Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAMAGAT: E-Radio

PROGRAMA: Makinig at Matuto


PAKSA: Maikling Kwento – Sandaang Damit / Mga Panandang Anaporik at
Kataporik (PART 1)
PORMA: School-on-the-Air
HABA: 30 minuto
SCRIPWRITER:

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3. TEACHER OWEN: Magandang….magandang…magandang buhay sa lahat ng aming mga ginigiliw

4. na mag-aaral ng ikapitong baitang! Ito muli ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino 7…

5. nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6. inyong lingkod teacher Rowena R. Mendoza mula sa Tandoc National High School.

7. Ang programang ito ay hatid sa inyo ng ( RADIO STATION ) at ng pamunuan ng San Carlos City Division sa

pangunguna ni School Division Superintendent Lourdes Servito. Hindi po ako nag-iisa ngayon kasama natin si

teacher____________________...teacher hayan bumati ka muna…

8. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

9. TEACHER _____: Isang mapagpalang araw sa lahat ng ating mga ginigiliw na tagapakinig lalo na sa ating mga

estudyante na alam kong nakatutok na ngayon sa ating programa at handa nang matuto sa ating

pagtatalakay.Ako pala si____(PANGALAN)________________ mula (PANGALAN NG PAARALAN)

samahan niyo po kami sa tatlumpong minutong pagpapatalas ng inyong mga kaalaman sa asignaturang Filipino

7.

10. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

11. TEACHER____: Ayan…di lang isa kundi dalawa na kami na magbubungkal at magtatanim sa inyo ng mga

kaalaman at karununga……kaya tara na’t mag-aral…Noong nakaraang araw ay binigay ko bilang gawaing

bahay ang mga gawain na nasa inyong mga modyul. Umaasa ako na naipasa niyo na sa inyong mga guro sa

Filipino sa inyong mga paaralan.

12. TEACHER ________: Sa pag-aaral ng nilalaman ng ikalimang modyul, tatalakayin natin ang maikling kwento

mula sa Bulacan na may pamagat na Sandaang Damit. ….Bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa wastong

gamit ng mga panandang Anaporik at Kataporik ng pangngalan. Inaasahan na pagkatapos ng modyul na ito,

ikaw ay:
13. Makapagbibigay-kahuugan ng mga salita batay sa konteksto ng pangungusap

14. Mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa kuwento batay sa…. a) kontekstuwal na

15. pahiwatig, b) denotasyon at konotasyon….

16. Magamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan……

17. TEACHER_______: Muli kong pinapaalala na ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng

18. mga gawain at pagsubok sa iyong kakayahan. Magiging madali lang ang mga ito. Ang gagawin nyo

19. lamang ay sundin ang aking mga panuto at gawaing ipagagawa. ….

20. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

21. TEACHER _________: Maari bang kumuha ka ng papel at panulat dahil bago tayo mag-umpisa ay

22. nasi muna naming sukatin kung ano na ang nalalaman mo kaugnay ng araling ating

23. tatalakayin……Ayan ….handa ka na ba?....Kung gayon tara na at palawakin pa ang ating

24. kaalaman….

25. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

26. TEACHER ____________: Para sa unang bilang……Aling bahagi ng banghay sa maikling kwento ang

pinakamasidhing bahagi kung saan kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?

A. kasukdulan C. pababang pangyayari

B. resolusyon/wakas D. panimulang pangyayari

27. TEACHER ____________: : Ang tamang sagot ay letrang A….Kasukdulan

28. TEACHER ____________: : Para sa ikalawang bilang….

Ano ang karaniwang iniiwan ng isang akdang pampanitikan sa mambabasa?


a. alaala C. kaisipan
b. diwa D. konsepto

29. TEACHER ____________: : Ang titik ng tamang sagot ay…. c…. kaisipan

30. TEACHER ____________: : Para sa ikatlong katanungan

Nahuli ang anunsiyo ng suspensiyon ng klase ngunit nakaalis na ako ng bahay kaya naipit
_________ sa matinding baha. Ano ang angkop na panghalip na dapat gamitin sa pangungusap?
A. ako C. sila
B. kami D. siya
D. karaniwan
31. TEACHER ____________: : Tama….ang tamang sagot ay letter A… AKO…

32. TEACHER ____________: : para sa ika-apat na katanungan……


Ito ay asal ng paggamit ng lakas laban sa isang tao na maaaring inuulit-ulit at hindi ninanais ng
taong pinatutungkulan nito.

a. pambubulas C. katapangan
b. pagkakaisa D. kapangyarihan
33. TEACHER ____________: : Ang sagot ay ….pambubulas…. Titik D ang tamang sagot.

