PLP Modyul4 Sining NG Pakikipagtalastasan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

SINING NG

PAKIKIPAG-
TALASTASAN
Modyul 4

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Napalalawak ang kaalaman at kasanayan sa larangan ng


pagbasa at pagsulat.

2. Naikikintal sa isipan ang halaga, katuturan at mga katangian ng


pagbasa at pagsulat sa mga gawain ng tao sa lipunan.

3. Nagagamit ng mahusay, masining at malikhain sa larangan ng


pagsulat, pag-uugnay at pagbabahagi ng sariling karanasan ang
kaalaman at kasanayan natutuhan.

PANUTO: Gamit ang mga susing salita sa ibaba, bumuo ng makabuluhang


kahugan ng mga kosnsepto sa ibaba.

LAYUNIN KWENTO MAGBAHAGI PAGDURUGTONG


MAGBIGAY-ALIW KARANASAN NASAKSIHAN

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


PAGPAPAHAYAG KAANYUAN KATANGIAN NATUTUKLASAN
KAIBIHAN TAO BAGAY PANDINIG PANINGIN
PANG-AMOY PANALAT PANLASA BATAYAN DESKRIPSYON

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

MAGPALIWANAG NAGLALAYON BIGYANG KAHULUGAN

PAGBABAHAGI KAALAMAN MAGPABATID

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


KATOTOHANAN MAPATUNAYAN MANIWALA PAGMAMATWID
MANGHIKAYAT MANGUMBINSE MAGPANIWALA

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

A. Pagbasa

1. Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay naka-ukit at kakambal na ng pamumuhay ng bawat


tao. Ito ay ang tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga
salita upang makabuo ng kahulugan at kaisipan.

Masasabi rin na ang pagbasa ay paraan ng pagtukoy sa ideya at


kahulugan ng isang nalilimbag na mga salita, babasahin o sulatin.

Ang pagbasa ay isang gawaing di mahihiwalay sa buhay ng tao.


Paggising pa lang sa umaga, pagkatapos magpasalamat sa Dakilang
Lumikha pagkat matiwasay na nakaraan ang magdamag, ang tao ay
magsisimula na ng gawaing pagbabasa. Babasahin niya ang oras, ang mga
kailangan niya sa paghahanda ng kanyang ikabubuhay, anupat sa
maraming sandal at oras ay kailangan niyang magbasa.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Sa pagbabasa nalalaman ang nangyayari sa iba’t ibang lugar. Kung
nagbabasa ay para bang nalilibot ng tao ang maraming lugar sa mundo.
Nakahahanap ng kalutasan sa mga suliranin kasama pa ang puntong sa
pagbabasa ay maaaaring maaliw ang isang tao.

Mga Uri Ng Pagbasa

Sa pangkalahatan, ang pagbasa ay nauuri sa dalawa:

a. Tahimik na pagbasa
b. Malakas na pagbasa

Tahimik na Pagbasa

Ang ganitong uri ng pagbasa ay nangangahulugan ng masugid na


pang-unawa sa binabasa. Kaya nga, mahalagang tiyakin na ang kapaligiran
ng kung saan gagawin ang pagbabasa ay tahimik o malayo sa ingay na
maaaring makasira sa konsentrasyon ng babasa.

Mga Patnubay / Gabay sa Pagbasa nang Tahimik

Sa alinmang gawain ay may pamantayan o alintuning sinusunod. Sa


pagbasa nang tahimik ang mga patnubay ay:

a. Tamang Lugar. Pumili ng lugar kung saan magbabasa nang tahimik.


