Q3 Fil3 ST2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
DISTRICT 1 OF CONSOLACION

Summative Test in FILIPINO 3


(Quarter 3: Week 5-8)
Name: Grade & Section:

I. Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na mga salita ang may magkaparehong tunog sa unahan?

a. mata , mana, masa

b. basa, blusa , tasa

c. saya, yaman , yeso

2. Anong tunog ang maaaring idagdag sa salitang kama upang makabuo ng bagong salita?

a. l b. z c. y

3. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang huling tunog ng salitang palay?

a. alay b. palad c. ala

4. Anong salita ang mabubuo kapag pinagpalit ang dalawang huling titik sa salitang TAOB? a.

bota b. tao c. tabo

5. Paano binubuo ang isang salita?

a. Sa pamamgitan ng pagsama-sama ng mga titik.

b. Sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga pantig, pagpapalit at pagdagdag ng mga tunog.

c. Sa pamamagitan ng pagpapantig ng mga salita.

II. Tukuyin ang uri ng pang-abay sa bawat salitang may salungguhit. Isulat ang

PL - Panlunan, PH- Pamanahon at PM - Pamaraan.

6. Si Angela ay magaling sumayaw.


7. Tayo ng maglaro sa parke.

8. Gising na si nanay tuwing madaling araw.

9. Maingat na ibinlik ni Miya ang mga pinggan.

10. Lumipat ang mag-anak sa Maynila.

11. Nagtago si Natalia sa ilalim ng mesa.

12. Sumagot ng mahinahon si Layla.

13. Gustong sumama ni Popol kay Kupa sa paaralan.

14. Nagmadali si Odette na tumakbo upang hindi siya maiwan ng bus.

15. Pumunta si Akai sa Bamboo Forest.

III. Kulayan ng dilaw ang kung ang pangungusap ay may tamang pang-abay na

pamanahon at pula kung hindi.

16. Nagpatayo ng tulay sa aming bayan noong isang buwan.

17. Ilalagay ang babalang iyan bukas.

18. Dinala sa presinto mamaya ang mga taong tumatawid sa maling daanan.

19. Sumusulat ngayon ng liham ang mayor.

20. Noong isang linggo, tiyak na maraming tatawid sa overpass.

IV. Isulat ang S kung ang mayroong salungguhit sa pangungusap ay sanhi at B kung bunga.

21. Maraming huling isda si Mang Troy kaya naibili nito ng laruan ang anak.

22. Hilig kumain ni Joy ng prutas at gulay kaya malakas at malusog ang kanyang pangangatawan.

23. Nadapa si Greg dahil hindi niya nakita ang nakausling bato.

24. Dahil sa pagiging matipid, naibili ni Cheska ang ina ng isang bestida para sa kaarawan nito.

25. Laging puyat si Junjun sa panunuod ng telebisyon kaya lagi siyang nahuhuli sa klase.
V. Basahing mabuti ang bawat aytem. Tukuyin kung anong bahagi ng liham ang sinasaad. Piliin

ang tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang.

a. Pamuhatan b. Bating Panimula c. Katawan ng Liham

d. Bating Pangwakas e. Lagda

26. Ito ang bahagi ng liham na nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at ng

petsa kung kailan ito isinulat.

27. Nagsaad ng pangalan ng sumulat.

28. Nagsasaad ng relasyon ng taong sumulat sa sinulatan.

29. Bahaging nagsasaad ng pangalan ng sinulatan.

30. Dito nakasaad ang nilalaman o nais ipapabatid ng sumulat.

VI. Piliin ang angkop na hinuha sa mga sumusunod na pangyayari.

31. Ang kagubatan ng lalawigan ay halos wala nang malalaking punungkahoy. Patuloy namang

dumurumi ang hangin dito. Ano kaya ang maaaring mangyari?

a. Madaling magkakasakit ang mga bata.

b. Tataas ang mga bilihin.

32. Marami sa mga batang nakatira sa mga pook na malapit sa mga pabrika ay nagkakasakit sa baga.

Ano kaya ang dahilan?

a. Marumi ang usok na lumalabas sa mga pabrika.

b. Mahal ang mga gamut sa botika.

You might also like