Math5 Q1 Week2 Enhanced-Version

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

5

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 2:
Pangangalaga ng Tanim na mga
Gulay
Edukasyong Panatahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Division of Taguig City and Pateros

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Shirley T. Ranot
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: SDS:
Name of CID Chief
Name of Division EPS in Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – NCR

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5
EPP
Unang Markahan – Modyul 2:
Pangangalaga ng Tanim na
mga Gulay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Asignatura at Baitang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamagat ng Aralin !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Asignatura at Baitang) ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa (Pamagat ng Aralin) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Subuki Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


n ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin ang

iii
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat para sa’yo mag-aaral sa EPP 5.


Ito ay upang matulungan kang makabisado ang tamang pangangalaga sa mga
tanim na gulay. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit sa
iba't ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kumikilala sa
magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos
upang sundin ang karaniwang pagkakasunud-sunod ng aralin.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

1. Ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay sa pamamagitan ng


pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng abonong organiko

2. Ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman

Matapos mong pagdaan ang modyul na ito, inaasahan na:

 naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim sa pamamagitan


nang tamang pagdidilig sa mga halaman depende sa uri nito;
 nakapagbubungkal ng lupa sa halaman sa tamang pamamaraan;
 nakapaglalagay ng abonong organiko sa mga tanim na gulay sa mabisang
pamamaraan;
 nakikilala ang mga pesteng naninira sa mga halaman;
 naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga
halaman.
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.

1. Mahalaga sa paghahanda ng lupang taniman ang

a. paglilinis sa lugar
b. pagsukat sa kamang taniman ayon sa lugar
c. paghalo ng pataba sa lupa
d. lahat ng nabanggit

2. Ang pagdidilig sa mga halaman ay mainam sa

a. umaga at hapon
b. tanghaling tapat
c. hatinggabi
d. oras-oras

3. Mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman upang

a. mabawasan ang labis na ugat


b. makahinga ang mga ugat ng halamang tanim
c. makasagap ng sariwang hangin ang ugat
d. B at C

4. Ang pinakamagandang panahon nang paglalagay ng abono sa mga


halamang gulay ay

a. habang maliit pa ang tanim at bago ito mamunga


b. bago magsimulang magtanim ay ihalo na sa lupa
c. kapag nakapamunga ng nang isang beses upang mamunga ulit ito
d. habang nagtatanim ay isabay sa pagpupunla pa lamang ng binhi

5. Ang mga kulisap at insekto na nakapipinsala sa halaman ay maaring

a. tanggalin sa pamamagitan ng kamay


b. budburan ng pulbos ng tabako ang mga dahoon
c. bombahin ng organikong pamatay peste
d. lahat ng nabanggit
Balikan

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.

1. Ang paggugulayan ay sining ng pag-aalaga at pagtatanim ng iba’t


ibang uri ng
a. halamang ornamental
b. punongkahoy
c. gulay
d. lahat ng nabanggit

2. Mahalaga ang paggugulayan dahil


a. maninam na libangan
b. nagbibigay ng karagdagang kita sa mag anak
c. natutugunan nito ang sustansiyang pangangailangan ng katawan.
d. lahat ng nabanggit

3. Ang mag-anak na nag-uukol ng sapat na panahon sa paggugulayan


ay nagpapamalas ng
a. pagkakaisa
b. kasipagan
c. pagtutulungan
d. lahat ng nabanggit

4. Ang mga dumi ng hayop ay


a. maaring gawing abono sa pananim
b. nakapipinsala sa pananim
c. kailangang itapon kaagad
d. ilayo sa mga taninam

5. Ang manure tea ay isang likido na


a. gamot sa sakit ng ulo
b. iniinom sa umaga
c. galing sa dumi ng hayop
d. galing sa mga halamang gamot
Tuklasin

Basahin ang comic strip.


Pagkatapos mailipat nila Aron at Leah ang mga punla
ng halamang gulay sa kanilang taniman, meron pa Marami-rami pa tayong
silang gustong malaman sa kanilang paghahalaman.
kailangang gawin, Leah.
Ang sabi ng nanay ko
Aron, ano-ano pa sa kailangan nating
palagay mo ang mga alagaang mabuti ang
kailangan ng ating bawat punla.
mga punlang gulay?

