Mga Akdang Patula at Tuluyan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 44

Module 10

MGA AKDANG PATULA AT


TULUYAN
Tagapag Bahagi

Erica Sarvida Laarni Silva Ronan Villegas

Layunin
1 1NAIPAPAKILALA ANG MGA AKDANG PATULA AT TULUYAN

2 NAKAKAPAGBASA NG MGA HALIMBAWA NG AKDANG PATULA AT TULUYAN

3 NAKAKASURI NG MGA AKDANG PATULA AT TULUYAN GAMIT ANG MGA GABAY SA


PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN
Layunin
1 1NAIPAPAKILALA ANG MGA AKDANG PATULA AT TULUYAN

2 NAKAKAPAGBASA NG MGA HALIMBAWA NG AKDANG PATULA AT TULUYAN

3 NAKAKASURI NG MGA AKDANG PATULA AT TULUYAN GAMIT ANG MGA GABAY SA


PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN
MGA AKDANG PATULA

ANEKDOTA SANAYSAY
TULA
TALAMBUHAY TALUMPATI
ANEKDOTA
Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang
pangyayari o insidente. Ngunit kahit nakakatawa man ito, ang layon ng anekdota ay
ang pagbibigay ng magandang karanasan na may importanteng aral.

Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: "kata-kata at hango sa totoong buhay". Ito rin ang mga ginagawa ng
mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Buhay ni Rizal

TULA
Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula
ng saknong at taludtod. Ang tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na
bahag
KABAYANIHAN
Lope K. Santos Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…
Ang kahulugan mo’y isang pinupuhunan mo at iniaalay,
paglilingkod kapagka ibig mong sa kaalipinan
na walang paupa sa hirap at pagod; ay makatubos ka ng aliping bayan.
minsang sa anyaya, minsang kusang- Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
loob, sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
diyos. ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Natatalastas mong sa iyong pananim Tikis na nga lamang na ang mga tao’y
iba ang aani’t iba ang kakain; mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw ang kadalasan pang iganti sa iyo
ang magpakasakit nang sa iba dahil. ay ang pagkalimot, kung di paglililo.
Ang Guryon (Saranggola)
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ildefonso Santos Ibigin man at hindi, balang araw ikaw

Tanggapin mo,
anak, itong munting guryon, ay matutuksong makipag-agawan;
na yari sa patpat at “papel de Hapon,” makipaglaban ka, subali’t tandaan,
magandang laruan, pula, puti, asul, na ang nagtatagumpay ay ang pusong
na may pangalan mong sa gitna naroon. marangal.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
ang guryon mong ito ay pakatimbangin, matangay ng iba o kaya’y mapatid;
ang dulo at paulo ay sukating magaling kung saka-sakaling di na makabalik,
nang hindi umikit o kaya’y kumiling. maawaing kamay nawa ang magkamit.
Saka umihip ang hangin, ilabas Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
at sa itaas bayaang lumipad; maagaw at umagaw saan man sumuot….
datapwa’t ang pisi ay tibayan mo, anak, Oh, paliparin mo at ihalik sa Diyos,

bago tuloy-tuloy sa lupa ay sumubsob.
SANAYSAY
Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga
pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda
ang kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-
komunikasyon na ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa
o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay.
Disiplina Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan
Maikling Sanaysay

Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa diktador na abusado at
mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito sa mga kababayan nating hindi disiplinado.
Hindi uunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi
malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong hindi
maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo magtatagumpay. Pinatunayan ng mga Hapon noong
niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit nilumpo na sila ng alamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal
pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas
na at higit sa lahat, nagrerespeto sila sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon ng mga
Pilipino. Paano ba maging disiplinado?

Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas. Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng
pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang
mahalaga ay nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo, respetuhin ang
isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag
mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap.
Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging
disiplinado bago maging progresibo.
Kahalagahan ng Edukasyon

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dhil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang
kanyang kahihinatnan d2 sa mundo. At ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming
paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap.
Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay.
Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na maging
maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito.
At ang pagkamit ng tagump[ay ay kailangan buo determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos
at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas.
“KAHIRAPAN AY DI HADLANG SA KINABUKASAN”.
Lagi natin tandaan na tayo gumgawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay
nakasalalay sa ating mga kamay. at lagi tayo sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil
walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.
TALAMBUHAY
Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na
may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na
nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari at impormasyon.

Talambuhay ni Andres
Bonifacio Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na mahirap. Ang kanyang ina ay
half-Spanish at may sarili siyang tagaturo. Ngunit hindi naging
madali sa kanya ang buhay nang pumanaw ang kanyang mga
magulang noong 14 na taong gulang siya dahilan upang matigil siya
sa kanyang pag-aaral. Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal
na edukasyon, tinuruan niya ang kanyang sarili na magbasa at
magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog, na naging dahilan upang
makakuha siya ng trabaho bilang clerk-messenger sa isang
kompanyang Aleman.

Sinasabing interesado si Bonifacio sa klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng


mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim na
interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng
Estados Unidos dahilan upang makakuha siya ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-
historical na proseso. Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kanyang mga kababayan
sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina
ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang
makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa.
Apat na araw pagkatapos ng pagkatatatag ng Liga, noong Hulyo 7,
Paglabas ng Katipunan
1892, itinuloy ni Andres Bonifacio ang pakikibaka at nabuo ang
Kataastaasan Kagalanggalang Ang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (KKK) o Katipunan sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle
Azcarraga, Maynila. Ito ay sa kabila ng pagdakip at pagpapaalis ng
nga Espanyol kay Jose Rizal isang araw ang nakararaan. Sa isang
maliiit na kuwartong naiilawan lamang ng isang lampara isinagawa
ang sandugo kung saan ang mga kasapi ay pumirma mula sa dugo
ng kanilang mga bisig na sumisimbolo sa kapanganakan ng
Katipunan. Ang sandugo ay isang pangako rin ng pag-ibig at
kapatiran sa bawat kababayan. Naniniwala ang mga Katipunero na
makakamit lamang ang tunay na kaginhawaan at kalayaan kung ang
mga tao ay may mabuting kalooban para sa bawat isa. Dahil dito, ang
Katipunan ay hindi lamang isang organisasyong may layuning
patalsikin ang imperyong Espanyol, ngunit nais nito ang tunay na
pagkakaisa sa isip at puso ng mga Tagalog sa ilalim ng isang Inang
Bayan na naghahanap ng maliwanag at tuwid na landas. Pagkatapos
ng dalawang Supremo ay sumang-ayon sa wakas ang
mapagpakumbabang si Bonifacio na maging Supremo ng Katipunan.
TALUMPATI
Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati,
inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati
kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang
Talumpati
* Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig.

Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay
* sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.

Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang
* Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati.
Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
PAGSULAT NG
SCREEN PLAY
NILALAMAN

KAHULUGAN
NG PAGSULAT
KAHALAGAN
NG PAGSULAT
LAYUNIN NG
PAGSULAT
Layunin
1 MALINANG SA MGA MAG-AARAL ANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG MGA NABANGGIT
NA MGA AKDANG PAMPANITIKAN.

2 MAISABUHAY ANG GAWAING ITO SA PAGSULAT UPANG MAKATUKLAS AT MAKAGAWA NG


MGA DEKALIDAD NA MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA MAAARING MAIPAGMALAKI MAGING
SA IBANG BANSA

3 MATUTUNAN ANG MGA PAMARAAN SA PAGSULAT AT MAGAMIT ITO UPANG MAKALIKHA


NG SARILING AKDA SA HINAHARAP.
KAHULUGAN NG
PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ayon kay sauco et al (1998), ito’y
pagsasalin sa papel o anumang kasangkapan na maaaring magamit na mapagsalin ngmga
nabuong salita,simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang
isipan. Ekspresyong nagpapagalaw ito ng isipan at emosyon bilang reaksyon ng tao sa
kanyang lipunan. Ang mga bagay na hindi kayang sabihin ay maaaring gawin sa paraang
pasulat. Ang mga tala sa kasalukuyan na ating nababasa ay bunga ng mga pagsulat kung
kaya’t nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa nakaraan na naging
sandigan natin sa kasalukuyan at sa hinaharap