Ang magbabasa ay nararapat na maging maingat sa pagpili ng pook
sa kung saan niya gagawin ang tahimik na pagbabasa. Dapat ay
matiyak na libre sa ingay at hindi magulo ang lugar.
b. Tamang Ayos o Posisyon. Ang ayos ng pag-upo kung magbabasa ay
mahalagang isaalang-alang pagkat makatutulong ito sa maginhawang
pagbabasa.
c. Mata lamang ang gamitin sa pagbabasa nang tahimik.
Makatutulong ito sap ag-iisip at pag-unawa sa binabasa.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


d. Huwag gagamitin ang daliri na pantulong sa pagbabasa at maging
ang pagsunod ng ulo kung nagbabasa ay iwasan upang madaling
maunawaan ang binabasa at di lubhang mapagod sa ginagawang
pagbabasa.
e. Bumasa nang mabilis subalit may pag-unawa sa nilalaman ng
binabasa.

Mga Anyo ng Pagpapahayag

Pagsasalaysay

Isa sa mga paraan ng pagpapahayag na napakalimit gamitin ay ang


pagsasalaysay/pasalaysay. Sa loob ng maghapon di miminsan kundi
madalas ay nagsasalaysay ang isang tao ng kanyang nakita, narinig,
nabasa, napanood at higit sa lahat ay kanyang nararanasan. Maaari rin
namang pagkunan ng salaysay ng isang tao ang kanyang mga likhang isip
lalo na’t siya ay may diwang manunulat.

Layunin ng pagsasalaysay ang magkwento o magdugtung dugtong ng


mga pangyayari. May layunin din itong magbigay ng aliw o kasiyahan sa
mga tagapakinig o sa mga mambabasa.

Magagawa ang paraang ito ng pagpapahayag sa pamamagitan ng


pasalita o pasulat.

Mga Katangian ng Pagsasalaysay

1. May kaakit-akit at makatawag-pansing pamagat, dapat ay mailkli (di


lalampas sa limang salita), di ginaya o may orihinalidad at lumilikha
ng pananabik.
2. May mahalagang paksa, dapat may mapapakinabangan ang mga
mambabasa. Magiging mahalaga ito kung may madaragdag na
kaalaman o impormasyon
3. May wasto at maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
4. May isang panimulang pupukaw agad sa kawilihan ng mambabasa.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


5. May kasiya-kasiyang wakas, iyon bang di malilimot ng mga
mambabasa ang nagging wakas ng kwento.

Halimbawa ng Pagsasalaysay:

Maraming hirap ang tiniis ni Fr. Arnold bago siya nagging pari.
Hindi siya naiiba sa mga kapwa pari niya na dumaan sa mga pagsubok
bago nagging pari. Wika nga, ang ginto ay kailangang idarang sa apoy para
dalisayin, gayon din naman kailangang maranasan ng mga nagnanais
maging alagad ng Diyos ang lahat ng mga hirap at pagsubok para lalong
maging karapat-dapat na tagapaglingkod ng Panginoon.

Labis-labis ang pasasalamat ng butihing pari na napagtiisan niya at


nalampasan ang mga pagsubok na wika niya’y isa na namang paglalakbay
ang buhay-pari. Kasinungalingan, aniya kung sasabihin niyang di siya
nakaranas ng mga pagsubok sa kanyang paglalakbay sa buhay bilang isang
pari at lalo pang kasinungalingan kundi niya ikukumpisal na sa pagiging
pari ay di siya nakaranas ng mga pag-uusig, ng pag-aalinlangan sa kanyang
katapatan ng mga kalungkutan, ng mga sandali ng kawalan ng paniniwala
na harapin ang mga nakahihindik na mga paratang o akusasyon sa kanya
ng tao at ang lalong matindi ay ang pagbalewala o di pagbibigay ng
paggalang sa kanyang pagkapari. Subalit ang lahat ng iyon ay
napagtagumpayan ni Fr. Arnold taglay ang malaking pananalig sa
pagsuporta ng Diyos na lagging kasama niya at kaibigan sa panahon na
kilala niya ang kanyang sarili nang higit sa iba. Salamat daw sa Diyos na sa
pagkakilala niya sa kanyang sarili ay natatawag niya ang Diyos na kaniyang
Manlilikha. Ang Diyos na tuwag sa kaniya upang mapabilang sa Banal na
Orden ng Pagkapari. Ang Diyos lamang, wika niya ang tangi niyang
tinatawag at inaasahang aalalay sa kanya para magampanan ang mga
tungkuling iniaatang sa kanya bilang isa sa kaniyang mga alagad.

