Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I.

PANIMULA

Ang salitang Online Class (2020) ay isa sa pinaka-uso o trending na salita ngayong 2020.
Bukod sa ito ang pinabagong sistema ng buong estudyante. Marami rin ang nakaka unawa rito.
Ang salitang Online Class ay nag simulang makilala ng madiskubre ang sakin na COVID-19 o
Corona Virus noong 2019. Ang salitang Online Class ang aking napiling salita na uso o trending
sapagkat isa ito sa mga suliraning hinahaharap ng buong mundo ngayong taong 2020. At saaking
palagay, ay dapat o makakabuting alamin ang kahulugan o ibigsabihin ng salitang “Online
Class”.

Sabi nga nila, edukasyon ang isa sa mga pinakamahahalagang maaari mong maipasa sa iyong
mga anak. Kaya naman sa kabila ng banta ng COVID-19 o Coronavirus sa ating bansa, pilit na
humahanap ang mga magulang ng mga paraan para maipagpatuloy ng mga anak nila ang
kanilang pag-aaral. Ngunit maraming mga estudyante at mga magulang ang naguguluhan parin
sa kung ano ba ang salitang “Online Class”. Hindi dahil sa may iba’t iba ang kahulugan ang
salitang ito, naguguluhan ang mga tao sa kung paano ito sisimulan o mapupunan.

Dahil sa sakit na COVID-19 o Coronavirus na nadiskubre noong taong 2019, nang


magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis. Maraming mall, shops,
at banko ang pasamantalang pinasara. Kasama sa mga pansamantalang ipinasara sa kalagitnaan
ng Marso, 2020 ang mga pasalidad ng paaralan upang maiwasan ang marahas na pagkalat ng
sakit na ito. Kahit ganoon ay nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya
hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit ang computer,

Ngunit kahit na ganon ang kaso, nais pa rin ituloy ng gobyerno ang edukasyon sa gitna ng
pandemya. Ang “Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno bilang alternatibo upang
matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na kinakailangang pumasok sa mga
paaralan. Sa kadahilanang iyon, napili ko ang trending o uso na salitang “Online Class” sapagkat
ang talakayan tungkol sa Online Class ay nagsimula ng maraming kontrobersya sa mga
magulang, mga guro, at mga estudnyanteng katulad ko.

II. Etimolohiya ng Salitang Online Class


Ang Online Class ay binubuo ng dalawang salita na online at class at kapag ang dalawang
salitang ito ay pinag hiwalay ay iba ang kahulugan. Ang online ay isang ingles na salita na ang
ibigsabihin ay nasa linya, at ang class naman ay isa ring Ingles na salita at Klase sa tagalog na
ang ibig sabihin ay eskuwela. Kapag ito ay pinag sama ay magigi

Ayon kay De Jesus, ang Online Class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay
idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang
lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga
kamag-aral (De Jesus, 2020). Bagama’t kakaiba at tila nakakapanibago ang bagong sistemang
ito. Ito ang nakitang paraan ng DepEd at CHED para maipag patuloy ng mga estudyante ang
kanilang edukasyon.

Marami pang ibang kahulugan ang Online Class, at ito ay naka depende sa dibisyon ng pag
gamit ng isang tao. Ang “online class” ay napag pasiyahang ng DEpEd at CHED sa “new
normal” na kasalukuyan nating nararanasan. Sapagkat ipinagbabawal pa rin ang face-to-face sa
pag tuturo sa klase. Kaya naman ang Online Classs ang isa sa mga napiling alternatibong paraan
upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pagpasok sa iskwela.

Ayon sa DepEd, ang layunn ng Online Class ay ang pag-aaral ng estudyante gamit ang
internet, laptop, o smart phones. At sa Online Class ay nakapaloob ang kailangan piliin o sundin
na oras o schedule ng pagpasok. Ito ay ang synchronous kung saan kailangan mong mag-online
sa oras na nakalagay sa schedule ng inyong klase. At ang pangalawa ay ang asynchronous, kung
saan naman ay magoonline ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay
ng iyong guro.

Masasabing trending ang salitang online class ngayong taon ng 2020 at isa ring matinding
hamon para sa lahat ang tinuturing na “new normal” ng bawat paaralan. Maganda man sa
pandinig ang nais na resulta ng DepEd o CHED na matuto parin ang mga estudyante kahit na
nasa kalagitnaan ng crisis. Hindi pa rin maiiwasang makarinig ng reklamo mula sa mga guro,
magulang, at estudyante. Ang makaramdam ng pagod ang mga nakakaranas ng online class.