KAHALAGAHAN
NG PAGSULAT
1. Nagsusulat ang isang tao upang maibahagi niya ang kanyang saloobin , damdamin at
kaalaman sa iba bilang bahagi ng prosesong panlipunan. Ang mga pagtuklas gaya ng sa
agham ay nakatutulong upang mapadali ang pamumuhay ng tao at ang pagbabahagi ng
kaalaman ito ay nagdudulot ng kapakinabangan sa iba.
2. Gaya ng nabanggit na, ang mga tala ng nakaraan na bunga ng mga pagsulat ay nagbibigay
kaalaman sa kasalukuyan na maaari nating maging sanligan sa pagbibigay ng tamang
desisyon at direksyon sa hinaharap.
3. Mahalaga rin ito upang malinang ang ating kasanayan sa pagpapahayag.
LAYUNIN NG PAGSULAT
1. Pansariling pagpapahayag. Sa layuning ito nailalabas o naipapahayag ng manunulat ang kanyang
nararamdaman at saloobin na hindi pinagtutuunan ng pansin ang maaaring kamalian sa balarila. Ang
pokus nito ay maipahayag ang tunay na nasa kanyang isipan tulad ng pagpapahayag ng sariling
karanasan.
2. Impormasyunal. Kaibasa pansariling pagpapahayag, nararapat na pagtuunan ng pansin ng manunulat
ang tutuning pambalarila upang maipaabot ng maayos at maunawaan ng tatanggap ang mensahe na
gusto niyang ipaabot. Gumagamit ito ng mas pormal at kontroladong paraan ng pagsulat sapgkat may
estilo na dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target na mambabasa.
3. Manghikayat. Layunin nito na magpaniwala sa isang katwiran o opinyon, kayat nangangailangan ang
manunulat ditto na gumamit ng mga pahayag o mga salitang may panghikayat gaya ng paggamit ng mga
talinhaga at idyoma upang makahikayat ng mga tagapakinig o mambabasa.
4. Malikhain. Ang pagpapahayag gamit ang malikhaing pag-iisip, guniguni at mayamang imahinasyon ang
layon ng pag
PAGSULAT NG
AKDANG
PAMPANITIKAN
(SCREENPLAY)
NILALAMAN
PROSESO NG
PAGSULAT NG ANG PREMIS ANG TEMA
SCREENPLAY

TUNGGALIAN TAUHAN
O CONFLICT
Ang Proseso ng Pagsulat ng
Screenplay.

Ang screenplay , bago pa man sulatin sa kompyuter o


makinilya, ay nauunang naisulat na isip ng manunulat.
Nagsisimula bilang konsepto, ang kwento ay parang sinaing na
isinasalang sa gunuguni hanggang maluto. Kapag luto na ang
kwento ay saka pa lamang isusulat ang screenplay. May mga
manunulat na likas na matalino at malikhain- sabay na nilang
iniisip ang kwento at ang screenplay; nakaharap sa komptuter
o makinilya. Ngunit para sa karamihan sa atin na hindi naman
henyo, mas maiging dumaan muna ang kwento sa tamang proseso.
Ang Premis

Taglay ng premis ang pangkalahatang paksang gustong talakayin ng manunulat. Ang premis
ay hindi pa kwento kundi siya lamang binhi ng kwento. Sa pagpapaunlad sa premis ay saka
lamang nagkakahugis ang kwento.