(to illustrator: please draw a boy and girl in (to illustrator: please draw a boy and girl in
the garden of vegetables) the garden of vegetables in a different
angle)

Sa ngayon pagdidilig pa
Sa palagay ko nga, kailangan lang ang alam kung
nating magsaliksik pa ng mga pwedeng gawin.
tamang pamamaraan sa
pagpapalaki ng halamang gulay,
Aron.

(to illustrator: please draw a boy and girl in (to illustrator: please draw a boy and girl in
the garden of vegetables in a different the garden of vegetables in a different
angle) angle)

Basahin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang pinagkakaabalahan nila Aron at Leah?
2. Ano ang suliranin nila Aron at Leah?
3. Bakit nila kailangang alagaang mabuti ang mga halamang gulay na
tanim nila?
4. Ano-ano kaya ang mabisang pamamaraan sa pag-aalaga ng halamang
gulay?

Halika at basahin mo ang susunod na bahagi ng modyul na ito upang


maliwanagan ka sa tamang pangangalaga ng halamang gulay.
Suriin

Aralin Ang Masistemang Pangangalaga ng


1 Tanim na mga Gulay

Maraming kailangang gawin bago makapagtanim ng mga halamang


gulay. Isa na rito ang paghahanda ng lupang pagtataniman. Mahalaga ito
upang makatiyak ng mabilis at maunlad na paghahalaman. Ang mga
halaman ay nangangailangan ng regular na pagsubaybay habang ang mga
ito ay lumalaki. Kailangan ng mga halamang gulay ang pagkalinga at sapat
na panahon ng pag-aalaga. Narito ang ilang paraan upang mapangalagaan
ang mga pananim upang matiyak ang maunlad at masaganang ani.

Pagdidilig ng halaman

Ang tubig ay kailangan ng mga halaman upang masipsip ng mga ugat


ang sustansiyang taglay ng lupa. Mga dapat isaalang-alang sa pagdidilig ng
halaman.

Diligin araw-araw ang mga


dahong-gulay na halaman.
Diligin lamang nang tatlong ulit
sa isang lingo ang mga halamang
mamumulaklak tulad ng mga
bungang-gulay.
Diligin sa hapon o sa umagang-
umaga
Ingatan ang pagdidilig upang
hindi mapinsala ang halamang
didiligan.
Iwasang malunod ang halaman,
lalo na yaong mga bagong lipat na
punla.
Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig.
Iwasan ang pagdidilig sa tanghali lalong-lalo na kung matindi ang
sikat ng araw upang hindi malanta ang halaman.
Kung ang gamit mo ay rigadera kailangan iyong maliliit lamang ang
butas.
Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligin din ang lupang
nakapaligid sa mga tanim.

Pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman

Kailangang bungkalin ang mga ugat ng halamang tanim upang


makahinga ang mga ugat nito at makalanghap din ng sariwang hangin. Ito
ay maaring isagawa ng isa o dalawang beses sa isang linggo. Nakatutulong
ito sa mabilis na paglaki ng halaman. Ito ang mga dapat isaalang-alang:

Gawin ang pagbubungkal sa paligid


ng halaman pagkatapos magdilig
dahil mamasa-masa na lupa nito. Ito
ay maaring gawin sa umaga o hapon.
Ingatan na hindi maputol o
mapinsala ang mga ugat.
Gumamit ng angkop na
kasangkapan tulad ng dulos at maliit
na palang tinidor.
Kung mababaw lamang ang tubo ng
halamang gulay tulad ng halamang
pino ang ugat at malambot ang
tangkay, hindi na kailangan ang
malalim na pagbubungkal. Gawin lamang ang mas malalim na
pagbubungkal sa mga halamang may malalim ang tubo at may
mangilan-ngilang ugat tulad ng labanos, kamote, at gabi.

