Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DROGA: LABANAN!

Sa kasalukuyang henerasyon ay mapapansin natin na madami ng mga


kabataan ang gumagamit ng ganitong uri ng gamot. Karamihan sa mga ito ay
masyado ng nalulong sa paggamit nito, ngunit may iba’t ibang dahilan ang mga taong
ito kung bakit nila sinubukan itong gamitin. Isa sa mga rason kung bakit nanghihimasok
ang mga kabataang ito sa ganitong uri ng bagay ay dahil na rin sa kakulangan ng
atensyon ng kanilang mga magulang. Napapabayaan nila ang kanilang mga anak dahil
siguro mas inaasikaso o mas nakapokus sila sa kanilang mga trabaho o negosyo kung
kaya’t nawawalan na sila ng oras para sa kanilang mga anak. Kaya naman
kinakailangan ang masinsinang paggabay sa mga kabataan ng kanilang mga magulang
upang masubaybayan sila sa mga maling gawain at mailayo samga bagay na
makakasama sa kanila lalo na ang paggamit ng droga. Marahil dulot ng karamihan ng
problemang meron ang isang tao ay nasusubukan ng gumamit ng ganitong
pinagbabawal na gamot upang malibang nya ang kaniyang sarili.
Maraming masamang epekto ang naiibigay ng droga. Ano nga ba ang mga
ito? Ilan ang sa mga epekto ay ang sumusunod: (1) pagkasira ng kalusugan, (2)
pagkakawatak-watak ng pamilya, (3) makakasira sa mga negosyo at trabaho, (4)
nakakasama ito sa ating kapaligiran, at (5) paglaganap ng krimen sa komunidad. Sa
paglipas ng panahon ay mas dumadami ang porsyento ng mga taong gumagamit ng
pinagbabawal na gamot. Marahil sa iba’y lingid ang masamang nagiging epekto nito sa
sarili. Siguro nga;y sa simula at makakalsap sila ng sarap ngunit hindi nila napapansin
na unti-unti nitong sinisira ang kanilang katawan at ang kanilang kalusugan. May
nagsasabing ito’y gamut sa ilang karamdaman at may mga nagsasabi naming may
masamang epekto ito sa tao lalo na sa pag-iisip. Nakakaadik ngang tunay ang
substansyang ito. Pero ikaw, nais mo rin bang tumikim ng ganitong uri ng gamot? Baka
naman magresulta lang ito ng hindi magandang bagay sa iyo at masobrahan ka sa
paggamit?
Ang tanong ko lang ay kailan ka pa gagawan ng ayos at tamang aksyon
para dito? Wala bang solusyon para malutas ito o nagbubulag bulagan lamang
kayo sapagkat pinagkakakitaan nyo ito? Kailangan na nating gumising sa matagal
na nating pagkakahimlay at pagbalewala sa mga ganitong bagay. Bigyan na ng pansin
isyu ng paglaganap ng paggamit ng droga at itanim sa ating isipan ang masamang
epekto nito. Iwasan ang mga bagay na walang magandang dulot sa ating buhay.
Palaging magaganda at sa positibong bagay tayo tumungo upang magkaroon ng
magandang patutunguhan ang daang ating tinatahak. Tigilan ang pag gamit nang
ipinagbabawal na gamot upang maiwasan ang pagkasira nang iyong buhay. Wala itong
magandang epekto sa buhay nang mga gumagamit nito.

You might also like