Naalala pa ng kanyang ina ang araw nang lapitan siya nito st sinabing
gusto niyang magpari. Tinutulan daw niya ito dahil di nila kaya. Mahirap
daw lamang sila at alam niyang di biru-biro ang pagpapari. Akala niya ay
nakinig ang anak hanggang isang araw ay dumating ang kanyang ate Bining

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


at sinabi sa kanya na kung hindi niya sasamahan ang kanyang anak sa
Tandang Sora, sa St. Vincent de Paul Seminary. Hindi niya alam na
kumuha ito ng exam at nakapasa. Napaiyak daw siya. Iyak daw siya nang
iyak. Habang nagbibihis dahil iinisip niya kung saan manggagaling o saan
sila kukuha ng ipagpapa-aral sa kanyang anak. Natigil daw lang siya nang
kaiiyak nang sumapit na sila sa St. Vincent de Paul at makaharap ang
Father Rector ng Seminaryo. Itinanong daw ng Father Rector kung gusto
niyang maging pari ang kanyang anak. Naisagot daw niya na kung gusto ng
kanyang anak ay gusto na rin niya.

Tumugon si Fr. Reggie Malicdem sa tawag ng Panginoon nang


magpasya siyang pumasok sa San Carlos Seminary, sa Guadalupe, Makati
City pagkatapos niya ng sekondaryang edukasyon. Nagtapos siya ng
Bachelor of Arts Major in Philosophy nang may karangalan: Dean’s Award at
Cum Laude. Tinapos din niya ang M.A. in Theology sa nasabing seminary at
nakamit niya ang pinakamataas na karangalan, ang Suma Cum Laude at
Rector’s Award.

Naordinahan siyang deakono noong Marso 20, 2004 ng Arsobispo ng


Maynila, Gaudencio Rosales sa Cathedral Basilica ng Immaculate
Concepcion sa Maynila.

Hindi lamang ang pamilya ng mga Malicdem at mga Rivera ang


nanalangin sa Diyos na sana’y mapadali ang ordinasyon niya sa pagkapari
kundi gayon din ang sambayanang mananampalataya ng bayan niyang
sinilangan. Lahat ay naghintay. Ang lahat ay nagbilang ng mga araw, ng
mga linggo, ng mga buwan at sa wakas dumating din ang araw na
pinakahihintay ng lahat. Ang dakilang araw ng ordinasyon ng pagkapari ni
Rev. Fr. Reginald Rivera Malicdem.

Hindi malilimutan ng lahat ang masayang araw ng ordinasyon ni Rev.


Fr. Malicdem. Ginanap ito sa Cathedral Baslica ng Immaculate Concepcion
sa Maynila noong kaarawan ng Mama Mary, Set 8, 2004. Ang nag-ordina ay
ang Arsobispo ng Maynila na si Arsobispo Gaudencio Rosales.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Nangingiti ang aking pinsang si Amy, Ina ni Fr. Nante kapag
napagkukwentuhan naming ito. Sa lahat daw ng kanyang anak, ito ang
pinakamabait, pinakamasimbahin at pinakamababang-loob. Hindi raw ito
kailanman nagreklamo sa mga iniuutos o ipinagagawa sa kanya, maging
noong ito’y bata pa. Nakatutuwa raw noong si Fr. Nante ay bata pa na
nakatira sa kanyang Atang at Inang siyang Lolo Totoy at Lola Sayong ni Fr.
Nante na kapag nanganganak ang mga alagang baboy ng dalawang
matanda ang batang Nante ang nakabantay. Pag ayaw raw lumabas ang
mga biik dinudukot ni Nante ang mga ito sa tiyan ng baboy. Kailanman ay
di mo nakitaan ng pandidiri o pagkasuklam sin ante sa kabahuan ng mga
baboy, katu-katulong pa ito sa pag-aalaga sa mga baboy pati na sa
paglilinis ng mga kulungan ng mga ito.

