Professional Documents
Culture Documents
HGP11 - Q1 - Week 7
HGP11 - Q1 - Week 7
Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC
GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 11
Unang Markahan – Ikapitong Linggo
Pag-unawa sa sarili at kapwa (Ikalawang Bahagi)
I. Panimula
Narinig mo na ba ang kasabihan sa Ingles na “life is10% of what happens
and 90% of how you react to it.”? Sa madaling salita, malaking bahagi ng ating
buhay ay nakasalalay sa kung paano tayo tumutugon sa mga bagay o
sitwasyon sa paligid at hindi sa kung ano ang nangyayari sa atin.
Ang ating reaksyon ay ating pinili at ninais. Kapag may nagawa ang
isang tao na hindi maganda, karaniwang ibinibigay nyang dahilan at sinisisi
ay ang kanyang kapwa kung bakit nya ito ginawa. Ang kilos daw nya ay
nakadepende sa ginawa sa kanya ng iba. Tama ba ito? Nakaayon ba ang
kilos ng tao sa kilos ng kanyang kapwa? Ano ba ang marapat na pagtugon
sa inaasal ng kapwa?
IV. Pagtalakay
Hala, pabida naman itong
kaklase kong ito, feeling nya
sya lang may alam ng aralin.
Nakakasira ng mood…Hmmp!
https://www.bing.com/images/search
Naranasan mo na ba ang
magsabi ng mga katagang yan? Kung oo, dapat bang magalit ka sa ikinilos
ng iyong kaklase? Nangangahulugan ba ito na ang nangyayari sa isang tao
ay kagagawan ng kaniyang kapwa? Ang ating kapwa ba ang may hawak
ng remote control at sila ang nagpapakilos sa atin kung ano man ang gusto
nilang gawin natin sa kanila?
Naipaliwanag sa inyo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na ang tao ang
nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang
puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Ang
may hawak ng remote control ay ang sarili, sapagkat ang kapangyarihan ng
kilos-loob ay hindi maaaring ibigay sa iba. Kaya kung nasira ang araw mo dahil
sa kaklase mo, ito ay dahil sa pinili mong makaapekto ito sa iyo. May
kakayahan ang taong piliin kung ano ang nararanasan niya sapagkat
mayroon siyang kamalayan. Dahil dito, may kakayahan ang tao na piliin kung
paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan.
2
tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.
Kung gayon, ang pagiging malaya natin sa pagpipili ay nakakaapekto sa
pagkilos at pagtugon natin sa sitwasyon. Alalahanin natin ang dalawang
aspeto ng kalayaan at suriin kung paano ito nakakaapekto sa ating pagkilos.
2. Kalayaan para sa (freedom for). Ayon kay Robert O. Johann, ang tunay
na kalayaan ay makikita kung inuuna ng tao ang kanyang kapwa bago
ang sarili. Kung malaya ang tao sa mga negatibong katangian,
magkakaroon ng puwang ang kanyang kapwa sa buhay niya.
Samakatwid, kailangang maging malaya ang tao mula sa mga
pansariling hadlang upang maging tunay na malaya siya para sa
pagtugon sa pangangailangan ng ibang tao. Ito ang diwa ng
pagmamahal sa kapwa.
3
1. Huminto (Stop). Huwag padalus-dalos sa pagkilos. Panandaliang
huminto muna sa pagdedesisyon at pag-isipan ang marapat na gawin
bago tumugon sa sitwasyon.
2. Tumingin o Magmasid (Look). Tignan kung saan nanggagaling ang
desisyon ng kapwa. Sabi nga sa Ingles, look at the big picture. Alamin
ang kabuuan o ang dahilan kung bakit ganun ang ikinikilos nila at
unawain ang kanilang aksyon. Hindi mo kontrolado ang damdamin at
pagkilos ng ibang tao. Subalit, ikaw ang may hawak ng iyong pagpipili.
3. Makinig (Listen). Pakinggan ang kapwa. Makinig nang may pang-
unawa, at hindi nakikinig upang manghusga lamang. Sa pakikinig,
hintayin mong matapos magsalita ang kausap para lubos na
maunawaan ang kanyang sinasabi.
4. Gamitin pareho ang isip at emosyon sa pagdedesisyon. Huwag kumilos
ayon sa bugso ng damdamin lamang; sa halip ay pairalin ang isip at
unawain ang emosyon. Timbangin ang pros and cons bago kumilos.
5. Alamin ang posibleng kahihinatnan. Tingnan ang maaaring
kahihinatnan ng gagawing pagtugon bago magdesisyon. Magiging
maganda ba ang resulta ng iyong gagawing aksyon? Makabubuti ba
sayo at sa kapwa mo ang iyong magiging tugon? Kung oo ang sagot,
ito ay naaangkop na tugon sa kilos at desiyon ng kapwa.
__________3. May kakayahan ang taong piliin kung ano ang nararanasan niya
sapagkat mayroon siyang sariling kamalayan.
__________4. Panandaliang huminto muna sa pagdedesisyon at pag-isipan
ang marapat na gawin bago tumugon sa sitwasyon.
__________5. May kalayaan ang taong magpasya at gawin ang isang kilos,
ngunit, hindi sakop ng kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na
pinili niyang gawin.
4
A. 2. Panuto: Tukuyin kung nagpapakita ng angkop na pagtugon sa kilos at
desisyon ng kapwa ang mga sumusunod na pangungusap ayon sa aralin.
Isulat ang Dapat kung ito ay tama at Hindi kung ito ay mali. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.
__________1. Pag-isipan ang gagawin bago kumilos.
__________2. Sisihin ang guro kung bakit ka bumagsak.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5
Nakapagbigay ng kompletong sagot ngunit kulang ang ideya. 7
VI. Pagsusulit
A. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik sa patlang
bago ang bilang.
A. Robert O. Johann
B. Kalayaan mula sa
C. Tumingin (look)
D. Kalayaan para sa
E. Makinig (listen)
F. Alamin ang posibleng kahihinatnanO. Johann
6
__________ 1. Ito ay ang pagpapakita na marapat pakinggan ang kausap
bago magsalita.
7
Inc., 1986), pp. 184-185. Reprinted from America, vol. 109 (Nov. 9, 1963), p.
568
https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=75AzuqUm&id=8
X. Susi sa Pagwawasto
Gawain A Gawain B Pagsusulit
5. Dapat
4. Dapat
3. Hindi
2. Hindi
ibaba ng gawain.
1. Dapat
A. 2 sagot. Tsek ang rubrik na nasa
Maaaring magkakaiba ang
5. √ B. 2
4. √
3. √ ibaba ng gawain.
D 5.
2. X sagot. Tsek ang rubrik na nasa C 4.
1. X Maaaring magkakaiba ang B 3.
F 2.
A.1 B.1 E 1.
X. Grupo ng Tagapaglinang
Aurora S. Francia
Hazel Vi D. Corpuz
8
9