BUODNGNOLI

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 130

Kabanata 1: Ang Pagtitipon

Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala
bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na
kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi.
Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel,
pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at
isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.
Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang
mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso
tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang
usapan.
Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San
Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa
pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat lamang ang
parusa.
Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang parokya.
Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking
napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang mangumpisal.
Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre
Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang
nawawalang mahahalagang dokumento.
Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy
naman ang talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang
kwento sa pagpunta ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang
kasaluhan at kasiyahan sa kanyang bayan.
Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at
panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang namutla ng makita si
Ibarra.
Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na
nag-aral sa Europa. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre
Damaso pero agad itong tumalikod.
Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil
sa biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap siya sa
tinyenteng kanina pa namgmamasid sa kanila ni Ibarra.
Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na
makita siya sa kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa ang
Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra.
Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na
kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng binata ang masamang hinala
nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama.Ng
malapit ng maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra ng
pananghalian kinabukasan.
Kabanata 3: Ang Hapunan
Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra.
Sa pagsasalo na ito ay nakita niya si Pari Sybyla at Padre
Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla ang
kasiyahan niya sa pagdalo, samantala, so Padre Damaso naman ay
mukhang banas na banas.
Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri
ng mga bisita ni Kapitan Tiyago ang mga masasarap na pagkain na
kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan
kinainisan siya ni Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa
kanyang buhok.
Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng
lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang pari kung sino ang tatabi
sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang
mga panauhin. Nakipag usap si Ibarra sa mga panauhin at
kinwento sakanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa
mga nakaraang taon ng kanyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Sinabi niya rin ang kanyang mga natututunan, bukod sa wika,
tulad ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.
Kabanata 4: Erehe At Pilibustero
Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw,
nabatid niya na di niya na tiyak kung saang destinasyon na siya
napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may Binundok ng
Liwasan.
Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating kanyang
kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa dati. Inilaan niya ang
kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang
kapaligiran, habang iniisip ang mga alaala niya sa lugar na yun.
Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at
ang mapait na sinapit nito. Isang taon bago bumalik si Ibarra sa
Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng
ama niya na si Don Rafael sa kanya ng isang sulat na nagsasabing
di siya dapat mag abala.
Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng
kanyang ama. Kung bakit siya nakulong at maraming galit sa
kanya, ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga pinaratang
sakanya noong siya ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang
pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat ng
makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.
Kabanata 5: Pangarap Sa Gabing Madilim

Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan


niya tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang
silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama.
Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang
bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang
tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga
nagtatanghal.
Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto.
May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa.
Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga
prayle.
Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara.
Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga.
Nang makita naman ni Ibarra ang mga batang Pransiskano na payat at putlain ay
nahabag naman ito.
Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si
Donya Victoria naman ay abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si
Maria Clara.
Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan
na habang si Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiago

Ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umiikot sa katauhan at pag-


uugali ng pangunahing karakter na si Kapitan Tiyago.
Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa
bayan ng Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong
ng isang Dominikong kaibigan na kanyang pinaglingkuran.
Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan
Tiyago. Ang kanyang hugis ng katawan at maging ang buong pisikal nitong
katangian ay hindi maikakaila na siya nga ay isang Indio.
Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya
ay si Donya Pia. Pareho silang masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay
yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya sa bayan.
Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos, manamit
at mamuhay na para na ring isang Espanyol. Sagrado at deboto siyang
katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging sunod-sunuran din
siya sa mga gawain at kagustuhan ng mga banyaga.
Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng
isang sanggol na babae, pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang
kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang
pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Kabanata 7: Suyuan Sa Asotea
Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang
mahalagang responsibilidad sa buhay.
Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na
niya na magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si Maria
Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si
Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.
Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang
dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan na si
Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang
dalawang magsing-irog.
Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-
aalala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa
lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa
Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at
pakikipagsapalaran sa Europa.
Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit
dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin ang
mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng
hinaharap ng bayan.
Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang
kanyang mga yumaong magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at umuwi
para makahabol sa nalalapit na undas.
Kabanata 8: Mga Alaala
Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng
mga dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din niya kung gaano kabilis
ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa
kahirapan ng Inang Bayan.
Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila.
Nanlumo at nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan. Halos
walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng
pitong taon na nilisan niya ito.
Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang
napabayaan. Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo pang lumala, mas
lalong dumami ang bilang ng mga alipin.
Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya
namang ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng mga
pobreng Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin
ni Ibarra.
Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang
Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip niya ang mga aral ng kanyang
dating guro na pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng
inspirasyon upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga
kabataan na siyang pag-asa ng bayan.
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan
Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan
Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay
Maria Clara.
Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang
pumunta sa Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali
bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre Damaso.
Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya
itong malaman aybiglang nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya
hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa
umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng
mga pari.
Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita
niyang pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra.
Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang kaaway.
Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng
desisyon patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang kanyang
tumatayong pangalawang ama.
Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda
tungkol kay Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding
kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni
Ibarra.
Kabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego
Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan
ng San Diego – na siya ring pamagat ng kabanata.
Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan.
Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring malapit sa lawa at ilog.
Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan na ito
dahil sa magagandang tanawin dito.
Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang
kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay may isang matandang
Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan.
Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang
matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit at
alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain.
Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat.
Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda
pero walang nakahanap ng tunay na rason.
Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan
na nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan ay Don
Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na
rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya
namang ama ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan

Sa naunang kabanata ay ipinakilala ang Bayan ng San Diego pati na rin


ang iilan sa pamilya ni Crisostomo Ibarra. Sa kabanatang ito ay
magsisimula na ang pag-ikot ng istorya sa bayan.
Pinamagatang “Ang Mga Makapangyarihan,” ang kabanatang ito ay
ukol sa mga taong tunay na nangingibabaw sa bayan ng San Diego.
Mahigpit ang labanan sa kapangyarihan at lakas sa bayang ito.
Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan
ngunit hindi siya tinaguriang makapangyarihan. Ang kapitan ng bayan
naman at pati na rin si Kapitan Tiyago, bagama’t sila ay nasa posisyong
namumuno, ay hindi pa rin tinatawag na makapangyarihan.
Sa kabila nang kanilang mga salapi at awtoridad, kahit na may iilan pa ring
rumerespeto sa kanila, ay masasabing mas marami pa rin silang nakakalaban
sa taumbayan.
Ang tunay na kinikilalang makapangyarihan ay ang bagong parokyano na
pumalit kay Padre Damasao – si Padre Salvi at pati na rin ang pinuno ng
mga guwardiya sibil – ang Alperes. Ang dalawang ito ang tinitingala nang
lahat at ang tawag sa kanila ay “casique.” Lingid sa kaalaman ng lahat ay
ang dalawang ito ay may hidwaan ngunit hindi nila ito ipinapakita lalo sa
publiko na maaaring makasira sa imahe nila.
Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos

Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang


dalawang sepultorero at pinamagatan itong “Araw ng mga Patay.”
Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa
sementeryo ng bayan. Inilarawan ang sementeryo bilang napabayaan na dahil
walang taga-pangalaga. Sinasabing may isang krus na nakatirik sa isang bato sa
gitna ng libingan.
Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay disoras ng gabi
ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa kanilang mga naging
karanasan sa trabaho.
Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na bagong lipat
lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating
libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa
lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar.
Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad
naman niya na noon ay may isang bangkay na dalawampung araw palang
naililibing na ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay.
Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi
niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa.
Napag-alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote and nag-
utos.
Kabanata 13: Mga Unang Banta Ng Unos

Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama


ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng
nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda,
nagtanim daw siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad
na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng
tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga
labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote.
Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang nadarama,
habang naluha naman ang matanda. Hindi niya lubos maisip na mayroong
hindi nagbigay ng galang sa bangkay ng ama.
Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang
kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman,
kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama.
Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya
ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na
nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa
napagbintangang si Padre Salvi.
Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo
Tasyo sa kaniyang namayapang asawa.
Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang pakalat-kalat na
matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita. Pinahinto ito ng
kaniyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot na
nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito.
Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ikasal ay
namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa pagbabasa at
napabayaan ang mga minana.
Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na matakot,
masaya pa si Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo
upang malinis ang sangkatauhan.
Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabihan niya ito na
umuwi na dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang
magkapatid ay nanatili sila sa simbahan.
Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narrating ang bahay nina Don
Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na
nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama.
Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan. Hindi man daw naniniwala ang
Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.
Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at
nagngingitngit ang kilog at kidlat.
Kabanata 15: Mga Sakristan

Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may banta
ng bagyo, pinatunog pa rin ng dalawa ang kapmana sa kampanaryo ngunit hindi nila
ito napatunog nang tama.
Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa hapunang
inihanda ng inang si Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa simbahan.
Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at ipinagdarasal na
magkasakit ang mga prayle. Halagang P32 (dalawang onsa) ang pinababayaran sa
magkapatid gayong dalawang piso lang ang sahod nila kada buwan.
Hindi nila mababayaran ang ibinibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin
ng mga salitang sana ay tunay na nagnakaw na lamang umano siya para makapagbayad
sa ibinibintang na halaga.
Habang nag-uusap ang dalawa, dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa sa
palyadong pagpapatunog sa kampana. Sinabihan din sila na hanggang ikasampu pa
sila ng gabi sa simbahan, lagpas na sa ika-9 ng gabing pahintulot upang maglakad sa
kalsada.
Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor, ngunit hinila nito ang umiiyak na si
Crispin pababa sa simbahan hanggang lamunin ng dilim. Hindi makapaniwala si
Basilio sa sinasapit na kalupitan ng kapatid.
Gumawa ng paraan si Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang tumila ang
ulan, kumuha ng lubid at nagpadausdos hanggang makarating sa simbahan. Nahanap
niya ang silid na pinagdalhan sa kapatid ngunit sinarado ang pinto
Kabanata 16: Si Sisa
Si Sisa ang ina ng dalawang tauhan sa simbahan na sina Crispin at Basilio.
Naninirahan sila sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan. Mahirap ang
pamumuhay nila.
Nakapangasawa siya ng isang tamad, sugarol, at hindi responsableng lalaki.
Maliban sa wala itong pakinabang, nakatatanggap pa si Sisa ng pagmamalupit sa
asawa. Martir si Sisa. Hindi niya alintana ang pananakit at patuloy na
sinasamba ang asawa.
Isang gabi ay naghanda si Sisa ng isang espesyal na hapunan gaya ng sinabi ni
Tasyo. Bihira itong mangyari dahil salat sila sa buhay.
Naghain siya ng tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin. Tapang baboy-
ramo at hita ng patong bundok para kay Basilio.
Gayunman, dahil naipit sa isang pangyayari sa simbahan, hindi makauuwi ang
magkapatid para saluhan ang ina. Hindi rin matitikman ng magkapatid ang
espesyal na hapunan dahil dumating ang asawa ni Sisa. Inubos ng walang pusong
ama ang hapunan at umalis pagkatapos mabusog tangan ang panabok na manok.
Dahil sa ginawa ng asawa, naiyak sa sama ng loob si Sisa. Iniisip niya ang
masasarap na pagkaing para sa dalawang anak.
Masakit man sa damdamin, nagluto ng kanin at nag-ihaw ng tuyo si Sisa para sa
mga anak na inaasahang darating. Ngunit lumipas ang ilang oras at wala pa ring
Crispin at Basilio na dumarating. Inaaliw niya ang sarili upang hindi mainip.
Maya-maya pa ay dumating si Basilio at isinisigaw ang pangalan ng ina.
Kabanata 17: Si Basilio
Nakarating sa bahay nila si Basilio na may sugat sa noo. Mula iyon sa daplis ng
bala mula sa mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya na nais siyang ikulong sa
kuwartel.
Ipinaliwanag niya sa ina ang nangyari at sinabing nasa kumbento si Crispin.
Papayapa na sana ang damdamin ni Sisa nang ibunyag ni Basilio na
napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa ang kapatid.
Nahabag si Sisa na nangyari sa bunsong anak. Ipinangako naman niya kay
Basilio na walang makaaalam ng tunay na dahilan ng sugat nito sa noo at nakuha
lang ito sa pagkakalaglag sa puno.
Nabatid rin ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang ama. Nawalan siya ng
ganang kumain dahil dito. Alam niya ang pagmamalupit na ginagawa ng ama sa
kaniyang ina. Ipinabatid ni Basilio na gusto na niyang mawala na nang lubusan
ang kaniyang ama sa kanilang buhay na ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa rin
kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya.
Nakatulog si Basilio dahil sa pagod. Napanaginipan pa rin niya si Crispin na
inaalipusta pa rin ng mga pari. Ginising siya ng ina at sinabi rito na ayaw na
niyang bumalik sa simbahan. Magpapastol na lamang daw siya ng mga hayop sa
bukid ni Ibarra. Kapag nasa hustong gulang na raw ay mag-aararo na lamang sa
bukid. Pag-aaralin na lamang daw niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo.
Natigilan naman si Sisa sa ginagawa at muling nalungkot dahil hindi kasama ang
ama sa mga plano ni Basilio.
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa mga
maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa
Purgatoryo.
Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang inalay.
Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga hermana at
hermano mayor na naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin. Bagkus
ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at tumuloy sa kanyang
silid.
Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan sa mga
ito ay mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na
kapistahan. Sa gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-
usapan nila ang tungkol sa usapin ng indulhensiya.
Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang siyang
maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat
isa tungkol sa dami ng kanilang mga naipon para sa kaligtasan ng kanilang
mga kaluluwa.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa, ang ina ng
magkapatid na Crispin at Basilio. Siya ay sumadya sa simbahan upang
tanungin si Padre Salvi tunkol sa anak na si Crispin na nagsisilbing
sakristan ng pari.
Kabanata 19: Karanasan Ng Guro

Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung gaano kalakas ang


kapangyarihan ng mga prayle para sirain ang kinabukasan ng mga kabataan.
Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pangluksa ang tahimik na nagmumuni
sa lawa. Ang mga ito ay sina Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na
kasama niya ang sepulturero at si Tenyente Guevarra sa pagtapon ng
bangkay ni Don Rafael sa lawa.
Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa halip,
mas lalo siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng
guro kung gaano niya ninais na baguhin ang lumang kairalan sa pagtuturo
ngunit siya ay bigo.
Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral.
Ang silid aralan na kanilang ginagamit ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng
mga bata ang mga litanya ng dasal sa salitang Kastila. Pinakita rin sa
kabantang ito ang marahas na kaparusahan na binibigay sa bawat kamalian
ng mga bata.
Ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong binago ng
patago. Ngunit siya ay inalipusta at pinarusahan ni Padre Damaso sa
harapan ng kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si Ibarra sa mga tinuran ng
guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-asa na balang araw mababago rin ang
lahat.
Kabanata 20: Ang Pulong Sa Tribunal

Sa kabanata na ito makikita ang kasamaang dulot ng pagkakaroon ng isang


pinuno na alipin ng mga dayuhan. Kumpleto na ang mga kasapi na nasa
bulwagan para sa gaganaping pulong ng tribunal.
Nahati ang mga ito sa dalawang grupo – ang konsertabatibo ng mga
matatanda at ang liberal ng mga nakababata.
Ang bawat paksiyon ay mayroong panukala para sa nalalapit na kapistahan
ng bayan. Ang gusto ng mga konserbatibo ay isang marangya at magarbong
kapistahan. Nais nila na maging masaya ang mga alkalde at prayle sa
gaganaping na selebrasyon.
Gusto ng mga konserbatibo na magdaos ng dalawang araw na kapistahan at
bubuksan ang lahat ng bahay pasugalan. Kasabay nito ay ang pagtapon ng
mga pagkain sa lawa alinsunod na rin sa tradisyon ni Sila (isang kilalang
diktador na Romano).
Ang mga mungkahing ito ay sinalungat naman ng mga partido liberal. Ang
gusto nila ay isang selebrasyon na ang taong bayan ang mapapasaya at hindi
ang mga iilan lamang. Hangarin din nila na ang matitipid na pondo ay
gagamitin na lang sa pagpapatayo ng mga silid aralan.
Hindi ito sinang-ayunan ng mga konserbatibo dahil malulungkot at
magagalit ang mga alkalde at kura kung ganito lang ang gagawin sa
kapistahan.
Kabanata 21: Kasaysayan Ng Isang Ina

Si Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok kapag nasa


kapahamakan ang kanyang mga anak. Ipinakita ito sa kabantang ito.
Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na
palabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio, tanging ang
inahing manok lamang niya ang kanilang nakuha.
Tinanong si Sisa kung nasaan ang kanyang mga anak pati na ang pera na
ninakaw ng mga ito. Sinabi niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga
anak, kasabay ng pagtatanggol na hindi sila mga magnanakaw.
Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa kura.
Dito, naranasan niya ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula
sa mapanghusgang mata ng mga taong bayan. Pakiramdam niya ay parang
mamamatay na siya sa kahihiyan.
Nang makarating siya sa kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-ulit na
tinanong. Muli, pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanila.
Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon ang kura na pauwiin siya.
Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio
na mayroong bahid ng dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na
iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga pangyayaring ito ay tuluyan nang
tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang palaboy.
Kabanata 22: Dilim At Liwanag

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-uwi ni Maria at ng kanyang Tiya Isabel sa


tahanan ng San Diego dahil sa pistang darating.
Ang pag-uwi ni Maria ay naging salita ng tahanan sapagkat ilang taon rin siyang di
nakakapag-uwi sa bayan niyang sinilangan. Si Maria ay napamahal na sa mga taong
bayan dahil sa taglay nitong bait at kagandahan.
Kaibigan at kilala niya halos lahat ng kanyang mga kapitbahay at kababayan. Lahat
ng mga taga San Diego ay nag-aabang sa kanyang pag-uwi dahil labis nilang
kinagigiliwan ang dalaga.
Mas pinag-uusapan ang dalaga dahil simula ng pagbalik nito ay napapadalas ang
pagbisita at pagsama ni Ibarra sa kanya. Sapgakat, niyaya ni Ibarra si Maria sa
isang piknik kinabukasan. Natuwa naman si Maria sa kanyang imbitasyon at agad
pumayag sa pamamasyal na inalok ng binata.
Ngunit sa pagbabalik ng dalaga sa bayan, di maiwasan ng mga tao sa San Diego ang
kakaibang kilos ni Padre Salvi. Napansin din ng dalaga ang pagbabago ng kilos ni
Padre Salvi at sinabi ito sa kasinatahan at kababata niyang si Ibarra.
Sinabi niya kay Ibarra ang kanyang napansin at nakiusap na kung pwede sila lamang
dalawa ang sasama sa piknik at di na papuntahin ang mga kura.
Subalit sa mga nangyayari sa bayan ng San Diego, pinaintindi ni Ibarra sa dalaga
na kailangan nila isama ang kura sa kanilang mga pasyang lakad, dahil din sa
ikabubuti nila.
Nahinto ang kanilang kwentuhan ng bigla namang nagpakita si Padre Salvi.
Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa upang sila ay maiwan at makapag-usap.
Kabanata 23: Ang Pangingisda

Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-uwi


niya sa bayan ng San Diego. Kaagapay niya ang mga matatalik niyang
kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang, at Neneng sa may dalampasigan
at nagkukuwentuhan at nagbibiruan.
Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan, at ilang
matatandang babae ang naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada
sa dalampasigan. Sila ay may dala-dalang mga pagkain.
Sumakay sila sa bangka. Tig-iisang bangka ang mga dalaga dahil lulubog
ang bangka kung sila lahat ang sasakay. Bawat dalaga ay may kasamang
binata.
Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala si Victoria naman at si
Albino.Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng isang
lalakeng nagngangalang Elias. Siya rin ang nagsilbing piloto ng mga
bangka.
Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria
at umawit ng Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang
nakahagilap si Elias ng isang buwaya.
Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa
buwaya. Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay
niya. Ng matiwasay na ang lahat, nagpatuloy ang magkakaibigan sa
pangingisda at sa piknik.
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Sa kabanatang ito ay nasa kalagitnaan pa rin ng piknik ang magkakaibigan na sila Ibarra,
Maria, Victoria, Iday, Elias, Sinang, at Albino.
Sa parehong araw rin na yun ay maaga natapos ang misa ni Padre Salvi at nakapag-almusal
siya agad. Habang nag-aalmusal, bigla siyang nakatanggap ng liham at biglang nawalan ng
gana. Tumungo siya sa gubat.
Ng makarating siya doon, pinauwi niya na ang kanyang sinasakyan. Naglakad siya sa gubat
ng nakarinig siya ng mga boses. Dahan-dahan siyang lumapit sa isang malaking puno.
Nakita niya sa may ilog ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at Silang na
nagkukwentuhan at nagtatampisaw sa tubig ilog. Maiging nagtago si Padre Salvi upang
pagmasdan ang mga dalaga. Ilang minuto ay napagpasyahan niyang umalis na at hinanap ang
mga kalalakihan.
Pagdating ng tanghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpipiknik. Binanggit ni Padre Salvi
na nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakapagsama. Maya-maya ay dumating si Sisa at
napag-usapan ang mga nawawala niyang anak. Sa pagdidiskusyon nito, napunta sa matinding
pagtatalo si Don Felipo at Padre Salvi.
Iniwan ni Ibarra ang dalawa na nagtatalo at pumunta sa mga kaibigan niya na naglalaro ng
Gulong ng Palad. Ng naituro ng Gulong si Ibarra, tinanong sa kanya kung natupad na ba
ang binabalak nito. Agad naman siyang sumang-ayon dahil malapit na itatayo ang bahay-
paaralan na kanyang pinaplano.
Inilahad niya ang kasulatan at binigay ito kay Maria at Sinang. Ng makita ito ni Padre
Salvi, agad niya iyong kinuha at pinunit dahil makasalanan ang nasa loob ng kasulatan na
yun. Nagalit ang lahat at pinaalis ang kura.
Ilang sandali lg dumating ang Gwardya Sibil at Sarhento at dinakip si Ibarra at Elias sa
pananakit umano kay Padre Damaso.
Kabanata 25: Sa Bahay Ng Pilosopo

Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niya kasing isangguni ang binabalak
niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan.
Nakita niyang abala ang matanda sa sinusulat nito. Gayunman, si Tasyo na mismo ang
huminto sa ginagawa at sinabing ang susunod na henerasyon pa naman daw ang makauunawa at
makikinabang sa kanyang isinusulat.
Binuksan ni Ibarra ang kaniyang plano sa Pilosopo. Sinabi ng matalinong matanda na hindi
dapat sa kaniya isinasangguni ang mga plano, bagkus sa mga makakapangyarihang tao tulad ng
mga kaparian sa simbahan.
Sumagot si Ibarra na ayaw na umano niyang mabahiran ng kabuktutan ang maganda niyang
hangarin. Mauunawaan umano siya ng pamahalaan at taumbayan dahil maganda ang kaniyang
hangarin. Sinalungat naman siya ni Tasyo at sinabing mas makapangyarihan pa ang simbahan
kaysa pamahalaan. Kung nais dawn i Ibarra na magtagumpay sa kaniyang mga plano, marapat
daw na padaanin ito sa simbahan na siyang may hawak sa lahat, kabilang ang pamahalaan.
Iba naman ang pananaw ni Ibarra. Pagkat galing sa Europa, naniniwala siya sa
kapangyarihan ng pagiging liberal. Muli naman siyang sinalungat ng matanda at sinabing
hindi angkop sa bansa ang kaisipang mula Europa.
Tulad ng isang halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin kapag hitik na ang
bunga nito upang manatiling nakatayo nang matatag. Payo pa ng matanda, hindi karuwagan
ang pagyuko sa kapangyarihan.
Hindi man aminin, ngunit napapaisip si Ibarra sa tinuran ng matandang Pilosopo. Bago
umalis, nag-iwan pa si Tasyo ng salita kay Ibarra na kung hindi man siya magtagumpay sa
plano nito, ay may uusbong na sinuman upang magpatuloy ng kaniyang mga nasimulan.
Kabanata 26: Bisperas Ng Pista

Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng Nobyembre.
Hudyat na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-kaniyang gayak ang mga may-
kayang pamilya sa lugar katulad ng pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at
paglalagay ng mga palamuti at mamahaling mga kagamitan.
Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin,
minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa. Imbitado rin ang mga mamamayan
mula sa kalapit na bayan upang matunghayan ang mga pagtatanghal.
Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng mga
musiko upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Siyempre, hindi mawawala ang
misa na pinangunahan ni Padre Damaso.
Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay inialay na ang kanilang
pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo.
Samantala, habang abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo ng
kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa mga paaralan sa Europa. Hiwalay
din ang lalaki sa babae. May malaking bodega at hardin rin ito.
Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa paaralan. Tumanggi siya sa tulong na alok
ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo ng paaralan. Marami ang humanga sa
ginawang ito ni Ibarra. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi
natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.
Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim

Si Kapitan Tiago ang isa sa mga may malalaking handaan para sa pista. Sinadya
niyang magparami ng handa dahil nagpapasikat ito kay Ibarra na kaniyang
mamanugangin. Tanyag kasi si Ibarra sa Maynila at nailalathala pa sa mga
pahayagan.
Iba’t iba ang mga handa at produktong dumarating sa bahay ni Tiago bago pa man ang
bisperas ng pista. At nang makarating sa tahanan at makita ang anak, binigyan ni
Tiago si Maria Clara ng isang agnos na mayroong diyamante at Esmeralda bilang
pasalubong.
Dumating na rin si Ibarra para makita ang mag-ama. Mayroong mga nag-aya kay
Maria na mamasyal na pinahintulutan naman ni Tiago. Inaya rin ni Kapitan si
Ibarra na sa kanila na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso ngunit
tumanggi ito.
Sumama naman si Ibarra sa katipang si Maria sa pamamasyal kasama ang mga
kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa, nakita nina Maria ang isang lalaking
ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Habang pinandidirihan ng lahat
ang ketongin, naawa si Maria dito at iniabot ang pasalubong na mamahaling agnos ng
ama. Sa tuwa, lumuhod sa pasasalamat ang ketongin.
Maya-maya pa ay dumating naman si Sisa. Itinuro nito ang kampanaryo at
sinabing naroon ang anak na si Basilio. Itinuro din niya ang kumbento at sinabing
naroon ang anak na si Crispin. Umalis din agad si Sisa, gayundin ang matandang
ketongin.
Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa kanilang bayan.
Kabanata 28: Mga Sulat

Katulad ng inaasahan, nailathala sa mga pahayagan sa Maynila ang magarbong


pagdiriwang ng pista sa San Diego. Napasama sa balita ang marangyang
paghahanda sa pista, ang mga makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang
pangangasiwa ng mga pareng Pransiskano sa pista.
Nabalita ang pagkaroon ng prusisyon ng mga santo at santa sa buong bayan.
Nagkaroon din ng mga pagtatanghal tulad ng komedya na labis na ikinaaliw ng mga
pari dahil sa wikang Kastila ito ginawa. Mayroon din namang pagtatanghal para sa
mga Pilipino.
Hindi rin nawala ang pagtatanghal ng mga musiko. Mayroong dalawang bandang
nagtanghal noong bisperas ng pista na simbolo ng karangyaan noon. May sayawan
din kung saan nakita ng marami ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Manghang-
mangha naman ang karamihan sa angking kagandahan ni Maria.
Gayunman, nababalot ng lungkot si Maria dahil ilang araw na niyang hindi
nasisilayan si Ibarra. May sakit kasi ito. Kaya minarapat ng kasintahan niyang
sulatan ang binata.
Ayon sa sulat ni Maria na inihatid ni Andeng sa kanilang bahay, patuloy daw ang
pagdadasal ng dalaga para sa katipan. Ipinagtirik pa ni Maria si Ibarra ng kandila
sa simbahan para sa paggaling nito. Ikinuwento rin ni Maria ang sapilitang
pagtugtog at pagsayaw niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin
ni Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang kaniyang
ipinagawang paaralan.
Kabanata 29: Ang Umaga

Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego. Nagising sila
nang maaga dahil sa tunog ng kapamana at mga paputok. Naggayak ang mga
maykayang mamamayan ng kanilang pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga
alahas at palamuti.
Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo Tasyo. Binati
siya ng tinyente ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi nito na paglulustay lamang ng
pera at oras ang kasiyahang katulad ng pista.
Isang uri lamang daw ito ng pagpapakitang tao. Dagdag pa niya, mas maraming
dapat pagtuunan ng pansin na mas mahahalagang bagay kaysa sa pista.
Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda. Gayunman, wala siyang
lakas ng loob na sumalungat sa mga pari.
May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na iyon. Tumanggi
na siya sa pagbibigay ng sermon ngunit pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang
umano ang nakapagbibigay ng aral sa mga taga-San Diego. Dahil doon, agad na
nagpapahid ng langis at nagpahilot si Damaso upang guminhawa ang pakiramdam.
Saktong alas-otso ng umaga nang magsimula ang prosisyon ng mga santo. Kahit sa
pagprusisyon, mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga mamamayan. Sa suot
na abito ay malalaman agad kung sino ang mararangya at hindi.
Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Naroon ang
alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra.
Kabanata 30: Sa Simbahan

Dahil araw ng pista, punong-puno ng tao ang simbahan. Dahil siksikan,


nararamdaman ng lahat ang init sa loob.
Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao na nagbabayad rin ng halagang
dalawang daan at limampung piso. May paniniwala kasi noon na marapat nang
magbayad ng malaking halaga para sa misa kaysa sa mga panooring komedya.
Maaari ka raw kasing dalhin sa langit ng misa, di katulad ng mga komedya na sa
impyerno raw ang tungo.
Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa kasi ang alkalde na sinadyang
magpahuli upang mapansin ng lahat. Ilang sandali pa ay dumating na ito, suot ang
limang medalya na sumisimbolo sa kaniyang posisyon.
Ito na rin ang naging hudyat para magmisa si Padre Damaso kahit hindi maganda
ang pakiramdam. Kasama niya sa harap ng altar ang dalawang sakristan at iba
pang pari katulad ni Padre Sabyla. Pagpanhik ni Padre Damaso sa pulpito, nag-
umpisa ang sermon niya.
Gayunman, tanging masasakit na salita at panlalait ang sinabi ni Padre Damaso sa
kapuwa pari si Padre Martin na siyang nagmisa sa bisperas ng pista na si Padre
Manuel Martin. Aniya, higit na mas mahusay naman siyang magmisa kaysa kay
Padre Martin.
Inutusan naman ni Damaso ang kasamang prayle na buksan ang kuwaderno upang
makakuha na ng tala at opisyal na umpisahan ang misa para sa kapistahan.
Kabanata 31: Ang Sermon

Sa kabanatang ito inilarawan ni Rizal ang mga taong


nagpapakabanal sa likod ng kanilang mga masasamang gawain sa loob
mismo ng simbahan.
Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing simbahan
para sa misa ng kapistahan. Maagang nagsidatingan ang mga
panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at
makinig sa banal na salita.
Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli upang
makinig sa sermon na ibibigay ng predikador.
Mayroong nakalaan na lugar at upuan ang mga prominenteng tao
habang nakasalampak naman sa sahig ang mga mahihirap. Buong
tiyaga na hinintay ng lahat ang matagal na pagdating ng panauhing
pandangal ng misa. Ito ay walang iba kundi si Padre Damaso.
Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang binati ang
mga taong malalapit sa kanya. Binati rin niya si Ibarra, kinindatan
niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa lahat ng
kanyang panalangin.
Kabanata 32: Ang Panghugos

Sa kabanatang ito matutunghayan kung paano gamitin ni Padre


Damaso ang kanyang posisyon at at simbahan para takutin at
alipustahin ang mga Indio.
Gamit ang wikang Kastila, Latin at konting Tagalog, nagbigay ng
sermon si Padre Damaso. Itinuon ng pari ang kanyang mensahe
tungkol sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Maging ang mga makasalanang Indio, araw ng paghuhukom,at ang
ang hindi magandang asal ng mga taga Maynila ay kanyang
binigyang pansin at diin din.
Dahil sa kanyang itinuro, tumayo ang isang batang Manilenyo at
tuluyang lumabas ng simbahan. Si Ibarra naman ay buong tapang
na nagtitimpi sa isang sulok dahil alam niya na siya ang isa sa mga
pinatataman ng pari.
Anumang gawing sigaw at kumpas ni Padre Damaso ay hindi pa
rin niya napigilan ang mga tao na makatulog sa haba ng kanyang
litanya. Sadyang madami ang nawalang ng interes na makaintindi
sa kanya. Marami sa mga panauhin ang umuwing nadismanya
dahil sa hindi naintindihang sermon ng pari.
Kabanata 33: Malayang Kaisipan

Sa kabanatang ito, unti-unting tinatanggalan ng maskara ni Rizal


ang mga taong mayroong masamang hangarin kay Ibarra. Pinapakita
niya ang kanilang mga patago at masamang mga hangarin.
Maagang inihanda ang kabriya para sa espesyal na seremonya na
gaganapin sa bayan. Kasabay dumating ng bandang musiko ang
alkalde, mga ibang pinuno ng bayan, at mga prayle maliban kay Padre
Damaso.
Sa okasyong ito pinasinayanan ang lugar kung saan ipapatayo ang
bagong paaralan. Kasama si Ibarra sa mga panauhin dahil isa siya sa
mga nagpadaulo ng nasabing proyekto.
Pagkatapos mabasbasan at maihulog ang panulukang bato ay isa-
isang naglagay ng kusarang halo ang mga panauhin. Inumpisahan ito
ng alkalde hanggang makarating ang turno ni Ibarra.
Bago bumaba sa hukay si Ibarra upang ilagay ang bato ay biglang
nakalas ang mga kawayan ng kabriya at dumagundong ang lupa sa
hukay. Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Ibarra. Dito sumagi sa
isip ni Ibarra ang babala na ibinigay ni Elias sa kanya.
Kabanata 34: Ang Pananghalian

Ipinakita sa kabanata na ito ang buong kuwento sa likod ng


trahedyang nangyari sa seremonyas ng panulukang-bato.
Katatapos gumayak ni Senyor Crisostomo Ibarra nang dumating
ang hindi inaasahang panauhin. Ito ay ang misteryosong si Elias.
Hindi pa man nakapagsasalita ang huli ay ipinaabot na kaagad ni
Ibarra ang kanyang pasasalamat.
“Kulang pa po iyon” mapagkumbabang ganti naman ni Elias. Sa
hindi kalaunan ay nag-umpisa na siyang magkwento tungkol sa mga
nalalaman niya sa binata. Pinaalalahanan niya si Ibarra na mag-
ingat sa mga kaaway na nakapaligid lagi sa kanya.
Sinabi din niya na hindi aksidente ang nangyaring pagkalas ng
kabriya. Sa halip, ito ay sadyang nakalaan para sa kanyang tiyak na
kapahamakan. Tinutulungan ni Elias si Ibarra bilang pagtanaw sa
lahat ng kabutihan ng yumaong si Don Rafael.
Dahil sa mga ikinumpisal ni Elias ay tinanong niya ito kung kailan
sila magkikita muli. Marahan naman itong sinagot ni Elias na
“andito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko”.
Kabanata 35: Ang Usap-Usapan

Sa ika-35 na kabanata ipinakita ang labis na kasamaan sa puso ni


Padre Damaso. Ito ang naging dahilan upang umabot sa sukdulan
ang galit ng binatang si Ibarra.
Napuno ng sigla at kasiyahan ang idinaos na piging sa bayan. At
kagaya ng karaniwang pangyayari ang mga dumalo ay nahahati sa
dalawang grupo. Ang samahan ng mga matatandang babae at lalaki
at ang grupo ng liberal.
Napawi ang masayang usapan nang biglang dumating ang pamosong
Pransiskanong pari. Sa bungad na salita pa lamang ng pari ay
hindi na kagandahan ang lumabas sa bibig nito. Walang habas
niyang inalipusta ang pagkatao ni Ibarra maging ang alaala ng
kanyang yumaong ama na si Don Rafael.
Dahil dito, ang nanahimik at nagtitimping si Ibarra ay tumayo at
sinunggaban si Padre Damaso. Dala ng kanyang edad at mabigat
na pangangatawan hindi na nakuhang lumaban ng pari. Kung hindi
inawat ni Maria Clara ang kaguluhan, marahil ay tuluyan nang
napatay ni Ibarra si Padre
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Sa kabanatang ito ay ipinakita ang tapang ni Ibarra na siyang unti-


unting gumising sa diwa ng kanyang mga kasamahan sa liberal.
Mabilis na kumalat ang nangyaring kaguluhan sa bayan. Nahati
ang saloobin at paniniwala ng mga taong bayan. Mula sa panig ng
mga nakababata ay labis ang paghanga nila sa katapangan na ginawa
ni Ibarra. Masaya sila at nakaganti na rin sila sa pagsampal ng
pari sa isang binatang Manilenyo.
Samantala, ang mga nakatatandang babae ay nagkaroon ng agam-
agam at takot. Baka daw magaya sa pag-uugali ni Ibarra ang
kanilang mga anak kapag ipinadala rin nila ang mga ito sa Europa.
Ang mga iba naman kagaya ni Kapitana Maria ay buong tapang
na ipinagtatanggol si Ibarra.
Ang pangyayaring ito ang nagbigay ng hudyat sa grupo ni Don
Filipo (samahan ng liberal) upang sila ay magkaisa at manindigan.
Hinikayat niya ang kanyang mga kasapi upang magkaisa kagaya ng
ginagawa ng mga saserdote.
Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral

Nang dumating ang Kapitan Heneral, hinanap niya agad si Ibarra.


