Gawain1 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

1.Salao
Ito ang tawag sa pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
Ang 2020 ay isang salaong taon, ang daming masamang nangyari sa ating bansa at
sa iba pang bansa.

2. Aprendis
Ito ang tawag sa taong nagtatrabaho na walang bayad, ginagawa niya lamang ito
upang matuto
Ang pinsan kong buntis ay isang aprendis na nag-aalaga sa anak ng aming
kapitbahay.

3. Dentuso
Ito ay isang uri ng pating na may malaking ngipin.
Kapag nakagat ka ng dentuso, hindi mo masisigurado kung ikaw ay mabubuhay pa.

4. Mako
Isang malaking pating na mabilis gumalaw sa karagatan.
Sinasabi nila na ang mga isda sa karagatan ay kinakain ng isang Mako shark.

5. Salapang
Ito ay isang uri ng sibat na may dalawa o tatlong matulis na dulo na may kawil ang
bawat isa.
Gumamit ang mangingisda ng salapang pangpatay sa isang pating.

6. Prowa
Ang prowa ay ang unang bahagi ng sasakyang pandagat na makikita sa taas ng
tubig
Ang mga isda ay pumunta sa may prowa at doon ko sila hinuli.

7. Popa
Ito ang tawag sa huling bahagi ng sasakyang pandagat
Hindi na kita sa malayuan ang popa ng barko niya dahil sa dilim.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan na si Santiago batay sa kaniyang kilos, o gawi, o


saloobin, at paniniwala.

Si Santiago ay matandang lalaki na matapang at masipag. Siya ay patuloy na


nakikipagsapalaran at lumalaban sa mga hamon ng kanyang buhay. Pinipili niyang
maging matatag kahit siya ay hirap na para malampasan niya ang mga pagsubok na
kinahaharap niya.

2. Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago?

Tinitiis niya pa rin ang mga bagay na nangyayari sa kanya dahil siya nga ay
minamalas. Nung nakakita siya ng marlin, ginawa niya ang lahat para mahuli at mapatay
ito upang siya ay may maiuwi. Sa kanyang paglalakbay ay nalampasan niya ang mga
pating na may iba’t ibang lakas na gusto kainin ang marlin n kaniyang nahuli. Matagal
siyang nakipaglaban hanggang sa maubusan na siya ng lakas. Naging matatag pa rin siya
hanggang sa huli at naiuwi niya pa rin ang Marlin.

3. Isa-isahin ang tunggaliang ipinakita sa bahagi ng nobela.

Tao laban sa sarili, siya ay nakipaglaban sa kanyang sariling damdamin na kahit siya
ay minamalas ay nagagawa niya pa ring maging positibo. Isa pa sa tunggali ay ang tao
laban sa kalikasan, sa kanyang paglalakbay ay nakipagsapalaran siya sa karagatan na
nagsisilbing mundong ginagalawan niya sa pakikipaglaban sa mga pating

4. Sa iyong palagay, ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na


inilarawan sa nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan?

Ipinapakita sa nobelang ito ang tungkol sa pang-aapi sa mga taong walang kaya o
katayuan sa lipunan kung saan ang mga mayayaman ang laging nakatataas na katulad
ng mga pangyayari dito sa ating lipunan.

5. Sa iyong palagay bakit pinamagatang “Ang Matanda at Ang Dagat” ang nobela.
Ipaliwanaga.

Sa aking palagay ito ay tinawag na “Ang matanda at Ang Dagat”, dahil halos ang
laman ng nobelang ito ay nangyari sa dagat kung saan ang matanda ay humarap sa mga
hamon at pagsubok na kanyang natamo sa dagat na kaniyang pinaglakbayan upang
makahanap ng mahuhuli at maiuuwing isda. Ipinakita dito na kahit anong pagsubok ang
kanyang kinaharap sa dagat ay siya ay nagpakatatag pa rin.
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3

Ang Matanda at Ang Dagat

Tauhan - Si Santiago at si Manolin


Tagpuan - Ito ay nangyari noong ika-85 na araw ng kaniyang
nakapanlulumong pangingisda sa Gulf Stream sa Hilaga ng Cuba sa kipot ng
Florida.
Mahahalagang Pangyayari - Ang pakikipagsapalaran ni Santiago sa mga
pating na gustong kainin ang kanyang Marlin na pinaghirapan niyang hulihin
sa dagat.
Tono o Damdamin - Awa, kalungkutan, katatagan, tunggalian

Nagsimula sa Panahon ng Yelo

Tauhan - Nene, Boboy, Mr. Edwards, mga Kapitbahay


Tagpuan - ito ay nangyari sa kanilang barangay sa Sagrada.
Mahalagang Pangyayari - Dumating si Mr. Edwards, isang Amerikano, sa
Sagarada at naging mag-asawa sila ni Nene na dating nagbebenta ng yelo
subalit ngayon ay may botique na dahil sa tulong ni Mr. Edwards. Nang
bumalik si Mr. Edwards sa America ay hindi na siya bumalik sa Pinas kaya
sinundan siya ni Nene pero walang nakasisigurado kung nasa America siya
dahil ang sulat na ipinapadala niya sa kanyang anak na si Boboy ay walang
address.
Tono o damdamin - pagtataksil, pagkawala ng tiwala, pag-ibig, kalungkutan

You might also like