Mahilig din si Fr. Nantes a pag-aalaga ng mga kalapati. Tuwang tuwa


siya sa mga kalapati lalo na’t nakikita niya ang mga itong sabay sabay na
lumilipad at sabay-sabay ring bumabalik sa ginawa niyang bahay ng mga
ito.

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang paraan ng pagpapahayag na kung saan ay


ipinakikita sa mambabasa at nakikinig ang kaanyuan at maging hugis ng
tao, bagay at pangyayari.

Ang pakikipag-usap ay nabibigyang kulay dahil sa paglalarawan. Sa


pamamagitan ng paglalarawan ay natutuklasan ang kaibahan ng tao at
bagay sa mga kauri nila.

Ang pandinig, paningin, pang-amoy, panalat at panlasa ay


mahalagang batayan ng paglalarawan. Ang guniguni o imahinasyon ng mga
mambabasa o nakikinig ay mabilis na naglalaro at nabubuo ang imahe sa
pamamagitan ng mga salitang ginagamit sa paglalarawan.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwang Paglalarawan

Ang paglalarawang ito ay ibinabatay sa nakikita lamang. Tiyak


ang mga ideya o impormasyong ginagamit at kailanman ay di
ginagamitan ng sariling opinyon. Pala-palagay o kuru-kuro ng
naglalarawan.

2. Masining na Paglalarawan

Ang paglalarawang ito ay ginagamitan ng mga talinghaga, tayutay


sawikain. Ipinahahayag ang sariling kuru-kuro o pala-palagay ng
naglalarawan.

Halimbawa

ANG TUTONG
ni Arnel S. Vitor

Ang kalderong pinagsalangan


Ay binukasan
At presto!
Mabango… malinamnam…
Ang Sinaing sa kalan,
Ngunit…
Sa ilalim
Ay may tutong…
Mamula-mula at maitim
Ito’y isang malaking tanong:
Hindi na ba mawawalan ng tutong
Ang kaldero ng kanin sa pugon?
Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at ang itim?
May sustansiya rin, marahil…

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Kahit tutong… kahit tutong
Umaawit ng panaghoy
Ang mga tutong…
Umaamot ng tulong
Sa mga taingang makatutugon
Ikinakaway sa hangin
Ang pinggang walang laman
Pinakakalansing
Ang sikmurang kumakalam
Ibinabandila ang saradong kamao
At sa kalangitang nakatunghay ditto
Mandi’y ipinapaalala
Sila man, kahit tutong ay mga anak din
Ng panahon!
Sila… silang mga tutong
Ang higit namalapit sa nakapapasong
Halik sa apoy!
Kaunting habag…
Kaunting habag mula sa mga nasa itaas…
MUla sa mga kaning maputi at masrap…
Ito’y
Isang panawagan,
Bakit ang tutong
Laging nasa dilim…?
At bakit ihihiwalay sa paghahati?
Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at ang itim
May sustansiya rin, marahil…
Kahit tutong… kahit tutong…

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Mga Kailangan sa Isang mabisang Mabisang Paglalarawan

1. Pagpili ng Paksa

Sa paglalarawan ay mahalagang matukoy ng maglalarawan ang


nais na ilarawan. Ang maglalarawan ay kailangang may sapat na
kaalaman tungkol sa tao, bagay at pangyayari na ibig bigyan ng
paglalarawan.

2. Pagbuo ng batayang larawan

Bago ilahad ang kaliit-liitang detalye, ang maglalarawan ay


dapat na maikintal o maiukit ang kabuuang larawan ng tao, bagay at
pangyayari na nais ilarawan.

3. Pagpili ng sariling pananaw

Ang larawan ng tao, bagay at pangyayari ay kailangang mabuo


ayon sa sariling pananaw ng maglalarawan.

4. Kaisahan

Ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagpili ng maliliit na


bahaging makikita lamang mula sa pananaw na pinili ng
maglalarawan.