Ngunit ang nakita niya ang binatang taga-Maynila na lumabas habang
nagmimisa si Padre Damaso na naging dahilan para pagalitan siya nito.
Kinausap ni Kapitan ang binata na kanina pa balisa. Nang matapos ang
kuwentuhan nila, nakangiti na ang binata, senyales ng kabutihan ng
Kapitan.
Pagkatapos ay dumating ang mga pari ngunit wala si Padre Damaso.
Nagbigay galang sila sa Heneral. Naroon din sina Maria at Tiago at
napansin ng Kapitan. Pinapurihan niya si Maria dahil sa
pamamagitang ginawa nang makabangga sina Ibarra at Damaso.
Maya-maya pa, dumating na si Ibarra. Ipinaalala naman ni Padre Salvi
na exkomunikado na si Ibarra ngunit di siya pinansin nito. Nag-usap sina
Ibarra at Kapitan at pinuri siya nito sa ginawang pagtatanggol sa alaala
ng ama.
Nang matapos mag-usap, binilinan ng Kapitan na papuntahin ni Ibarra
si Tiago para kausapin din. Nag-usap ang dalawa habang si Ibarra naman
ay nagtungo kay Maria. Gayunman, hindi sila nakapag-usap dahil
papunta na sa dulaan ang dalaga.
Kabanata 38: Ang Prusisyon

Ang mga paputok at batingaw ang hudyat na nag-umpisa na ang


prusisyon. Nakasilip ang marami na may hawak na parol. Kasama
sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan Tiago, alkalde,
alperes, at mga kagawad.
Nangunguna sa prusisyon ang mga sakristan kasunod ang mga guro,
mag-aaral, at mga agwasil na nagpapanatili nang maayos na pila.
Ipinrusisyon ang santo nina San Juan Bautista, San Francisco,
Santa Maria Magdalema, San Diego de Alcala, at poon ng
Birheng Maria.
Nang marating ang kubol na ipinagawa ng Kapitan Heneral sa
tapat ng kanilang bahay na pagdarausan ng tulang papuri o loa sa
pinatakasi ng bayan, huminto ang karo. Isang batang may pakpak
ang lumabas at sinimulan ang pagpupuri sa wikang Latin,
Espanyol, at Tagalog.
Sumunod naman ay umawit si Maria Clara ng Ave Maria.
Nabighani ang lahat sa tinig ng dalaga lalo na si Ibarra. Napukaw
lang ang atensiyon nito nang kausapin siya ng Kapitan Heneral
tungkil sa pagkawala nina Crispin at Basilio.
Kabanata 39: Si Donya Consolacion

Kabiyak ng dating kawal at ngayon ay isang alperes si Donya


Consolacion. Gusto niyang magmukhang taga-Europa kaya panay ang
paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita ng wikang Kastila.
Sa kaniyang paningin, ay siya ang pinakamagandang babae sa San Diego
at mas maganda pa kay Maria Clara. Dating labandera lamang ang
ginang at umangat sa buhay dahil sa alperes. Gayunman, mababakas pa
rin sa kaniya ang kawalan ng edukasyon.
Noong araw ng prusisyon, iniutos ng Donya na isara ang kanilang bahay
dahil hindi ito pinayagang magsimba ng asawa niya. Hindi maganda ang
trato sa kaniya ng kabiyak na ikinahihiya siya at lantarang minamaliit.
Nainis siya nang marinig ang pag-awit ni Sisa na nakakulong sa
kuwartel. Inutusan niya sa wikang Kastila si Sisa na umakyat ngunit di
siya sinunod nito. Nagalit ang Donya at kinuha ang latigo ng asawa at
inihampas kay Sisa.
Inutusan itong kumanta at sumayaw, at kapag hindi sumusunod ay latay
ang inaabot ni kay Consolacion. Nahubaran pa si Sisa dahil sa
pagmamalupit ng Donya.
Nakita ito ng asawa at inutusan ang mga kawal na bihisan at pakainin si
Sisa kasabay ng paggamot sa mga sugat dahil ihaharap pa ito kay Ibarra
bukas.
Kabanata 40: Ang Karapatan At Lakas

Nang sumapit ang ika-10 ng gabi, nag-umpisa na ang pagpapaputok ng


kuwitis. Hudyat din ito na umpisa na ang dula. Naroon si Tinyente at
Pilosopo Tasyo na nag-uusap tungkol sa pag-ayaw ni Don Felipo sa
kaniyang tungkulin.
Dumating ang mga tanyag na tao sa San Diego at nag-umpisa na ang
palabas sa pangunguna nina Chananay at Marianito ng “Crispino dela
Comare.”
Lahat ay abalang manood sa dula maliban kay Padre Salvi na si Maria
ang pinanonood. Dumating naman si Ibarra na ikinagalit ng Padre.
Ipinag-utos nit okay Don Filipo na paalisin ang binata pero di niya iyon
magawa dahil ang-abuloy nang malaki si Ibarra. Dahil sa inis, ang pari na
lang ang umalis.
Nagsabi si Ibarra na aalis sandali. Maya-maya ay may lumapit na
guwardiya sibil kay Don Filipo na ipinahihinto ang dula dahil di raw
makatulog ang alperes at si Donya Consolacion. Di pumayag ang Don.
Pinagtangkaang pigilin ang musiko ng dula at nag-umpisa ang gulo dahil
doon. Nakabalik na si Ibarra at hinagkan si Maria. Naibalita naman agad
kay Salvi ang nangyari. Nagkapangitain si Padre Salvi tungkol kay
Maria na nawalan ng malay at agad siyang bumaba sa kumbento pero
walang tao. Kabang-kaba ang pari.
Kabanata 41: Dalawang Panauhin

Balisa at di makatulog si Ibarra dahil sa nangyari sa dula.


Dumating si Elias upang ipabatid na may sakit si Maria. Tinanong
nito ang binata kung may nais sabihin sa dalaga bago dalhin sa
Batangas.
Isinalaysay din ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan.
Kilala niya raw ang dalawang nanggulo at napahinto dahil na rin sa
pakiusap niya.
Nagbihis si Ibarra at pupunta sa bahay ni Kapitan Tiago.
Nakasalubong niya sa daan ang kapatid ng lalaking madilaw na
yumao sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan, si Lucas.
Kinukulit nito si Ibarra sa perang makukuha sa pagkamatay ng
kapatid.
Sinagot siya ni Ibarra na sa susunod na lamang sila mag-usap dahil
pupunta siya sa maysakit. Nangulit si Lucas ngunit tinalikuran
lang siya ni Ibarra.
Sumama ang tingin ni Lucas kay Ibarra. Napabulong ito na apo raw
talaga ng matandang nagpahirap sa ama ni Lucas itong si Ibarra.
Pero magkakasundo pa rin daw sila basta magbayad si Ibarra.
Kabanata 42: Mag-asawang De Espadaña
Dumating sa bahay nina Kapitan Tiago ang mag-asawang Don
Tiburcio at Donya Victorina De Epsadaña kasama ang isang
lalaking nagngangalang Linares.
Isang nagpapanggap na mediko si Don Tiburcio. Galing siyang
Espanya ngunit di na nakabalik doon at dito na nakapangasawa.
Dating tagalinis sa ospital si Tiburcio. Nang manirahan sa
Pilipinas, naghirap ito. Nang mapangasawa si Victorina, naisip
niyang magpanggap na doktor, alinsunod na rin sa payo ng ilang
kaibigan.
Nakabawi sa kabuhayan ang mag-asawa dahil sa dami ng
nagpapagamot sa kaniya kahit huwad naman itong manggagamot.
Agad na pinuntahan ni Don Tiburcio ang maysakit na si Maria.
Pinulsuhan ito at sinabing mapapagaling ang dalaga. Niresetahan
ito ng liquen at gatas, Jarabe de altea, at dalawang pildoras de
Cinaglosa. Ipinakilala naman ni Tiburcio kay Linares na
nagbighani na sa dalaga.
Maya-maya naman ay dumating si Damaso na kagagaling lang din
sa karamdaman.
Kabanata 43: Mga Balak O Panukala

Sa kabanata na ito ipinakilala ang tatlong katauhan nina Don


Tiburcio, Donya Victorina at Linares. Sila ang mga karakter na
puno ng pagkukunwari at kasinungalingan.
Ang dating tahanan ni Kapitan Tiyago na masaya at maingay ay
napalitan ng lungkot at katahimikan. Ang mga bintana ay
nakapinid upang harangan ang hangin na makapasok sa silid ng
maysakit na si Maria Clara.
Tahimik na nag-uusap tungkol sa mga santo at santa ang mag-
pinsan na Tiago at Isabel nang biglang dumating ang mga hinihintay
na panauhin. Sila ang mag -asawang Tiburcio at Victorina, kasama
ang binatang si Linares.
Si Don Victorino ay kilala bilang isang doktor na espesyalista sa
lahat ng uri ng karamdaman. Ngunit ang katotohanan siya ay isang
huwad na manggagamot. Sa katunayan ay minsan na siyang
nakulong dahil sa kanyang kasinungalingan.
Sa kabila nito ay napakalaki pa rin ang tiwala ni Tiyago sa huwad
na doktor dahil sa mga mapaglinlang na pananalita ng asawa na si
Donya Victorina.
Kabanata 44: Pagsusuri Sa Budhi

Ang tahimik at dating mapagmasid na si Padre Salvi ay mayroon


palang itinatagong kasamaan sa puso kagaya ng pransiskanong si
Damaso.
Dumating si Padre Damaso sa bahay ni Papitan Tiyago.
Dumiretso agad ito sa silid ni Maria na hindi man lang pinansin
ang mga tao na kanyang dinaanan. Magkahalong lungkot at
pangamba ang nadama ng pari sa kanyang nasilayan.
Hinawakan niya ng mariin ang mga kamay ng dalaga at sabay
bulong ng “anak ko huwag kang mamamatay”. Pagkatapos ay
pinahid niya ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata.
Nagulat at namangha ang lahat sa kanilang nakita – ang mala-
tigreng si Damaso ay mayroon din palang malambot na puso.
Tahimik ang buong kabahayan nang biglang dumating si Lucas, ang
kapatid ng namatay sa kapistahan. Humihingi ito ng limos para sa
kapatid. Nabigla ang lahat sa inasal ni Padre Salvi. Biglang
uminit ang ulo ng prayle at itinaboy palabas ang kawawang si
Lucas.
Kabanata 45: Ang Pinag-uusig

Ang ika-limang kautusan sa bibliya ang lubos na iniyakan ng


dalagang si Maria Clara.
Sa paglipas ng araw ay unti-unti na ring humupa ang lagnat ni
Maria. Nagalak ang lahat lalo na si Victorina. Sinabi niya na
kung hindi sa kanyang asawa ay namatay na si Maria. Agad naman
itong kinontra ni Padre Salvi, para sa kanya ay Diyos ang
nagpagaling sa dalaga.
Pinayuhan ni Padre Salvi si Kapitan Tiyago na ihanda si Maria
na makapagkumpisal upang siya ay makapag-kumonyon. Ito raw
ang kanyang kailangan upang tuluyang gumaling ang kanyang
karamdaman. Agad naman na tumalima ang huli.
Sa loob ng silid ni Maria ay pabulong niyang kinakausap ang
kaibigan na si Sinang. Tinatanong niya ang kalagayan ng
kasintahan na si Ibarra. Pinagbilin niya dito ang mga mensaheng
“sabihin mo sakanya na huwag akong alalahanin”.
Naputol ang kanilang bulungan nang pumasok si Isabel upang
ihanda siya sa pagsuri ng kanyang budhi.
Kabanata 46: Ang Sabungan

Dito lubos na makikilala ang katauhan at katalinuhan ng pilotong si


Elias.
Pagkalipas ng maraming araw ng paghahanap ay natunton din ni
Elias ang pinagtataguan ni Tandang Pablo. Siya ang matandang
mayaman sa bayan na tumulong at nag-aruga sa pobreng si Elias.

Si Tandang Pablo ay biktima ng karahasan ng mga mapang-aping


dayuhan. Naubos ang lahat ng kayang kabuhayan dahil sa
pananamantala ng mga nasa poder. At ang pinakamasaklap, ay
pinatay ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya.
Si Pablo lang ang tanging nakaligtas, kaya siya nagtago dahil ang
akala sa bayan ay patay na rin siya. Madiin at matapang ang pasya
ng matanda na isakatuparan na ang plinaplanong rebolusyon,
subalit hindi ito sinang-ayunan ni Elias.
Buong pagpapakumbaba na sinabi ni Elias na isantabi muna ang
rebolusyon. Sa halip ay daanin muna ang lahat sa diplomasya
upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at ng mga magiging biktima
ng kaguluhan.
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
Habang nasa sabungan si Kapitan Tiago, magkaakbay namang
namamasyal sina Don Tiburcio at Donya Victorina. Tinitingan nila ang
bahay ng mga Indio.
Nababalisa ang Donya kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga Indio.
Inutusan niya ang asawa na mamalo ng sombrero ngunit umayaw ito dahil sa
kaniyang kapansanan.
Nang mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan sina
Victorina at Consolacion. Inistima nila ang isa’t isa at tinitigan mula ulo
hanggang paa. Dumura pa sa harap ng bahay ng alperes si Victorina na
lalong ikinaasar nito.
Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni Victorina
ang alperes habang minaliit naman ni Consolacion ang kapansanan ni
Tiburcio. Pumasok sa bahay at kumuha ng latigo si Consolacion ngunit
inawat na ang dalawa ng kanilang mga asawa.
Narinig ng buong bayan ang away. Inutusan ni Consolacion ang asawa na
barilin ang Don habang si Victorina naman ay inutusan ang asawang
barilin din ang alperes. Pero tumanggi ito at nahablot ang pustiso ng asawa.
Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang Donya
sa nangyari. Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid habang inaabot ni
Tiago ang bayad niya sa mag-asawa at umalis na ang mga ito.
Kabanata 48: Ang Talinghaga
Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si
Maria. Ibinalita niya rin dito ang pagkakatanggal niya bilang
eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang saya ni Ibarra nang
makita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng mga
bulaklak.
Nagulat ang binatang si Linares habang namutla naman si Maria
Clara. Nais sanang tumayo ng dalaga para pumunta kay Ibarra
ngunit hindi pa siya lubusang magaling. Nakipagkuwentuhan naman
siya kay Maria ngunit umalis din agad.

Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa


ipinatatayong paaralan. Nakita niya si Nol Juan at ibinalita rito na
tanggap na siyang muli ng simbahan.
Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton.
Ipinag-utos ni Ibarra kay Nol Juan na kunin ang mga talaan ng
obrero.
Inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon pag-usapan ang
isang mahalagang bagay. Pumayag siya at naiabot naman ni Nol
Juan ang talaan. Nakita niyang wala roon si Elias.
Kabanata 49: Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig

Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong


nagambala niya ang binata. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si
Elias at sinabi ang pakay niya.
Si Ibarra daw ang sugo ng mga sawimpalad. Napagkasunduan daw
ng puno ng mga tulisan na hilingin sa kaniya ang ilang bagay tulad
ng pagbabago sa pamahalaan, pagbibigay ng katarungan, pagbawas
sa kapangyarihan ng mga guwardiya sibil, at pagkilala sa dignidad
ng mga tao.
Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang
kayamanan at impluwensiya niya mula sa mga kaibigan sa Madrid
ngunit batid nitong hindi ito sasapat para sa pagbabagong hinihingi.
Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa
kapangyarihan ng tao. Dapat din daw ay ang gamutin ang mismong
sakit at hindi lamang ang mga sintomas.
Nagtalo ang dalawa saglit. Gayunamn, hindi nakumbinsi ni Elias
si Ibarra at sasabihin na lamang niya sa mga sawimpalad na umasa
na lang sa Diyos.
Kabanata 50: Ang Mga Kaanak Ni Elias

Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Dito ibinunyag ni Elias na ang pamilya


niya ay mula rin sa mga sawimpalad.
Ang nuno ni Elias ay namasukan noon sa isang bahay-kalakal sa Maynila na pag-
aari ng isang Kastila. Nasunog ito at napagbintangan ang lalaki niyang nuno.
Pinarusahan ito at kinaladkad ng kabayo.
Dahil sa nangyari, namundok na lang ang mag-asawa. Ngunit namatay ang bata sa
sinapupunan ng babae. Nagpatiwakal naman ang lalaki dahil sa kamalasang
nangyari. Di siya naipalibing ng babae dahil walang pera. Nang mangamoy ang
bangkay, nalaman ng mga awtoridad at nais maparusahan ang babae. Pero
nagdadalang-tao pala ito kaya ipinagpaliban.
Nang makatakas sa mga awtoridad, lumipat sa malayong lalawigan ang babae. Sa
paglaki ng panganay, ito ay naging tulisan habang ang isa pa nitong anak ay
nanatiling matino.
Nagpatiwakal din ang anak na panganay ng babae habang nagpakalayo-layo naman
ang bunso.
Napadpad siya sa Tayabas at doon ay naging obrero. Nakagiliwan siya ng lahat
dahil sa mabuting ugali at nakahanap ng mapapangasawa. Mayaman at babae at
pinaghiwalay sila ng mga magulang. Ngunit buntis na pala ang babae at nagsilang
ng kambal, sina Elias at Concordia.
Tulad ng mga ninuno nila, nagpakamatay din si Concordia dahil sa labis na lungkot
at natagpuan na lamang ang nila ang bangkay nito sa Calamba.
Kabanata 51: Mga Pagbabago
Balisa si Linares dahil sa liham ng pinsang si Donya Victorina.
Nais nitong hamunin ng binata ang alperes. Alam niyang seryoso
ang Donya ngunit alanganin siya dahil wala naman siyang padrino.
Samantala, dumating naman si Padre Salvi sa bahay ni Kapitan
Tiago. Masaya nitong ibinalita ang pasya ng arsobispo na
pinawawalang-bisa ang pagka-eksokomunikado ni Ibarra, sabay
papuri dito na kalugod-lugod naman ito ngunit may kapusukang
taglay.
Sinabi rin ni Salvi na tanging si Damaso na lamang ang sagabal sa
pagpapatawad kay Ibarra. Ngunit kapag si Maria Clara daw ang
nakipag-usap kay Damaso ay tiyak na patatawarin ito.
Maya-maya ay dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel.
Kumamay naman si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing kapupuri
lamang niya sa binata.
Ilang saglit ay lumapit si Ibarra kay Sinang upang kausapin si
Maria. Gayunman, sabi ng dalaga ay umalis na lamang ito at
limutin siya ngunit nais ni Ibarra na makausap ang kasintahan.
Nagmatigas si Maria at hindi hinarap si Ibarra hanggang sa
umalis ito.
Kabanata 52: Baraha Ng Patay At Mga Anino

