Meal Lennial Kabanata1

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Kingfisher School of Business and Finance

Mac Arthur Highway, Lucao Distrtict, Dagupan City

Meal-lennial
A meal in a Box

Isang pamanahong Papel sa Filipino sa Iba’t ibang Disiplina


na iniharap kina

Denson D. Padlan
Michael Mag-Usara
Mga Tagapayo

Camaso, Rodnic S.
Garcia, Ricardo Jose A.
Pangilinan, Ervin Kier P.
Santos, Christian John E.
Idos, Yunica Khurstine D.
Marcial, Danica Shane P.
Penales, Kyle C.
Rapayrapay, Maria Christine B.
Soriano, Allysa Mae V.
Mga Mananaliksik

Enero 2021
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Lakas, enerhiya at tibay ng resistensya, ilan yan sa talaga namang kailangan ng bawat

estudyante, kaya naman kailangan nilang kumain ng mga masusustansyang pagkain para

magkaroon ng sapat na lakas sa pag aaral o maging sa pagtatrabaho. Ang Kingfisher School of

Biusiness and Finance ay kilala at nangunguna pag dating sa accountancy kaya naman lahat ng

mga estudyante ay kapansinpansin ang pagiging abala at tutok sa pag aaral. Base sa mga naging

obserbasyon, dahil sa kawalan ng oras ng karamihan sa mga estudyante ay naging madalas ang

kanilang pagkain ng mga instant na talaga namang nakakasama sa kalusugan, kaya ang meal-

lennial ay nais mag handog ng mga putahe na talaga namang masusustansya at napakasarap sa

halagang sulit na sulit. Ang Meal-lennial ay pagkaing nasa isang kahon na kung saan ito ay

naglalaman ng Fruit tarts, Fruit Salad at ang huli ay ang pinaka espesyal at pangunahing putahe,

ang rice ball na may ibat ibang fillings o mas kilala rin sa tawag na kimbap o onigiri.

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa masusing pag-aaral at pagpapatayo sa negosyong

Meal-lennial na naglalayong maghanda ng mga pagkaing masustansya para sa mga estudyante at

mga nagtatrabaho. Ito ay makatutulong sa kanila upang masigurado na ang katawan nila ay

mayroong sapat na nutrisyon at sapat na resistensya para maiwasan ang pagkakasakit. Ang

negosyong Meal-lennial ay may mataas na kakompetensya dahil marami ang mga nakapalibot na

iba’t ibang industriya ng pagkain gaya na lamang ng instant na mga pagkain at ang iba pang

produktong pamalit dito. Ngunit kakaunti lamang ang mga negosyong pangkalusugan kaya

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

1|Page
napagkasunduan ng mga mananaliksik na isulong pa rin ang ganitong klase ng negosyo. Hindi

lamang sa produkto o sa puhunan magpopokus ang mga mananaliksik kundi pati na rin sa

pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga mamimili.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng Meal-lennial ay upang magbigay ng kasiyahan at kalusugan sa

pamamagitan ng pagkain na abot-kayang at pasok badyet na kung saan maaaring masiyahan at

kumain ang mga customer habang naglalakbay. Gayundin, upang makapaghatid ng mahusay na

mga serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng mahusay na ugnayan ng kostumer at de-kalidad na

pagkain.

Pangkalahatang mga layunin:

 Upang makapagbigay ng masustansya at balanseng pagkain sa mga tao. Upang ipakilala

ang isang bagong paraan ng mabilis na pagkain gamit ang mas kaunting mga

preservatives, maliit na walang MSG at maaaring masiyahan ang panlasa ng anumang

edad.

Tiyak na mga layunin:

 Upang madagdagan ang benta at kita. Upang makamit ang isang kasiya-siyang kita o

pagbabalik ng pamumuhunan para sa mga shareholder.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga mambabasa, mag-aaral, mga guro, mga

residente ng napiling lokasyon, mga hinaharap na negosyante, at mga mananaliksik sa hinaharap.

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

2|Page
Mga mag-aaral, guro at residente ng Dagupan. Napakahalaga ng pananaliksik na ito

para sa mga mag-aaral at guro, sapagkat makakakuha sila ng bagong kaalaman sa pananaliksik

na ito. Mahalaga rin ito para sa mga residente ng napiling lokasyon, dahil ang negosyong ito ay

nagbibigay kaalaman tungkol sa isang pagkain na masarap at nagbibigay ng mga nutrisyon at

lakas na kailangan, dahil ang produkto ay naglalaman ng salad ng gulay, fruit tart, at

pangunahing ulam, ang onigiri na naglalaman ng bigas at filling. Lalo itong kapaki-pakinabang

para sa mga taong may sakit na hindi kumakain ng masustansyang pagkain.

