Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SEKTOR NG EDUKASYON:

Sa panahon ngayon, ang lahat ng tao ay maraming kinakaharap na problema sa buhay lalong lalo
na ang Coronavirus(Covid-19) ito ay isang malubhang sakit na nakakahawa na maaring ikamatay
ng isang tao. Kung kaya’t ang kalusugan ang numero uno, na dapat bigyan ng aksyon at atensyon
ng gobyerno upang maging malusog ang pangangatawan ng mga mamamayan.
Ngunit hindi lamang pangkalusugan ang isyu na kinakaharap natin, bagkus kabilang dito ang
sektor ng edukasyon na dapat ipamahagi sa lahat ng mag aaral o iba pang kabataan na nais
bumalik sa pagaaral.
Kung inyo pong mapapansin,sa litro o collage na aming ginawa na may titulong “Sektor ng
Edukasyon”aklat at sulo o torch sa wikang ingles ang nakasentro, Bakit? Dahil hindi lamang po
ito bagay kundi ito ay sumisimbolo ng Pag-asa, Liwanag, at Kaalaman. Sapagkat ang edukasyon
ang nagsisilbing tulay upang maabot natin ang ating mga pangarap . Kaya’t kahit may pandemya
kailangan parin natin magpasalamat sa gobyerno dahil pinayagan nila na maipagpatuloy ang
edukasyon na dapat makamit ng bawat kabataan.
Mayroon tayong digital at modyular deliveration modality sap ag-aaral, Sa collage na aming
ginawa, makikita Ninyo sa loob ng aklat ang Sistema ng ating pag aaral na ito ay hindi biro.
Maraming magaaral na nakararanas ng mahinang koneksyon, walang gadyet, at kawalan ng
gabay para sa modyular na nagiging hadlang sa lahat. Marahil ang tingin ng nakararami ito ay
isang hadlang, ngunit para saamin ito ay hindi dahil kailangan natin tatagan ang ating kalamnan
at pangunawa kahit may pandemya. Tandaan, hindi kasalanan ng mga guro at iba pang
tagapagturo na kung bakit tayo nahihirapan bagkus nais lamang nila na maging produktibo
tayong magaaral at maging ulirang mamamayan sa kinakaharap na henerasyon. Puyat, pawis at
pasensya ang nararanasan ng mga guro upang isakripisyo lamang nila ang kaalaman na karapat
dapat ipamahagi sa mga mag aaral. Sa pagtatapos ng panahon, hawak na natin ang ang hindi
pangkaraniwang papel ito ay ang “Diploma” diplomang nagsasabi na nalampasan natin ang mga
problema at hadlang sa ating buhay. Gintong bato o ang “tagumpay” na nagsasabing tayo ay
matatag at karapat dapat na maging susi ng pagbabago sa ating bansang kinabibilangan.
Ika nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng ating
bayan”

You might also like