Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dalin, Abigail C.

BSED 2 FIL005(13961)

TAKDANG ARALIN 4

REHIYON 3

Ang rehiyon 3 ay binubuo ng anim na lalawigan na matatagpuan sa Gitnang Luzon. Ito ang Pampanga,
Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales. Ang Rehiyon III ay isang rehiyon na pang-
administratibo sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ayusin ang 7 lalawigan ng malawak na
gitnang kapatagan ng isla ng Luzon (ang pinakamalaking isla), para sa kaginhawaang pang-
administratibo. Dumako naman tayo sa apat na etno-linggwistikong pangkat o kanilang wikang
ginagamit ito ang Tagalog, Ilokano, Kapampangan, at Pangasinense. Ang rehiyon ay kilala sa tawag na
"Gitnang Kapatagan(Central Plains)" at itinuring na Palabigasan ng bansang Pilipinas (Rice Granary of the
Philippines). Dito naninirahan ang mga katutubong Kankaan, Dumagat, Setas, Oblayos, Igorot, at
Ilonggis. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay pangangaso, pangingisda, panahunang pagtatanim, at
paggawa sa maliliit na pagawaan. Dito rin natin matatagpuan ang mga sikat o kilalang manunulat ng
rehiyon 3. Kabilang dito si Francisco Balagtas, Juan Crisostomo Sotto, at Diosdado Macapagal. Ang
kanilang pangunahing produkto bigas, mais, isda, kawayan, at mimeral (ginto, tanso, platinum, atbp). Ito
naman ang mga kasiyahang sa lalawigan ang pista ng pagluhod ng mga kalabaw sa bayan ng Pulilan,
pagoda sa ilog ng Bocaue, at ang pagsasayaw sa Obando ng mga hindi nagkakaanak.

Dumako naman tayo sa kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng rehiyon 3. Paggalang sa mga magulang o
matatanda sa pamamagitan ng paggamit ng po at opo, mabuting pagtanggap ng panauhin o bisita,
bayanihan o pagtutulungan, pakikiramay, pagsasalo-salo, at harana. Ang rehiyon 3 ay nakikita naman
natin na mayroon sila g maraming tanawin sa bawat lugar at marami din tayong natutunan sa kanila.
Dito ko nalaman ang kanilang tradisyon at paniniwala, at kung saan sila nagmula. Dahil dito nalaman
natin kung ano ang hanapbuhay nila at kung paano sila mamuhay. Ang perlas ng silangan, hindi lang
mayaman sa likas na yaman kundi mayabong din ang kultura, at malaking bahagi nito ang pangkat
etniko sa Pilipinas. Lubos nilang pinahahalagahan at binibigyang-pansin ang edukasyon, pamahalaan, at
pagbubuklod-buklod pamilya. Simple lang ang kanilang pamumuhay at patuloy pa rin silang gumagamit
ng mga sibat, itak, at pana sa panghuhuli ng kanilang makakain. Sagana sila sila sa mga magagandang
tanawin at pananim.

 Francisco Balagtas,
 Juan Crisostomo Sotto
 Diosdado Macapagal

You might also like