Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
Division of Negros Occidental
District of Cauayan I
GUILJUNGAN ELEMENTARY SCHOOL

Pagsusulit sa MAPEH V

MUSIC
Panuto: Isulat ang wastong pangalan ng mga sumusunod na nota at rests.

ARTS
Panuto: Makikita mo sa Hanay A ang mga selebrasyon at sa Hanay B naman ang mga petsa
kung kailan ito ipinagdiriwang. Pagtambalin moa ng mga ito. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
A. B.
______ 1. Araw ng mga Puso a. Disyembre 25
______ 2. Bagong Taon b. Pebrero 14
______ 3. Araw ng Kalayaan c. Nobyembre 1
______ 4. Araw ng mga Patay d. Enero 1
______ 5. Pasko e. Hunyo 12

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Iguhit sa patlang bago ang bilang ang masayang
mukha kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa banga at malungkot na mukha naman
kung hindi.
__________6. Bilang bahagi ng kasaysayan, ang banga ay hindi dapat sinisira.
__________7. Maaaring ilagay ang banga sa tamang lugar at gawing dekorasyon.
__________8. Pwede ring gawing basurahan ang banga.
__________9. Kapag marumi na ang banga ay itatapon ito.
__________10. Sikaping mabuti na mapreserba ang mga sinaunang bagay gaya ng banga.
P.E.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tumbang preso ay halimbawa ng larong _________.
a. Fielding game b. Invasion game c. Lead- up game d. Target game
2. Anong mga kagamitan ang kailangan sa paglalaro ng tumbang preso?
a. bola at tsinelas b. tansan at barya c. latang walang laman at tsinelas d. panyo at pamaypay
3. Ang mga sumusunod ay mga kagandahang-asal na nalilinang sa paglalaro ng tumbang preso MALIBAN sa isa.
a. pagiging madaya b. pagiging patas c. pakikiisa d. sportsmanship
4. Saan nagmula ang larong ito?
a. San Fernando, Bulacan b. San Fernando, Tacloban c. San Rafael, Bulacan d. San Vicente, Pampanga
5. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng tumbang preso?
a. Matamaan ang mga manlalaro ng bola.
b. Masipa ng manlalaro ang bola sa malayo.
c. Mapalabas ang tansan sa loob ng parisukat.
d. Matumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato mula sa kinatatayuan nito.
6. Target game na may basyong lata na walang laman ang gamit sa larong_____________.
a. Tatsing b. Batuhang Bola c. Tumbang Preso d. Agawang panyo
7. Alin sa mga sumusunod na lugar ang mainam paglaruan ng tumbang preso?
a. bakuran o lansangan b. loob ng bahay c. loob ng silid-aralan d. mabato at madamong lugar
8. Alin sa mga sumusunod na skill at health- related fitness ang hindi nalilinang sa paglalaro ng tumbang preso?
a. balance b. bilis c. lakas ng braso d. liksi
9. Ilang metro ang layo ng lata mula sa linyang kinatatayuan ng mga manlalaro?
a. 1-2 metro b. 3-4 metro c. 5-6 metro d. 6-8 metro
10. Nilalaro ang tumbang preso ng ______________.
a. isahan b. dalawahan c. tatluhan d. maramihan

HEALTH
A. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, Mali naman kung hindi.
_____1. Ang pag-iwas sa problema ay isang indikasyon sa pagkakaroon nang hindi maayos na mental na
kalusugan.
_____2. Ang kalusugan ng isang tao ay sumasaklaw sa pisikal na aspeto lamang.
_____3. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay tanda ng malusog na sosyal na aspeto ng kalusugan.
_____ 4. Malaki ang maitutulong ng sariling pamilya upang mapaunlad ang kalusugan ng tao.
_____5. Ang pagsali sa iba’t- ibang gawain ng komunidad ay palatandaan ng malusog na pangangatawan.
_____6. Ang paghinga nang malalim at meditasyon ay mga gawaing pisikal na makatutulong sa pagbawas ng
matinding pagod.
_____7. Ang stress o pagkapagod ay nakaaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng tao.
_____8. Ang positibong pananaw sa buhay ay makatutulong upang mapaunlad ang mental na kalusugan ng tao.
_____9. Ang mental at emosyonal na kalusugan ay may kaugnayan sa sosyal na kalusugan ng tao.
_____10. Ang pagmamaktol at pagdadabog ng isang bata sa ikalimang baitang kung hindi nakukuha ang gusto ay
palatandaan ng pagiging malusog.

You might also like