34. TEACHER ____________: : para sa huling katanungan…..

Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan ang binanggit sa
hulihan ng pangungusap?
a. anaporik C. modal
b. kataporik D. pamatlig
35. TEACHER ____________: : Ang sagot ay B… Kataporik….……Oh…ayan ha…sana ay

36. nakasunod kayo at nakuha ninyo ang tamang sagot.Huwag kang mag-alala kung

37. hindi mo lahat nakuha ang tamang kasagutan…bumawi ka na lamang sa susunod na

38. pagsusulit basta siguraduhin mo na makikinig kang mabuti sa gagawin nating

39. pagtatalakay….Ikaw ba partner marami ka bang nakuha sa mga katanungan?

40. TEACHER ____________: OO naman partner….nakikinig kasi akong mabuti….

41. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

42. TEACHER ____________: Partner Nasubukan mo na bang mapagtawanan dahil sa iyong kasuotan?

43. Ano ang naramdaman mo pagkatapos magyari ito?...

44. TEACHER ____________: Naalala ko partner nanapagtawanan ako dahil baligtad ang aking damit nung araw

na pumasok ako sa paaralan…may tumawa…may nagpakita ng pag alala…takbo agad ako sa cr

partner….pagkatapos ng pangyayaring iyon lagi ko ng tsini-tsek ang damit ko kung baligtad o hindi…..ayoko

na maulit yun partner….

45. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

46. TEACHER ____________: Sa puntong ito….Maari bang kunin ninyo ang inyong modyul at buksan ito sa

bahaging tuklasin? ….Tignan ninyo ang mga larawan pag-aralang maige…Mapapansin natin sa larawan na

dinuduro at sinasaktan ang isang tao… ano kaya ang maaring dahilan bakit ginagawa nila ang mga bagay na

nakakasakit sa kanilang kapwa?..... Ang gawain 1 ay may kinalaman sa kwentong ating tatalakayin. Pero bago

yan, basahin at unawain muna natin mga sumusunod na kaalaman. Pagkatapos ay sabay sabay nating basahin

ang akda na may pamagat na “Sandaang Damit”, isang maikling kwento mula sa Bulacan na isinulat ni Fanny

Garcia.
47. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

48. HOST: Ang Sandaang Damit ay kuwento ng tauhan. Ang kuwento ng tauhan ay uri ng kuwento na

49. nakatuon sa pag-unawa sa kaugalian, kilos at gawi ng mga tauhan sa akda. Inilalarawan din ang mga

50. pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pang-

51. unawa sa kanila ng mambabasa…. Ayan, meron ka ng kaalaman sa ating tatalakaying akda…

52. Babalikan natin ang pagbasa sa akda na may pamagat na “Sandaang damit” pagkalipas ng ilang mga

53. paalala….

