Ang sanaysay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa
pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng 4oisang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan
ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments); at ang konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo
sa syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang siglo bago dumating si kristo. makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na sicorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag- apila sa
emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.)
Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang
kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436– 338 B.C.).
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati
batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga
kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni
Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.
Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging
batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mgasalita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
Mahalaga na pag-aralan ang kasaysayan ng retorika sapagkat ditto natin makikita
ang pag usbong kung paano nabuo ang magandang ugnayan at ang epektibong panghihikayat. Ditto rin natin makikilala ang mga tao na naging dahilan para magkaroon ng mabisa at masining na pakiki pag-usap.