5. Pagpili/pagpapasya sa mga bahaging isasama

Maliban sa bahaging bumubuo sa pangunahing larawan, dapat


ding isama ang mga bahaging ikinaiiba ng tao, bagay at pangyayari sa
iba pang uri nito.

Mga Kasangkapan sa Malinaw na Paglalarawan

Ang mahahalagang kasangkapan sa isang malinaw na paglalarawan


ay ang mga sumusunod:

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


1. Wika – Isaalang-alang ang tamang pagpili ng mga salita pagkat wika
ang mahalagang kasangkapan ng manunulat para makabuo ng
mganda at maayos na larawan sa isipan ng mambabasa.
2. Maayos na mga detalye- Tumutukoy ito sa makatuwiran,
mapamaraang pananaw ng pagpapahayag o paglalahad ng mga
kagandahan at katangian ng tao, bagay at pangyayaring inilalarawan.
3. Pananaw ng Naglalarawan- Bawat isang tao ay may kanya-
kanyang pananaw kaya’t ang paraan ng isang manunulat ay iba sa
mga kapwa niya manunulat. Ang mganda, maayos at kaakit-akit sa
isa ay maaaring hindi naman sa paningin ng iba.
4. Impresyon- Isaalang-alang ang impresyong mabubuo at ito’y
mangyayari kung maayos ang kaliit liitang detalye sa paglalarawan.

Paglalahad

Kung layunin ng pasalaysay ang magkwento at magbigay ng aliw, ang


paglalahad naman ay naglalayong magpaliwanag. Kung nais nating
ipaliwanag o bigyang kahulugan ang isang salita o bagay, kung nais nating
ipaliwanag ang paraan o hakbang sa paggawa ng isang bagay, tayo ay nasa
landas ng paglalahad.

Mga Uri ng Paglalahad

1. Pagbibigay ng katuturan / depenisyon


May tatlong bahagi ang uring ito ng paglalahad:
a. Talakay o salitang bibigyan ng katuturan
b. Ang uring kinabibilangan nito
c. Ang katangiang ikinaiiba nito sa mga kauri.

Halimbawa

Ang pandiwa ay isang bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos


o galaw.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Talakay – pandiwa

Kaurian – bahagi ng panalita

Katangiang ikinaiirita sa kauri- nagsasaad ng kilos o galaw

2. Sanaysay

Nagsasaad ito ng opinyon o kuru-kuro ng sumulat. Halimbawa nito ay


ang pangulong tudling (editorial) o anumang artikulong
kinapapalooban ng opinyon o pananaw ng may-akda.

3. Pagbibigay ng panuto
Pagpapaliwanag ng paraan / hakbang ng paggawa ng isang bagay.
Malimit na ginagamit ang paraang ito sa mga pagsusulit, sa paraan
ng pagluluto o kung paano gagawin ang isang bagay.

4. Ulat (Report)
Ito’y isang uri ng paglalahad na nagpapaliwanag o nagbibigay ng
impormasyon batay sa isinagawang pagbabasa, pakikinig,
pagmamasid, pananaliksik o naisagawang pag-aaral.

Ang halimbawa ng uring ito ay ang mga


a. Tesis
b. Disertasyon
c. Pamanahong papel

5. Paglalagom / Pagbubuod
Layunin nito na matulungan ang mga tagapakinig o
mambabasa na mabigyang linaw ang isang mahabang pahayag
kaya’t ang ginagamit ay payak na pananalita.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


6. Pagsusuri
Ang pagsusuri sa anumang akdang nasulat ay isa pa ring uri ng
paglalahad.

Mga Uri ng Pagsusuri:

I. Pamagat

May akda

Mga Tauhan – lagyan ng maikling paglalarawan

Tagpuan

Panahon

II. Uri ng Panitikan

III. Buod

IV. Pagsusuri

A. Teoryang Pampanitikan
B. Dimensyong ginamit ng may akda
a. Panlipunan
b. Arketipo
c. Historikal
d. Kultural
C. Bisang Pampanitikan
a. Ispiritwal
b. Kaugalian
c. Damdamin
d. Pangkaisipan
e. Panlipunan

V. Reaksiyon

Banggitin ang mga kalakasan at mga kahinaan ng akda


ayon sa sariling pananaw.

