Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

“ANG AKING IDOLO”

Lahat ng tao sa mundo ay may kinahihiligang kanta o awit at may kanya-kanyang iniidolong
mang-aawit. Lalong-lalo na ang mga Pinoy na mahilig sa mga awit. Kumakanta kahit saan, kahit
kailan o ano man ang okasyon. Isa ako sa mga Pinoy na ito, mahilig akong umawit at mayroon
akong iniidolo. Hayaan mong ipakilala ko siya.
Magsimula tayo sa kanyang pisikal na kaanyuan. Maganda at napakaamo ng kanyang
mala-anghel na mukha. Hugis pana ni kupido ang kanyang mga labi na kapag nasilayan mong
ngumiti o tumawa ay tiyak na mahuhulog ka. Mapang-akit at mapupungay ang mga mata niyang
kulay asul. Kulay rosas naman ang pisngi niyang maumbok. Matangos ang kanyang ilong na
minana niya pa sa kanyang mga magulang. Sa kanyang pagtawa, kapansin-pansin ang
pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Ang kanyang kulot na buhok ay nagpapatingkad
lalo ng kanyang kagandahan.
Ang kagandahan ng kanyang mukha ay walang pinagkaiba sa kagandahan ng kanyang
kalooban. Napakabuti ng kanyang puso. Matulungin at mapagbigay sa mga nangangailangan.
Malapit ang loob niya sa mga bata kaya naman nagkakawanggawa at nagbibigay donasyon siya
para sa mga batang may sakit na kanser. Nakakabilib ang katangian niyang ito.
Kung talento naman ang pag-uusapan ay mayroon siyang maipagmamayabang.
Napakagaling niyang tumugtog ng gitara ‘yung tipong mapapa “wow” ka sa kaastigan niya .
Maganda din ang kanyang boses napakasarap pakinggan, at ang talento niyang hinahangaan ko
higit sa lahat ay ang paglikha niya ng kanyang sariling musika. Hindi matatawaran ang galing niya
sa larangan na iyon.
Buhay pag-ibig? Hindi marunong makuntento sa relasyon, iyan ang lagi kong naririnig sa
tuwing pinag-uusapan siya. Dala marahil iyon ng mga balitang mabilis siyang magpalit ng
kasintahan. Sa katunayan nga ay “Patron Saint of Moving On” ang bansag ng mga nambabatikos
sakanya. Dahil daw sa bilis niyang magmove-on. Nakakatawa dahil puro negatibo ang nakikita
nila sa kanya. Mga tao nga naman walang ibang magawa kundi mamuna ng buhay ng ibang tao.
Hindi ba nila naisip na sadyang hindi niya lang talaga matagpuan ang tamang lalaki para sa
kanya? Hindi nila kaya ang isang kagaya niya dahil siya ay siya. Napakatinidi, sobrang maganda,
may labis na talento, masyadong malambing at napakatalino.
Bagaman madaming tao ang may ayaw sa kanya narito pa rin ako, nanatiling tapat na
manghahanga niya. Iisang tao lang ang tinutukoy ko, walang iba kundi ang international artist na
hinahangaan ng karamihan, si Taylor Swift.

You might also like