54. BIZ: INFOMERCIAL

55. BIZ: INSERT PLUG (CUE IN:XXXXX THEN CUE OUT: XXXXX)

56. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

57. HOST: Tayo ay nagbabalik sa ating programang Paaralang Panghimpapawid na hatid

58. sa inyo ng (RADIO STATION) at ng San Carlos City division… ako pa rin ang

59. inyong kasama teacher Rowena R. Mendoza….Handa ka na bang magbasa… Buksan

ang inyong mga modyul at sabay tayo sa pagbasa ng akda…pagkatapos ay sagutan

natin ang mga katanungan kaugnay ng kuwento…

60. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

61. Sandaang Damit


62. ni Fanny Garcia

63. May isang batang mahirap…… Nag-aaral siya….. Sa paaralan ay kapansin-


pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa
isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga
mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung
magsalita.
64. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya. Mayayaman
sila. Magaganda at iba iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit
nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga malinis, ay halatang
luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.
65. Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw
niyang ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang
pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi
malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang
mata ay masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre
ng mga kaklase: mansanas, sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay
na pambalot na palara.
66. Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit.
Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan
kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na
karaniwa’y walang palaman.
67. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa.
68. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kaniyang ina. Sa bahay ay di
minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga
kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal
itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong
sasabihin sa kaniya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo,
kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.
69. At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-
unting nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa
malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang
pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak.
Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina.
70. Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kaniyang mga kaklase na siya’y
kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang
damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kaniyang isip.
71. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban.
72. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang
babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging
kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang
magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.
73. “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang
damit sa bahay.”
74. Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala. “Kung totoo
ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
75. Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.”
76. “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na
sabi nila sa batang mahirap.
77. “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay,
kung may laso o bulaklak.”
78. At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa
kaniya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay,
pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang
pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat
isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo
niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-
gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at putting abaloryo. Bolga
ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang
sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may
prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na
may malapad na sinturon at malalaking bulsa.
79. Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang
pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang
pamamayat kahit ngayo’y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o
dalawang kendi.
80. Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng
may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At
pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga
kaklase at guro.
81. Nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan na malapit sa
tambakan ng basura.
82. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy
sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa
anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras
at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw
ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na
maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng
teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na
nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit.
Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon
ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang
drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang pansimba, ang sinasabi niyang
pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa
kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.

83. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

84. HOST: Nagustuhan mo ba ito? Marahil ay may mga katangian ang batang babae sa

85. kuwento na maaari mong tularan….. Upang patuloy na mapalawak ang iyong pag-

unawa sa akda, subukin nating gawin ang mga susunod na gawain.

86. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

87. HOST: Ang mga salita ay may likas na kahulugan subalit ito ay nagkakaroon din ng

88. maraming kahulugan sapagkat ginagamit sa pangungusap at naiuugnay sa iba pang

89. salitang ginamit sa nasabing pangungusap. Madaling makuha ang kahulugan ng isang

90. salita batay sa konteksto ng pagkakagamit nito sa pangungusap.

91. Ang diwa ng pangungusap ang mahalaga sa paraang ito ng pagpapakahulugan.

92. Karaniwang nakaayon sa diwa o konteksto ng pagungusap ang gamit ng mga salita.
93. Halimbawa: Adhikain niyang makatapos ng pag-aaral.Pagsusuri: Adhikain ang

94. bibigyang kahulugan na ang ibig sabihin ay maaaring layunin, gusto o pangarap…

Halika’t sagutin natin ang mga sumusunod na pahayag…..(TEACHER MAY ADLIB)…

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa konteksto ng

pangungusap. Isulat sa inyong sagutang papel….(TEACHER MAY ADLIB)

1. Lagi siyang nakadikit sa sulok. Nakaupo na’y tila ipinagkit.


2. Lagi siyang nakayuko, maiilap ang mga mata, sasagot lamang ng halos
pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita.
3. Saglit niyang tiningnan ang mga kamag-aaral niya. Sa sulok ng kaniyang mata’y
masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kanyang mga kaklase gaya ng
mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling tsokolate.
4. Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila ay
pinatuloy at nakita nila ang kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa
marangyang kasangkapan.
5. Matindi ang pang-aapi sa kaniya ngunit tahimik lang siya. sa kanyang pagiging
tahimik ay ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan
kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.

95. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

96. HOST: Magaling! Ngayon ay nabigyan mo na ng kahulugan ang mga salita

97. batay sa batay sa konteksto ng pangungusap. Isa pang paraan ng pagbibigay ng

98. kahulugan ng salita ay batay sa denotasyon at konotasyon. Sa mga nakaraang modyul

99. ay iyo na itong tinalakay. Kaya naman, magiging madali na ito para sa iyo.

100. Ang denotasyon ay literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa

101. diksyunaryo samantalang ang konotasyon ay pahiwatig o hindi tuwirang

102. kahulugan na maaring pansariling kahulugang maiuugnay sa salita.

103. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

104. TEACHER_________: Nais kong sagutan ninyo ang gawain sa denotasyon at

105. Konotasyon sa inyong mga modyul…at suriin maige ang mga salitang

106. nakasulat…bukas ay itatama natin ang inyong mga kasagutan at tatalakayin


107. natin ang kuwentong ating binasa…Nais ko man na ituloy tuloy na natin ang

108. pagtatalakay ay wala na tayong sapat na oras sa ating programa…

109. TEACHER__________: Pero partner…..Huwag silang mag-alala at babalik

110. pa rin tayo bukas…

111. TEACHER___________: hanggang sa muli….kami po ang inyong guro sa

112. himpapawid titser Rowena Mendoza,….

113. TEACHER ____________:

114. TEACHER ______________: Iiwan po naming sa inyo ang isang paalala na

115. “Tanging edukasyon ang kayamanang hindi mananakaw ninuman.”

116. TEACHER 1 and 2 : Hanggang sa susunod. Ito ang School on the air ng San

Carlos City Division at ng Aksyon Radyo Pangasinan…….Mabalos…

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng San Carlos
Lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Pangasinan

PAMAGAT: E-Radio
PROGRAMA: Makinig at Matuto
PAKSA: Maikling Kwento – Sandaang Damit / Mga Panandang Anaporik at
Kataporik (PART 2)
PORMA: School-on-the-Air
HABA: 30 minuto
SCRIPWRITER: ROWENA R. MENDOZA

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3. TEACHER OWEN: Magandang….magandang…magandang buhay sa lahat ng aming mga ginigiliw

4. na mag-aaral ng ikapitong baitang! Ito muli ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino 7…

5. nagagalak Kami na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Kami ang

6. inyong lingkod teacher Rowena R. Mendoza mula sa Tandoc National High School.

7. TEACHER _____________: At ako naman si teacher (TEACHERS NAME) mula naman sa (NAME

8. OF SCHOOL)

9. TEACHER ____________: Ang programang ito ay hatid sa inyo ng ( RADIO STATION ) at ng

10. pamunuan ng San Carlos City Division sa pangunguna ni School Division Superintendent Lourdes

11. Servito.

117.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

118.TEACHER _____: Isang mapagpalang araw sa lahat ng ating mga ginigiliw na tagapakinig lalo na

119.sa ating mga estudyante na alam kong nakatutok na ngayon sa ating programa at handa nang matuto

120.sa ating pagtatalakay.Ako pala si____(PANGALAN)________________ mula (PANGALAN NG

121.PAARALAN) samahan niyo po kami sa tatlumpong minutong pagpapatalas ng inyong mga

122.kaalaman sa asignaturang Filipino 7.

123.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

124.TEACHER____: Kahapon ay napakinggan natin ang isang kwento mula sa Bulacan na

125.pinamagatang Sandaang damit…nabigyan din natin kahulugan ang mga salita ayon sa diwa o

126.konteksto ng pangungusap.

127.TEACHER ________: Nalaman din natin na may iba pang paraan ng pagbibigay ng kahulugan ng

128.mga salita gamit ang Denotasyon at Konotasyon…. Ang denotasyon ay literal na kahulugan ng salita

129.o kahulugang mula sa diksyunaryo samantalang ang konotasyon ay pahiwatig o hindi tuwirang

130.kahulugan na maaring pansariling kahulugang maiuugnay sa salita.

131.TEACHER_______: Matatandaan na binigay namin bilang inyong takdang aralin o gawaing bahay

132.ang pagsagot sa mga gawain sa suriin na nasa inyong mga modyul….Maari bang kunin na ninyo ang
133. inyong mga modyul at I tsek natin ang inyong mga kasagutan?

134.TEACHER _________: Partner bubuksan natin ang numero ng ating telepono upang doon nila

135.maaring ipadala ang kanilang mga kasagutan…maaring kayong mag text sa numerong

136.09638591878….hihintayin naming ang inyong kasagutan ha…maari niyo nang ipadala ang mga

137.kasagutan ninyo …diyan din namin masisiguro na kayo ay gumawa at nag aral talaga ng inyong mga

138.gawaing bahay..