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Ang Pangangatwiran

Ang isang katotohanan ay napatutunayan sa pamamagitan ng isang


pangangatwiran. Ang isang tao ay madaling napahihinuhod na maniwala sa
pamamagitan ng isang pagmamatwid. Ang pagsang-ayon at di pag sang
ayon sa bagay ay karapatan ng isang indibidwal at kung paano niya ito
patutunayan ay kanya pa ring karapatan. Laging isaisip na ang layunin sa
pangangatwiran ay magpapaniwala, mangumbinse o manghikayat.

Ang talatang nangangatwiran ay karaniwan nang kinakikitaan ng


paglalahad, pagsasalaysay at paglalarawan sapagkat ang mga ito ay labis na
nakatutulong sa lalong makabuluhang pangungumbinse at panghihikayat.

Mga Layunin ng Pangangatwiran

1. Patunayan na ang isang bagay ay dapat o di-dapat gawain o ang isang


kuru-kuro ay dapat paniwalaan o hindi.
2. Makapagpabatid ng isang katotohanan sa pamamagitan ng isang
makabuluhang pagmamatwid.
3. Hikayatin ang mga tagapakinig o mga mambabasa na maniwala sa
ipinaliliwanag.

Mga Katangian ng isang Nangangatwiran

1. May sapat na kaalaman sa mga paksang nangangailangan ng


pagmamatwid.
2. Nakapagpapahayag nang may kahinahunan
3. Nakapaglalahad ng makabuluhang mga katwiran
4. Wasto at matibay ang mga matwid
5. Nakapagbibigay ng magkaka-ugnay na katwiran
6. Nagtataglay ng ugaling mahinahon
7. Mapagsaliksik
8. May bukas na isipan

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


1. Ipaliwanag ang magagawa o kaugnayan ng panonood sa telebisyon,
sine, pagbabasa ng iba’t ibang babasahin sa PAGSULAT.
Bumuo ng konseptong mapa sa pagpapaliwanag.

2. Magsalaysay ng isa sa inyong magagandang karanasn sa buhay.


Sikaping mabigyan ito ng magandang panimula at magandang
pagkakaayos ng mga pangyayari. (PAGSASALAYSAY)

3. Gamit ang mga maririkit, matatalinghagang mga salita, ilarawan ang


kasalukuyang kalagayan ng ating bansa sa ilalim ng pandemya ng
Corona Virus. (PAGLALARAWAN)

4. Pangatwiranan ang panig na napili


a. Nararapat na hindi na pagkalooban ng prangkisa ang kompanyang
ABS-CBN dahil sa mga paglabag nito sa batas.
b. Muling pagkakaloob ng prangkisa sa kompanyang ABS-CBN para
sa kapakanan ng libo-libong mga empleyado nito at sa ngalan ng
pagpapatuloy ng serbisyo sa bawat Pilipino.

5. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang gawaing pagbasa? Pagsulat?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021


Sanggunian
Aklat:
Angeles, Feliciana S, Milagros C. Pablo, Marilou M. Maranan “Sining
ng Pakikipagtalastasan” Pantersarya, Booklore Publishing
Corporation, 2005

Sauco, Consolacion P, Nenita P. Papa at Eunice F. Duenas. “Pagbasa


at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina”, Quezon City: Goodwill
Trading Co., Inc., 2017

Website:

https://www.google.com/search?q=book+clipart&sxsrf=ALeKk0
https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-
kasanayan-65959478
https://www.slideshare.net/Joeffreysacristan/makrong-
kasanayan-pagbabasa
https://www.slideshare.net/dawnnah/makrong-kasanayan-sa-
wika-pagsulat-at-pagbasa
https://www.slideshare.net/EmmanuelAlimpolos/pagbasa-
1?from_action=save
https://www.slideshare.net/shekainalea/pagbasa-78825454

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN R.PEREYRA 2021

You might also like