Paglalagay ng abonong organiko


Kailangang subaybayan ang paglaki ng mga halamang gulay. Una na
rito ang pagtatanggal ng mga damong ligaw na umagaw sa sustansya na
para sa halaman. Upang makatiyak sa mabilis na paglaki ng halaman,
lagyan nang sapat na abonong organiko na magdudulot ng kaginhawahan
sa mga pananim. Maaring makatipid sa mga abonong mula sa mga bulok sa
bagay tulad ng mga tuyong dahoon o damo, dumi ng hayop, at pinagbalatan
ng mga gulay at prutas. Ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng
abonong organiko ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga .
Inihahalo at inilalagay ang katamtamang dami ng pataba sa lupa ayon sa
pangangailangan nito.

May mga tamang pamamaraan sa paglalagay ng mga abonong organiko


Basal Application Method – Bago magtanim sa lupang gagamitin,
inihahalo muna ang nakahandang abono. Kung gagamit naman ng
paso, ang abono ay ilalagay sa ilalim nito bago ilagay ang punlang
halamang gulay.
Broadcasting method – Ikinakalat naman ang abono sa ibabaw ng
lupa habang nakatanim na ang punla at pinapalaki ang mga ito.
Kadalasang ginagamit ito sa palayan o maisan.
Foliar application method – Ang abono ay idinidilig o iniispray sa
mga dahon ng halaman.
Side-dressing method – Ang abono ay inilalagay sa lupa na hindi
gaanong malapit sa ugat ng halaman. Ito ay ginagawa sa mga
nakatanim na pahilera.
Ring method – Humuhukay nang pabilog sa mga halaman na may
isang pulgada ang layo mula sa puno o tangkay at dito inilalagay ang
abono at pagkatapos ay tatakpan ng lupa.

Pagyamanin

Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon, at sabihin mo kung anong


tamang pamamaraan ang kulang upang maging malusog ang mga halaman
at magkaroon ng magandang ani.
1. Mahilig sa paghahalaman si Mang Tisoy. Marami siyang tanim na
berdeng gulay sa paligid ng kanyang bahay. Ngunit isang linggo
siyang nadestino sa ibang lugar dahil siya ay isang health worker.
Dahil dito naiwanan niya ang kanyang gulayan sa kanyang mga anak.
Nalanta ang mga ito at nanilaw ang mga dahon. Ano ang dapat gawin
ni Mang Tisoy upang muling magbalik sigla ang kanyang mga
halamang gulay?

2. Alaga naman ni Aiza ang tanim na pechay subalit madalas itong


maraming butas sa mga dahon nito. Ano kayang paraan ang maari
niyang gawin?

3. Hindi lumalaki ang ang tanim na kalabasa ni Pablo dahil sa


maraming damong ligaw sa mga paligid nito. Anong pamamaraan ang
maaari niyang gawin?

4. Oras oras dinidilig ni Issa ang kanyang halamang letsugas dahil sa


sobrang init ng panahon. Kaya hindi nagtagal nabubulok ang mga
tangkay nito. Ano ang mabisang pamamaraan ang dapat niyang
gawin?

5. Gusto ni Shirley na maging mataba ang lupang kanyang


pagtataniman ng mga talong at okrang naipunla niya. Ano ang
mabisang dapat niyang gawain bago niya ilipat sa paso ang kayang
mga punla?

Isaisip

Punan ang patlang ng tamang sagot.


Sa P________________________, kailangang magkaroon din ng kaunting
kaalaman sa pagpapalaki at pagpapalago nito hanggang mapakinabangan o
maibenta na sa pamilihan. Ang P__________________ ay isang mabisang
gawain upang manatiling mamasa-masa ang lupa at makainom ang mga
tanim na gulay. Samantalang nakakatulong din ang P__________________ sa
gilid ng mga halaman habang ito ay patuloy na lumalaki upang makahinga
ang mga ugat nito. Mainam din ang kaalaman sa paglalagay ng
A_______________ o pestisidyo sa mga halamang gulay, upang masigurado
ang masaganang ani.

Isagawa

Mula sa mga halamang gulay na makikita sa ibaba isulat sa loob ng


mga kahon ang mainam na pamamaraan sa paglalagay ng abonong
organiko.

1.

2.
3.

4.

5.

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.


1. Anong oras ang pinakamainam sa pagdidilig ng mga halamang gulay?
a. Ito ay mabisa tuwing umaga at hapon.
b. Ito ay mabisa tuwing tanghaling tapat.
c. Ito ay mabisa tuwing hatinggabi.
d. Pinakamabisa ang oras-oras na pagdidilig.

