Dimaano, Zareena A. Bsit2 (Modyul 3)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DIVINE WORD COLLEGE OF VIGAN

DIMAANO, ZAREENA A.
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

PAGBABAHAGI
Gawain 1. Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul, sagutin mo muna ang mga
katanungan upang malaman mo kung ano na ang alam mo sa
mga paksang tatalakayin dito.

I. 1. Ano ang dalawang paraan ng pag-uuri ng panitikang Filipino?


a) Tuluyan o prosa – ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap.
b) Patula – ang mga pahayag ay may sukat o bilang ng mga pantig.

2. Ayon sa paghahalin, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ay ang:


1. Patula
2. Patuluyan
3. Patanghal

II. Basahin ang mga impormasyon sa bawat bilang at sagutin ang mga tanong ukol dito. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang.

a 1. “O pagsintang labis ang kapangyarihan Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw Pag ikaw ang nasok
sa puso ninuman Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”
a) tula b) talumpati c) talata d) parabula
c 2. Ito’y mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap: tauhan, lugar, balangkas at
mga pangyayari. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito?
a) talumpati b) epiko c) nobela d) awit at korido
c 3. Ito’y mga kuwentong bayan na ang mga tauhan sa kuwento ay mga hayop na kalimitan ay
kapupulutan ng aral. Ano ito?
a) nobela b) epiko c) pabula d) elehiya
a 4. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.
a) Noli Me Tangere
c) Doctrina Christiana
b) Kahapon, Ngayon at Bukas
d) A Fly in a Glass of Milk
DIVINE WORD COLLEGE OF VIGAN
DIMAANO, ZAREENA A.
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

a 5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro


o opinyon ng mga akda?
a) sanaysay b) alamat c) nobela d) parabola

PAGPAPALAWAK
Gawain 2. Sa ibaba ay may halimbawa ng parabula. Basahing
mabuti at subukan mong bigyan ng kahulugan ito. Pagkatapos basahin,
sagutan ang tanong at isulat ang iyong sagot sa mga patlang na
nakalaan.

May isang Don na nakadamit ng kulay-ubeng de ilo na nabubuhay araw araw sa


karangyaan. Sa kanyang tarangkahan, nakahambalang ang isang pulubi, si Lazarus. Kumikirot ang
buong katawan ni Lazarus dahil tadtad siya ng sugat. Kumakalam din ang kanyang sikmura
dahil sa sobrang gutom. Nakatanghod siya at tumatakam sa mga pagkaing nahuhulog mula sa
mesa ng Don. Sa halip na lapitan siya ng sinuman sa mga nagsisikain para bigyan siya ng
pagkain, ang lumapit sa kanya ay mga aso para dilaan ang kanyang mga sugat.

Dumating ang panahon, namatay ang pulubi. Kinuha siya ng mga anghel, dinala siya’t
iniluklok sa tabi ni Abraham. Gayundin ang Don, namatay at inilibing. Sa impiyerno ito
napunta at pinarusahan. Napatingala ang Don at nakita sa malayo si Abraham katabi si
Lazarus. Nanawagan ito: “Amang Abraham, maawa kayo sa akin. Papuntahin ninyo rito si
Lazarus para idawdaw ang dulo ng kanyang daliri sa tubig nang malamigan naman ang dila
ko. Hirap na hirap na ako sa apoy na ito.”

“Anak, naaalala mo ba noong nabubuhay ka pa? Tinanggap mo nang lahat ang


mabubuting bagay, samantalang lahat ng masasaklap ay napunta kay Lazarus. Kaya ngayon, sa
kanya naman dapat ang paglingap, at sa iyo, ang paghihirap. Isa pa, naging napakalaki na ng
agwat natin, kaya mahirap nang 26 matawid mo pa ang layo mula riyan hanggang dito, dili
kaya ay matawid ninuman ito mula rito hanggang diyan,” ang sagot ni Abraham.

Nagmakaawa uli ang Don. “Maawa na kayo, Ama, papuntahin ninyo si Lazarus sa
bahay ng aking limang kapatid na lalaki. Paalalahanan ninyo sila nang hindi sila
mapasunod pa sa lugar na ito.”
DIVINE WORD COLLEGE OF VIGAN
DIMAANO, ZAREENA A.
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

Tumugong muli si Abraham. “Naroroon si Moses at ang mga Propeta, hayaan mong
makinig sila sa kanila.”

“Hindi, Amang Abraham,” sabi pa ng Don. “Pag mula sa mga namatay na ang pupunta sa
kanila, tiyak magsisisi sila.”

