GONZALES: Isang mapagpalang araw po sa ating lahat,ako nga po
pala si Betchemar B.Gonzales,ang Lider ng Team 4, at ngayong araw na ito,tatalakayin natin ang 5 salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng tao….Kung handa kana,paki pindot lamang ang START BUTTON (EDIT) MAGBANUA:Pero bago natin simulant ang talakayan…Bigyan muna natin ng kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan…Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa?
VALERA:Ang pangangailangan or needs sa wikang ingles ay ang mga
bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay…Halimbawa ng mga ito ay pagkain,damit at tirahan…Kapag ipinagkait angf mga pangangailangan, maaring magdulot ito ng sakit o kamatayan sa tao…
TEJADA:Ang kagustuhan o wants naman ay ang mga bagay na gustong
hangarin higit pa sa batayang pangangailangan…Maari wala ang isang tao nito ngunit mabubuhay pa rin siya…Hinahangad ito ng mga tao sapagkat nagbibigay ito ng kaginhawaan,kasiyahan,kaunlaran at karangalan
ESTRABELA: Ngayong alam na natin ang pagkakaiba ng
pangangailangan sa kagustuhan,dumako na tayo sa ating pangunahing paksa, at ito ay tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng tao SERVINAS: Mayroon tayo 5 na salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng tao…Ito ay ang edad,antas ng edukasyon,katayuan sa lipunan, panlasa at kita…Isa-isahin natin ang mga ito
ZAMORA: Nagbabago ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
kapag siya ay tumatanda na…Nung tayo ay bata pa, mahilig tayo sa mga laruan,mga matatamis na pagkain ngunit nang lumaki na tayo,nag-iba na ang ating mga nais o pangangailangan dahil kailangan natin piliin kung ano ang nakakabuti sa atin at hind sa lahat ng pagkakataon laruan at matatamis na pagkain lang ang gusto o kailangan natin….
MARQUEZ: Magkakaiba ang pangangailangan ng mga tao ayon sa
antas ng pinag-aralan..Kung mataas ang iyong pinag-aralan, mas malaki ang posibilidad na ikaw ay isang taong mapanuri,pero maraming nagsasabi na hindi nakabatay sa kataasan ng pinag-aralan ang pagiging mapanuri kundi sa pagkatao at pag-uugali ng tao…Kung gusto mo maging mapanuri,gawin mo..
VALENZUELA: Ang antas ng buhay ng isang tao sa lipunan ay
nakakaapekto rin sa kanyang pangangailangan at kagustuhan….Halimbawa,kung ikaw ay isang CEO,hahangarin mo na maging maayos ang pagpapatakbo ng kompanya ng sa ganun mas makilala ng ibang tao at ng ibang lugar o bansa ang iyong kompanya… Pero kung ikaw ay isang normal na tao na suwesweldo ng 15k kada buwan,nanaisin mo na kayo bilang pamilya ay makakain ng 3 beses sa isang araw ngunit kailangan limitahan ang mga luho… GARADO: Ang panlasa ay isa sa mga salik na nakapagbabago sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao….Isang Halimbawa rito ay ang pananamit ng mga lalaki at babae…Iba-iba ang paraan ng ating pananamit,kung saan tayo kumportable,iyon ang ating susuotin..
MAGBANUA: Nakadepende sa kita ng tao ang pangangailan at
kagustuhan nila..Kung Malaki ang kita,marami mga pangangailangan at kagustuhan ang matutugunan ngunit kapag maliit lang ang kita,kaunti lamang ang matutugunan….Pero nakadepende pa rin yan sa tao…Kung ang isang tao ay marunong magbadget,walang mangyayaring pagkukulang sa mga pangangailangan….
GONZALES: At dito nagtatapos ang ating talakayan tungkol sa mga
salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng tao…Bilang paglalahat,tandaan lamang ang Acroynm na KAPEK K-atayuan sa Lipunan A-ntas ng Edukasyon P-anlasa E-dad K-ita Nawa’y may natutuhan kayo sa ating talakayan sa araw na ito,muli ako si Betchemar B.Gonzales nagsasabing maraming salamat sa inyong panood at paalam SCRIPT WRITER: Betchemar B.Gonzales