2. Bakit kailangang ihanda ang lupang taniman?


a. Dahil ito ay nakakatulong sa paglilinis sa lugar
b. Dahil ito ay mainam sa pagsukat sa kamang taniman ayon sa lugar
c. Dahil ito ay nakatutulong sa mabilis na paglaki at paglago ng
halaman
d. Dahil kailangan palging lagyan muna ng abono ang lupang
pagtataniman.

3. Bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halamang


gulay?
a. Upang mabawasan ang labis na ugat
b. Upang makita palagi ang mga ugat ng halamang tanim
c. Upang makasagap ng sariwang hangin ang ugat
d. Upang maging buhaghag ang lupa sa paligid nito

4. Ano ang maaring gawain sa mga kulisap at insekto na sumisira sa


halamang gulay?
a. Ito ay maaring tanggalin sa pamamagitan ng kamay.
b. Budburan ng pulbos ng tabako ang mga dahoon.
c. Bombahin ng organikong pamatay peste.
d. Lahat ng nabanggit

5. Ano ang pinakamagandang panahon nang paglalagay ng abono sa mga


halamang gulay?

a. Kapag maliit pa ang tanim at bago ito mamunga


b. Bago magsimulang magtanim ay ihalo na sa lupa
c. Kapag nakapamunga ng nang isang beses upang mamunga ulit ito
d. Habang nagtatanim ay isabay na ang abono sa pagpupunla pa
lamang ng binhi

Karagdagang Gawain

Kumpletuhin ang talaan sa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga


halamang maaring alagaan sa loob ng inyong bakuran.
Uri ng Gulay Gulay
Hal. Bungang-gulay talong
Dahong-gulay
Bungang-gulay
Bulaklak na gulay
Butong-gulay
Gulay na lamang-ugat
Tuklasin

Basahin ang comic strip. Nalaman na nila Leah at Aron ang wastong
pagdidilig, pagbubungkal ng lupa at tamang pamamaraan sa paggamit ng
abono. Iba’t ibang problema naman ang kanilang makikita sa kanilang
halamanan.

Leah, nakikita mo Oo nga, Aron. Ano kaya


ba itong mga ang mga ito? San kaya
kulisap na nasa ito nanggagaling at
mga dahoon ng binubutas pa nila ang
ating halamanan? mga dahon ng ating mga
gulay.

(to illustrator: please draw a boy and girl in (to illustrator: please draw a boy and girl in
the garden of vegetables) the garden of vegetables in a different
angle)

Alamin na rin natin, Aron


Leah, sa tingin ko kailangan pa ang uri ng pamatay pesteng
nating tuklasin ang iba pang dapat natin gamitin.
pamamaraan sa masistemang
paghahalaman.

(to illustrator: please draw a boy and girl in (to illustrator: please draw a boy and girl in
the garden of vegetables in a different the garden of vegetables in a different
angle) angle)

Basahin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang bagong suliranin nila Aron at Leah?
2. Bakit nagkakaroon ng peste ang kanilang mga halamang gulay?
3. Ano-ano kaya ang mabisang pamatay peste ang maari nilang gamitin?

Muli, basahin mo ang susunod na bahagi ng modyul na ito upang


malaman mo ang masistemang pagsugpo sa mga peste at kulisap na
tumitira o naninira ng mga halamang gulay.
Suriin

Aralin Ang Masistemang Pagsugpo ng mga


2 Peste at Kulisap sa mga Halamang Gulay

Ano ang Peste?

Ang peste ay kahit anong hayop, insekto, mikrobyo o halaman na


sumisira o nagbibigay pinsala sa tao at mga pag-aari nito kagaya ng mga
pananim.

Mga Pinsalang Dulot ng Peste

a. Pakikipag-agawan sa pagkain na kailangan ng tao o ng pananim


b. Pagbaba ng produksyon o ani
c. Tagapagdala ng sakit sa halaman o sa hayop
d. Sumisira sa mga gamit at istruktura

Ang pagsugpo ng peste at kulisap sa mga panananim na halamang


gulay ay maaaring gawin sa natural na paraan. Maiiwasan ang polusyon sa
hangin at maaaring makitipid sa pagbili ng mga komersiyal na pamatay
peste.

