Professional Documents
Culture Documents
Pantayong Pananaw by Zeus Salazar
Pantayong Pananaw by Zeus Salazar
I. Introduksyon
Ang pantayong pananaw ay isang konsepto ng historyador na si Dr. Zeus A. Salazar na nag-
aadhika ng isang nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa kasaysayan
at agham panlipunan. Ang pantayong pananaw ay kilala din sa tawag na Bagong kasaysayan at
kasalukuyang ginagamit para sa artikulasyon at perspektibo sa agham panlipunan
Ayon kay Salazar, ang kasaysayan ay salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para sa
sinasalaysayang pangkat ng tao o salinlahi. Ang bagong kasaysayan ay ang pagsasanib at
pagtatagpo nito sa ideya ng inangking kasaysayan sa loob ng diwa ng makabayang pagkilos at
pantayong pananaw na pangkabuuang Pilipino. Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw
sa pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian,
pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at
ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika at magkakaroon lamang ng pantayong pananaw
kapag gumagamit ang lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng
lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan.
Ang pangkaming pananaw ang isa sa iniiwasan na mangyari sa suhestyon na metodo ni Salazar,
sapagkat para makabuo ng isang metodong nagsasarili, mainam na umpisahan ang paglilinang
sa mismong taga-loob.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pantayong_pananaw#cite_ref-3
https://www.youtube.com/watch?v=9OrVekTf3k8
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/4949