M o D Yu L 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Gasco Michael John S.

Section: Course: BS Criminology 1

MODYUL#2
Gawain 1
Panuto : Ibuod ang binasang seleksyon nang hindi kukulangin sa sampung pangungusap
pataas , patalata.
Nabibigyang-katuparan lang ang isang pangarap kung ang mga bagay na nakikita natin
sa ating isipan ay atin nang nahahawakan at nakikita. Kung minsan ang mga bagay na ito ay
hawak at nakikita na ng iba subalit dahil sa iba-iba ang ating sitwasyon at pagkakataon, hindi
natin mabigyan katuparan ang mga bagay na ito sa ating buhay. Ganoon din ang pagkakaroon
ng intelektuwalisadong wika! Intektuwalisadong wika na maituturing ang isang wika kung
nagagamit na ito sa mahalagang larangan tulad ng edukasyon (lalo na sa hayskul at
pamantasan) , pamahalaan, pagbabatas, hukuman, agham at teknolohiya at negosyo. Sa lagay
ng wikang Filipino, masasabing hindi pa naabot ng wikang Filipino ang ganap na katangian ng
intektuwalisadong wika. Tinatawag na register ng wika ang tanging paggamit ng wika sa isang
larangan. Iba naman ang sitwasyon ng medisina, batas at agham at teknolohiya. Halimbawa,
kung tayo ay isang abogado, hindi natin maiintindihan ang register ng batas sa Ingles gaya ng
salitang case na kaiba sa case ng mga doktor sa larang ng medisina. Maaari din mamali ang
pagkakaindi ng ilan dahil ang case ay maaring tumukoy sa lalagyan tulad ng attaché case. Ang
suliraning ito ay may kaugnay pang mas malaking suliranin. Ito ay ang pagpapahalaga ng mga
Pilipino sa Filipino bilang wikang Pambansa. Ayon sa mga dalubhasa sa wika, ang wika ng
panitikan o literatura ng Filipino ay intektuwalisado na sapagkat nagagawa ng panitikang
Filipino na ipahayag ang mga karunungan at aral na nilalaman ng isang akda gamit ang wikang
Filipino nang hindi nagkakaroon ng suliranin sa mga slitang gagamitin tulad ng kakulangan ng
mga silita. May kakulangan ang mga larangang ito sa wika sapagkat pinatunayan naman ng
kasaysayan maging ang ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal na kulang ang ating
pagpapahalaga bilang Pilipino sa mga ganitong larangan. Mataas na ang pagpapahalaga ng
mga Pilipino sa panitikan bago pa man dumating ang mga dayuhan. Nagagawa naman ng
wikang Ingles na gamitin sa mahalagang larangan ang wika. Sapat ang kanilang mga salita na
magagamit sa mahalagang larangan na hindi pa kaya ng wikang Filipino. Marahil ito ang
dahilan kaya nagiging basehan ang wikang Ingles bilang mapagkukuhanan at mapagbabatayan
ng mga salita sa iba’t ibang larang. Kaya nga maraming babasahin tulad ng pananaliksik, aklat,
akademikong papel at iba pa ang nasa wikang Ingles. Nagagawa nilang maipahayag nang
malaya ang kanilang gusto. Nakararamdam sila ng pagiging makapangyarihan at mamuhay ng
may dignidad. Kaya nilang makipagpalitan ng argumento para magwagi sa mga internasyonal
na palitan ng ideya at tuluyang maipanalo ang kaso. Nagagawa nilang ibenta ang kanilang
produkto sa pandaigdigang pamilihan nang hindi nagbabayad ng translator o tagasalin ng wika.
Kapag narating natin ang mga ganitong bagay, Malaki rin ang magbabago sa ating buhay
bilang mga Pilipino. Kung iisipin kaya naman talaga ito ng wikang Filipino ang mga nabanggit sa
itaas sapagkat wala naman talagang makapangyarihang wika. Iba’iba ang katangian ng bawat
wika subalit lahat ay maaring paunlarin at payabungin. Nasa bawat isa sa mga PILIPINO
lamang ang susi upang makamit ang intektuwalisadong wika lalo na sa mga susunod na pag-
asa ng bayan.
Name: Gasco Michael John S.
Section/Course: BS Criminology 1

M O D Y U L #2
Gawain 2

Panuto : Batay sa sariling pagkakaunawa , ipaliwanag ang kaisipang nais sabihin nito
sa mambabasa nang hindi kukulangin sa sampung pangungusap pataas , patalata.

Ang nais sabihin ng nabasa kong pangungusap ay ang mga pag gamit ng wikang Ingles
patungo sa wikang Filipino. Dito nakalagay kung paano gamitin ang wikang ingles para
mabigyang pangalan ang mga bagay bagay. Ang mga bagay bagay na yuon ay halos may
pagkakapareho sa Wikang Filipino, ngunit iba ang tinutukoy. Tila basehan ang pag gamit ng
wikang Ingles sa lahat ng larangan dahil mas nakaka-akit ito sa lahat ng larangan. Hindi lang
Ingles ang kayang makipag sabayan sa lahat ng larangan. Kaya din itong gampanan ng pag
gamit ng wikang Filipino. Kung baga ang wikang Filipino ay gamitin din natin sa mga paligsahan
gaya ng pakikipagtalastasan sa wikang Filipino o sa isang patimpalak na ginagamitan ng
wikang Pilipino. Hindi man natin maipagpatuloy ang ating pag gamit ng ating sariling wika,
Isapuso natin ito. Dahil ito ang magpapakilala sa atin kung sino tayo o kung ano tayo. Maging
ako o ikaw sariling wika natin ang bubuhay sa ating pagka Pilipino.

You might also like