aawit.
Tanong: Para sa’yo, ano kaya ang importansya at maitutulung ng dalawang
pokus ng pandiwa (Tagaganap at Layon) sa iyong buhay o pag-aaral? At bakit?

D. Paglalahat
Sagot Mo, Donate Mo!

Maglalagay ng tanong ang guro sa chat box at ito’y sasagutan ng mga


mag-aaral. Matapos ang pagsasagot ay pipili ang guro ng tatlong mag-aaral
upang ibahagi ang kanilang natutuhan.

Tanong: Matapos niyo malaman ang pagkakaiba at mahalagang gamit ng


dalawang pokus ng pandiwa (Pokus sa Tagaganap at Pokus sa Layon).
Para sa’yo, sa paanong paraan mo gagamitin ang dalawang pokus ng
pandiwa? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang mga sumusunod na mga
pangungusap sa ibaba.

Pokus sa Tagaganap 1. Bumabasa ng dyaryo ang Titser.


Pokus sa Layon 2. Pinag-uusapan ng mga bata sa klasrum ang
Globalisasyon
LYCEUM OF ALABANG
Km.30 National Rd. Tunasan Muntilupa City

Kolehiyo ng Edukasyon

Pokus sa Tagaganap 3. Gumawa ng malaking bangka si Mang James para


sa pangingisda.
Pokus sa Layon 4. Inakyat ni Harry ang Bundok ng Banahaw
Pokus sa Layon 5. Naaamoy ni Mara ang masarap na Putahe.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sa isang buong papel, gumawa ng tiglimang (5) pangungusap gamit Pokus
sa Tagaganap at Pokus sa Layon. Tukuyin ang pandiwang ginamit at kung anong uri ng
pokus ng pandiwa. Sundin ang talahanayan sa ibaba.

Pangungusap Pandiwang ginamit


Pokus sa Tagaganap
1.
2.
3.
4.
5.
Pokus sa Layon
1.
2.
3.
4.
Inihanda ni; 5.

G. Darwin J. Serato
Guro sa Filipino

You might also like