Kaya naman maraming pinoy ang itinuturing na isa sa suliranin ng bansa ang Online Class at
nag aapila na ipagpaliban o i-postponed ang online class sa bansa. Ayon kay Mark Terrenz
Fulgar (2020), Ang BU o Bicol University ay nag file ng petisyon na nagbigay ng mga
kadahilanan para sa pagpapaliban ng mga klase sa BU at petisyon na tinatalakay ang mga
kakulangan ng edukasyon sa online at ang hindi matatag at hindi magandang koneksyon sa
internet na kinakaharap ng mga mag-aaral na naninirahan sa malalayong lugar.

Bukod sa pormal na ibig sabihin ng Online Class ay marami pa itong kahulugan. Habang
tumatagal ay kanya-kanya na ang pagbibigay ng kahulugan ng mga tao sa mga salita. At isa na
doon ang salitang online class. Ayon kay Raia Joon Catacutan (2020), ang mga mag-aaral mula sa
buong bansa at sa buong mundo ay kumukuha ng kanilang pagkabalisa at pagkabalisa sa social
media upang malikhaing magpalabas ng tungkol sa #OnlineClass

Maraming tao ang pumapalagi sa Facebook, Twitter, Tiktok at iba pa. Sa dami ng
nakakaranas ng online class, nakasanayan na ng mga tao na gawing katatawanan ang kanilang
karanasan sa Online Class upang makalimot sa pagod at stress kahit saglit. Base sa aking mga
nakikta at napapanood sa social media, mayroong tinatawag na Online Class Meme o
‘#OnlineClassMemes.’ Nakapaloob dito ang iba’t ibang nilalaman na bidyo o litrato tungkol sa
kanilang pinag daraanan sa Online Class.

III. PAGLALAGOM

Sa dami ng nangyari ngayong taon ng 2020, marami ang nababahala kung ano ang magiging
kalalabasan o resulta ng online class. Ang sambayanang pilipino ay may kanya kanyang opinyon
tungkol sa online class. Ngunit aminin man natin o sa hindi ito ay hindi epektibo, ang online
class ay mas lalo lamang nagbibigay pagod sa ating lahat pati narin sa ating mga guro at mga
magulang. Marami parin ang umaasa na mabigyan pansin ang hangarin ng mga estudyante na
pansamantalang ipagpaliban muna ang klase o mas kilala sa katagang Academic Freeze o
#AcademiFreeze dahil sa pagod na nadarama at kakulangan sa mga pangangailangan, gaya ng
mabagal na internet sa Pilipinas, at maiiwanan ang mga mahihirap sa bagong normal sa
edukasyon. Kaya masasabi ko na ang napili ko salita ay may malaking impact sa sambayanang
pilipino, sapagkat isa rin ito sa mga problemang hinaharap ng ating bansa.

Simula ng mag sara ang mga pasilidad ng mga paaralan noon Marso, 2020, ang salitang
“Online Class” ay isa sa mga salitang nakilala ng mga tao. Ang salitang online class ay
mababasa at maririnig mo kahit saan, usap-usapan ito ng karamihan. Maging mga magulang,
guro, estduyante o kahit sino man ay laging pag uusapan ang salitang Online Class.

Malaki ang naging impact ng salitang online class sa sambayanang pilipino. Hindi lang dahil
sa ito ay trending na salita, kundi dahil ang online class ay nakapaloob sa “new normal” ng bansa
at pinagdedebatehan ng mga tao. Kung dapat ba itigil o ituloy ang online class, kung
nakakatulong ba ito o hindi, kung nakakasama o nakakabuti ba ito sa kalusugan ng mga
estudyante at mga guro.

IV: SANGGUNIAN

1. De Jesus, D. C. (2020). Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan.
Retrieved from: https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-
na-pag-aaral-ng-mga-kabataan/ \
2. Fulgar, M.T., September 23, 2020., Some BU students appeal to postpone online classes.
Retrieved from: https://bit.ly/3clocb1
3. Yanto, J.C., (2020). Kaunting Kalaman Patungkol Sa Pagbubukas ng Klase sa August
24., Retrieved from: https://www.facebook.com/jenny.yanto/posts/3537876002907684
4. Catacutan, R.J., September, 2020., 10 Memes about 2020’s #OnlineClass. Retrieved
from: https://squeeze.ph/10-memes-for-2020s-onlineclass-mood-and-vibes/

You might also like