Para sa mga hinaharap na Negosyante. Makakatulong din ang pag-aaral na ito

sapagkat ito ay magiging isang motibasyon para sa kanila na lumikha o makabuo ng bago sa

merkado. Ang negosyong ito ang magpapaliwanag sa kanila hinggil sa hinahanap ng mga tao.

Maaari nilang gamitin ito bilang kanilang sanggunian sa kanilang plano sa negosyo upang hindi

sila makaharap sa anumang problema sa paglikha ng kanilang sarili.

Mga susunod na mananaliksik. Ang panghuling makikinabang sa pananaliksik na ito ay

ang mga sumusunod na mananaliksik. Maaari nilang gawing gabay ang pananaliksik na ito

upang magkaroon sila ng mga ideya tungkol sa kung ano ang dapat gawin.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng mga datos tungkol sa negosyong

Meal-lenial na ipatatayo sa Lucao District, Dagupan City, Pangasinan sapagkat ito ay

napalilibutan ng mga paaralan tulad ng (1) Kingfisher School of Business and Finance, (2)

Lyceum-Nortwestern University, (3) La salette, (4) Dominican, (5) Dagupan City National High

School, malapit din ito sa CSI Lucao na pasyalan ng maraming tao. Ang pananaliksik na ito ay

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

3|Page
naglalayong makakuha ng mga respondente sa lungsod ng Dagupan Pangasinan, na siyang

pagmumulan ng iba’t ibang komento, saloobin, at mga importanteng impormasyong na

makatutulong upang mas mapalawig ang pag-aaral na ito.

Ang pangangalap ng datos ay nililimitahan sa pagresponde ng mga taong maalaga sa

sarili o health conscious na may edad na labing-lima hanggang apatnapu (15-40), at apatnapu't-

isa hanggang animnapung (41-60) katao. Ang mga respondente ay inaasahang may bilang na

isang daang (100) katao at tatanggapin lamang ang walumpu (80) kungsakaling magkaroon ng

maling pagkakalkula bilang pagtugon sa margin of error na 5%. Nililimitahan ito upang

maiwasang maiugnay ang pag aaral sa mga hindi kaugnay na paksa.

SWOT Analysis

Controllable Uncontrollable
(Kontrolado) (Hindi Kontrolado)

Strengths Weaknesses
(Kalakasan) (Kahinaan)
Threaths
-Masustansyang -Limitadong Espasyo Opportunities (Banta)
Produkto ng Imbakan (Oportunidad)
-Kagustuhan ng Mga
-Abot kayang presyo -Talaan ng Putahe -Populated Area Customer
ng produkto -Limitado ang Badyet -Bagong produktong -Bandwagon Effect
-Kakaibang uri ng maipakikilala sa
produkto -Mas murang presyo
mercado
ng ibang
Pigura 1: SWOT Analysis -Limitado ang kakompetensiya
Kakompetensiya

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

4|Page
Strengths (Kalakasan)

 Masustansyang Produkto

Sa panahon ngayon, mabuti at maayos na kalusugan at malakas na pangangatawan ang

kailangan sa ating lipunang ginagalawan. Kaya nais ng mga mananaliksik na magtayo ng

isang negosyong naglalayon na magbigay ng balanse at masustansiyang pagkain gaya ng

fruit tart, fruit salad, at onigiri. Ang produktong ito ay paniguradong masustansya at

natural sapagkat walang halong MSG at preservatives.

 Abot kayang presyo ng produkto

Ang lokasyon ng negosyo ay napapaligiran ng ibat ibang karinderya, ito ay malapit sa

mall, at nasa tapat ng eskwelahan, kung kaya pinababa ang presyo ng produkto upang

maging abot kaya para sa mamimili at kanilang tangkilikin. Makasisigurong abot kaya

ang presyo para sa masustansyang produkto.

 Kakaibang uri ng produkto

Ang meal-lennial ay isang kakaibang produkto na maihahandong para sa publiko upang

maging alternatibo para sa mga pagkaing mabibili sa resto (fastfood at karenderya). Ang

meal-lennial ay magbibigay ng dekalidad, abot kayang presyo at masustansyang produkto

na paniguradong mamahalin ng mga tao.

Weaknesses (Kahinaan)

 Limitadong Espasyo ng Imbakan

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

5|Page
Ang Meal-lennial ay isang negosyo na stall lamang kung kayat ang kapasidad ng

imbakan ng stall ay limitado. Sa kadahilanang ito ay nalilimitahan ang pagiimbak ng

produkto upang mas makagawa pa ng mas maraming bento-box na maiaalok sa mga

kostumer kung kinakailangan.