Ang isa pang konsiderasyon sa pagpili ng premis bago ito sulatin paunlarin ay ang
konsiderasyong pamproduksyon. Kaya ngang sulatin ang kwento ngunit kaya bang gawin ang
pelikula? Sinong producer ang magkakainteres saganitong materyal? Hindi masyadong mahal
gawin? May artista bang babagayan ng ganitong papel? May director bang sapat ang
kakayahan para bigyang- katarungan ang ganitong kwento? At higit sa lahat, sino ang
inaasahang manonood ng pelikula? Lilimiin ang mga konsiderasyong ito bago paunlarin ang
premis upang huwag nang mag- aksaya ng pagod, panahon at sama ng loob.
Halimbawa ng Premis
Kinidnap ng isang
binata ang kanyang
Nakatakdang ikasal ang mayamang ama
anak na babae habang ang upang ipatubos sa
a kanyang mga magulang ay
napipintong maghiwalay.
halagang katumbas
ng kanyang
mamanahin. Sa
premis pa lamang ay
makikita na natin ang
c potensyal nito.
Nangangako ba ito
May kambal na magkaiba ng isang maganda at
ang estado sa buhay at kapanapanabik na
b nagpasiyang magpalit ng kwento??
Napapanahon ba ang
lifestyle paksa? Orhihinal ba?
Kaya bang sulatin ng
manunulat?
Ang Tema

Masisilip na rin sa premis ang pangkalahatang tema at layuninng kwento.


Ang kwento ba ay isang pag-aaral sa ugat ng problema sa buhay may
asawa? Isang pghahambing sa dalawang magkasalungat na lifestyle? Isang
pagsisiyasat sa kultura ng karahasan?
Ang isang kwento , upang maging mas may kabuluhan ay dapat na
naglalaman din ng mensahe at aral na pinapaniwalaan ng manunulat.
Alalahanin na ang kwento ay behikulo lamang ng gusto niyang sabihin.
Kung walang sariling pilosopiya ng manunulat, at ang interes lamang niya
at layunin ay magkwento at mang-aliw, ang kanyang kwento ay
magmimistulang isang bangkang walang laman.
Maaaring makarating nga ang Bangka sa patutunguhan nito ngunit
sayang naman ang byahe nito kung wala itong mas mahalagang laman
na pwedeng idiskarga sa narrating na destinasyon.
Ang pelikula ay isang mahalagang midyum ng komunikasyon sa
dahilang mas malaki ang audience nito na mas tanggap ito bilang isang
popular na uri ng libangan. Pagkakataon nan g manunulat na gamitin
ang pelikula upang magpakita ng iang makabuluhan o bago o ibang
pananaw sa buhay.
Ang Tungalian o Conflict

Ang kwento ay larangan ng paglalabanan ng dalawang malalakas na


pwersa. At palagi nang kasangkot ditto ang bida. Ano ang kanyang
pinaglalaban?Sino ang kanyang mga kalaban? Paano niya
mapagtatagumpayan ang kanyang laban? Kung walang paglalaban,
walang drama. Kung walang drama, walang kwenta ang kwento. Mas
malala pa , walang kwento.
Dapat taglay na ng premis ang magiging conflict ng istorya. Kakikitaan
ba ito ng digmaan ng prinsipyo at pangarap? Ng tagisan ng talino at
damdamin? Sa tatlong halimbawa ng premis na ibinigay, halata ang
conflict ng istorya sa ikatlo.

Sa pagpapaunlad ng premis ay tukuyin at paunlarin din ang conflict.


Ihambing ang bida sa isang sundalo- mayroon siyang digmaang
ipinaglalaban. Ito ang drama ng kwento. Ito ang laman ng kwento. Ito ang
kwento.
Ang mga Tauhan

