Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

RYAN JAY M.

DECENA

XI – STEM A2

GAWAIN: Pumili ng alinmang mahahalagang yugto sa kasaysayan ng Wikang Pambansa at


magsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol dito, gawin ito sa paraang pa-sanaysay.

Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay may dalawang wika ang ginagamit
ng bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, ito ay ang Ingles at Espanyol. Sa
kalauan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. At nung dumami na ang
natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo
batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman, noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos
lahat ng kautusan, proklamasyon at ang mga batas ay nasa wikang Ingles na.

Sa simula pa lang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang
Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Kontitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong
1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulo
Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings McDuffie nagtatadhanang
pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt. At nagtatag sila ng Artikulo XVI Seksyon 3 ng Konstitusyon ng Pilipinas sa
Saligang-Batas ng Pilipinas. Na nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa:”ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at nagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika tulad ng Cebuano, Bikol, Tagalog at marami
pang iba”.

Tinagubilin ng Pangulo Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal


ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad ng isnag wikang panlahat na batay
sa isang wikang umiiral. At noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Batasan-Pambansa ang
Batas Komonwelt Blg. 184 nalumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itnakda ang
mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

You might also like