Sa isang malamig na gabi, tatlong anino ang nag-uusap sa ilalim ng


pinto ng libingan. Sabi ng isa, kung nakausap na ba nito si Elias.
Sumagot naman ang isa pang anino na hindi pa ngunit tiyak siyang
kasama ito dahil minsang nailigtas ni Ibarra ang buhay nito.
Tumugon ang isa pang anino na ito raw ay pumayag na sumama
sapagkat ipadadala ni Ibarra sa Maynila ang kaniyang may
karamdamang asawa. Sasalakay daw siya kumbento. Sabi naman ng
ikatlong anino sa kwartel sila susugod para ipabatid sa mga
gwardiya sibil na may anak na lalaki ang kanilang ama.
May dumating na isa pang anino at sinabing sinusubaybayan siya
kaya naghiwa-hiwalay daw sila. Sinabi din nito na kinabukasan ay
tatanggapin na nila ang kanilang mga sandata, sabay sigaw ng
“Mabuhay Don Crisostomo.”
Naiwan ang dalawang anino sa pinto. Naisipan nilang magsugal.
Ang sabi ng isa, kung sino daw ang manalo ay maiiwan upang
makipagsugal naman sa mga patay. Naibulgar ang pagkatao ng
dalawa dahil sa liwanag, sina Elias at Lucas.
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga

Usap-usapan sa San Diego ang nakitang mga liwanag sa


semeteryo. Kaniya-kaniyang hinuha ang mga tao kung ano at saan
nanggaling ang liwanag. Nariyan ang hinalang mila ito sa mga
demonyo o mga kaluluwang di matahimik sa purgatoryo.
May iba namang usapan sina Don Filipo at Pilosopo Tasyo.
Ibinalita na kasi ng Don na tinggap nan g alkalde ang kaniyang
pagbibitiw. Tutol naman dito ang matandang Pilosopo dahil sa
panahon daw ng digmaan ay dapat nananatili sa kapangyarihan ang
mabubuti.
Sinabi rin nito na ibang-ibang na raw talaga ang Pilipinas
dalawampung taon ang nakalilipas mula nang dumating ang mga
Europeo.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, sinabi ng Don kay Tasyo kung
nais raw ba niya ng gamot dahil nanghihina ito. Sabi niya na hindi
niya kailangan ng gamot dahil kapag yumao siya, mas kailangan ng
mga maiiwan ang gamot.
Nagbilin din ang matanda kay Don Filipo na dalhin sa kaniya si
Ibarra dahil malapit na raw siyang yumao.
Kabanata 54: Ang Pagbubunyag

Nagpunta ang kura sa bahay ng alperes upang ibalita rito ang


pinaplanong pag-aaklas at paglusob sa kuwartel. Nalaman daw ito
ng kura dahil sa isang babaeng nagkumpisal.
Pinaghandaan ng kura at ng alperes ang sinasabing pag-aaklas.
Nagtalaga sila ng mga guwardiya sibil sa kumbento habang lihim na
nakamasid ang mga sibil sa kuwartel.
Dali-dali ring nagpunta sa bahay ni Ibarra si Elias. Natagpuan
niya ito sa laboratoryo. Sinabi nito ang planong pag-aaklas na tiyak
na si Ibarra ang ituturong nagbayad sa kilusan ng paglusob.
Dahil dito, susunugin nila ang mga aklat at kasulatan ni Ibarra na
maaaring magamit na ebidensya laban sa kaniya.
Nakita ni Elias ang isang kasulatan tungkol kay Don Pedro
Eibarramendia. Itinanong ni Elias kung kaano-ano ito ni Ibarra.
Sumagot siya na nuno raw niya ito.
Nanginig sag alit si Elias sapagkat ang Don na iyon ang
nagpahirap sa kaniyang nuno. Nais na sanang gamitin ni Elias ang
balaraw kay Ibarra. Ngunit natauhan ito at umalis na lamang.
Kabanata 55: Ang Pagkakagulo

Sa kabanata na ito, ipinakita ang pagkakagulo ng mga tao sa


bayan ng San Diego. Oras ng hapunan na ng hapunan pero
walang gana si Maria. Niyaya niya si Sinang upang
tumugtog ng piyano.
Sa kabila naman ay naglakad-lakad is Pari Salvi sa loob ng
bulwagan. Habang hinihintay si Ibarra, di mapakali si Maria
at ang mga kaibigan nito.
Ng sumapit ang ikawalo ng gabi, nasa may sulok ang pari,
samantala ang magkaibigan ay di alam kung ano ang dapat
nilang gawin. Ng tumugtog ang kampana, biglang dumating si
Ibarra na mukhang luksang-luksa sa suot.
Sinubukan ni Maria na lapitan ang kasintahan ngunit may
biglang pumutok na baril sa labas. Natakot ang mga tao at
nagtago. May mga sumisigaw ng “tulisan” sa loob ng
bulwagan.
Nang matapos na ang gulo, tiniyak ng Alperes na wala ng
panganib sa labas at siniguradong maayos ang lahat.
Kabanata 56: Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro

Pagkatapos ng kaguluhan, kinabukasan ay takot na takot pa


rin ang mga tao ng bayan ng San Diego. Ang mga tao ay
nagtatago lamang sa kani-kanilang mga tahanan at ni wala
kang makita na tao sa mga daan.
Ng may bata na nagbukas ng bintana, sumunod rin ang mga
magkakapitbahay. Napag-usapan nila ang pagsalakay ni
Kapitan Pablo. Nasa mga kuwadrilyero rin ang pagdakip
kay Ibarra.
May usap-usapan rin na itinangka ni Ibarra na itanan ang
kasintahang si Maria upang di matuloy ang pagpapakasal
nito kay Linares. Kaya pinatigil ni Kapitan Tiyago ang
pagtatanan ng magkasintahan sa tulong ng Sibil.
Napatunayan rin na totoo ang usap-usapan tungkol sa
magkasintahang Ibarra at Maria, kaya sinunog ng mga sibil
ang bahay ng binata.
Kabanata 57: Vae Victus

Naging mahigpit ang mga sibil sa pakikutungo nila sa taong


bayan ng San Diego. Kahit mga bata ay di nila
pinalalampasan at pinaghihigpitan. Sa kabanatang ito ay
nasa kwartel sina Alperes, Direktorsillo, Donya
Consolation, at ang Kapitan. Sila ay may bahid ng
kalungkutan sa kanilang mga mukha.
Ng mga ikasiyam ay dumating ang Kura at itinanong sa
Alperes and tungkol kay Ibarra at Don Filipo. May batang
nakasunod sa kanya na umiiyak at duguan.
Tuluyang iginiit ng Kura si Ibarra sa pagiging dahilan ng
paglusob at pagkagulo sa bayan. Sapagkat ang di nila alam ay
nagawa lamang ni Ibarra iyon dahil sa nais na ipaghiganti ang
kanyang yumaong ama sa pinatay ng mga Sibil.
Ng walang makuha ang Sibil na impormasyon galing kay
Tarsilo, itinimba nila ito sa isang balon na na nakabaliktad ang
sikmura. Ilang beses rin nilang paulit-ulit na ginawa ito kay
Tarsilo, hanggang sa namatay nalang ito.
Kabanata 58: Ang Isinumpa

Ang mga pamilya ng mga nabilanggo ay ilang araw ng tuliro at


pagod. Ilang araw na rin silang umiiyak dahil sa sinapit ng
kanilang mahal sa buhay. Nagkasakita ang Kura kaya kung
gayon ang Alperes ang dumagdag bilang bantay. Samantala
ang Kapitan naman ay nawawalan na ng silbi.
Maging ang mag-ina ni Don Filipo ay walang tigil ang pag-
iyak habang naglalakad-lakad. Inuusal naman ni Kapitana
Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Sinisilip
naman ni Kapitana Maria ang kanyang kambal na anak.
Isang araw ay napalabas ang mga bilanggo, kasama si Ibarra.
Ngunit ang lahat ay galit na galit sa kanya. Walang sinuman
ang tumawag sa kanyang pangalan.
Ng siya ay lumabas ng walang gapos kasama ang dalawang
kawal, umugong ang mga tao na kung sino pa ang may sala siya
pa ang walang tali.
Kabanata 59: Pag-ibig Sa Bayan

Naihayag sa mga diyaryo sa Maynila ang nangyaring paglusob ng mga


inapi o sawimpalad. Iba-ibang estilo at uri ng balita ang nailathala.
Maligalig ang mga tao sa kumbento at kaniya-kaniyang bigay ng kanilang
pahayag.
Usapan naman sa ibang kumbento na ang mga nag-aaral sa Ateneo ay mga
pilibustero. Di naman mapakali si Kapitan Tinong mula sa Tondo na
minsang tumulong kay Ibarra.
Nagagalit kasi ang asawa niyang si Tinchang dahil dapat daw nasa
Kapitan-Heneral ang kaniyang paglilingkod at di sa mga naghihimagsik.
Dumating ang pinsan ni Tinchang na si Don Primitivo. Sinabihan nito si
Tinong na gumawa na ng huling habilin dahil sa pakikipagkaibigan kay
Ibarra. Nahimatay ito dahil sa narinig. Nang magising, pinayuhan siya ni
Primitivo na bigyan ng anumang regalong mamahalin ang heneral at
sabihing pamasko ito. At sunugin ang anumang kasulatang mayroon si
Tinong na mula kay Ibarra.
Usap-usapan naman sa may Intramuros ang nangyaring pag-aaklas.
Marami ang nagsasabing taksil daw si Ibarra dahil sa nangyari. Sinabi
pang ang paaralan ay para lamang sa mga plano nito.
Nag-imbita naman ang pamahalaan ng ilang mag-anak sa Tondo para sa
pagtulog sa Fuerza de Santiago, kabilang si Kapitan Tinong.
Kabanata 60: Ikakasal Na Si Maria Clara
Maligaya si Kapitan Tiago dahil siya ay hindi man lang nausig
ng pamahalaan. Kabaligtaran ni Tinong na mula nang imbitahan
ng pamahalaan ay di na nakausap nang maayos at di na lumalabas.
Dumating naman ang mga De Espadaña sa bahay ni Tiago kasama
si Linares. Sinabi ni Donya Victorina, nararapat lamang na
maparusahan si Ibarra sa ginawa. Hinarap ni Maria Clara ang
mga bisita.
Napag-usapan ang kasal nina Maria at Linares. Payag na si
Tiago na ikasal si Maria kay Linares dahil tagapayo ito ng
Kapitan Heneral.
Kinabukasan, napuno ng bisita ang bulwagan ni Kapitan Tiago.
Andun ang mga Instik, mga paring sina Salvi at Sibyla. Naging
usap-usapan ang pagpapakasal ni Maria kay Linares. Sabi ng
ilan ay ginagawa lamang daw ito ni Maria dahil papaslangin na si
Ibarra.
Nagtungo si Maria sa asotea. Nakita niya sa isang lumang bangka
sina Elias at Ibarra na tatakas. Sandaling nag-usap ang dalawa at
sinabi ni Maria na si Ibarra pa rin ang mahal nito. Umalis na rin
ang dalawa pagkatapos makipag-usap kay Maria.
Kabanata 61: Ang Barilan Sa Lawa

Dadalhin ni Elias si Ibarra sa Mandaluyong upang doon


pansamantalang magtago. Ibibigay daw ni Elias ang pera na itinago
niya sa puno ng balete upang magamit ni Ibarra paalis ng bansa.
Inaya ni Ibarra na sumama si Elias dahil parehas naman sila ng
dinanas, ngunit tumanggi ito.
Pagdating sa tapat ng palasyo, nakita nilang may naninita. Itinago
ni Elias si Ibarra sa ilalim ng mga dahon. Sinabi nito sa mga bantay
na tutungo siya sa Maynila upang magdala ng damo. Nakalusot
sila sa mga bantay.
Nang makalagpas naman sa bunganga ng Ilog Pasig, isang palwa ng
mga sibil ang papalapit sa kanila. Ililiko sana ni Elias ang bangka
ngunit naisip niyang wala silang laban dahil sa armas ng mga ito.
Sinabi nito kay Ibarra na magkita na lamang sila sa Noche Buena
sa libingan ng nuno ni Ibarra at tumalon palabas ng bangka.
Pinaulanan siya ng bala ng mga sibil. Dahil malayo na ang narating
ni Elias, di na siya sinundan. Umalis na rin ang mga ito nang may
nakitang dugo sa tubig.
Kabanata 62: Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso

Nabalitaan na ni Maria Clara ang nangyari kay Ibarra.


Nakapako lamang ang kaniyang mga mata sa mga pahayagang
nagsasabing patay na si Ibarra. Di man niya ito binabasa,
batid niya ang balita.
Dumating si Padre Damaso at nakita ang malungkot na anak.
Hiniling agad ni Maria na huwag nang ituloy ang kasal kay
Linares dahil wala naman daw siyang ibibiging iba ngayong
wala na si Ibarra. Dalawa na lang daw ang mahalaga sa kaniya
ngayon, ang kamatayan o kumbento.
Batid ni Padre Damaso na gagawin ng anak ang sinasabi kaya
humingi ito ng tawad kay Maria. Napaiyak pa ang prayle at
sinabing walang kapantay ang pagmamahal sa anak. Pumayag
din itong huwag nang ikasal at papasukin na lang sa kumbento.
Malungkot din si Damaso sa dinaranas ng anak.
Napatingala siya sa langit at nasabi niyang totoo ang Diyos at
nagpaparusa talaga ito sa mga nagkakasala.
Kabanata 63: Ang Noche Buena

Sa isang kubo sa dampa na nakatayo sa bundok ay doon namalagi si


Basilio na natagpuan ng isang pamilya. Nang magpaalam na umuwi,
pinayagan naman siya ng mga ito.
Samantala, Noche Buena sa San Diego. Ngunit kapansin-pansin na
malungkot ang lahat. Walang palamuti o anumang programa.
Nakatanggap din ng liham si Simang mula kay Maria ngunit ayaw niya
itong basahin.
Nakarating naman si Basilio sa San Diego at hinanap ang ina sa
kanilang tahanan ngunit wala ito roon. Nakita niya sa bahay ng alperes si
Sisa at biglang tumakbo. May bumato sa ulo ni Basilio ngunit di niya
ito alintana.
Nakarating sila sa libingan. Hindi siya makilala ng ina na nawalan ng
malay. Nawalan din ng malay si Basilio dahil sa pagod at sugat na
tinamo. Nang magising, nakita niya si Sisa na wala na nang buhay.
Hindi alam ni Basilio ang gagawin nang dumating ang mahinang si
Elias. Sinabi nito na may malaking pera sa ilalim ng balete at gamitin
dawn i Basilio ito sa kaniyang pag-aaral.
Humarap sa langit si Elias at sinabing masaya siyang mawalan ng buhay
na nasisilayan ang liwanag.
Kabanata 64: Ang Katapusan

Simula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento, nagpakalayo-layo na rin si


Padre Damaso. Sa Maynila siya naglagi hanggang inilipat ng padre provincial
sa isang malayong lalawigan upang doon na magmisa. Kinabukasan, natagpuang
pantay si Padre Damaso. Ayon sa pagsusuri ng mediko, bangungot o sama ng loob
ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.
Nanungkulan naman pansamantala si Padre Salvi sa kumbentong pinapasukan
ni Maria. Ilang araw pa ay naging Obispo na rin ito at nagtungong Maynila.
Bago naman maging ganap na mongha si Maria, kalunos-lunos naman ang sinapit
ng kaniyang ama-amahang si Tiago. Nangayayat ito nang husto, naging mapag-
isip, at nawalan ng tiwala sa mga tao sa kaniyang paligid. Sinabihan naman ni
Maria ang kaniyang Tiya Isabel na umuwi na lamang sa Malabon o San Diego
dahil nais na niyang mamuhay nang mag-isa.
Napabayaan na rin nito ang mga santo at santang pinananampalatayaan. Naging
abala ito sa paglalaro ng liyempo, sabong, at paggamit ng marijuana. Napabayaan
niya ang kaniyang kalusugan at kabuhayan. Ganap nang nalimot ng mga tao na
dati siyang marangya at iginagalang na tao sa kanilang bayan.
Samantala, si Donya Victorina ay patuloy sa pagdagdag ng kulot sa kaniyang
ulo upang magbalatkayo na isang taga-Andalucia. Pero nangungutsero na lang
siya ngayon. Hindi makakilos si Don Tiburcio at hindi na rin makapanggamot
bilang isang doktor at wala na ring mga ngipin.
Noli Me Tangere

Ipinasa ni: Angelyn M. Dela Cruz

Grade 9- Mangulabnan

Ipinasa kay: Gng. Jelyn Macaspac


Kabanata 1: Ang Pagtitipon

Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas


kilala bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila,
agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye
Anluwagi.
Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni
Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla,
Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina,
Padre Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.
Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio.
Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda
si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba
naman ni Padre Sabyla ang usapan.
Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San
Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya
sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat
lamang ang parusa.
Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang
parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal
na lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang mangumpisal.
Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si
Padre Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni
Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento.
Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente.
Nagpatuloy naman ang talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang


kwento sa pagpunta ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang
kasaluhan at kasiyahan sa kanyang bayan.
Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at
panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang namutla ng makita si
Ibarra.
Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na
nag-aral sa Europa. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre
Damaso pero agad itong tumalikod.
Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa
biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap siya sa
tinyenteng kanina pa namgmamasid sa kanila ni Ibarra.
Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na
makita siya sa kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa
ang Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra.
Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na
kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng binata ang masamang
hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang
ama.Ng malapit ng maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si
Ibarra ng pananghalian kinabukasan.
Kabanata 3: Ang Hapunan

Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni


Ibarra. Sa pagsasalo na ito ay nakita niya si Pari Sybyla at
Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla
ang kasiyahan niya sa pagdalo, samantala, so Padre Damaso
naman ay mukhang banas na banas.
Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo.
Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiyago ang mga
masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang
Tinyente, na kung saan kinainisan siya ni Donya Victoria
dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok.
Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman
ng lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang pari kung sino
ang tatabi sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula
ng magsalo ang mga panauhin. Nakipag usap si Ibarra sa
mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang
kinaroroonan.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga
napuntahan sa mga nakaraang taon ng kanyang
pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang
kanyang mga natututunan, bukod sa wika, tulad ng iba’t
ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.
Kabanata 4: Erehe At Pilibustero

Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw,


nabatid niya na di niya na tiyak kung saang destinasyon na
siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may
Binundok ng Liwasan.

Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating


kanyang kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa dati.
Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-
masid sa kanyang kapaligiran, habang iniisip ang mga alaala
niya sa lugar na yun.

Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang


ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon bago bumalik
si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa
kanyang ama. Binilin ng ama niya na si Don Rafael sa
kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag
abala.

Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa


buhay ng kanyang ama. Kung bakit siya nakulong at
maraming galit sa kanya, ang rason ng kanyang
pagkabilanggo, ang mga pinaratang sakanya noong siya ay
nasa kulungan, hanggang sa kanyang pagkalaya sakanyang
mga kaso. Sapagkat nung siya ay dapat ng makalabas, siya
ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.
Kabanata 5: Pangarap Sa Gabing Madilim

Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang


tinutuluyan niya tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso
si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit
ng kaniyang ama.

Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan


sa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang
mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang
binata at pinanood ang mga nagtatanghal.

Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga


diyamante at ginto. May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at
mga pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng
mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle.

Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si


Maria Clara. Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi
maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni Ibarra ang
mga batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman
ito.

Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga


habang si Donya Victoria naman ay abala sa pag-aayos ng buhok
ng napakarikit na si Maria Clara.

Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at


nagising kinabukasan na habang si Padre Salvi naman ay di
mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
Kabanata 6: Si Kapitan Tiago

Ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umiikot sa katauhan at


pag-uugali ng pangunahing karakter na si Kapitan Tiyago.

Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng


asukal sa bayan ng Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa
lohika sa tulong ng isang Dominikong kaibigan na kanyang
pinaglingkuran.

Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan


Tiyago. Ang kanyang hugis ng katawan at maging ang buong
pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya nga ay isang
Indio.

Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago,


siya ay si Donya Pia. Pareho silang masipag sa pag-nenegosyo kaya
sila ay yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya
sa bayan.

Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos,


manamit at mamuhay na para na ring isang Espanyol. Sagrado at
deboto siyang katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo.
Naging sunod-sunuran din siya sa mga gawain at kagustuhan ng
mga banyaga.

Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan


ng isang sanggol na babae, pinangalanan itong si Maria Clara.
Nasawi ang kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya
Isabel na kanyang pinsan ang naging katuwang niya sa
pagpapalaki kay Maria Clara.
Kabanata 7: Suyuan Sa Asotea

Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa


isang mahalagang responsibilidad sa buhay.

Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian


na niya na magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si
Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali
na umuwi si Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.

Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga


ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahan
na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita
ang dalawang magsing-irog.

Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa


pag-aalala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga
musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang
buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral
at pakikipagsapalaran sa Europa.

Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit


dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin
ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa
kabutihan ng hinaharap ng bayan.

Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang


kanyang mga yumaong magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at
umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
Kabanata 8: Mga Alaala

Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa


pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din
niya kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay
siya namang pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan.

Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang


Maynila. Nanlumo at nalungkot siya dahil sa kanyang mga
nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit
ang Escolta pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito.

Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay


tuluyan nang napabayaan. Maging ang kalagayan ng mga
tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng
mga alipin.

Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga


prayle ay siya namang ingay at langitngit ng gulong ng mga
kariton na gamit ng mga pobreng Pilipino. Ito ang mga
eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra.

Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang


madaanan niya ang Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip
niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga
aral na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang
isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga
kabataan na siyang pag-asa ng bayan.
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan

Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni


Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga
usapin tungkol kay Maria Clara.

Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara


upang pumunta sa Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng
huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni
Padre Damaso.

Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at


nang kanya itong malaman aybiglang nag-init ang kanyang ulo.
Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit
ang kanilang usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay
nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari.

Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa


nakikita niyang pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay
Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si
Ibarra ay isang kaaway.

Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa


lahat ng desisyon patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang
kanyang tumatayong pangalawang ama.

Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang


matanda tungkol kay Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga
nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas
na pagbibyahe ni Ibarra.
Kabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego

Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang


Bayan ng San Diego – na siya ring pamagat ng kabanata.

Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan.


Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring malapit sa lawa at
ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa
bayan na ito dahil sa magagandang tanawin dito.

Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang


kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay may isang
matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit
sa kagubatan.

Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang


matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad
ng damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain.

Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa


gubat. Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon
nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason.

Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa


bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan
ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung
saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si
Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.
Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan

Sa naunang kabanata ay ipinakilala ang Bayan ng San Diego pati


na rin ang iilan sa pamilya ni Crisostomo Ibarra. Sa kabanatang ito
ay magsisimula na ang pag-ikot ng istorya sa bayan.

Pinamagatang “Ang Mga Makapangyarihan,” ang kabanatang ito


ay ukol sa mga taong tunay na nangingibabaw sa bayan ng San
Diego. Mahigpit ang labanan sa kapangyarihan at lakas sa bayang
ito.

Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa


bayan ngunit hindi siya tinaguriang makapangyarihan. Ang
kapitan ng bayan naman at pati na rin si Kapitan Tiyago,
bagama’t sila ay nasa posisyong namumuno, ay hindi pa rin
tinatawag na makapangyarihan.

Sa kabila nang kanilang mga salapi at awtoridad, kahit na may


iilan pa ring rumerespeto sa kanila, ay masasabing mas marami pa
rin silang nakakalaban sa taumbayan.

Ang tunay na kinikilalang makapangyarihan ay ang bagong


parokyano na pumalit kay Padre Damasao – si Padre Salvi at pati
na rin ang pinuno ng mga guwardiya sibil – ang Alperes. Ang
dalawang ito ang tinitingala nang lahat at ang tawag sa kanila ay
“casique.” Lingid sa kaalaman ng lahat ay ang dalawang ito ay
may hidwaan ngunit hindi nila ito ipinapakita lalo sa publiko na
maaaring makasira sa imahe nila.
Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos

Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay


rito ang dalawang sepultorero at pinamagatan itong “Araw ng mga
Patay.”

Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang


paghuhukay sa sementeryo ng bayan. Inilarawan ang sementeryo
bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing
may isang krus na nakatirik sa isang bato sa gitna ng libingan.

Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay


disoras ng gabi ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol
sa kanilang mga naging karanasan sa trabaho.

Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na


bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang
mga utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya nagtatrabaho,
lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing para
ilipat ito sa ibang lugar.

Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang


kasama ay inilahad naman niya na noon ay may isang bangkay na
dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya.
Sariwa pa aniya ang bangkay.

Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik


ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon
niya ang bangkay sa lawa. Napag-alaman rin na isang prayleng
nag-ngangalang Pader Garrote and nag-utos.
Kabanata 13: Mga Unang Banta Ng Unos

Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael


kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay
Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang
ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng
adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang


puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra.
Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang
krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa
alinsunod sa utos ni Padre Garrote.

Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang


nadarama, habang naluha naman ang matanda. Hindi niya lubos
maisip na mayroong hindi nagbigay ng galang sa bangkay ng ama.

Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang


kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari
kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit
nilapastangan ang ama.

Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra.


Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si
Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito
humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.
Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo

Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni


Pilosopo Tasyo sa kaniyang namayapang asawa.

Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang pakalat-
kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay
magsalita. Pinahinto ito ng kaniyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng
San Jose dahil baka raw malimot na nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais
kasi ng ina niya na maging pari ito.

Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ikasal


ay namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa
pagbabasa at napabayaan ang mga minana.

Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na


matakot, masaya pa si Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na
magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan.

Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabihan niya


ito na umuwi na dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila.
Natuwa man ang magkapatid ay nanatili sila sa simbahan.

Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narrating ang bahay nina


Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na
nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama.

Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan. Hindi man daw naniniwala ang
Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.

Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim


ang langit at nagngingitngit ang kilog at kidlat.
Kabanata 15: Mga Sakristan

Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may


banta ng bagyo, pinatunog pa rin ng dalawa ang kapmana sa kampanaryo
ngunit hindi nila ito napatunog nang tama.

Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa


hapunang inihanda ng inang si Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa
simbahan.

Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at


ipinagdarasal na magkasakit ang mga prayle. Halagang P32 (dalawang
onsa) ang pinababayaran sa magkapatid gayong dalawang piso lang ang
sahod nila kada buwan.

Hindi nila mababayaran ang ibinibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si


Crispin ng mga salitang sana ay tunay na nagnakaw na lamang umano siya
para makapagbayad sa ibinibintang na halaga.

Habang nag-uusap ang dalawa, dumating ang sakristan mayor at sinita ang
dalawa sa palyadong pagpapatunog sa kampana. Sinabihan din sila na
hanggang ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan, lagpas na sa ika-9 ng
gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada.

Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor, ngunit hinila nito ang


umiiyak na si Crispin pababa sa simbahan hanggang lamunin ng dilim.
Hindi makapaniwala si Basilio sa sinasapit na kalupitan ng kapatid.

Gumawa ng paraan si Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang


tumila ang ulan, kumuha ng lubid at nagpadausdos hanggang makarating
sa simbahan. Nahanap niya ang silid na pinagdalhan sa kapatid ngunit
sinarado ang pinto
Kabanata 16: Si Sisa

Si Sisa ang ina ng dalawang tauhan sa simbahan na sina Crispin at


Basilio. Naninirahan sila sa isang maliit na dampa sa labas ng
bayan. Mahirap ang pamumuhay nila.

Nakapangasawa siya ng isang tamad, sugarol, at hindi


responsableng lalaki. Maliban sa wala itong pakinabang,
nakatatanggap pa si Sisa ng pagmamalupit sa asawa. Martir si Sisa.
Hindi niya alintana ang pananakit at patuloy na sinasamba ang
asawa.

Isang gabi ay naghanda si Sisa ng isang espesyal na hapunan gaya


ng sinabi ni Tasyo. Bihira itong mangyari dahil salat sila sa buhay.

Naghain siya ng tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin.


Tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok para kay Basilio.

Gayunman, dahil naipit sa isang pangyayari sa simbahan, hindi


makauuwi ang magkapatid para saluhan ang ina. Hindi rin
matitikman ng magkapatid ang espesyal na hapunan dahil
dumating ang asawa ni Sisa. Inubos ng walang pusong ama ang
hapunan at umalis pagkatapos mabusog tangan ang panabok na
manok.

Dahil sa ginawa ng asawa, naiyak sa sama ng loob si Sisa. Iniisip


niya ang masasarap na pagkaing para sa dalawang anak.

Masakit man sa damdamin, nagluto ng kanin at nag-ihaw ng tuyo


si Sisa para sa mga anak na inaasahang darating. Ngunit lumipas
ang ilang oras at wala pa ring Crispin at Basilio na dumarating.
Inaaliw niya ang sarili upang hindi mainip. Maya-maya pa ay
dumating si Basilio at isinisigaw ang pangalan ng ina.
Kabanata 17: Si Basilio

Nakarating sa bahay nila si Basilio na may sugat sa noo. Mula iyon


sa daplis ng bala mula sa mga guwardiya sibil na humahabol sa
kaniya na nais siyang ikulong sa kuwartel.

Ipinaliwanag niya sa ina ang nangyari at sinabing nasa kumbento


si Crispin. Papayapa na sana ang damdamin ni Sisa nang ibunyag
ni Basilio na napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa ang
kapatid.

Nahabag si Sisa na nangyari sa bunsong anak. Ipinangako naman


niya kay Basilio na walang makaaalam ng tunay na dahilan ng
sugat nito sa noo at nakuha lang ito sa pagkakalaglag sa puno.

Nabatid rin ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang ama.


Nawalan siya ng ganang kumain dahil dito. Alam niya ang
pagmamalupit na ginagawa ng ama sa kaniyang ina. Ipinabatid ni
Basilio na gusto na niyang mawala na nang lubusan ang kaniyang
ama sa kanilang buhay na ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa rin
kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya.

Nakatulog si Basilio dahil sa pagod. Napanaginipan pa rin niya si


Crispin na inaalipusta pa rin ng mga pari. Ginising siya ng ina at
sinabi rito na ayaw na niyang bumalik sa simbahan. Magpapastol
na lamang daw siya ng mga hayop sa bukid ni Ibarra. Kapag nasa
hustong gulang na raw ay mag-aararo na lamang sa bukid. Pag-
aaralin na lamang daw niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo.

Natigilan naman si Sisa sa ginagawa at muling nalungkot dahil


hindi kasama ang ama sa mga plano ni Basilio.
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa


mga maling paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa
mula sa Purgatoryo.

Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang


inalay. Dahil sa kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang
mga hermana at hermano mayor na naghihintay sa kanya upang
siya ay kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng
kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid.

Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari.


Karamihan sa mga ito ay mga matatanda na siyang naatasang
mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan. Sa gitna ng palitan ng
kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa
usapin ng indulhensiya.

Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya


ang siyang maliligtas ang kaluluwa papunta sa Purgatoryo.
Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga
naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa, ang ina ng


magkapatid na Crispin at Basilio. Siya ay sumadya sa simbahan
upang tanungin si Padre Salvi tunkol sa anak na si Crispin na
nagsisilbing sakristan ng pari.
Kabanata 19: Karanasan Ng Guro

Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung gaano kalakas


ang kapangyarihan ng mga prayle para sirain ang kinabukasan ng
mga kabataan.

Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pangluksa ang tahimik na


nagmumuni sa lawa. Ang mga ito ay sina Ibarra at ang guro.
Ikinumpisal ng guro na kasama niya ang sepulturero at si Tenyente
Guevarra sa pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa.

Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa


halip, mas lalo siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing guro.
Sinabi rin ng guro kung gaano niya ninais na baguhin ang lumang
kairalan sa pagtuturo ngunit siya ay bigo.

Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na


nag-aaral. Ang silid aralan na kanilang ginagamit ay isang kwadra.
Pinag-aaralan ng mga bata ang mga litanya ng dasal sa salitang
Kastila. Pinakita rin sa kabantang ito ang marahas na kaparusahan
na binibigay sa bawat kamalian ng mga bata.

Ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong


binago ng patago. Ngunit siya ay inalipusta at pinarusahan ni
Padre Damaso sa harapan ng kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si
Ibarra sa mga tinuran ng guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-asa
na balang araw mababago rin ang lahat.
Kabanata 20: Ang Pulong Sa Tribunal

Sa kabanata na ito makikita ang kasamaang dulot ng pagkakaroon


ng isang pinuno na alipin ng mga dayuhan. Kumpleto na ang mga
kasapi na nasa bulwagan para sa gaganaping pulong ng tribunal.

Nahati ang mga ito sa dalawang grupo – ang konsertabatibo ng


mga matatanda at ang liberal ng mga nakababata.

Ang bawat paksiyon ay mayroong panukala para sa nalalapit na


kapistahan ng bayan. Ang gusto ng mga konserbatibo ay isang
marangya at magarbong kapistahan. Nais nila na maging masaya
ang mga alkalde at prayle sa gaganaping na selebrasyon.

Gusto ng mga konserbatibo na magdaos ng dalawang araw na


kapistahan at bubuksan ang lahat ng bahay pasugalan. Kasabay
nito ay ang pagtapon ng mga pagkain sa lawa alinsunod na rin sa
tradisyon ni Sila (isang kilalang diktador na Romano).

Ang mga mungkahing ito ay sinalungat naman ng mga partido


liberal. Ang gusto nila ay isang selebrasyon na ang taong bayan ang
mapapasaya at hindi ang mga iilan lamang. Hangarin din nila na
ang matitipid na pondo ay gagamitin na lang sa pagpapatayo ng
mga silid aralan.

Hindi ito sinang-ayunan ng mga konserbatibo dahil malulungkot at


magagalit ang mga alkalde at kura kung ganito lang ang gagawin
sa kapistahan.
Kabanata 21: Kasaysayan Ng Isang Ina

Si Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok


kapag nasa kapahamakan ang kanyang mga anak. Ipinakita ito sa
kabantang ito.

Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na


palabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio, tanging
ang inahing manok lamang niya ang kanilang nakuha.

Tinanong si Sisa kung nasaan ang kanyang mga anak pati na ang
pera na ninakaw ng mga ito. Sinabi niya na hindi pa niya nakikita
ang kanyang mga anak, kasabay ng pagtatanggol na hindi sila mga
magnanakaw.

Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa


kura. Dito, naranasan niya ang sobra-sobrang panglalait at pang-
aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong bayan.
Pakiramdam niya ay parang mamamatay na siya sa kahihiyan.

Nang makarating siya sa kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-


ulit na tinanong. Muli, pinasinungalingan niya lahat ng mga
paratang sa kanila. Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon ang
kura na pauwiin siya.

Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni


Basilio na mayroong bahid ng dugo. Siya ay labis na nabahala dahil
ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga pangyayaring
ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay
bilang isang palaboy.
Kabanata 22: Dilim At Liwanag
Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-uwi ni Maria at ng kanyang Tiya
Isabel sa tahanan ng San Diego dahil sa pistang darating.

Ang pag-uwi ni Maria ay naging salita ng tahanan sapagkat ilang taon rin
siyang di nakakapag-uwi sa bayan niyang sinilangan. Si Maria ay
napamahal na sa mga taong bayan dahil sa taglay nitong bait at
kagandahan.

Kaibigan at kilala niya halos lahat ng kanyang mga kapitbahay at


kababayan. Lahat ng mga taga San Diego ay nag-aabang sa kanyang pag-
uwi dahil labis nilang kinagigiliwan ang dalaga.

Mas pinag-uusapan ang dalaga dahil simula ng pagbalik nito ay


napapadalas ang pagbisita at pagsama ni Ibarra sa kanya. Sapgakat, niyaya
ni Ibarra si Maria sa isang piknik kinabukasan. Natuwa naman si Maria sa
kanyang imbitasyon at agad pumayag sa pamamasyal na inalok ng binata.