“Bueno……” talima ni Abraham sa Don, “kung ayaw nilang makinig kay Moses at sa
mga Propeta, hindi rin sila makukumbinse kahit sa kaninumang namatay pang ibabalik.” (Lukas 16:
19-31. Isina-Filipino ni Joey A. Arrogante.)

1. Sa iyong pagkakaunawa sa binasa, ano ang kahulugan ng parabulang ito?


Sa aking pagkakaunawa sa aking binasa na parabula, ang kahulugan ng
parabulang ito ay ‘nasa huli ang pagsisisi’. Kaya dapat habang nabubuhay palang
tayo dito sa mundo gumawa na tayo ng mabuti sa ating mga kapwa.
2. Ibigay ang mensaheng iyong natutuhan pagkatapos basahin ang parabula.
Ang aking natutunan sa aking binasang parabula, natutunan ko na
hanggat nabubuhay pa ako dito sa mundo, ako’y magiging mabuti sa
aking kapwa mahirap man ito o may kaya sa buhay. At dapat pantay
lamang ang tingin ko sa iba at sa aking kapwa, dahil naniniwala ako na
ang ating Diyos ay pantay-pantay lamang ang tingin sa atin. Kaya kung
ayaw natin magsisi sa huli, tayo ay gumawa ng tama na ikakagalak ng
ating Panginoong Diyos.
DIVINE WORD COLLEGE OF VIGAN
DIMAANO, ZAREENA A.
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

PAGTATAYA
Gawain 3. Basahing mabuti ang maikling tula sa ibaba. Ipaliwanag
ang buong kaisipan nito sa pamamagitan ng isang collage mula sa mga
ginupit na mga pamagat ng balita, larawan o anumang artikulo na
maglalarawan ng mensahe nito. Pagkatapos, bigyan ng maikling
pagpapaliwanag ang ginawang collage.

“Nasa Kasipagan
Ang Tagumpay”
Ni Pat V.
Villafuerte

Ang buhay ng tao’y parang gulong,


Minsang mapataas, minsang mapasilong;
Ngunit ang pag-unlad ay maisusulong,
Kung babanatin lang ang buto maghapon.

Sa tulong ng tiyaga at ng kasipagan, yaman ang


kapalit pagdating ng araw;
Sa pagtatanim mo sa may likod-bahay,
Salaping hangad mo’y dagling makakamtan.

Paglilok ng kahoy, pagbanat sa yantok


Pagtipon sa mga bagay na pinulot;
Bukas-makalawa’y salapi ang dulot,
Kung di iisipin ang hirap at pagod.

Itong katamaran, alisin sa isip,


Pagkat walang lugar sa ating daigdig;
Kapag naging tamad, gutom ang kapalit
Kapag nagmasipag, ikaw’y nasa langit.

Isang kasabihang dapat magunita, Nasa


Diyos ang awa, nasa tao ang gawa; Kung
itong tagumpay ang ‘yong ninanasa,
Maging masipag ka at tiyak giginhawa.
DIVINE WORD COLLEGE OF VIGAN
DIMAANO, ZAREENA A.
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN
DIVINE WORD COLLEGE OF VIGAN
DIMAANO, ZAREENA A.
BACHELOR OF SCIENCE IN INFORMATION TECHNOLOGY
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

Sa aking ginawang collage, makikita natin na ang mga


ito ay ibang halimbawa ng kasipagan ng ating mamamayan
at ang ibang litrato naman ay epekto ng pagiging tamad
natin sa buhay. Naniniwala ako na ang tagumpay ay nasa
kasipagan natin mga indibidwal, dahil kung hindi tayo
magiging masipag sa buhay hindi giginhawa o uusad ang
ating pamumuhay.

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/3375379
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.flickr.com%2Fphotos
%2Fgbb1159%2F8360221473&psig=AOvVaw1P3CGNzvCxt_JeJF48QFXr&ust=1632877588571000&source
=images&cd=vfe&ved=0CAsQjRxqFwoTCMiAy5q9oPMCFQAAAAAdAAAAABAJ
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRj1F6VR8xqT2-
waOpy9OlDqCFLKNsEQ7nUWX0WT1pkrCbHs3_AbsyoM6l66hbK61li5FA&usqp=CAU
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?
q=tbn:ANd9GcQrhukjQiEEkAHCHp4ZBhE51zz6S9Zrrg0v3W5bs0udyP04iL5WXbVxzo_74U2k6YBN1C0
&usqp=CAU
https://img.lovepik.com/photo/50051/2980.jpg_wh860.jpg

You might also like