Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 8

Bilang 2 Kuwarter 4
Pangalan ng Mag-aaral:_________________________________________________
Baytang / Seksiyon:______________________________Petsa:_________________

PANIMULANG KONSEPTO

Ang Florante at Laura ay pinaikling pamagat mula sa orihinal na


pamagat na ibinigay ni Francisco Baltazar. Ang mahabang pamagat ng awit
ay Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya na
kinuha sa Madlang Cuadro Historico o Pinturang Nagsasabi sa mga
Nangyari nang Unang Panahon sa Imperio ng Grecia at tinula ng isang
Matulain sa Bersong Tagalog. Ang sinumang makababasa nito ay
masasalamin ang pinagdaanang hirap ng mga tauhan. Hindi hadlang ang
pag-aaral ng Florante at Laura bagkus maaaring mag-iwan ito ng mga
gintong kaalaman na makatutulong sa mga susunod na henerasyon.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan


ng:
-pagtukoy sa kalagayang panlipunan sa panahong naisulat ito
-pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
-pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat.
(F8PB-IVa-b-33)

MGA GAWAIN

PAGBALIK-ARALAN MO!

Punan ang kahon ng angkop na impormasyon tungkol kay Francisco


Baltazar.

Mga Natamong Mga Katangian ni


Francisco Baltazar
Karangalan Kiko

_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________
Mga Naging Kontribusyon sa Panitikan
_______________ _______________
_______________ _______________________________________ _______________
_______________ _______________________________________ _______________
_______________________________________
1
PAG-ARALAN MO!

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa buhay ni Francisco


Baltazar. Isulat ang bilang 1-5.

__________Si Francisco Baltazar ay nabilanggo dahil sa kapangyarihan sa


salapi kaysa sa pagkahumaling sa kanyang tula.

__________Naging tenyente Mayor at hukom-panakahan si Kiko sa Udyong,


Bataan.

_________ Muling nabilanggo si Francisco nang putulin niya ang buhok ng


isang utusang-lingkod ng alperes.

__________Natapos ni Balagtas ang Canones noong 1812.

__________Si Francisco ay namatay na mahirap sa edad na 74 sa


pamamagitan ng pagkatha at pamamatnugot.

PAGSANAYAN MO!

Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na may kaugnayan sa Florante at


Laura at ekis (X) naman kung walang kaugnayan sa akda.

__________1. Naging makulay ang buhay ni Balagtas nang manirahan siya sa


Maynila.

__________2. Binuo ng apat na himagsik ang akda ni Francisco: himagsik


laban sa malupit na pamahalaan, himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya, himagsik laban sa mga maling kaugalian at himagsik
laban sa mababang uri ng panitikan.

__________3. Pinaniwalaang natapos ni Balagtas ang Florante at Laura sa


loob ng bilangguan ngunit may nagsasabing tinapos niya ito sa Udyong,
Bataan.

__________4. Nagpursige si Balagtas na lalong pag-ibayuhin ang paglikha ng


tula dahil sa hindi siya tinulungan ni Jose dela Cruz sapagkat walang
pambayad na sisiw.

__________5. Inihabilin ni Balagtas sa mga mambabasa ng akda na unawain


at huwag babaguhin ang berso nito.

Sa pamamagitan ng ladder organizer, isa-isahin ang pinagdaanan ni


Balagtas na nagpahusay sa kanya bilang makata.

2
5

2 4

Naniniwala ka ba na ang mga isinulat mo ay ang mga dahilan na


nagpahusay kay Balagtas bilang makata? Bakit?

Mahalaga ang naging ambag ng Florante at Laura sa buhay ng mga


Pilipino lalo na ng mga mag-aaral na katulad mo. Sumulat ng isang pangako
sa sarili na maaaring basahin sa tuwing makararamdam ng pagkabagot at
pagkapagod sa pagbabasa ng akda.

Ako si_____________________________________ nangangakong sa


pagbabasa ko ng Florante at Laura
ay_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________

TANDAAN MO!

Ang Florante at Laura ay isang awit na itinuturing na obra maestra ng


panitikang Pilipino. Malayo ang nilakbay ng pananaw ni Balagtas nang
likhain niya ang awit na ito na kinapalooban ng pag-ibig, pagdaramdam,
kabiguan, pagtitiwala, diskriminasyon at iba pang isyung panlipunan na
maaaring maiugnay sa bawat henerasyon ng lahing Pilipino.

PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang salitang hindi kabilang sa pangkat.

1. pinagpipitaganan pinagdudusahan iginagalang iniidolo

2. ikinulong ipiniit pinatakas ibinilanggo

3. minamahal iniibig sinasaktan iniirog

4. dustain katkatin namnamin paunlarin

5. awit korido balad elehiya

3
Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan.

1. Anong uri ng akda ang Florante at Laura? Bakit hanggang ngayon ay


patuloy na pinahihintulutan ng pamahalaan ang pag-aaral ng Florante at
Laura?

2. Bakit natakot si Balagtas sa maaaring hantungan ng pag-ibig niya Kay


Selya?

3. Ilarawan si Balagtas habang nakakulong at nalulungkot. Ganito ka rin


kaya kung sakaling umibig at mabigo? Bakit?

4. Paano isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?

5. Bilang mag-aaral, anong damdamin ang nanaig sayo para kay Balagtas sa
pagkakasulat niya ng Florante at Laura?

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Anumang kasagutan ay nakadepende sa pagwawasto ng guro.

VI. SANGGUNIAN

Panitikan.com.ph

http://floranteatlaurasummary.blogspot.com/

Inihanda ni:

MA. THERESA O. TATEL


Guro 1/ Manunulat
Villazar National High School
Sipocot North District
Camarines Sur
Rehiyon V

Tiniyak ang kalidad ni:

ROSALIE Z. MORA
Ulong Guro I
Pili National High School
Pili East District
Camarines Sur
Rehiyon V

You might also like