Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa tamang panahon

Lahat tayo ay may kanya-kanyang karanasan sa pag-ibig. Mayroong masakit at meron naman
masaya. Ngunit, ano ang gagawin mo kung bata kapa lang ay nakaranas kana kung paano
masaktan at iwan ng taong minahal mo?
Labing-isang taong gulang palang ako ay nagkaroon na ako ng boyfriend. Kaklase ko siya noong
grade 6 ako, hindi kami gaano ka close pero magkasama kami sa dlc naming sa school.
Nakakatawang isipin na hindi man lang siya nanligaw sa akin noon.
Nagulat nalang ako isang gabi ay nag-chat siya akin sa facebook, sabi niya “Pwede ba maging
tayo?”. Ako naman ‘tong tanga na sumagot ng “Oo”, hindi man lang ako nagisip-isip kung ano
nga ba ang ibig sabihin no’n.
Masaya naman kami, palagi kami nagkukuwentuhan sa facebook araw-araw. Nang dumating na
ang pasukan magkaiba na kami ng paaralan. Nauna ang pasukan niya kaysa saakin dahil sa
public school siya nag-aaral at ako naman ay sa private.
Pagkatapos ng isang linggo ay ako naman ang papasok sa aking bangong paaralan. Masaya
naman ang aking unang araw, marami akong nakilalang mga bagong kaibigin. Nang uwian na ay
umuwi agad ako para ikwento sa kanya ang nangyari saakin ngayong araw. Nag chat ako
sakanya upang ipaalam sa kanya na nakauwi na ako. Isang oras na ang nakalipas, wala parin
akong natanggap na mensahe galing sa kanya, nakita ko na online naman siya kaya imposible na
hindi niya iyon makita.
Binuksan ko ang kanyang account sa facebook, hindi ko inaasahan na iba pala ang makikita ko.
Nakita ko na may kausap na pala siyang iba, kaya binalewala niya ang mensahe ko. Akala ko
kaklase nya lang ang babae ngunit nang basahin ko ang kanilang pag-uusap ay nalaman ko na
sila na pala. Nasaktan ako ng gabing iyon at napagdesisyunan ko na makipaghiwalay sa kanya.
Nang pumasok na ako sa iskwela pagdating ng umaga ay sinabi ko sa aking mga kaibigan ang
nangyari.
Pagkalipas ng isang buwan ay may nagustuhan na ako sa aking mga kaklase. Noong unang araw
ko ay napansin ko na siya dahil nagandahan ako sa mata niya. Hiningi niya aking number sa
aking kaibigan at mula no’n ay palagi na akong may load para lang makipagkuwentuhan sa
kanya. Nagdaan ang ilang buwan ay ganito parin kami, natatakot akong magtanong sa kanya
kung may nararamdam rin siya para saakin.
Isang araw ay kinausap niya ako at sinabi niya saakin na gusto niya rin ako. Ang saya-saya ko
no’n dahil natupad na ang isa sa mga pangarap ko, ang magustuhan din ako ng taong gusto ko.
Nakalipas ang ilang araw ay nanligaw siya saakin pero sa halip na “Oo” ang isasagot ko, ang
sinagot ko sa kanya ay “Kaya mo bang maghintay?” at sumagot naman siya ng “Oo, kaya kitang
hintayin kahit gaano man yan ka tagal”, pero hindi niya ginawa.
Nagdaan ang ilang buwan ay 2016 na, akala ko hinihintay nya parin ako, akala ko lang pala.
Nalaman ko sa aking kaibigan na girlfriend na raw siya, hindi ako naniwala sa kanya. Pagkalipas
ng ilang araw ay naging cold siya sa akin, palaging siyang may katext sa kanyang cellphone at
alam ko na hindi ako iyon.
Kakausapin ko na sana siya kaya lang nakita ko siya na kasama ang kanyang girlfriend. Kahit
nasasaktan ako sa aking nakita, hinantay ko na matapos ang kanilang pag-uusap. Nang natapos
ang kanilang pag-uusap ay lumapit ako sa kanya at nagtanong.
“Bakit mo ginawa sakin ‘to?” tanong ko sa kanya. Nagulat siya ng makita ako pero sumagot
parin siya, sabi niya “Napagod na ako kakahintay sayo” sabi niya at lumakad palayo. Umiyak
ako pag dating sa bahay at nag kulong sa aking kuwarto.
Simula ng araw na ‘yon ay sinabi ko sa sirili ko na “Bata pa ako, marami pa akong makilala na
mag mamamahal sa akin ng tunay, makikilala ko rin siya sa tamang panahon”.

You might also like