Ngunit sa pagbabalik ng dalaga sa bayan, di maiwasan ng mga tao sa San


Diego ang kakaibang kilos ni Padre Salvi. Napansin din ng dalaga ang
pagbabago ng kilos ni Padre Salvi at sinabi ito sa kasinatahan at kababata
niyang si Ibarra.

Sinabi niya kay Ibarra ang kanyang napansin at nakiusap na kung pwede
sila lamang dalawa ang sasama sa piknik at di na papuntahin ang mga kura.

Subalit sa mga nangyayari sa bayan ng San Diego, pinaintindi ni Ibarra sa


dalaga na kailangan nila isama ang kura sa kanilang mga pasyang lakad,
dahil din sa ikabubuti nila.

Nahinto ang kanilang kwentuhan ng bigla namang nagpakita si Padre


Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa upang sila ay maiwan at
makapag-usap.
Kabanata 23: Ang Pangingisda

Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-


uwi niya sa bayan ng San Diego. Kaagapay niya ang mga
matatalik niyang kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang, at
Neneng sa may dalampasigan at nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan,


at ilang matatandang babae ang naglalakad papunta sa mga
bangka na nakaparada sa dalampasigan. Sila ay may dala-dalang
mga pagkain.

Sumakay sila sa bangka. Tig-iisang bangka ang mga dalaga dahil


lulubog ang bangka kung sila lahat ang sasakay. Bawat dalaga ay
may kasamang binata.

Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala si Victoria naman at


si Albino.Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng
isang lalakeng nagngangalang Elias. Siya rin ang nagsilbing piloto
ng mga bangka.

Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si


Maria at umawit ng Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng
biglang nakahagilap si Elias ng isang buwaya.

Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa


buwaya. Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng
buhay niya. Ng matiwasay na ang lahat, nagpatuloy ang
magkakaibigan sa pangingisda at sa piknik.
Kabanata 24: Sa Kagubatan
Sa kabanatang ito ay nasa kalagitnaan pa rin ng piknik ang magkakaibigan
na sila Ibarra, Maria, Victoria, Iday, Elias, Sinang, at Albino.

Sa parehong araw rin na yun ay maaga natapos ang misa ni Padre Salvi at
nakapag-almusal siya agad. Habang nag-aalmusal, bigla siyang
nakatanggap ng liham at biglang nawalan ng gana. Tumungo siya sa gubat.

Ng makarating siya doon, pinauwi niya na ang kanyang sinasakyan.


Naglakad siya sa gubat ng nakarinig siya ng mga boses. Dahan-dahan
siyang lumapit sa isang malaking puno.

Nakita niya sa may ilog ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at
Silang na nagkukwentuhan at nagtatampisaw sa tubig ilog. Maiging
nagtago si Padre Salvi upang pagmasdan ang mga dalaga. Ilang minuto ay
napagpasyahan niyang umalis na at hinanap ang mga kalalakihan.

Pagdating ng tanghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpipiknik. Binanggit


ni Padre Salvi na nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakapagsama.
Maya-maya ay dumating si Sisa at napag-usapan ang mga nawawala
niyang anak. Sa pagdidiskusyon nito, napunta sa matinding pagtatalo si
Don Felipo at Padre Salvi.

Iniwan ni Ibarra ang dalawa na nagtatalo at pumunta sa mga kaibigan niya


na naglalaro ng Gulong ng Palad. Ng naituro ng Gulong si Ibarra, tinanong
sa kanya kung natupad na ba ang binabalak nito. Agad naman siyang
sumang-ayon dahil malapit na itatayo ang bahay-paaralan na kanyang
pinaplano.

Inilahad niya ang kasulatan at binigay ito kay Maria at Sinang. Ng makita
ito ni Padre Salvi, agad niya iyong kinuha at pinunit dahil makasalanan
ang nasa loob ng kasulatan na yun. Nagalit ang lahat at pinaalis ang kura.

Ilang sandali lg dumating ang Gwardya Sibil at Sarhento at dinakip si


Ibarra at Elias sa pananakit umano kay Padre Damaso.
Kabanata 25: Sa Bahay Ng Pilosopo

Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niya kasing


isangguni ang binabalak niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan.

Nakita niyang abala ang matanda sa sinusulat nito. Gayunman, si Tasyo na


mismo ang huminto sa ginagawa at sinabing ang susunod na henerasyon pa
naman daw ang makauunawa at makikinabang sa kanyang isinusulat.

Binuksan ni Ibarra ang kaniyang plano sa Pilosopo. Sinabi ng matalinong


matanda na hindi dapat sa kaniya isinasangguni ang mga plano, bagkus sa
mga makakapangyarihang tao tulad ng mga kaparian sa simbahan.

Sumagot si Ibarra na ayaw na umano niyang mabahiran ng kabuktutan ang


maganda niyang hangarin. Mauunawaan umano siya ng pamahalaan at
taumbayan dahil maganda ang kaniyang hangarin. Sinalungat naman siya
ni Tasyo at sinabing mas makapangyarihan pa ang simbahan kaysa
pamahalaan. Kung nais dawn i Ibarra na magtagumpay sa kaniyang mga
plano, marapat daw na padaanin ito sa simbahan na siyang may hawak sa
lahat, kabilang ang pamahalaan.

Iba naman ang pananaw ni Ibarra. Pagkat galing sa Europa, naniniwala


siya sa kapangyarihan ng pagiging liberal. Muli naman siyang sinalungat ng
matanda at sinabing hindi angkop sa bansa ang kaisipang mula Europa.

Tulad ng isang halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin


kapag hitik na ang bunga nito upang manatiling nakatayo nang matatag.
Payo pa ng matanda, hindi karuwagan ang pagyuko sa kapangyarihan.

Hindi man aminin, ngunit napapaisip si Ibarra sa tinuran ng matandang


Pilosopo. Bago umalis, nag-iwan pa si Tasyo ng salita kay Ibarra na kung
hindi man siya magtagumpay sa plano nito, ay may uusbong na sinuman
upang magpatuloy ng kaniyang mga nasimulan.
Kabanata 26: Bisperas Ng Pista

Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng


Nobyembre. Hudyat na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-
kaniyang gayak ang mga may-kayang pamilya sa lugar katulad ng
pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglalagay ng mga
palamuti at mamahaling mga kagamitan.

Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng mga


kakanin, minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa.
Imbitado rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan
upang matunghayan ang mga pagtatanghal.

Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at


pagtatanghal ng mga musiko upang gawing mas masaya ang
pagdiriwang. Siyempre, hindi mawawala ang misa na
pinangunahan ni Padre Damaso.

Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay inialay na ang


kanilang pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo.

Samantala, habang abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa


pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa
mga paaralan sa Europa. Hiwalay din ang lalaki sa babae. May
malaking bodega at hardin rin ito.

Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa paaralan. Tumanggi siya


sa tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo
ng paaralan. Marami ang humanga sa ginawang ito ni Ibarra.
Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi
natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.
Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim

Si Kapitan Tiago ang isa sa mga may malalaking handaan para sa pista.
Sinadya niyang magparami ng handa dahil nagpapasikat ito kay Ibarra na
kaniyang mamanugangin. Tanyag kasi si Ibarra sa Maynila at nailalathala
pa sa mga pahayagan.

Iba’t iba ang mga handa at produktong dumarating sa bahay ni Tiago bago
pa man ang bisperas ng pista. At nang makarating sa tahanan at makita
ang anak, binigyan ni Tiago si Maria Clara ng isang agnos na mayroong
diyamante at Esmeralda bilang pasalubong.

Dumating na rin si Ibarra para makita ang mag-ama. Mayroong mga nag-
aya kay Maria na mamasyal na pinahintulutan naman ni Tiago. Inaya rin
ni Kapitan si Ibarra na sa kanila na maghapunan sapagkat darating si
Padre Damaso ngunit tumanggi ito.

Sumama naman si Ibarra sa katipang si Maria sa pamamasyal kasama ang


mga kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa, nakita nina Maria ang
isang lalaking ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Habang
pinandidirihan ng lahat ang ketongin, naawa si Maria dito at iniabot ang
pasalubong na mamahaling agnos ng ama. Sa tuwa, lumuhod sa
pasasalamat ang ketongin.

Maya-maya pa ay dumating naman si Sisa. Itinuro nito ang kampanaryo at


sinabing naroon ang anak na si Basilio. Itinuro din niya ang kumbento at
sinabing naroon ang anak na si Crispin. Umalis din agad si Sisa, gayundin
ang matandang ketongin.

Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa


kanilang bayan.
Kabanata 28: Mga Sulat

Katulad ng inaasahan, nailathala sa mga pahayagan sa Maynila


ang magarbong pagdiriwang ng pista sa San Diego. Napasama sa
balita ang marangyang paghahanda sa pista, ang mga
makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang pangangasiwa
ng mga pareng Pransiskano sa pista.

Nabalita ang pagkaroon ng prusisyon ng mga santo at santa sa


buong bayan. Nagkaroon din ng mga pagtatanghal tulad ng
komedya na labis na ikinaaliw ng mga pari dahil sa wikang Kastila
ito ginawa. Mayroon din namang pagtatanghal para sa mga
Pilipino.

Hindi rin nawala ang pagtatanghal ng mga musiko. Mayroong


dalawang bandang nagtanghal noong bisperas ng pista na simbolo
ng karangyaan noon. May sayawan din kung saan nakita ng
marami ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Manghang-mangha
naman ang karamihan sa angking kagandahan ni Maria.

Gayunman, nababalot ng lungkot si Maria dahil ilang araw na


niyang hindi nasisilayan si Ibarra. May sakit kasi ito. Kaya
minarapat ng kasintahan niyang sulatan ang binata.

Ayon sa sulat ni Maria na inihatid ni Andeng sa kanilang bahay,


patuloy daw ang pagdadasal ng dalaga para sa katipan. Ipinagtirik
pa ni Maria si Ibarra ng kandila sa simbahan para sa paggaling
nito. Ikinuwento rin ni Maria ang sapilitang pagtugtog at pagsayaw
niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin ni
Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang
kaniyang ipinagawang paaralan.
Kabanata 29: Ang Umaga

Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego.


Nagising sila nang maaga dahil sa tunog ng kapamana at mga
paputok. Naggayak ang mga maykayang mamamayan ng kanilang
pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga alahas at
palamuti.

Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo


Tasyo. Binati siya ng tinyente ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi
nito na paglulustay lamang ng pera at oras ang kasiyahang katulad
ng pista.

Isang uri lamang daw ito ng pagpapakitang tao. Dagdag pa niya,


mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas mahahalagang
bagay kaysa sa pista.

Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda.


Gayunman, wala siyang lakas ng loob na sumalungat sa mga pari.

May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na


iyon. Tumanggi na siya sa pagbibigay ng sermon ngunit pinilit siya
ng ibang pari dahil siya lamang umano ang nakapagbibigay ng aral
sa mga taga-San Diego. Dahil doon, agad na nagpapahid ng langis
at nagpahilot si Damaso upang guminhawa ang pakiramdam.

Saktong alas-otso ng umaga nang magsimula ang prosisyon ng mga


santo. Kahit sa pagprusisyon, mababatid ang pagkakaiba-iba ng
antas ng mga mamamayan. Sa suot na abito ay malalaman agad
kung sino ang mararangya at hindi.

Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago.


Naroon ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra.
Kabanata 30: Sa Simbahan

Dahil araw ng pista, punong-puno ng tao ang simbahan. Dahil


siksikan, nararamdaman ng lahat ang init sa loob.

Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao na nagbabayad rin


ng halagang dalawang daan at limampung piso. May paniniwala
kasi noon na marapat nang magbayad ng malaking halaga para sa
misa kaysa sa mga panooring komedya.

Maaari ka raw kasing dalhin sa langit ng misa, di katulad ng mga


komedya na sa impyerno raw ang tungo.

Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa kasi ang alkalde


na sinadyang magpahuli upang mapansin ng lahat. Ilang sandali pa
ay dumating na ito, suot ang limang medalya na sumisimbolo sa
kaniyang posisyon.

Ito na rin ang naging hudyat para magmisa si Padre Damaso kahit
hindi maganda ang pakiramdam. Kasama niya sa harap ng altar
ang dalawang sakristan at iba pang pari katulad ni Padre Sabyla.
Pagpanhik ni Padre Damaso sa pulpito, nag-umpisa ang sermon
niya.

Gayunman, tanging masasakit na salita at panlalait ang sinabi ni


Padre Damaso sa kapuwa pari si Padre Martin na siyang nagmisa
sa bisperas ng pista na si Padre Manuel Martin. Aniya, higit na mas
mahusay naman siyang magmisa kaysa kay Padre Martin.

Inutusan naman ni Damaso ang kasamang prayle na buksan ang


kuwaderno upang makakuha na ng tala at opisyal na umpisahan
ang misa para sa kapistahan.
Kabanata 31: Ang Sermon

Sa kabanatang ito inilarawan ni Rizal ang mga taong


nagpapakabanal sa likod ng kanilang mga masasamang
gawain sa loob mismo ng simbahan.

Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing


simbahan para sa misa ng kapistahan. Maagang
nagsidatingan ang mga panauhin at opisyal ng bayan upang
masilayan ang buong misa at makinig sa banal na salita.

Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli


upang makinig sa sermon na ibibigay ng predikador.

Mayroong nakalaan na lugar at upuan ang mga


prominenteng tao habang nakasalampak naman sa sahig ang
mga mahihirap. Buong tiyaga na hinintay ng lahat ang
matagal na pagdating ng panauhing pandangal ng misa. Ito
ay walang iba kundi si Padre Damaso.

Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang


binati ang mga taong malalapit sa kanya. Binati rin niya si
Ibarra, kinindatan niya ito at sinabihan na hindi daw niya
ito nakakaligtaan sa lahat ng kanyang panalangin.
Kabanata 32: Ang Panghugos

Sa kabanatang ito matutunghayan kung paano gamitin ni


Padre Damaso ang kanyang posisyon at at simbahan para
takutin at alipustahin ang mga Indio.

Gamit ang wikang Kastila, Latin at konting Tagalog,


nagbigay ng sermon si Padre Damaso. Itinuon ng pari ang
kanyang mensahe tungkol sa mga kaluluwa sa Purgatoryo.

Maging ang mga makasalanang Indio, araw ng


paghuhukom,at ang ang hindi magandang asal ng mga taga
Maynila ay kanyang binigyang pansin at diin din.

Dahil sa kanyang itinuro, tumayo ang isang batang


Manilenyo at tuluyang lumabas ng simbahan. Si Ibarra
naman ay buong tapang na nagtitimpi sa isang sulok dahil
alam niya na siya ang isa sa mga pinatataman ng pari.

Anumang gawing sigaw at kumpas ni Padre Damaso ay


hindi pa rin niya napigilan ang mga tao na makatulog sa
haba ng kanyang litanya. Sadyang madami ang nawalang ng
interes na makaintindi sa kanya. Marami sa mga panauhin
ang umuwing nadismanya dahil sa hindi naintindihang
sermon ng pari.
Kabanata 33: Malayang Kaisipan

Sa kabanatang ito, unti-unting tinatanggalan ng maskara ni


Rizal ang mga taong mayroong masamang hangarin kay
Ibarra. Pinapakita niya ang kanilang mga patago at
masamang mga hangarin.

Maagang inihanda ang kabriya para sa espesyal na


seremonya na gaganapin sa bayan. Kasabay dumating ng
bandang musiko ang alkalde, mga ibang pinuno ng bayan, at
mga prayle maliban kay Padre Damaso.

Sa okasyong ito pinasinayanan ang lugar kung saan


ipapatayo ang bagong paaralan. Kasama si Ibarra sa mga
panauhin dahil isa siya sa mga nagpadaulo ng nasabing
proyekto.

Pagkatapos mabasbasan at maihulog ang panulukang bato


ay isa-isang naglagay ng kusarang halo ang mga panauhin.
Inumpisahan ito ng alkalde hanggang makarating ang turno
ni Ibarra.

Bago bumaba sa hukay si Ibarra upang ilagay ang bato ay


biglang nakalas ang mga kawayan ng kabriya at
dumagundong ang lupa sa hukay. Nakaligtas sa tiyak na
kamatayan si Ibarra. Dito sumagi sa isip ni Ibarra ang
babala na ibinigay ni Elias sa kanya.
Kabanata 34: Ang Pananghalian

Ipinakita sa kabanata na ito ang buong kuwento sa likod ng


trahedyang nangyari sa seremonyas ng panulukang-bato.

Katatapos gumayak ni Senyor Crisostomo Ibarra nang


dumating ang hindi inaasahang panauhin. Ito ay ang
misteryosong si Elias. Hindi pa man nakapagsasalita ang
huli ay ipinaabot na kaagad ni Ibarra ang kanyang
pasasalamat.

“Kulang pa po iyon” mapagkumbabang ganti naman ni


Elias. Sa hindi kalaunan ay nag-umpisa na siyang
magkwento tungkol sa mga nalalaman niya sa binata.
Pinaalalahanan niya si Ibarra na mag-ingat sa mga kaaway
na nakapaligid lagi sa kanya.

Sinabi din niya na hindi aksidente ang nangyaring pagkalas


ng kabriya. Sa halip, ito ay sadyang nakalaan para sa
kanyang tiyak na kapahamakan. Tinutulungan ni Elias si
Ibarra bilang pagtanaw sa lahat ng kabutihan ng yumaong
si Don Rafael.

Dahil sa mga ikinumpisal ni Elias ay tinanong niya ito kung


kailan sila magkikita muli. Marahan naman itong sinagot ni
Elias na “andito lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko”.
Kabanata 35: Ang Usap-Usapan

Sa ika-35 na kabanata ipinakita ang labis na kasamaan sa


puso ni Padre Damaso. Ito ang naging dahilan upang
umabot sa sukdulan ang galit ng binatang si Ibarra.

Napuno ng sigla at kasiyahan ang idinaos na piging sa


bayan. At kagaya ng karaniwang pangyayari ang mga
dumalo ay nahahati sa dalawang grupo. Ang samahan ng
mga matatandang babae at lalaki at ang grupo ng liberal.

Napawi ang masayang usapan nang biglang dumating ang


pamosong Pransiskanong pari. Sa bungad na salita pa
lamang ng pari ay hindi na kagandahan ang lumabas sa
bibig nito. Walang habas niyang inalipusta ang pagkatao ni
Ibarra maging ang alaala ng kanyang yumaong ama na si
Don Rafael.

