Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ikatlong Markahang Aktibiti sa Edukasyon sa Pagpapakatao I

Pangalan: ________________________________ Iskor: ____________


Seksyon: __________________________________ Petsa: ___________

Aralin 1: Pagsunod sa tuntuning itinakda ng tahanan.

I. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung nagpapakita ng pagsunod


nang maluwag sa dibdib at ekis ( x ) kung hindi.
_____1. Nagdadabog habang naglilinis.
_____2. Tumutulong sa paglilinis kay nanay.
_____3. Sumunod nang maluwag sa kalooban.
_____4. Unahin ang paglalaro bago ang mga gawaing bahay.
_____5. Sumusunod nang maayos sa mga ipinag-uutos.
II.Isulat ang T sa patlang kung tama ang sinasabi at M kung ito ay
mali.
_____1. Gampanan ang kayang gawin na gawaing-bahay bilang
tulong kay nanay.
_____2. Ayaw ni Marita na tumulong sa gawain dahil bata pa raw
siya.
_____3. Sa pagtulong sa gawaing-bahay, natututo ang batang
magtrabaho.
_____4. Tapusin muna ang ibinigay na gawaing-bahay bago
makipaglaro.
_____5. Masaya at matutuwa ang magulang sa mga batang
tumutulong sa mga gawain.

III. Bilugan ang mga salitang nagsasabi ng mga gawaing bahay.


1. NAGLULUTO 3. DILIG 5. PUNAS

2. NAGWAWALIS 4. LABA
B M N D M K F E M
P A A P L G P P I
N A G L U L U T O
S M W O H A N R G
B P A M D B A S L
P L W R B A S W S
D D A S N R Y R W
D I L I G W M T K
P P I W P L K U N
R S S T Y M G L B
Aralin 2. Pagpapahalaga sa mga karapatang tinatamasa

I. Sabihin kung Tama o Mali.


_____1. Ako ay may karapatang makipaglaro.
_____2. Ako ay may karapatang makapag-aral.
_____3. Ako ay may pamilyang nagmamahal.
_____4. Ako ay hindi inaalagaan ng aking mga magulang.
_____5. Ako ay may karapatang makipagkaibigan.

Aralin 3: Mga Paraan upang makamtan at Mapanatili ang


Kaayusan at kapayapaan sa Tahanan at Paaralan
(Pagpapakumbaba at Pagpaparaya)

I. Sagutin: Tama o Mali


_____1. May dalang tsokolate ang tatay. Kinuha lahat ito ni Gina at
hindi hinatian ang mga kapatid niya.
_____2. Di sinasadya ay nasira ni Lina ang manyika ng ate niya.
Hindi naman nagalit ang ate. Nagparaya na lamang ito sa
kapatid.
_____3. Iniiyakan ni Tony ang kabibili pa lamang na bisekleta ng
kapatid. Pinahiram naman siya ng kuya niya.
_____4. Gumagawa ng assignments ang ate. Inutusan siya ng
nanay na isilong na ang mga sampay. Nagparaya na si Ellaine
dahil wala naman siyang ginagawa.
_____5. Konti na lamang ang ulam pero gusto pang kumain ni Berto.
Hindi siya pinansin ng ate at itinago pa nito ang pagkain sa
kapatid.

II. Lagyan ng / ang gawaing nagpapakita ng


pagpapakumbaba at X ang hindi.

___1. Biglang sinuntok ni Juan si Jose nang sabihin niyang matakaw


ito.
___2. Alam mong nagagalit ang pinsan mo sa iyo.
Nilapitan mo siya at humingi ka ng paumanhin.
___3. Bago ang sapatos mo kaya ipinagmayabang mo ito sa mga
kaklase mo.
___4. Matalino kang bata ang sabi ng mga guro.
Nakangiti kang nagpasalamat sa kanila.
___5. Sabi ng mga kaibigan mo mas matulin daw ang kotse-
kotsehan ng kalaro mo kaya naiinis ka at sinira mo ito.
Ikatlong Markahang Aktibiti sa Edukasyon sa Pagpapakatao I
Pangalan: ________________________________ Iskor: ____________
Seksyon: __________________________________ Petsa: ___________
Aralin 4: Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan sa Loob
ng Tahanan at Paaralan

I. Sagutin: Tama o Mali


_____1. Batuhin ang aso na pumapasok sa inyong bakuran.
_____2. Bugawin ang mga manok na naninira ng inyong mga
tanim.
_____3. Hampasin ang kambing kung ito ay pumapasok sa
bakuran.
_____4. Ihagis ang pusang naglalaro sa bakuran ninyo sa kanal.
_____5. Itaboy ang mga hayop para di makapanira at iwasan na
sila’y saktan.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Nakita mo ang ibon sa puno. Ano ang gagawin mo?
a. Bugawin ang ibon
b. Tiradurin ang ibon
c. Sigawan ang ibon
2. May kambing na naligaw sa inyong bakuran. Kinakain ang
halaman ng nanay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Paluin ang kambing
b. Batuhin ang kambing
c. Itaboy ang kambing
3. Nakita mo na kinakalkal at kinakalat ng pusa ang inyong mga
basura. Ano ang gagawin mo?
a. Buhusan ng mainit na tubig ang pusa
b. Paluin ang pusa
c. Bugawin ang pusa
4. May asong dumudumi sa harap ng bahay ninyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Tiradurin sa puwit ang aso
b. Hampasin ng kahoy ang aso
c. Itaboy ang aso
5. May mga manok na nakapasok sa bakuran ninyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Hulihin at iluto ang manok
b. Tiradurin ang manok
c. Bugawin ang mga manok palabas
Aralin 5: Mga Kilos at Gawain na nagpapanatili ng
kalinisan, kaayusan at Katahimikan sa loob ng tahanan at
paaralan

I. Iguhit ang masayang mukha kung tama ang isinasaad sa


bawat aytem at malungkot na mukha kung mali.

_____1. Inaayos ko ang aking mga damit sa kabinet para hindi na


si Nanay ang gumawa nito.
_____2. Tumutulong ako sa sa paglilinis ng silid-aralan kahit hindi
pa ako ang tagapaglinis sa araw na iyon.
_____3. Mayroon akong sariling lalagyan ng aking mga gamit sa
kuwarto.
_____4. Ibinabalik ko sa tamang lugar ang anumang bagay na
aking ginamit.
_____5. Hindi ko pinapansin kung marumi ang silid-aralan dahil
hindi ko naman ito pag-aari.

II. Isulat ang arrow na pataas kung dapat bang gawin ang
nakasulat sa bawat pangungusap at arrow na pababa kung
hindi dapat.

___1. Hintayin muna ang utos ni nanay o tatay bago maglinis ng


bahay.

___2. Ang mga lata, plastic at iba pang bagay na maaaring ipunan
ng tubig ay ibaon sa lupa o ipagbili upang hindi bahayan ng lamok.

___3. Ipaubaya na lamang sa guro ang paglilinis ng silid-aralan.

___4. Linisin lamang ang bahay kapag may inaasahang bisita.

___5. Gawing dahilan ang gawain sa paaralan upang makaiwas sa


paglilinis sa bahay.

You might also like