139.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

140.TEACHER _________:Partner ang salita ay itinago sa kandungan ang salitang bibigyan ng

141. kahulugan gamit ang denotasyon at konotasyon ay KANDUNGAN…. Mga giliw naming

142. mag aaral maari niyo bang ibigay ang denotasyon at konotasyon ng salitang

143. KANDUNGAN……..(TEXT SOUND) …ok napakaraming pumapasok na mga kasagutan sa

144. dito sa numerong ating binigay…heto….sabi ni Anthony…ang denotasyon ng salitang

145. kadungan ay…LAP ang konotasyon naman ay kandung…hmmm…may punto ka

146. Anthony….ngunit ang tamang sagot ay ibabaw ng magkadikit na hità ng nakaupô iyan ang

147. denotasyon ….samantalang ang konotasyon ng kandungan ay pilling o kasama…….may

148. nakakakuha ba ng tamang sagot?

149.TEACHER _____________: Ayan….dumako naman tayo sa ikalawang bilang….ipinapaalala ko

150.ipadala sa 09638591878 ang mga kasagutan ninyo….Ang salita ay puno ng sulsi…ang salitang

151.bibigyan ng kahulugan ay sulsi….(TEXT SOUND)…..Ok sabi dito ni Myrna ay….ang denotasyon

152. ng sulsi ayon kay Myrna ay….pagtahi sa sira ng damit, sako,lambat…samantalang ang Konotasyon

153.ay pantapal o disperadong solusyon….(CLAPPING OF HANDS) tama myrna ….wow

154.ayan…nakukuha niyo na ang ideya sa pagbibigay ng kahulugan gamit ang denotasyon at

155.konotasyon…

156.TEACHER ____________: Partner nakakataba ng puso na makitang nakakasunod ang ating mga

157.mag-aaral sa araling ating tinatalakay…

158.TEACHER__________: Tama ka diyan partner…Kaya sige partner ibigay mo na ang ikatlong

159.tanong…

160. TEACHER __________: Ok…para sa ikatlong katanungan…..dilaw na pantulog…ang salitang


161. bibigyan ng kahugan ay dilaw….(TEXT SOUND)….ayan napakaraming kasagutan ang
162. nagsusulputan dito…ito tignan natin ang kasagutan ni Francine….sabi ni Francine ang
163. denotasyon ng Dilaw ay isang kulay…ang konotasyon naman ng dilaw para sa kanya ay pamilya
164. Aquino…aba..aba…aba…anggaling naman Francine…sabi naman ni peter ang denotasyon ng
165. dilaw ay kulay na nasa pagitan ng lunti at kulay kahel sa ispektrum…samantalang ang
166. konotasyon ng dilaw para sa kanya ay Tanda rin ng ilaw o init o kaya ay araw….WOwww
167. naman…palapakan naman diyan (Clapping of hands)…nakakatuwa naman …
168. TEACHER_________: Ok huwag na nating patagalin ito…dumako na tayo sa ika-apat na
169. bilang…Ang salita ay nakagiray sa kalumaan…ang salitang bibigyan ng kahulugan ay
170. nakagiray…..ayan habang hinintay natin ang kasagutan ng ating mga mag-aaral…batiin
171. muna natin ng isang magandang araw ang lahat ng mag-aaral ng San Carlos City
172. division…sana’y nakikinig kayong lahat at natututo sa ating ginagawang
173. pagtatalakay…(TEXT SOUND) ok ayan …may kasagutan na mula kay
174. Christopher…Denotasyon ng nakagiray ay sira…ang konotasyon naman ay
175. aderal…hmmm…may punto naman si Christopher….ngunit ang tamang kasagutan ay
176. bahay na malapit nang magiba o matumba ang denotasyon ng nakagiray samantalang ang
177. konotasyon naman ay marupok o mahina sa pagharap sa mga pagsubok….maraming
178. Salamat pa rin sa pagbibigay ng kasagutan Christopher..maari mong isulat ang tamang
179. sagot sa iyong sagutang papel…
180.TEACHER _____________: Tuloy tuloy na tayo mga giliw naming mag-aaral…ang salita ay

181.tambakan ng basura…ang salitang bibigyan ng kahulugan ay tambakan…(Text Sound) Ayon naman