Ang Bida

Kontrabida
Antihero
Bida
ANG BIDA AY ANG PANGUNAHING TAUHANG “NAGMAMAY-
ARI” NG KWENTO. KANYA ANG KWENTO. SA KANYA IINOG
ANG MGA PANGYAYARI. DAHIL NAPAKAHALAGA NIYANG
TAUHAN AT DAHIL SIYA ANG BIDA NG KWENTO, GAGAMITIN
SIYA BILANG SAGISAG NG MGA SARILING PRINSIPYO AT
PANINIWALA NG MANUNULAT.
Kontrabida
ANG KONTRABIDA AY ANG PANGUNAHING TAUHANG
KALABAN SA BIDA. SIYA ANG MAGPAPAGULO SA
KATAHIMIKAN NG BIDA. KUNG MAHALAGANG MATIYAK KUNG
SINO ANG BIDA NG KWENTO, MAHALAGA RING MATIYAK
KUNG SINO ANG KONTRABIDA. SA PAMAMAGITAN NIYA
MASUSUKAT ANG GITING AT HALAGA NG BIDA. ANG
KONTRABIDA ANG SAGISAG SA KASALUNGAT NA PANANAW
SA BUHAY NG MANUNULAT NA KINAKATAWAN NG BIDA.
Ngunit hindi lahat ng kwento ay isa ring tao ang kontrabida. Ang mga
sumusunod ay maaaring gampanan ang papel na kontrabida.

• Tadhana • Kultura
• Kalikasan • Panahon
• Relihiyon o pamahiin • Masamang espiritu
• Katayuan sa buhay • Hayop
• Pamahalaan o institusyon • Makina
• Sakit •Nakaraan o konsensya ng bida
Antihero
ANG ANTIHERO AY ANG TRADISYUNAL NA KONTRABIDA
PERO GINAWANG BIDA. ANG MAGNANAKAW ANG BIDA,
HINDI ANG PULIS. ANG KERIDA ANG BID, HINDI ANG ASAWA.
ANG BIYANAN, HINDI ANG MAGULANG, ANG CRIMINAL HINDI
ANG BIKTIMA. ANG PAGTRATO SA ANTIHERO AY KATULAD
DIN NG PAGTRATO SA ISANG TRADISYUNA NA BIDA.
NAKATALAGA RIN SA KANYA ANG MAS MALAKING
PROBLEMA AT MAS MALAKING PANGARAP KAYSA IBANG
TAUHAN
Ilang paraan para makakuha ng simpatiya para sa isang antihero.

• Hindi siya likas na masama, nagkagayon lamang siya dahil hinihingi ng


pangangailangan, pagkakataon, trabaho o ambisyon.

• Masama siya ngunit sa bandang huli ay mapaparusahan siya ng batas o


mamamatay o daranas ng kabiguan o pagkawala ng isang bagay na mahalaga
o minamahal.

• Masama nga siya pero uusigin siya ng saring budhi kaya magkakaroon siya ng
pagbabagong-loob.

• Sagisag lamang siya ng isang masamang sistema o institusyon.


Ang Iba Pang Tauhan

PABKATAPOS BUUIN ANG MGA PANGUNAHING TAUHAN,


PAGTUTUUNAN NAMAN NG PANSIN ANG IBA PANG TAUHAN SA
KWENTO. SINO- SINO ANG MGA DAPAT MASANGKOT SA BUHAY
NG BIDA? DEPENDE ITO SA ALINMAN SA TATLONG
KONSIDERSYON.
• Ang mga tauhang hinihingi ng paksa ng kwento
• Ang mga tauhang hinihingi ng propesyon ng bida
• Ang mga tauhang hinihingi ng milieu o pangunahing tagpuan

Pag-isipan kung paano magkakaroon ng makahulugang relasyon ang ibang


tauhan at ang bida o kontrabida. Hindi lahat n relasyon ay umuunlad ng sabay-
sabay. Hindi rin lahat ng relasyon ay dapat umunlad.
Huwag sayangin ng papel ng mga pangalawang
tauhan. Gamitin sila sa pagpapaunalad ng mga
sumusunod:

• Sa pagbubunyag o pagpapatunay ng pagkatao ng


bida
• Sa pagpapasulong ng plot
• Sa pagpapaliwanag o pagpapalinaw ng tema.
SALAMAT

You might also like