Fil10 Q1 Sum 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

UNANG MARKAHAN

IKALAWANG SUMATIBONG PAGTATAYA


Filipino 10 Taong Panuruan 2021-2022

Pangalan: _____________________________ Taon/Pangkat __________Iskor ________

Para sa bilang 1-6

Ako ang simula ng pagbabago! Ito ang mga katagang bukambibig ng sambayanang Pilipino
noong kasagsagan ng nakaraang eleksiyon. Lahat ng tao ay nakiisa. Lahat ng tao ay nakiambag –
malaki man o maliit – upang maging matagumpay ang kampanya tungo sa pagbabago. Bata man o
matanda, mayaman man o mahirap at tumulong upang matagumpay ang pinaglalabanan. Naging
bukas ang mga bata at isipan ng bawat sa Pilipino sanangyayaring pagbabago. Naihalal ang mga
nararapat na mamuno sa ating pamahalaan. Subalit hindi rito magtatapos ang lahat. Ito pa ang simula
ng lahat ng simula. Dito magmula ang tunay na pagbabago mula sa isip, sa salita, at sagawa ng lahat
ng tao. Dito isinilang ang bagong Pilipino na may tunay na pagbabago. Ikaw nga ba ang simula ng
pagbabago? Ikaw nga ba ang babago sa ugali ng bawat Pilipino? Ikaw nga ba ang simula?
Halaw mula sa “Ano ang Magsisimula ng Pagbabago”
Sanaysay

____ 1. Ang uri ng tekstong binasa ay __________.


A. naratib B.deskripto C. ekspositori D. argumentatib
_____2. Ang salitang kasagsagan sa unang pangungusap ay nangangahulugan ng ____.
A. kainitan B. Kabilisan C. kasunduan D. Karunungan
____3. Ang tono ng teksto ay _________.
A. panunumbat B. pangangral C. pagsusumamo D. panghihinayang
____4. Ang angkop na kaisipan ng tekstong binasa ay _____________.
A. Ang pagbabago ay kaakibat ng pag-unlad.
B. Ang pagbabago ay nagsisimula sa puso ng tao.
C. Ang pagbabago at matatamo lamang sa tunay na pagkakaisa.
D. Ang pagbabago ay makakamtan lamang sa tamang pamumuno.
____5. Ang panghalip na ginamit sa unang pangungusap ay.
A. Ako B. Ito C. Tayo D. Ikaw
____6. Alin sa mga sumusunod na salita ang magkakaugnay ang kahulugan?
A. Nakiisa at nakiambag C. Bukas at isipan
B. Malaki at maliit D. Bukambibig at isagawa

Bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya ng dalawang pilak ang namamahala sa otel
at ipinagbiling alagaan ang lalaki. “Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko ang
lahat ng magagastos mo sa kanya.”
Halaw sa “Ang Mabait na Samaritano”

____ 7. Ang pahayag na nasalungguhitan sa talata ay may bisa sa __________.


A. Kaasalan B. damdamin C. kaisipan D. suliranin

1. “Lapit dito, Celso!”


2. Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal.
3. “Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag
umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin.”

Halaw mula sa “Paalam sa Pagkabata”


Salin ni Nazareno D. Bas

____ 8. Ang tunggalian sa binasang teksto ay ______.


A. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa lipunan
B. Tao laban sa tao D. Tao laban sa kalikasan

1
Para sa bilang 9-11

Pag-ibig
Ni Jose Corazon de Jesus
Ang Pag-ibig na dakila’y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

____ 9. Ang sukat ng pantig ng tula ay _______________.


A. Aanimin B. wawaluhin C. lalabing-animin D. lalabindalawahin
____ 10. Ang inilalarawan sa salitang dakila ay ________________.
A. pag-ibig B.lintik C. pisngi D. halik
____ 11. Ang mensahe ng tulang binasa ay_______________.
A.Wagas na pag-ibig C.Tapat na damdamin
B.Dalisay na pagmamahal D.Lahat ng nabanggit
____12.
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
Ang tunggaliang namayani sa nakakahong pahayag ay _______.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa kalikasan
B. tao laban sa Diyos D. tao laban sa supernatural
____ 13.
May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan.
Ang salitang may salungguhit sa loob ng kahon ay nangangahulugang___________.
A. kakinisan B. karangalan C. kagandahan D. kayamanan
____ 14. Ang “kanyang lumang tahanan” ay mahihinuhang tumutukoy sa kalagayang _______.
A. pansarili B. pampaliya C. panlipunan D. pandaidig
____ 15.
Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw .
Ang tinutukoy ng salitang nakakadena sa loob ng pangungusap ay _________.
A. nagtataglay ng talinhaga C. taglay ang literal na kahulugan
B. maraming taglay na kahulugan D. taglay ang denotasyon na kahulugan
____ 16.
Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa
niya itong itakwil. Palibhasa’y ama, _________ napatawad niya rin ito.
Ang angkop na panandang pandiskurso sa patlang ay _______.
A. sa wakas B. pagkaraa’y C. sa dakong huli’y D. pagdating ng panaho’y
____ 17.
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat.
Nang dadamputin na umisod napadpad,
Lumayo sa kamay, nawaglit…umalpas.
Halaw sa “May Isang Pangarap”
Ni Teodoro Gener
Ang nasalungguhitang taludtod sa loob ng kahon ay gumamit ng tayutay na _______.
A. pagtutulad B. pag-uyam C. pagwawangis D. pagmamalabis
____18.
Malimit na sa pagmamasid ______ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang
pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Marissa ng panghihinayang
at napuputos ng lumbay ang kanyang puso.
Ang bisang namayani sa pahayag sa bilang 18 ay_________.
A. kaisipan B. kaugalian C. suliranin D. damdamin
____ 19. Nagalit si Venus kay Psyche dahil wala ng umaalay ng bulaklak sa kanyang altar.
Ang katangian ng tauhan ay _________.
A. selosa B. malupit C. sakim D. maramdamin
____ 20. Ang tunggaliang namayani sa pahayag na ito ay _______.
A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa kalikasan
B. Tao laban sa Diyos D. Tao laban sa supernatural

You might also like