182. kay mildred ang denotasyon ng tambakan ay… Lugar kung saan naiipon o tinatapon ang mga

183. basura…ang konotasyon naman ng tambakan ayon sa kanya ay Lugar ng mga mahihirap, dukha o

184.mga taong itinuturing na walang halaga sa lipunan….Napakagaling naman Mildred (CLAPPING OF

185.HANDS)….Partner ayan mahusay na nasagutan ng ating mga giliw na mag-aaral ang mga

186.katanungan..kaya sa palagay ko ituloy na natin ito sa pagtatalakay ng kuwento…

187.TEACHER__________: Oo nga partner,ituloy tuloy na natin ito habang nag-aapoy pa ang

188.damdamin ng ating mga mag-aaral sa pagnanais na matuto…Sa puntong ito nawa’y natatandaan pa

189.ninyo ang napakinggang kwento na Sandaang damit…kung hindi naman ay buksan lamang ang

190.inyong mga modyul balikan ang naturang kuwento…..Partner maari mo bang ilarawan ang

191.katangian ng batang babae sa kuwento???....

192.TEACHER_____________: Partner ang batang babae ay matiisin sa hirap ng kanilang buhay,

193.mahiyain sa kanyang mga kaklase, tahimik sa loob ng klase, mahirap ang kanilang buhay, magaling

194.siyang magkwento, at higit sa lahat ay sakitin…iyan partner katangian ng bata sa kuwento…Alam

195.mo partner nakakahabag ang kalagayan ng batang babae sa kuwento habang kayang ikinukuwento

196.ang kanyang sandaang damit…mapapasin na habang nagkukuwento siya ay naroon ang

197. kalungkutan, luha, at kahihiyan na kanyang itinago lamang sa lakas ng loob na nahugot niya mula sa

198.kanyang sarili upang di na muli siyang pagtawanan…

199. TEACHER ______________: Tama ka diyan partner…buti na lang at nakahanap siya ng lakas
200. ng loob na ikuwento ang kanyang sandaang damit…mula noon ay nakuha niya ang respeto ng
201. kanyang mga kamag-aral….ngunit nakakalungkot lamang ang katapusan ng kuwento sapagkat
202. nagkasakit ang batang babae ngunit sa kabilang banda partner at namulat sa katotohanan ang
203. kanyang mga kakaklase kung anong uri ng pamumuhay meron ang batang babae…maaring ilang
204. sa kaniyang mga kaklase partner ay maaring nahabag at gagawa ng tulong upang mapagamot ang
205. batang babae o dili kaya maaring bigyan nila ito ng mga damit…
206. TEACHER____________:Hayyys nakakalungkot naman ang kwento SANDAANG DAMIT
207. partner…Sana sa mga giliw nating mga mag-aaral kung mayroon man kayong mga ganitong
208. kaklase ay huwag natin silang pagtawanan bagkus ay tulungan natin sila…

209. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER


210.TEACHER_____________: Partner bago tayo tuluyang maging emosyunal…Bigyang daan muna

211.nating ang ilang mahalagang paalala…at pagkatapos ay lalo nating palalalimin ang kaalaman ng

212.ating mag-aaral sa denotasyon at konotasyon……

213.BIZ: INFOMERCIAL

214.BIZ: INSERT PLUG (CUE IN:XXXXX THEN CUE OUT: XXXXX)

215.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

216.TEACHER _______: Tayo ay nagbabalik sa ating programang Paaralang

217. Panghimpapawid na hatid sa inyo ng (RADIO STATION) at ng San Carlos City

218. division… Kami pa rin po ang inyo mga guro sa ating paaralang panghimpapawid