Mga Natural na Paraan ng Pagsugpo sa mga Peste

1. Pumili ng uri ng halaman na may likas na kakayahan na labanan


ang mga peste hal . Hybrid na binhi

2. Paggamit ng Biological Control

a. Kaibigang kulisap – mga insektong kumakain sa mga


insektong peste. hal. Ladybug, Gagamba, Earwig

b. Halamang gamot – ito ay karaniwang mga halaman na


nakatutulong itaboy ang mga peste. Kabilang rin dito ang mga
halamang nakapang-aakit ng mga kaibigang kulisap
3. Kultural na Pamamahala sa Peste

Nilalayon ng mga gawaing ito na gawing hindi angkop ang


lagay ng kapaligiran para sa paglaki ng peste.

a. Pag-aararo - Ito ay nakapagtatanggal din ng ilang peste na


namumuhay sa lupa habang wala pang pananim sa lugar na
pang-agrikulura.

b. Paggamit ng plastic mulch - Ang pag-init sa loob ng


plastic mulch ay nakapupuksa ng ilang mapaminsalang
mikrobyo at iba pang maliliit na peste sa lupa.

c. Paggamit ng patibong – ang paglalagay ng pang-akit sa peste


sa paligid ng taniman ay nagsisilibing bitag upang maiwasan
ang tuloy-tuloy na pagpaparami ng mga mapaminsalang insekto

d. Pag-iispray ng detergent soap - Makatutulong ang pagiispray


ng tinunaw na sabon sa ilalim ng dahon sa pagtanggal ng mga
pesteng na naninirahan at nangingitlog sa partikular na bahagi
ng halaman.

4. Pag-gamit ng Pisikal na Kontrol – kinabibilangan ng manwal na


pagtatanggal ng mga uod at insekto, palagiang pagmamatyag at
pagtanggal ng kalat sa taniman.

Narito ang ilang kulisap/peste na naninira sa mga halaman at ang


paraan kung paano sila puksain.
Uri ng Peste o
Masistemang Paraan ng Pagpuksa Pamatay-kulisap
kulisap

Armored Scale Panatilihing malinis ang kapaligiran at Gumamit ng


linisin lagi ang mga dahoon at puno ng Parathion
halaman.

Ring Borer Gumamit ng mga ilaw upang mahuli o Gumamit ng


papuksa ang mga gamugamong ito. Methyl Parathion
Linisin ang halaman at alisin ang
tuyong bahagi nito na maaaring nilang
tirahan.

Melon Aphid Agapan ang mga pagkulot ng mga Wisikan ng


dahon, dahil doon tumitira ang mga Endrin, Malathion
pesteng ito. Para itong kuto na sumisira o Serin
sa halaman.

Plant Hoppers Hanapin ang mga itlog nito sa mga Wisikan ng


tanim at puksain pestisides

Leaf Rollers Kayasin ang lahat ng dahon o foliage Wisikan ng Sevin


hanggang maiwan ang buong panloob
na sanga.

Webworm Puksain sa pamamagitan ng pagputol at Wisikan ng Sevin


pagsunog ang sapot na kasama ang or Malathion
uod.

Ladybug Obserbahan kung nanlalagas ang mga Pagsisiga o


dahon at nagkukulay brown. pagpapa-usok sa
halaman.

Iba’t ibang Uri ng Pestisidyo Base sa Pesteng Susugpuin:

a. Insecticide – para sa insekto

b. Fungicide – para sa amag

c. Bactericide – para sa baktirya

d. Nematicide – para sa nematodes (mga pinong bulate na


umaatake sa ugat ng halaman)

e. Rodenticide – para sa daga

f. Molluscicide – para sa kuhol

g. Miticide – para sa kuto ng halaman

h. Herbicide – para sa damo

Maliban sa paggamit ng natural paraan at paggamit ng pesticides


sa mga halamang tanim, may iba pang masistemang pamamaraan upang
mapigilan ang peste at mga kulisap na sumisira sa mga tanim.

Ito ay ang pagsasagawa ng mga sumusunod:


1. Crop Rotation – Ito ay isang proseso ng pagsasalit-salit ng mga
pananim ayon sa kalagayan ng panahon. Dahil sa pag-iiba ng
tanim ang mga kulisap o peste na bihasa na sa dating halaman ay
maaring hindi na tumira pa sa mga bagong halaman na itatanim.
2. Companion Planting – Ito ay pagtatanim at pagpaparami ng iba’t
ibang uri ng panamin para sa pagpuksa ng mga peste sa
halamanan.

3. Intercropping - ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawang o


higit
pang mga pananim sa isang lupang taniman. Ito ay makakatulong
sa pagpigil ng mga peste at kulisap na pumunta sa inyong mga
tanim. Maaaring magtatanim ng halamang ornamental o
halamang gamot upang lumayo ang mga kulisap sa halamang
gulay.
May mga halamang maaaring iintercrop sa halamang gulay bilang
panlaban sa mga kulisap. Tulad ng mga halamang gamot na karaniwang
nakatutulong upang itaboy ang mga peste. Kabilang dito ang mga halamang
panlaban sa insekto at kulisap tuald ng marigold, neem, bawang at sibuyas.

Samantalang ang basil, tarragon, coriander, cosmos, zinnia, at


sunflower ay nakaaakit naman ng mga kulisap.

Ang pagdapo ng mga peste at nakapipinsalang insekto sa mga


halamang tanim ay hindi maiiwasan. Kailangan lang maging maingat sa
paggamit ng kemikal sa halaman dahil ang madalas na paggamit nito ay
makakaapekto sa kalusugan.

Mahalaga rin na tama ang kasuotan para sa kaligtasan nang


maglalagay ng pestisidyo.
Pagyamanin

Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon, at isulat mo ang titik


kung anong natural na pamamaraan sa ibaba ang dapat gamitin upang
mapuksa ang mga peste at kulisap sa halaman.
a. Pumili ng uri ng halaman na may likas na kakayahan na labanan
ang mga peste
b. Paggamit ng Biological Control (hal. Kaibigang kulisap at
Halamang gamot)
c. Kultural na Pamamahala sa Peste (hal. Pag-aararo, Paggamit ng
plastic mulch, Paggamit ng patibong, Pag-iispray ng detergent soap)
d. Pag-gamit ng Pisikal na Kontrol (hal. Manwal na pagtatanggal ng
peste o kulisap)
_____1. Hindi pinupuksa ni Erwin ang mga insektong Ladybug, Gagamba,
Earwig na kumakain sa mga insektong peste sa kanyang halaman.
_____2. Sa online store pinili ni Vergel ang mga binhin ng hybrid lettuce
dahil madali itong mabuhay at malakas lumaban sa mga peste.
_____3. Pagkatapos maglaba ni Aling Nena iniipon niya ang bula ng
detergent soap upang iispray sa kanyang mga tanim na sitaw at monggo sa
loob ng bakuran.
_____4. Regular na binubungkal o inaararo ni Mang Marcing ang kanyang
taniman lalo na kung hindi pa handa ang kanyang punla, upang maiwasan
ang pagtira ng mga peste sa kanyang lupang taniman.
_____5. Iniisa isa ni Allen ang mga dahon ng kanyang tanim na pechay at
hinahanap ang mga kulisap na maaaring mamalagi dito.

Isaisip

Sa paghahalaman kailangang kilalanin natin ang mga bagay na


makakasagabal sa ating mga halaman.
1. Ang peste ay kahit anong hayop, insekto, mikrobyo o halaman na
sumisira o nagbibigay pinsala sa tao at mga pag-aari nito kagaya ng
mga pananim.
2. Maaring gumamit tayo ng natural o di natural (paggamit ng
komersyal na pesticides) na pamamaraan sa pagpuksa ng peste o
mga kulisap.
3. Mahalaga rin na kilalanin ang mga uri ng peste na maaring
manirahan sa halamang gulay.
4. Aalamin din ang mga paraan kung paano mapupuksa ang mga peste
o kulisap.
5. Kailangang mabatid din ng isang may halamanan ang ligtas na
paggamit ng kasangkapan at pag-iispray ng pesticides.

Isagawa

Tingan mabuti ang mga larawan ng mga peste o insekto na makikita


sa ibaba at piliin sa kahon ang mainam na pampuksa dito.