Dahil dito, ang nanahimik at nagtitimping si Ibarra ay


tumayo at sinunggaban si Padre Damaso. Dala ng kanyang
edad at mabigat na pangangatawan hindi na nakuhang
lumaban ng pari. Kung hindi inawat ni Maria Clara ang
kaguluhan, marahil ay tuluyan nang napatay ni Ibarra si
Padre Damaso.
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin

Sa kabanatang ito ay ipinakita ang tapang ni Ibarra na


siyang unti-unting gumising sa diwa ng kanyang mga
kasamahan sa liberal.

Mabilis na kumalat ang nangyaring kaguluhan sa bayan.


Nahati ang saloobin at paniniwala ng mga taong bayan.
Mula sa panig ng mga nakababata ay labis ang paghanga
nila sa katapangan na ginawa ni Ibarra. Masaya sila at
nakaganti na rin sila sa pagsampal ng pari sa isang binatang
Manilenyo.

Samantala, ang mga nakatatandang babae ay nagkaroon ng


agam-agam at takot. Baka daw magaya sa pag-uugali ni
Ibarra ang kanilang mga anak kapag ipinadala rin nila ang
mga ito sa Europa. Ang mga iba naman kagaya ni Kapitana
Maria ay buong tapang na ipinagtatanggol si Ibarra.

Ang pangyayaring ito ang nagbigay ng hudyat sa grupo ni


Don Filipo (samahan ng liberal) upang sila ay magkaisa at
manindigan. Hinikayat niya ang kanyang mga kasapi upang
magkaisa kagaya ng ginagawa ng mga saserdote.
Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral

Nang dumating ang Kapitan Heneral, hinanap niya agad si


Ibarra. Ngunit ang nakita niya ang binatang taga-Maynila
na lumabas habang nagmimisa si Padre Damaso na naging
dahilan para pagalitan siya nito.

Kinausap ni Kapitan ang binata na kanina pa balisa. Nang


matapos ang kuwentuhan nila, nakangiti na ang binata,
senyales ng kabutihan ng Kapitan.

Pagkatapos ay dumating ang mga pari ngunit wala si Padre


Damaso. Nagbigay galang sila sa Heneral. Naroon din sina
Maria at Tiago at napansin ng Kapitan. Pinapurihan niya si
Maria dahil sa pamamagitang ginawa nang makabangga sina
Ibarra at Damaso.

Maya-maya pa, dumating na si Ibarra. Ipinaalala naman ni


Padre Salvi na exkomunikado na si Ibarra ngunit di siya
pinansin nito. Nag-usap sina Ibarra at Kapitan at pinuri siya
nito sa ginawang pagtatanggol sa alaala ng ama.

Nang matapos mag-usap, binilinan ng Kapitan na


papuntahin ni Ibarra si Tiago para kausapin din. Nag-usap
ang dalawa habang si Ibarra naman ay nagtungo kay Maria.
Gayunman, hindi sila nakapag-usap dahil papunta na sa
dulaan ang dalaga.
Kabanata 38: Ang Prusisyon

Ang mga paputok at batingaw ang hudyat na nag-umpisa na


ang prusisyon. Nakasilip ang marami na may hawak na
parol. Kasama sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan
Tiago, alkalde, alperes, at mga kagawad.

Nangunguna sa prusisyon ang mga sakristan kasunod ang


mga guro, mag-aaral, at mga agwasil na nagpapanatili nang
maayos na pila. Ipinrusisyon ang santo nina San Juan
Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalema, San Diego
de Alcala, at poon ng Birheng Maria.

Nang marating ang kubol na ipinagawa ng Kapitan Heneral


sa tapat ng kanilang bahay na pagdarausan ng tulang papuri
o loa sa pinatakasi ng bayan, huminto ang karo. Isang
batang may pakpak ang lumabas at sinimulan ang
pagpupuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog.

Sumunod naman ay umawit si Maria Clara ng Ave Maria.


Nabighani ang lahat sa tinig ng dalaga lalo na si Ibarra.
Napukaw lang ang atensiyon nito nang kausapin siya ng
Kapitan Heneral tungkil sa pagkawala nina Crispin at
Basilio.
Kabanata 39: Si Donya Consolacion

Kabiyak ng dating kawal at ngayon ay isang alperes si Donya


Consolacion. Gusto niyang magmukhang taga-Europa kaya panay
ang paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita ng wikang
Kastila.

Sa kaniyang paningin, ay siya ang pinakamagandang babae sa San


Diego at mas maganda pa kay Maria Clara. Dating labandera
lamang ang ginang at umangat sa buhay dahil sa alperes.
Gayunman, mababakas pa rin sa kaniya ang kawalan ng
edukasyon.

Noong araw ng prusisyon, iniutos ng Donya na isara ang kanilang


bahay dahil hindi ito pinayagang magsimba ng asawa niya. Hindi
maganda ang trato sa kaniya ng kabiyak na ikinahihiya siya at
lantarang minamaliit.

Nainis siya nang marinig ang pag-awit ni Sisa na nakakulong sa


kuwartel. Inutusan niya sa wikang Kastila si Sisa na umakyat
ngunit di siya sinunod nito. Nagalit ang Donya at kinuha ang latigo
ng asawa at inihampas kay Sisa.

Inutusan itong kumanta at sumayaw, at kapag hindi sumusunod


ay latay ang inaabot ni kay Consolacion. Nahubaran pa si Sisa
dahil sa pagmamalupit ng Donya.

Nakita ito ng asawa at inutusan ang mga kawal na bihisan at


pakainin si Sisa kasabay ng paggamot sa mga sugat dahil ihaharap
pa ito kay Ibarra bukas.
Kabanata 40: Ang Karapatan At Lakas

Nang sumapit ang ika-10 ng gabi, nag-umpisa na ang


pagpapaputok ng kuwitis. Hudyat din ito na umpisa na ang
dula. Naroon si Tinyente at Pilosopo Tasyo na nag-uusap
tungkol sa pag-ayaw ni Don Felipo sa kaniyang tungkulin.

Dumating ang mga tanyag na tao sa San Diego at nag-


umpisa na ang palabas sa pangunguna nina Chananay at
Marianito ng “Crispino dela Comare.”

Lahat ay abalang manood sa dula maliban kay Padre Salvi


na si Maria ang pinanonood. Dumating naman si Ibarra na
ikinagalit ng Padre. Ipinag-utos nit okay Don Filipo na
paalisin ang binata pero di niya iyon magawa dahil ang-
abuloy nang malaki si Ibarra. Dahil sa inis, ang pari na lang
ang umalis.

Nagsabi si Ibarra na aalis sandali. Maya-maya ay may


lumapit na guwardiya sibil kay Don Filipo na ipinahihinto
ang dula dahil di raw makatulog ang alperes at si Donya
Consolacion. Di pumayag ang Don.

Pinagtangkaang pigilin ang musiko ng dula at nag-umpisa


ang gulo dahil doon. Nakabalik na si Ibarra at hinagkan si
Maria. Naibalita naman agad kay Salvi ang nangyari.
Nagkapangitain si Padre Salvi tungkol kay Maria na
nawalan ng malay at agad siyang bumaba sa kumbento pero
walang tao. Kabang-kaba ang pari.
Kabanata 41: Dalawang Panauhin

Balisa at di makatulog si Ibarra dahil sa nangyari sa dula.


Dumating si Elias upang ipabatid na may sakit si Maria.
Tinanong nito ang binata kung may nais sabihin sa dalaga
bago dalhin sa Batangas.

Isinalaysay din ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan.


Kilala niya raw ang dalawang nanggulo at napahinto dahil
na rin sa pakiusap niya.

Nagbihis si Ibarra at pupunta sa bahay ni Kapitan Tiago.


Nakasalubong niya sa daan ang kapatid ng lalaking madilaw
na yumao sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan, si
Lucas. Kinukulit nito si Ibarra sa perang makukuha sa
pagkamatay ng kapatid.

Sinagot siya ni Ibarra na sa susunod na lamang sila mag-


usap dahil pupunta siya sa maysakit. Nangulit si Lucas
ngunit tinalikuran lang siya ni Ibarra.

Sumama ang tingin ni Lucas kay Ibarra. Napabulong ito na


apo raw talaga ng matandang nagpahirap sa ama ni Lucas
itong si Ibarra. Pero magkakasundo pa rin daw sila basta
magbayad si Ibarra.
Kabanata 42: Mag-asawang De Espadaña

Dumating sa bahay nina Kapitan Tiago ang mag-asawang


Don Tiburcio at Donya Victorina De Epsadaña kasama ang
isang lalaking nagngangalang Linares.

Isang nagpapanggap na mediko si Don Tiburcio. Galing


siyang Espanya ngunit di na nakabalik doon at dito na
nakapangasawa.

Dating tagalinis sa ospital si Tiburcio. Nang manirahan sa


Pilipinas, naghirap ito. Nang mapangasawa si Victorina,
naisip niyang magpanggap na doktor, alinsunod na rin sa
payo ng ilang kaibigan.

Nakabawi sa kabuhayan ang mag-asawa dahil sa dami ng


nagpapagamot sa kaniya kahit huwad naman itong
manggagamot.

Agad na pinuntahan ni Don Tiburcio ang maysakit na si


Maria. Pinulsuhan ito at sinabing mapapagaling ang dalaga.
Niresetahan ito ng liquen at gatas, Jarabe de altea, at
dalawang pildoras de Cinaglosa. Ipinakilala naman ni
Tiburcio kay Linares na nagbighani na sa dalaga.

Maya-maya naman ay dumating si Damaso na kagagaling


lang din sa karamdaman.
Kabanata 43: Mga Balak O Panukala

Sa kabanata na ito ipinakilala ang tatlong katauhan nina


Don Tiburcio, Donya Victorina at Linares. Sila ang mga
karakter na puno ng pagkukunwari at kasinungalingan.

Ang dating tahanan ni Kapitan Tiyago na masaya at


maingay ay napalitan ng lungkot at katahimikan. Ang mga
bintana ay nakapinid upang harangan ang hangin na
makapasok sa silid ng maysakit na si Maria Clara.

Tahimik na nag-uusap tungkol sa mga santo at santa ang


mag-pinsan na Tiago at Isabel nang biglang dumating ang
mga hinihintay na panauhin. Sila ang mag -asawang
Tiburcio at Victorina, kasama ang binatang si Linares.

Si Don Victorino ay kilala bilang isang doktor na


espesyalista sa lahat ng uri ng karamdaman. Ngunit ang
katotohanan siya ay isang huwad na manggagamot. Sa
katunayan ay minsan na siyang nakulong dahil sa kanyang
kasinungalingan.

Sa kabila nito ay napakalaki pa rin ang tiwala ni Tiyago sa


huwad na doktor dahil sa mga mapaglinlang na pananalita
ng asawa na si Donya Victorina.
Kabanata 44: Pagsusuri Sa Budhi

Ang tahimik at dating mapagmasid na si Padre Salvi ay


mayroon palang itinatagong kasamaan sa puso kagaya ng
pransiskanong si Damaso.

Dumating si Padre Damaso sa bahay ni Papitan Tiyago.


Dumiretso agad ito sa silid ni Maria na hindi man lang
pinansin ang mga tao na kanyang dinaanan. Magkahalong
lungkot at pangamba ang nadama ng pari sa kanyang
nasilayan.

Hinawakan niya ng mariin ang mga kamay ng dalaga at


sabay bulong ng “anak ko huwag kang mamamatay”.
Pagkatapos ay pinahid niya ang mga luha na tumulo sa
kanyang mga mata. Nagulat at namangha ang lahat sa
kanilang nakita – ang mala-tigreng si Damaso ay mayroon
din palang malambot na puso.

Tahimik ang buong kabahayan nang biglang dumating si


Lucas, ang kapatid ng namatay sa kapistahan. Humihingi
ito ng limos para sa kapatid. Nabigla ang lahat sa inasal ni
Padre Salvi. Biglang uminit ang ulo ng prayle at itinaboy
palabas ang kawawang si Lucas.
Kabanata 45: Ang Pinag-uusig

Ang ika-limang kautusan sa bibliya ang lubos na iniyakan


ng dalagang si Maria Clara.

Sa paglipas ng araw ay unti-unti na ring humupa ang lagnat


ni Maria. Nagalak ang lahat lalo na si Victorina. Sinabi niya
na kung hindi sa kanyang asawa ay namatay na si Maria.
Agad naman itong kinontra ni Padre Salvi, para sa kanya ay
Diyos ang nagpagaling sa dalaga.

Pinayuhan ni Padre Salvi si Kapitan Tiyago na ihanda si


Maria na makapagkumpisal upang siya ay makapag-
kumonyon. Ito raw ang kanyang kailangan upang tuluyang
gumaling ang kanyang karamdaman. Agad naman na
tumalima ang huli.

Sa loob ng silid ni Maria ay pabulong niyang kinakausap ang


kaibigan na si Sinang. Tinatanong niya ang kalagayan ng
kasintahan na si Ibarra. Pinagbilin niya dito ang mga
mensaheng “sabihin mo sakanya na huwag akong
alalahanin”.

Naputol ang kanilang bulungan nang pumasok si Isabel


upang ihanda siya sa pagsuri ng kanyang budhi.
Kabanata 46: Ang Sabungan

Dito lubos na makikilala ang katauhan at katalinuhan ng


pilotong si Elias.

Pagkalipas ng maraming araw ng paghahanap ay natunton


din ni Elias ang pinagtataguan ni Tandang Pablo. Siya ang
matandang mayaman sa bayan na tumulong at nag-aruga sa
pobreng si Elias.

Si Tandang Pablo ay biktima ng karahasan ng mga mapang-


aping dayuhan. Naubos ang lahat ng kayang kabuhayan
dahil sa pananamantala ng mga nasa poder. At ang
pinakamasaklap, ay pinatay ang lahat ng miyembro ng
kanyang pamilya.

Si Pablo lang ang tanging nakaligtas, kaya siya nagtago


dahil ang akala sa bayan ay patay na rin siya. Madiin at
matapang ang pasya ng matanda na isakatuparan na ang
plinaplanong rebolusyon, subalit hindi ito sinang-ayunan ni
Elias.

Buong pagpapakumbaba na sinabi ni Elias na isantabi muna


ang rebolusyon. Sa halip ay daanin muna ang lahat sa
diplomasya upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at ng
mga magiging biktima ng kaguluhan.
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Habang nasa sabungan si Kapitan Tiago, magkaakbay namang


namamasyal sina Don Tiburcio at Donya Victorina. Tinitingan nila
ang bahay ng mga Indio.

Nababalisa ang Donya kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga


Indio. Inutusan niya ang asawa na mamalo ng sombrero ngunit
umayaw ito dahil sa kaniyang kapansanan.

Nang mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan


sina Victorina at Consolacion. Inistima nila ang isa’t isa at tinitigan
mula ulo hanggang paa. Dumura pa sa harap ng bahay ng alperes si
Victorina na lalong ikinaasar nito.

Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni


Victorina ang alperes habang minaliit naman ni Consolacion ang
kapansanan ni Tiburcio. Pumasok sa bahay at kumuha ng latigo si
Consolacion ngunit inawat na ang dalawa ng kanilang mga asawa.

Narinig ng buong bayan ang away. Inutusan ni Consolacion ang


asawa na barilin ang Don habang si Victorina naman ay inutusan
ang asawang barilin din ang alperes. Pero tumanggi ito at nahablot
ang pustiso ng asawa.

Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang


Donya sa nangyari. Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid
habang inaabot ni Tiago ang bayad niya sa mag-asawa at umalis na
ang mga ito.
Kabanata 48: Ang Talinghaga

Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang


dalawin si Maria. Ibinalita niya rin dito ang pagkakatanggal
niya bilang eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang saya
ni Ibarra nang makita niya sina Maria at Linares na
masayang nag-aayos ng mga bulaklak.

Nagulat ang binatang si Linares habang namutla naman si


Maria Clara. Nais sanang tumayo ng dalaga para pumunta
kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling.
Nakipagkuwentuhan naman siya kay Maria ngunit umalis
din agad.

Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa


ipinatatayong paaralan. Nakita niya si Nol Juan at ibinalita
rito na tanggap na siyang muli ng simbahan.

Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at


kariton. Ipinag-utos ni Ibarra kay Nol Juan na kunin ang
mga talaan ng obrero.

Inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon pag-


usapan ang isang mahalagang bagay. Pumayag siya at
naiabot naman ni Nol Juan ang talaan. Nakita niyang wala
roon si Elias.
Kabanata 49: Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig

Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid


nitong nagambala niya ang binata. Hindi na nag-aksaya pa
ng panahon si Elias at sinabi ang pakay niya.

Si Ibarra daw ang sugo ng mga sawimpalad.


Napagkasunduan daw ng puno ng mga tulisan na hilingin sa
kaniya ang ilang bagay tulad ng pagbabago sa pamahalaan,
pagbibigay ng katarungan, pagbawas sa kapangyarihan ng
mga guwardiya sibil, at pagkilala sa dignidad ng mga tao.

Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang


kayamanan at impluwensiya niya mula sa mga kaibigan sa
Madrid ngunit batid nitong hindi ito sasapat para sa
pagbabagong hinihingi.

Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang


pagbawas sa kapangyarihan ng tao. Dapat din daw ay ang
gamutin ang mismong sakit at hindi lamang ang mga
sintomas.

Nagtalo ang dalawa saglit. Gayunamn, hindi nakumbinsi ni


Elias si Ibarra at sasabihin na lamang niya sa mga
sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.
Kabanata 50: Ang Mga Kaanak Ni Elias

Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Dito ibinunyag ni Elias na


ang pamilya niya ay mula rin sa mga sawimpalad.

Ang nuno ni Elias ay namasukan noon sa isang bahay-kalakal sa


Maynila na pag-aari ng isang Kastila. Nasunog ito at
napagbintangan ang lalaki niyang nuno. Pinarusahan ito at
kinaladkad ng kabayo.Dahil sa nangyari, namundok na lang ang
mag-asawa. Ngunit namatay ang bata sa sinapupunan ng babae.
Nagpatiwakal naman ang lalaki dahil sa kamalasang nangyari. Di
siya naipalibing ng babae dahil walang pera. Nang mangamoy ang
bangkay, nalaman ng mga awtoridad at nais maparusahan ang
babae. Pero nagdadalang-tao pala ito kaya ipinagpaliban.

Nang makatakas sa mga awtoridad, lumipat sa malayong lalawigan


ang babae. Sa paglaki ng panganay, ito ay naging tulisan habang
ang isa pa nitong anak ay nanatiling matino.

Nagpatiwakal din ang anak na panganay ng babae habang


nagpakalayo-layo naman ang bunso.