219. ako pa rin po si teacher ____________ siyempre kasama pa rin natin si

220. Teacher_________... Sige teacher________________...talakayin mo na….

TEACHER___________: Okiedikie….
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang
pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol o reperensiya. May dalawang uri ang
pag-uugnay na ito. Ito ay ang anapora o sulyap na pabalik at katapora o sulyap na pasulong.
1. Anaporik / Anapora
Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa
unahan.
Mga halimbawa:
a. Sa pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay
kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
b. Nalulungkot ang batang babae dahil wala siyang kaibigan.
c. Hindi nahabag ang mga kamag-aaral niya dahil wala silang alam.
2. Kataporik / Katapora
Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda sa pinalitang
pangngalang binanggit sa hulihan ng teksto o pahayag.
Mga halimbawa:
a. Ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong
sumidhi ang kanilang pang-aasar sa batang babae.
b. Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklase kaya ipinagpatuloy ng mga
kamag-aaral niya ang panunukso sa kanya.
c. Ipinakita niya ang kanyang katapangan nang sinabi ng batang babae na mayroon siyang
isandaang damit.
221.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang


pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol o reperensiya. May dalawang uri ang
pag-uugnay na ito. Ito ay ang anapora o sulyap na pabalik at katapora o sulyap na pasulong.
3. Anaporik / Anapora
Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa
unahan.
Mga halimbawa:
d. Sa pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay
kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
e. Nalulungkot ang batang babae dahil wala siyang kaibigan.
f. Hindi nahabag ang mga kamag-aaral niya dahil wala silang alam.
4. Kataporik / Katapora
Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda sa pinalitang
pangngalang binanggit sa hulihan ng teksto o pahayag.
Mga halimbawa:
d. Ipinalagay ng kanyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong
sumidhi ang kanilang pang-aasar sa batang babae.
e. Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklase kaya ipinagpatuloy ng mga
kamag-aaral niya ang panunukso sa kanya.
f. Ipinakita niya ang kanyang katapangan nang sinabi ng batang babae na mayroon siyang
isandaang damit.
222.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

223.TEACHER____________: Ang galling galin naman ni teacher ________________......Ayan

224.punong-puno na kayo ng kaalaman kaya sigurado kami na madali na lamang sa inyo na sagutin ang

225.mga nakahandang gawain na nariyan sa inyong mga modyul…ang mga gawain na ito ay may

226.kaugnayan pa rin sa inyong napakinggang kuwento na ang Sandaang Damit. Maari bang Sagutan

227.ninyo ang pagyamanin, isaisip, at karagdagang gawain bilang inyong gawaing bahay. Pagkatapos ay

228.ipasa na sa inyong mga guro sa filipino sa inyong paaralan at sila naman ang magtatama nito….

229.TEACHER _______________:Kung may katanungan ka pa maari mong hingin ang patnubay ng

230.iyong mga kasama sa bahay gaya ni ate, kuya, nanay o si tatay, maari mo rin hingan ng tulong ang

231.iyong guro sa filipino sa inyong eskwelahan at siyempre huwag kalimutan na nandito lamang kami

232.ni teacher ____________ na lagi handang tumulong sa inyong pag-aaral….

233.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

234.TEACHER_______________; Okay, sa puntong ito ay maari ba kayong kumuha ng papel at panulat

235.at ating siguraduhin kung naintindihan nio ng aba ang ating aralin sa araw na ito…..Handa na ba

236.kayo? (INSERT WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE SOUND IN EVERY QUESTION)

237. TEACHER_______________; Aling bahagi ng banghay sa maikling kwento ang pinakamasidhing


bahagi kung saan kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?
a. kasukdulan C. pababang pangyayari
b. resolusyon/wakas D. panimulang pangyayari

238. TEACHER_______________; Ano ang karaniwang iniiwan ng isang akdang pampanitikan sa


mambabasa?
a. alaala C. kaisipan
b. diwa D. konsepto

239. TEACHER_______________; Ito ay asal ng paggamit ng lakas laban sa isang tao na maaaring
inuulit-ulit at hindi ninanais ng taong pinatutungkulan nito.
a. pambubulas C. katapangan
b. pagkakaisa D. kapangyarihan

240. TEACHER_______________; Nahuli ang anunsiyo ng suspensiyon ng klase ngunit nakaalis na ako
ng bahay kaya naipit _________ sa matinding baha. Ano ang angkop na panghalip na dapat
gamitin sa pangungusap?
a. ako C. sila
b. kami D. siya

241. TEACHER_______________; Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan ang binanggit sa hulihan ng pangungusap?
a. anaporik C. modal
b. kataporik D. pamatlig