 Sevin or Malathion
 Methyl Parathion
 Parathion
 Endrin, Malathion o
Serin
 Pestisides
Armored Scale Plant Hopper
________________________ _______________________

Webworm Ring Borer Melon Aphid


________________________ _______________________ _____________________

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.


1. Ang paggamit ng kemikal na pamatay peste sa halaman ay nagdudulot ng
a. polusyon sa tubig
b. malubhang sakit sa tao
c. pagkasira ng lupang taniman
d. lahat ng nabanggit

2. Ito ay isang proseso ng pagsasalit-salit ng mga pananim ayon sa


kalagayan
ng panahon. Dahil sa pag-iiba ng tanim ang mga kulisap o peste na
bihasa
na sa dating halaman ay maaring hindi na tumira pa sa mga bagong
halaman na itatanim.
a. crop rotation
b. companion planting
c. intercropping
d. plastic mulch

3. Ito ay isang paraan ng pagtatanim ng dalawang o higit pang mga


pananim sa isang lupang taniman. Maaaring magtatanim ng halamang
ornamental o halamang gamot upang lumayo ang mga kulisap sa halamang
gulay.
a. crop rotation
b. companion planting
c. intercropping
d. plastic mulch

4. Ang mga sumusunod na pares ay nakaaakit ng mga kulisap na maaring


makapanira sa mga halaman maliban sa isa.
a. basil at tarragon
b. coriander at cosmos
c. marigold at neem
d. zinnia at sunflower

5. Aling ang masistemang paraan upang mapuksa ang leaf rollers?


a. Kayasin ang lahat ng dahon o foliage hanggang maiwan ang buong
panloob na sanga.
b. Puksain sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ang sapot na
kasama ang uod.
c. Gumamit ng mga ilaw upang mahuli o papuksa ang mga
gamugamong ito.
d. Hanapin ang mga itlog nito sa mga tanim at puksain.

Karagdagang Gawain

Kumpletuhin ang talaan sa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga


halamang maaring alagaan sa loob ng inyong bakuran.
Mga Peste Mga Pamuksang Pestisidyo
Insekto Insecticides
Amag
Daga
Kuhol
Damo
Kuto ng halaman
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 1
5. paglalagay ng abono TAYAHIN
sa lupang 1. A
SUBUKIN pagtataniman 2. C
3. C
1. D
2. A ISAISIP 4. D
3. D Paghahalaman 5. A
4. A Pagdidilig
5. D KARAGDAGANG GAWAIN
Pagbubungkal ng Lupa
BALIKAN Abono
1. pechay etc.
1. D 2. talong etc.
2. D ISAGAWA
3. D 1. foliar 3. kalabasa etc.
4. A 2. basal/side- 4. mongo, beans etc.
5. C
dressing/ring method 5. carrots, lalabanos etc.
PAGYAMANIN 3. basal/side-
1. pagdidilig dressing/ring method
2. paglalagay ng insecticides
3. pagbubunot ng damo
4.Ring/basal method
4. Iiwasang malunod ang mga 5. basal/side-
pananim dressing/ring method

ARALIN 2
TAYAHIN KARAGDAGANG
1. D GAWAIN
PAGYAMANIN 2. A
3. C Amag – fungicides
1. B 4. C Daga – rodenticides
2. A 5. A Kuhol – molluscicides
3. C Damo – herbicide
4. C Kuto ng Halaman-
5. D Miticide
ISAGAWA

Armored scale-parathion
Plant hoppers-pesticides
Webworm-sevin malathion
Ring borer-methyl parathion
Melon Aohid – Edrin,
malathion
Sanggunian
Deliarte, Evelyn, et al., (2015) Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 K
to 12 Edition, Adriana Publishing Co., Inc., Manila.

EastWest Seed Foundation, (2012) Tanim sa Kinabukasan, Third Edition 2012, East-West
Seed Foundation Inc., Quezon City.

Masaybing, Ryan V. et. Al., (2019) Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials, DepEd
Division of Cabanatuan City, LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
SYSTEM

Peralta, Gloria et.al, (2016) Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, Vicarish


Publications and Trading Inc., Manila.

You might also like