Napadpad siya sa Tayabas at doon ay naging obrero. Nakagiliwan


siya ng lahat dahil sa mabuting ugali at nakahanap ng
mapapangasawa. Mayaman at babae at pinaghiwalay sila ng mga
magulang. Ngunit buntis na pala ang babae at nagsilang ng
kambal, sina Elias at Concordia.

Tulad ng mga ninuno nila, nagpakamatay din si Concordia dahil sa


labis na lungkot at natagpuan na lamang ang nila ang bangkay nito
sa Calamba.
Kabanata 51: Mga Pagbabago

Balisa si Linares dahil sa liham ng pinsang si Donya


Victorina. Nais nitong hamunin ng binata ang alperes. Alam
niyang seryoso ang Donya ngunit alanganin siya dahil wala
naman siyang padrino.

Samantala, dumating naman si Padre Salvi sa bahay ni


Kapitan Tiago. Masaya nitong ibinalita ang pasya ng
arsobispo na pinawawalang-bisa ang pagka-eksokomunikado
ni Ibarra, sabay papuri dito na kalugod-lugod naman ito
ngunit may kapusukang taglay.

Sinabi rin ni Salvi na tanging si Damaso na lamang ang


sagabal sa pagpapatawad kay Ibarra. Ngunit kapag si Maria
Clara daw ang nakipag-usap kay Damaso ay tiyak na
patatawarin ito.

Maya-maya ay dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel.


Kumamay naman si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing
kapupuri lamang niya sa binata.

Ilang saglit ay lumapit si Ibarra kay Sinang upang kausapin


si Maria. Gayunman, sabi ng dalaga ay umalis na lamang ito
at limutin siya ngunit nais ni Ibarra na makausap ang
kasintahan.

Nagmatigas si Maria at hindi hinarap si Ibarra hanggang sa


umalis ito.
Kabanata 52: Baraha Ng Patay At Mga Anino

Sa isang malamig na gabi, tatlong anino ang nag-uusap sa


ilalim ng pinto ng libingan. Sabi ng isa, kung nakausap na ba
nito si Elias.

Sumagot naman ang isa pang anino na hindi pa ngunit tiyak


siyang kasama ito dahil minsang nailigtas ni Ibarra ang
buhay nito.

Tumugon ang isa pang anino na ito raw ay pumayag na


sumama sapagkat ipadadala ni Ibarra sa Maynila ang
kaniyang may karamdamang asawa. Sasalakay daw siya
kumbento. Sabi naman ng ikatlong anino sa kwartel sila
susugod para ipabatid sa mga gwardiya sibil na may anak na
lalaki ang kanilang ama.

May dumating na isa pang anino at sinabing


sinusubaybayan siya kaya naghiwa-hiwalay daw sila. Sinabi
din nito na kinabukasan ay tatanggapin na nila ang kanilang
mga sandata, sabay sigaw ng “Mabuhay Don Crisostomo.”

Naiwan ang dalawang anino sa pinto. Naisipan nilang


magsugal. Ang sabi ng isa, kung sino daw ang manalo ay
maiiwan upang makipagsugal naman sa mga patay.
Naibulgar ang pagkatao ng dalawa dahil sa liwanag, sina
Elias at Lucas.
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa
Umaga

Usap-usapan sa San Diego ang nakitang mga liwanag sa


semeteryo. Kaniya-kaniyang hinuha ang mga tao kung ano
at saan nanggaling ang liwanag. Nariyan ang hinalang mila
ito sa mga demonyo o mga kaluluwang di matahimik sa
purgatoryo.

May iba namang usapan sina Don Filipo at Pilosopo Tasyo.


Ibinalita na kasi ng Don na tinggap nan g alkalde ang
kaniyang pagbibitiw. Tutol naman dito ang matandang
Pilosopo dahil sa panahon daw ng digmaan ay dapat
nananatili sa kapangyarihan ang mabubuti.

Sinabi rin nito na ibang-ibang na raw talaga ang Pilipinas


dalawampung taon ang nakalilipas mula nang dumating ang
mga Europeo.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, sinabi ng Don kay Tasyo


kung nais raw ba niya ng gamot dahil nanghihina ito. Sabi
niya na hindi niya kailangan ng gamot dahil kapag yumao
siya, mas kailangan ng mga maiiwan ang gamot.

Nagbilin din ang matanda kay Don Filipo na dalhin sa


kaniya si Ibarra dahil malapit na raw siyang yumao.
Kabanata 54: Ang Pagbubunyag

Nagpunta ang kura sa bahay ng alperes upang ibalita rito


ang pinaplanong pag-aaklas at paglusob sa kuwartel.
Nalaman daw ito ng kura dahil sa isang babaeng
nagkumpisal.

Pinaghandaan ng kura at ng alperes ang sinasabing pag-


aaklas. Nagtalaga sila ng mga guwardiya sibil sa kumbento
habang lihim na nakamasid ang mga sibil sa kuwartel.

Dali-dali ring nagpunta sa bahay ni Ibarra si Elias.


Natagpuan niya ito sa laboratoryo. Sinabi nito ang planong
pag-aaklas na tiyak na si Ibarra ang ituturong nagbayad sa
kilusan ng paglusob.

Dahil dito, susunugin nila ang mga aklat at kasulatan ni


Ibarra na maaaring magamit na ebidensya laban sa kaniya.

Nakita ni Elias ang isang kasulatan tungkol kay Don Pedro


Eibarramendia. Itinanong ni Elias kung kaano-ano ito ni
Ibarra. Sumagot siya na nuno raw niya ito.

Nanginig sag alit si Elias sapagkat ang Don na iyon ang


nagpahirap sa kaniyang nuno. Nais na sanang gamitin ni
Elias ang balaraw kay Ibarra. Ngunit natauhan ito at umalis
na lamang.
Kabanata 55: Ang Pagkakagulo

Sa kabanata na ito, ipinakita ang pagkakagulo ng mga tao


sa bayan ng San Diego. Oras ng hapunan na ng hapunan
pero walang gana si Maria. Niyaya niya si Sinang upang
tumugtog ng piyano.

Sa kabila naman ay naglakad-lakad is Pari Salvi sa loob ng


bulwagan. Habang hinihintay si Ibarra, di mapakali si Maria
at ang mga kaibigan nito.

Ng sumapit ang ikawalo ng gabi, nasa may sulok ang pari,


samantala ang magkaibigan ay di alam kung ano ang dapat
nilang gawin. Ng tumugtog ang kampana, biglang dumating
si Ibarra na mukhang luksang-luksa sa suot.

Sinubukan ni Maria na lapitan ang kasintahan ngunit may


biglang pumutok na baril sa labas. Natakot ang mga tao at
nagtago. May mga sumisigaw ng “tulisan” sa loob ng
bulwagan.

Nang matapos na ang gulo, tiniyak ng Alperes na wala ng


panganib sa labas at siniguradong maayos ang lahat.
Kabanata 56: Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro

Pagkatapos ng kaguluhan, kinabukasan ay takot na takot


pa rin ang mga tao ng bayan ng San Diego. Ang mga tao ay
nagtatago lamang sa kani-kanilang mga tahanan at ni wala
kang makita na tao sa mga daan.

Ng may bata na nagbukas ng bintana, sumunod rin ang mga


magkakapitbahay. Napag-usapan nila ang pagsalakay ni
Kapitan Pablo. Nasa mga kuwadrilyero rin ang pagdakip
kay Ibarra.

May usap-usapan rin na itinangka ni Ibarra na itanan ang


kasintahang si Maria upang di matuloy ang pagpapakasal
nito kay Linares. Kaya pinatigil ni Kapitan Tiyago ang
pagtatanan ng magkasintahan sa tulong ng Sibil.

Napatunayan rin na totoo ang usap-usapan tungkol sa


magkasintahang Ibarra at Maria, kaya sinunog ng mga sibil
ang bahay ng binata.
Kabanata 57: Vae Victus

Naging mahigpit ang mga sibil sa pakikutungo nila sa taong


bayan ng San Diego. Kahit mga bata ay di nila
pinalalampasan at pinaghihigpitan. Sa kabanatang ito ay
nasa kwartel sina Alperes, Direktorsillo, Donya Consolation,
at ang Kapitan. Sila ay may bahid ng kalungkutan sa
kanilang mga mukha.

Ng mga ikasiyam ay dumating ang Kura at itinanong sa


Alperes and tungkol kay Ibarra at Don Filipo. May batang
nakasunod sa kanya na umiiyak at duguan.

Tuluyang iginiit ng Kura si Ibarra sa pagiging dahilan ng


paglusob at pagkagulo sa bayan. Sapagkat ang di nila alam
ay nagawa lamang ni Ibarra iyon dahil sa nais na
ipaghiganti ang kanyang yumaong ama sa pinatay ng mga
Sibil.

Ng walang makuha ang Sibil na impormasyon galing kay


Tarsilo, itinimba nila ito sa isang balon na na nakabaliktad
ang sikmura. Ilang beses rin nilang paulit-ulit na ginawa ito
kay Tarsilo, hanggang sa namatay nalang ito.
Kabanata 58: Ang Isinumpa

Ang mga pamilya ng mga nabilanggo ay ilang araw ng tuliro


at pagod. Ilang araw na rin silang umiiyak dahil sa sinapit
ng kanilang mahal sa buhay. Nagkasakita ang Kura kaya
kung gayon ang Alperes ang dumagdag bilang bantay.
Samantala ang Kapitan naman ay nawawalan na ng silbi.

Maging ang mag-ina ni Don Filipo ay walang tigil ang pag-


iyak habang naglalakad-lakad. Inuusal naman ni Kapitana
Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Sinisilip
naman ni Kapitana Maria ang kanyang kambal na anak.

Isang araw ay napalabas ang mga bilanggo, kasama si


Ibarra. Ngunit ang lahat ay galit na galit sa kanya. Walang
sinuman ang tumawag sa kanyang pangalan.

Ng siya ay lumabas ng walang gapos kasama ang dalawang


kawal, umugong ang mga tao na kung sino pa ang may sala
siya pa ang walang tali.
Kabanata 59: Pag-ibig Sa Bayan

Naihayag sa mga diyaryo sa Maynila ang nangyaring paglusob ng


mga inapi o sawimpalad. Iba-ibang estilo at uri ng balita ang
nailathala. Maligalig ang mga tao sa kumbento at kaniya-kaniyang
bigay ng kanilang pahayag.

Usapan naman sa ibang kumbento na ang mga nag-aaral sa Ateneo


ay mga pilibustero. Di naman mapakali si Kapitan Tinong mula sa
Tondo na minsang tumulong kay Ibarra.

Nagagalit kasi ang asawa niyang si Tinchang dahil dapat daw nasa
Kapitan-Heneral ang kaniyang paglilingkod at di sa mga
naghihimagsik.

Dumating ang pinsan ni Tinchang na si Don Primitivo. Sinabihan


nito si Tinong na gumawa na ng huling habilin dahil sa
pakikipagkaibigan kay Ibarra. Nahimatay ito dahil sa narinig.
Nang magising, pinayuhan siya ni Primitivo na bigyan ng anumang
regalong mamahalin ang heneral at sabihing pamasko ito. At
sunugin ang anumang kasulatang mayroon si Tinong na mula kay
Ibarra.

Usap-usapan naman sa may Intramuros ang nangyaring pag-


aaklas. Marami ang nagsasabing taksil daw si Ibarra dahil sa
nangyari. Sinabi pang ang paaralan ay para lamang sa mga plano
nito.

Nag-imbita naman ang pamahalaan ng ilang mag-anak sa Tondo


para sa pagtulog sa Fuerza de Santiago, kabilang si Kapitan
Tinong.
Kabanata 60: Ikakasal Na Si Maria Clara

Maligaya si Kapitan Tiago dahil siya ay hindi man lang


nausig ng pamahalaan. Kabaligtaran ni Tinong na mula
nang imbitahan ng pamahalaan ay di na nakausap nang
maayos at di na lumalabas.

Dumating naman ang mga De Espadaña sa bahay ni Tiago


kasama si Linares. Sinabi ni Donya Victorina, nararapat
lamang na maparusahan si Ibarra sa ginawa. Hinarap ni
Maria Clara ang mga bisita.

Napag-usapan ang kasal nina Maria at Linares. Payag na si


Tiago na ikasal si Maria kay Linares dahil tagapayo ito ng
Kapitan Heneral.

Kinabukasan, napuno ng bisita ang bulwagan ni Kapitan


Tiago. Andun ang mga Instik, mga paring sina Salvi at
Sibyla. Naging usap-usapan ang pagpapakasal ni Maria kay
Linares. Sabi ng ilan ay ginagawa lamang daw ito ni Maria
dahil papaslangin na si Ibarra.

Nagtungo si Maria sa asotea. Nakita niya sa isang lumang


bangka sina Elias at Ibarra na tatakas. Sandaling nag-usap
ang dalawa at sinabi ni Maria na si Ibarra pa rin ang mahal
nito. Umalis na rin ang dalawa pagkatapos makipag-usap
kay Maria.
Kabanata 61: Ang Barilan Sa Lawa

Dadalhin ni Elias si Ibarra sa Mandaluyong upang


doon pansamantalang magtago. Ibibigay daw ni Elias
ang pera na itinago niya sa puno ng balete upang
magamit ni Ibarra paalis ng bansa. Inaya ni Ibarra na
sumama si Elias dahil parehas naman sila ng dinanas,
ngunit tumanggi ito.

Pagdating sa tapat ng palasyo, nakita nilang may


naninita. Itinago ni Elias si Ibarra sa ilalim ng mga
dahon. Sinabi nito sa mga bantay na tutungo siya sa
Maynila upang magdala ng damo. Nakalusot sila sa
mga bantay.

Nang makalagpas naman sa bunganga ng Ilog Pasig,


isang palwa ng mga sibil ang papalapit sa kanila. Ililiko
sana ni Elias ang bangka ngunit naisip niyang wala
silang laban dahil sa armas ng mga ito.

Sinabi nito kay Ibarra na magkita na lamang sila sa


Noche Buena sa libingan ng nuno ni Ibarra at tumalon
palabas ng bangka. Pinaulanan siya ng bala ng mga
sibil. Dahil malayo na ang narating ni Elias, di na siya
sinundan. Umalis na rin ang mga ito nang may
nakitang dugo sa tubig.
Kabanata 62: Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso

Nabalitaan na ni Maria Clara ang nangyari kay Ibarra.


Nakapako lamang ang kaniyang mga mata sa mga
pahayagang nagsasabing patay na si Ibarra. Di man niya ito
binabasa, batid niya ang balita.

Dumating si Padre Damaso at nakita ang malungkot na


anak. Hiniling agad ni Maria na huwag nang ituloy ang
kasal kay Linares dahil wala naman daw siyang ibibiging iba
ngayong wala na si Ibarra. Dalawa na lang daw ang
mahalaga sa kaniya ngayon, ang kamatayan o kumbento.

Batid ni Padre Damaso na gagawin ng anak ang sinasabi


kaya humingi ito ng tawad kay Maria. Napaiyak pa ang
prayle at sinabing walang kapantay ang pagmamahal sa
anak. Pumayag din itong huwag nang ikasal at papasukin na
lang sa kumbento.

Malungkot din si Damaso sa dinaranas ng anak. Napatingala


siya sa langit at nasabi niyang totoo ang Diyos at
nagpaparusa talaga ito sa mga nagkakasala.
Kabanata 63: Ang Noche Buena

Sa isang kubo sa dampa na nakatayo sa bundok ay doon


namalagi si Basilio na natagpuan ng isang pamilya. Nang
magpaalam na umuwi, pinayagan naman siya ng mga ito.

Samantala, Noche Buena sa San Diego. Ngunit kapansin-


pansin na malungkot ang lahat. Walang palamuti o
anumang programa. Nakatanggap din ng liham si Simang
mula kay Maria ngunit ayaw niya itong basahin.

Nakarating naman si Basilio sa San Diego at hinanap ang


ina sa kanilang tahanan ngunit wala ito roon. Nakita niya sa
bahay ng alperes si Sisa at biglang tumakbo. May bumato sa
ulo ni Basilio ngunit di niya ito alintana.

Nakarating sila sa libingan. Hindi siya makilala ng ina na


nawalan ng malay. Nawalan din ng malay si Basilio dahil sa
pagod at sugat na tinamo. Nang magising, nakita niya si
Sisa na wala na nang buhay.

Hindi alam ni Basilio ang gagawin nang dumating ang


mahinang si Elias. Sinabi nito na may malaking pera sa
ilalim ng balete at gamitin dawn i Basilio ito sa kaniyang
pag-aaral.

Humarap sa langit si Elias at sinabing masaya siyang


mawalan ng buhay na nasisilayan ang liwanag.
Kabanata 64: Ang Katapusan

Simula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento, nagpakalayo-


layo na rin si Padre Damaso. Sa Maynila siya naglagi hanggang
inilipat ng padre provincial sa isang malayong lalawigan upang
doon na magmisa. Kinabukasan, natagpuang pantay si Padre
Damaso. Ayon sa pagsusuri ng mediko, bangungot o sama ng loob
ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.

Nanungkulan naman pansamantala si Padre Salvi sa kumbentong


pinapasukan ni Maria. Ilang araw pa ay naging Obispo na rin ito at
nagtungong Maynila.

Bago naman maging ganap na mongha si Maria, kalunos-lunos


naman ang sinapit ng kaniyang ama-amahang si Tiago.
Nangayayat ito nang husto, naging mapag-isip, at nawalan ng
tiwala sa mga tao sa kaniyang paligid. Sinabihan naman ni Maria
ang kaniyang Tiya Isabel na umuwi na lamang sa Malabon o San
Diego dahil nais na niyang mamuhay nang mag-isa.

Napabayaan na rin nito ang mga santo at santang


pinananampalatayaan. Naging abala ito sa paglalaro ng liyempo,
sabong, at paggamit ng marijuana. Napabayaan niya ang kaniyang
kalusugan at kabuhayan. Ganap nang nalimot ng mga tao na dati
siyang marangya at iginagalang na tao sa kanilang bayan.

Samantala, si Donya Victorina ay patuloy sa pagdagdag ng kulot


sa kaniyang ulo upang magbalatkayo na isang taga-Andalucia.
Pero nangungutsero na lang siya ngayon. Hindi makakilos si Don
Tiburcio at hindi na rin makapanggamot bilang isang doktor at
wala na ring mga ngipin.
Noli Me Tangere

Ipinasa ni: Carl Justin Dela


Cruz
Grade 9- Dosohan
Ipinasa kay: Gng. Jelyn
Macaspac

You might also like