242. TEACHER_______________; Ano ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan ang binanggit sa unahan ng pangungusap?
a. anaporik C. modal
b. kataporik D. pasaklaw
243. TEACHER_______________; Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang nang
halos pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kug magsalita. Ano ang kahulugan ng
salitang sinalungguhitan?
a. pahimig C. papahina/pawala na
b. paimpit D. pasigaw

244. TEACHER_______________; Sila’y mga binatilyong kagaya ko, datapwat may hawak na bote ng
alak at sa mga bulang silang nilalagok ay unti-unti silang nangawala sa kanilang mga sarili. Anong
panghalip ang dapat gamitin bilang pamalit sa salitang sinalungguhitan?
a. akong C. kanilang
b. kaming D. siyang
245. TEACHER_______________; Sa tambakan ng basura naninirahan ang mga mahihirap, dukha o
mga taong itinuturing na walang halaga sa lipunan. Ang ibinigay na kahulugan sa salitang
tambakan ay isang ___________ na pagpapakahulugan.
a. kontekstuwal C. denotasyon
b. literal D. konotasyon

246. TEACHER_______________; Walang tigil ang panunudyo ng mga bata sa babae. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa kontekstuwal na pahiwatig?
a. panunulak C. panunukso
b. pagtatanggol D. pagpapasalamat

247.BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND FADE UNDER

248.TEACHER_____________: Sa palagay namin ay sapat na ang sampung segundo na naibigay sa


249.inyo para masagutan ang mga katanungan….

250.TEACHER ____________: Oo nga, Maari na ba nating sagutin?.....Kung ganun ay ay sagutan na

251.natin…. Pero bago yan nais naming ipaalala ang aming mahigpit na bilin sa pagtatama ng mga

252.kasagutan…. Kinakailangan po ang isangdaang porsyento ng katapatan sap ag-tse-tsek ng inyong

253.mga papel. Huwag nating dayain ang ating mgasarili.. Puwede ba ‘yun? Tara tignan na natin kung

254.gaano kadami ang inyong natutuhan sa aralin na ito.

255.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

256.TEACHER ______________: (TEACHER MAY ADLIB)

1. A 6. A
2. C 7. C
3. A 8. C
4. A 9. D
5. B 10. C

257.TEACHER ________________: : Umaasa na marami sa inyo ang nakakuha ng perpektong iskor. Sa

258.mga hindi pinalad huwag mag alala bawi na lang kayo sa mga susunod na pagsusulit at siguraduhin

259.na makinig maige sa gagawing pang mga pagtatalakay…

260.TEACHER___________: Maari bang kunan ng larawan ang inyong mga sagutan papel na may iskor

261.ng inyong nakuha sa pagsusulit na ito…. Maari niyong ipadala ang mga larawan ng inyong mag

262.kasagutan at Iskor sa aming mga messenger….Ipadala sa aking messenger na Mendoza Rowena

263.TEACHER ______________: (SASABIHIN ANG MESSENGER NAME) ……..Muli uulitin

264.naming na huwag kalimutang sagutan ang mga gawain na nasa inyong modyul bilang inyong

265.gawain bahay…

266.TEACHER_______________: Binabati kita partner at tayo’y nakaraos na maihatid sa ating mga

267.mag-aaral ang mga karunungan na dapat nilang matutunan sa panitikan. …

268.TEACHER____________: Oo nga partner…napakasarap ng pakiramdam na mahatiran ang mga

269.pag-asa ng bayan ng karunugan na maaring dalhin sa paglalabay nila sa buhay at maibahagi ito sa

270.mga susunod na henerasyon…..Partner wala na tayong sapat na oras kaya kailangan na nating

271.magpaalam…

272.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

273.TEACHER_____________: Hanggang sa muli ito po ang inyong guro sa himpapawid titser

274.___________,
275.TEACHER ____________: At ako naman po si Teacher Rowena Mendoza…..Iiwan po namin sa inyo ang

isang paalala na “Tanging edukasyon ang kayamanang hindi mananakaw ninuman.” Hanggang sa susunod. Ito

ang School on the air ng Aksyon Radyo Pangasinan at San Carlos City Division ….Mabalos…..

You might also like