Professional Documents
Culture Documents
Dekada 70
Dekada 70
BSED-FILIPINO 2A
o Amanda Bartolome
Bukas ang isip sa mga ideyang dala ng nagbabagong panahon;
isang babaeng nakatatap sa kanyang identidad bilang indibidwal sa
panahong ang lipunang kanyang kinapapalooban ay dinadaluyong
ng mga pagbabago; tulad din ng maraming ina na nakatali na ang
buhay sa pag-iintindi sa buhay ng kanilang anak. Si Amanda ay
maituturing na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang
kapaligiran sa unang bahagi ng nobela subalit ‘di naglaon ay unti-
unting napupukaw ang kanyang kuryosidad. Mula sa pagiging isang
sunod-sunuran at mahinhin na sawa ay natuto siyang maglabas ng
nadarama at umunawa sa mga bagay-bagay.
o Julian Bartolome Sr.
Naniniwala sa kasabihang “It’s a man’s world”. Mapapansin sa
nobela ay tila maka-gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa
tuwina’y kadebatehan ni Jules ukol sa panlipunang isyu sa
kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang mga anak sa mga
subersibong paniniwala na maaring makapagpahamak sa kanila.
Maprinsipyong ama at lalaki sa tuwina ngunit sa bandang huli ay
nakita rin ang kanyang itinatagong kahinaan, para sa kanya, ngunit
para kay Amanda ay siya niyang tunay na kalakasan.
o Jules
Mulat na ang isipan ukol sa totoong nangyayari sa lipunan kahit na
sa murang edad pa lamang, halimbawa ay ang pagsali niya sa
isang protesta ng mga drayber. Sa kanya kadalasang nagmumula
ang mga isyung pulitikal at kapuna-punang siya ay may sariling
paninindigan, malakas ang loob at tunay na makabayan kahit na
kadalasa’y sinasalungat niya ang mga paniniwala ng amang si
Julian.
o Gani
Maagang namulat ang isipan hindi sa kalagayan ng lipunan kundi
sa mga bagay na may kaugnayan sa pakikipag relasyon sa
“opposite sex” kaya naman maituturing na mapusok at marupok si
Gani sa kadahilanang di pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaral
ay nakadisgrasya na siya. Kabaligtaran siya ni Jules sapagkat siya
ay may kolonyal na pag-iisip, patunay na ang pagpasok niya sa US
Navy at pagka-base sa San Diego na naging dahilan ng
paghihiwalay nila kaagad ni Evelyn, sanhi ng ‘long-distance
relationship’ iniisip lang ang malaking oportunidad na umasenso na
mariing kinronta ni Jules.
o Em
Pinakamatalino sa limang magkakapatid. Ipinapabatid lamang na
siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng
paniniwala sa aspetong pulitikal subalit siya ay sa ‘paraang-Rizal’
ang ginamit na estilo samantalang si Jules ay ‘paraang-Bonifacio’
o Jason
Siya ay maituturing na bulakbol sa pag-aaral, ‘happy-go-lucky’, at
pasaway sa limang magkakapatid, namumukod-tangi subalit pinaka
paborito pa rin ni Julian di man niya tuwirang sabihin. At siya’y
nahulihan ng marijuana ng mga pulis kaya nakulong. Napag
alaman nga na siya’y sinalvage na pala.
o Bingo
Habang lumalaki’t nagkakaisip ay nabuksan na rin ang kaniyang
kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang at kuya; pilit
na inuunuwa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga
bagay na tila banyaga pa sa kanya.
Hanggang ngayon nangyayari pa rin ang ganitong isyu. May mga magulang na
walang pakialam sa mga anak, kung anong mga pananaw ang meron sila, paniniwala.
Ngunit habang lalong napapariwa ang kanilang mga anak, napapansin ito ng mga
magulang saka palang nila malalaman ang mga pinagdadaanan ng kanilang mga anak.
Saka palan sila aaksyon, ngunit kadalasan ay huli na ang lahat. Sa isang iglap, ang
matagal na nating iniingatan ay mawawala nalang sa atin. Sa ngayon ay may mga
taong nadadamay pa rin na inosente dahil sa gobyerno.
Ngunit gaya ng aming pamilya, sa pagtutulungan ng bawat isa, malalagpasan
ang lahat ng pagsubok na darating sa buhay natin. Magkaroon ng sapat na atensyon sa
mga anak, at huwag hayaang mapariwara ang mga anak dahil sa kanilang maling
desisyon sa buhay. Gabayan at unawain ang bawat isa. Kagaya din ng ating
mamamayan pagtutulungan ang kailangan upang umunlad ang ating bayan.
TEORYA: