Gampanin NG Balarila at Retorika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GAMPANIN NG BALARILA AT RETORIKA

Halina’t Alamin

Wika  - Wika ang pangunahing behikulong ginagamit san g nararamdaman at naiisip.


Kung gayon, sa pagpapahayag ay isaalang-alang ang mga panuntunan ng mga wika.

Paglalangkap ng gramatika at retorika

            Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, dalawang sangay ng karunungan ang
sangkot sa pag-aaral ng wika: Ang gramatika at ang retorika.

          Gramatika  o balarila ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang


pagkakaugnay-ugnay. Isinasaalang-alang nito ang mga bahagi at tungkulin ng mga
salita sa isang pangungusap; ang kawastuhan ng pangungusap na gagamitin, pasalita
man o pasulat na kailangang umayon sa tamang gramatikal instruktyur; ang kaayusan  o
sinataks, kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at maging ang panahuhan ng mga
salita.

          Samantala,  Retorika  ang mahalagang karunungan sa pagpapahayag na


tumutukoy sa kasiningan ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan,
manghikayat at kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa. Ang masining na
pagpapahayag ay hindi sinusukat sa haba, hindi rin sa pagiging maligoy kundi sa bisa
nito sa mambabasa o tagapakinig.

Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa


kahulugan at damdaming ibig ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa
tuntunin ng gramatika. Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay naipamamalas sa
mabisang paglalangkap ng gramatika at retorika. Ang gramatika ay gagabay sa
kawastuan ng pahayag at ang retorika naman ay titingin sa kagandahan ng pahayag
nito.

Sa kabuuan, ang rertorika ay tumutukoy sa kagandahan ng pagsasalita at pagsulat samantala ang


Balarila naman ay tumutkoy sa kawastuhan ng mga mga pahayag.
 

You might also like