Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Explain FIL 003 REPORTING

IBA'T-IBANG URI NG INTELIHENSYA


Ang iba't-ibang uri ng Intelihensya ay nangangahulugan bilang iba't-ibang uri ng
katalinuhan,talento,kakayahan o angking galing ng isang tao.

INTRODUKSYON

Isang malawak na pagtingin sa intelihensya ang iminungkahi ni Dr. Howard Gardner, isang propesor at

psychologist sa Harvard University,noong 1983 sa kaniyang librong Frames of Mind: The Theory of

Multiple Intelligences. Sa librong ito, binago ni Gardner ang pagtingin ng mga tao sa talino at pagsukat

nito, at naging hamon ito sa mga tradisyonal na paniniwala sa larangan ng edukasyon.Ayon kay Gardner,

lahat tayo ay may iba’t ibang talino o “intelligence.” At sa binuo niyang teorya, mayroong siyam (9) na
uri ng intelihensya.
UNA NA DITO ANG:

1. Visual or Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng

paningin at mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang

paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahang siyan na makita sa kaniyang isip ang mga bagay

upang makalikha ng isang produkto o makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin.


Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders,
architects, photographers, sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and
beauty consultants.

2. Verbal/Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may

taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at

mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o
nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa

pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika. Halimbawa ng mga taong

may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers,

poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice
over artist.

3. Matematikal/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng

pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika,

paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa

matematika, chess, computer programming at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit
ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract
patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga taong may
ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers,
analysts, traders, bankers’ bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters,
directors
4. Bodily/ Kinesthetic- Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong

karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang

katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro. Mataas ang tinatawag na muscle memory ng mga
taong may ganitong talino. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: dancers, demonstrators,
actors, athletes, divers, sports-people, soldiers, fire-fighters, PTI's, performance artistes; ergonomists,
osteopaths, fishermen, drivers, crafts-people; gardeners, chefs, acupuncturists, healers, adventurers.

5. Musical/Rhythmic- Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit,

ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang

karansan Halimabawa ng mga taong may ganitong talino ay: musicians, singers, composers, DJ's, music

producers, piano tuners, acoustic engineers, entertainers, party-planners, environment and noise

advisors, voice coaches.

6. Intrapersonal- Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.

Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may

ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang

kanyang nararamdaman at motibasyon.

7. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na

makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan nang may pagdama at
pagunawa sa damdamin ng iba. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunod. Halimbawa ng mga taong
may ganitong talino ay: therapists, HR professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians,
eductors, sales-people, clergy, psychologists, teachers, doctors, healers, organisers, carers, advertising

professionals, coaches and mentors;

8. Naturalist- ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang

mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan

kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Botanist, farmer,

environmentalists

9. Existentialist- ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Saan

ako nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng

paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating gingalawan.

Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: Mga pilosopo, theorist, mga pari o pastor
KONKLUSYON

Lahat tayo ay may iba't-ibang angking talino.Ang katalinuhan ay hindi lamang nasusukat sa
pangakademyang gawain kundi nakikita ito sa kakayahan ng isang mag-aaral base sa siyam (9) na uri ng

Intelihensya.

You might also like