Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 8

Bilang 8, Kwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________________

Baytang / Seksiyon: ______________________________Petsa: _________________

I. PANIMULANG KONSEPTO

Sa araling ito, naipamamalas ng mag-aaral ang kasanayan sa


pagsasaayos ng mga mahahalagang pangyayari upang malinang
ang kakayahan sap ag-unawa ng mga akda.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin


(F8PB-IVf-g-36)

III. MGA GAWAIN


A. PAGBALIK-ARALAN MO!

Bumuo ng talata gamit ang natutuhan mo sa paglalarawan ng tauhan


na tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari sa awit na Florante at
Laura. Salungguhitan ang mga parirala/ pangungusap na naglalarawan
ng tauhan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

B. PAG-ARALAN MO!

Ang mga mahahalagang pangyayari ay tumutukoy sa isang


nakaimportanteng bagay na naganap o maaaring maganap pa lamang
sa buhay ng isang tao na dapat nating pahalagahan dahil maaari natin
itong magamit kapag nangailangan tayo ng lohikal na kasagutan.
1
Mahalagang malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang matukoy / mahinuha ang nilalaman ng isang akda
tungo sa lubusang pagkaunawa.

C. PAGSANAYAN MO!

Maglahad ng mga mahahalagang pangyayari hinggil sa pagbalik-


tanaw ni Florante sa kanyang nakaraan habang nakagapos sa
puno ng Higera.
1. ____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________
____________________________________________________________

D. TANDAAN MO!

Ang paglahad at ang maayos na pagsunod-sunod ng mga


mahahalagang pangyayari sa isang akda ay lubhang napakahalaga
dahil dito masusukat ang pag-unawa ng isang tao sa kanyang binasa.

IV.PAGTATAYA

Panuto: Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang.
A.
___________ Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Bago
umalis sina Florante ay nagtapat ito ng pag-ibig kay Laura. Hindi
tumugon si Laura ngumit lumuha siya nang umalis na si Florante
patungong digmaan.
___________ Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway
ang bandilang Moro. Nakita ni Florante na may pupugutan ng ulo
at si Laura iyon kung kayat lumusob na sina Florante at nagapi ang
mga Moro. Nailigtas ni Florante ang kanyang mga mahal sa buhay
at naging kasintahan niya si Laura. Lalong nainggit si Adolfo kayat
muling nagbalak na ipahamak si Florante.
___________ Nakilala ni Florante ang napakagandang si Laura.
Laging nagkakamali sa sasabihin si Florante dahil natatakot siyang
baka di maging marapat sa dalaga.
2
___________ Nakarating sa Albanya ang magkaibigan at nagkita ang
mag-ama. Napaluha si Florante nang maalala ang namayapang ina.
Noon dumating ang sugo ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong
dahil nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya. Dahil
doon, pumayag ang ama ni Florante na hirangin ang anak bilang
heneral ng hukbo.
___________ Pagdating ng hukbo nina Florante ay halos mawasak na
ang kuta ng Krotona. Dahil sa giting at bangis ng hukbo nina
Florante ay nadaig nito ang kalaban. Nagbunyi ang mga taga-
Krotona. Natuwa ang mga mamamayan nito. Pagkaraan ng limang
buwan ay napilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita
si Laura. Nang malapit na sa Albanya ay kinutuban si Florante na
may hindi magandang nangyayari.

B.
___________ Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang
nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.
___________ Dumating si Menandro na may kasamang hukbo at
laking tuwa nito nang Makita ang kaibigang si Florante.
___________ Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay
si Sultan Ali-adab.
___________ Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante.
___________ Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at
Flerida na kapwa pumayag na maging Kristyano. Nakasal sina
Florante at Laura at sina Aladin at Flerida.

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagtataya: A. 3 B. 5
5 1
2 4
1 2
4 3

3
VI. SANGGUNIAN
http://floranteatlaurasummary.blogspot.com/

Inihanda ni:

IRENE E. FLORES
Dalubguro II, Manunulat
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

Tiniyak ang kalidad ni:

ROSALIE Z. MORA
Ulong Guro I
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

You might also like