Ang Lungsod NG Naga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Lungsod ng Naga

Sa Pilipinas, ang Local Government Code ng 1991 ay may panukulang para sa


desentralisasyon. Ito ay pagbibigay ng kapangyarihan o pagpapalakas ng kakayahan ng
pampubliko at di-pampublikong sector ng lipunan sa pakikilahok sa pamamalakad ng
pagpapaunlad ng local na pamayanan. Pinapayagan ang mga sektor na ito lalo na ang
mga marginalized sa pagpaplano at pagsasakatuparan ng pagpapaunlad ng kanilang
pamayanan. Binigyan ang maliit at mahihirap ng kalayaan sa mga estratehiya ng
pagsasaayos ng mga alitanat pangangasiwa ng mga pinagkukunang-yaman, pakikilahok
sa proseso ng pagpapasiya, at pagkakaroon ng boses sa pagpapasiya kaugnay ng mga
nakaaapekto sa kanilang buhay.

Bago pa nagkaroon ng desentralisasyon, nag-umpisa na ang lungsod ng Naga sa


pagkakaroon nang maayos na partisipasyon ng mga samahan sa mga proseso ng
pamamahala. Ito rin ang nagdala sa lungsod sa paglikha ng kanilang sariling
pamamaraan sa pamamahala. Sinasabing ang partisipasyon ng mga samahan ay una sa
limang dahilan ng kasalukuyang kaunlaran ng lungsod ng Naga. Ito ang tinatayang
pinakamahalagang nagging pasiya noong pamumuno ni Mayor Jesse Robredo at
nangyari ito noong hulihan ng dekada 1980 at umpisa ng dekadang 1990.

Ang pagkakaroon ng mga organisadong samahan ay kusang nanggaling sa pagnanais


na rin ng mga mamamayan. Ang mga aktibong samahan ng NGO tulad ng Philippine
Partnership for the Development of Human Resources in Rural Areas ay Malaki ang
papel sa mga sinisimulang gawaing-pangkaunlaran sa lungsod. Nagkaroon ng programa
para sa Kaantabay sa Kauswagan (Partner in Progress) na may layuning matulungan
ang mga pangangailangan ng mahirap sa lungsod. Naitatag ang siyam na samahan sa
pagsuporta ng Community Organizers of the Philippines Enterprises (COPE). Pinayagan
ang pagtulong ng COPE dahil sa panahong iyon ay mahina ang kakayahan ng lungsod
sap ag-oorganisa ng mga samahang pampamayanan. Hindi naglaon, nagkaroon ang
mga maralitang tagalungsod ng kakayahan o sarilng kapangyarihan at nagkaroon sila ng
boses sa lipunan. Ang mga gawain ng Kaantabay sa Kauswagan ay sa mga programang
kaugnay sa pagpapabahay at karapatan sa paniinirahan ng maralitang tagalungsod.

Mula sa siyam na samahan noong 1989, nagging 80 ang samahn ng mga samahan ng
mga maralitang tagalungsod noong 1995. Kinikilala ng lungsod ng Naga na ang mga
samahang ito ay may Malaki at mahalagang gampanin sap ag-unlad ng lungsod. May
kinatawan ang mga samahang ito sa paglikha ng mga batas kaugnay sa pagpapabahaya
at pagpapa-unlad sa lungsod. Nakapagmumungkahi sila ng panukala at nagkakaroon sila
ng tama at napapanahong impormasyon.
Ang proseso ng pagpaplano ay kinakailangan ng konsultasyon ng maliit na bahagi ng
iba’t ibang sektor tulad ng mga bata, kababaihan, at matatanda. Sa ganitong paraan ay
nagkakaroon ng pag-aari sa mga binalak na gawain at pananagutan sa
pagsasakatuparan ng mga ito. Ang kaunlaran ng Naga ay hindi lamang dahil sa
progresibong pamumuno ni Mayor Jesse Robredo at ng Management Team ng
pamahalaan kundi dahil din sa mga aktibong samahang panlipunan at indibidual na
mamamayan. Isinabuhay nila ang prinsipyo ng subsidiarity—naging naapakalapit nila sa
mga sinisilbihang mamamayan at pinayagan sila ng pambansang pamahalaan na
magkaroon ng mga pagkakataong maisakatuparan ang pag-unlad ng kanilang lipunan sa
pamamagitan ng kanilang sariling kakayahan.

You might also like