 Talaan ng Putahe

Ang talaan ng putahe ay isa sa pinakamahalagang tool ng promosyon, ito ay maaaring

magamit upang malaman ng isang kostumer ang tungkol sa produkto na kanilang

kakainin. Ito ay babasahin ng bawat kostumer upang magkaroon ng isang nakakaakit,

makatotohanan, at malinis na talaan ng putahe na siyang mahalaga upang tangkilikin ng

mamimili ang produkto. Ang menu ng mga mananaliksik ay hindi ganoon kalawak,

mayroon lamang itong isang ulam na may iba't ibang mga “fillings”.

 Limatado ang Badyet

Sa kadahilanang ang Meal-lennial ay bago pa lamang sa industriya ang pondo ng mga

mananaliksik ay maliit at limitado lamang upang magsagawa ng aktibidad na pang-

promosyon na siyang para sa pananaliksik lamang. Magiging kahinaan ng negosyo ito

ngunit pagsisikapan ng mga mananaliksik na maging organisado ang badyet upang

magkaroon ng mga aktibidad na siyang makatutulong sa negosyo.

Opportunities (Oportunidad)

 Populated Area

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

6|Page
Isa sa pinakamadaming populasyon sa Pangasinan ay ang Dagupan, at ito ay magandang

opportunidad sapagkat madami ang posibleng maging mamimili. Dagdag pa rito, ang

meal-lennial ay nakatayo malapit sa eskuwelahan ng Kingfisher School of Business and

Finance at Northfield Academy na magsisilbing pangunahing “target market”. Ito din ay

malapit sa isang mall na kung saan maaaring makahikayat ng nga mamimili galing doon.

 Bagong produktong maipakikilala sa Mercado

Ang produktong ito ay bago sa mga tao, para sa mga mananaliksik ito ay magandang

opportunidad sapagkat karamihan sa mga tao ngayon ay mabusisi at base sa kaugalian ng

mga pilipino o ng mga Dagupeño, ay, kung may bago, sila pa ang dadayo.

 Limitado ang Kakompetensiya

Bilang bago ang produktong maipakikilala sa merkado paniguradong konti pa lamang

ang mga kakompetensiya nito na nagbibigay ng parehong produkto, at nakita ng mga

mananaliksik na ito ay magandang oportunidad upang ihandog ang masustansiya at abot

kayang produkto sa publiko na paniguradong kanilang magugustuhan at mamahalin

sapagkat ang meal-lennial ay masustansiya at ito din ay may presyong abot kaya kumpara

sa mga alternatibong pagkain na mabibili ng bawat isa sa fast food o sa karenderya.

Threats (Banta)

 Kagustuhan ng Mga Customer

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

7|Page
Kung ikukumpara sa Lutong Pinoy na inaalok ng ibang mga nasa industriya, ang Onigiri

ay halos hindi gaanong kaakit-akit sa ilang kostumer dahil ang ilan sa mga potensyal na

kostumer ay maaaring pumili ng mga pagkaing Pinoy kaysa sa pagkaing Hapon. Ito ay

totoo dahil ang ilan sa mga potensyal na kostumer ay mas gusto ang mga naturang lokal

na pagkain.

 Bandwagon Effect

Kung naobserbahan ng ilang mga potensyal na kostumer na mas maraming tumatangkilik

sa isang partikular na kakompetensiya sa industriya, maaaring madali silang maakit dito.

Ito ang hindi pangkaraniwang bagay na tinatawag na “Bandwagon Effect”. Dahil sa

katunayang kung ang isang partikular na kumpanya ay may magandang reputasyon, mas

mataas ang tsansa nilang akitin ang mataas na porsyento ng aming mga potensyal na

kostumer upang tangkilikin ang aming produkto.

 Mas murang presyo ng ibang kakompetensiya

Ang Meal-lenial ay isang negosyo na mayroong mga kakompetensiya sa industriya ng

pagkain. Sa kadahilanang ito, ang ilang mga kakompetensya na mayroong mas murang

presyo kaysa sa aming produkto kagaya na lamang sa karenderya, ay maaaring gawin

itong isang kalamangan sa pag-akit ng mga customer na tumangkilik sa kanilang

produkto.

Porter’s Five Forces of Model

Bargaining Power of Bargaining Power of


Supplier Customers
(Katamtaman)
Camaso, R., Garcia, (Mababa)
RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

8|Page
Competitive
Rivalry
(Katamtaman)

Threats of New Threats of the


Entrants Substitute Products
(Katamtaman) (Mataas)

Pigura 2: Porter’s Five Forces of Model

Threats of the New Entrants (Katamtaman)

Ang pagpasok ng mg kakompetensya sa negosyong Meal-lennials ay katatamtaman

lamang dahil iilan lamang ang sumusubok sa ganitong klaseng negosyo. Ang mga kalimitang

negosyong nakapalibot sa mga eskwelahan ay karenderia kung saan madalas na inihahain ay

mga karne, inihaw, pagkaing sobrang mamantika at babad sa mga pampalasa, gaya na lamang ng

betsin na nakakasama sa katawan. Sa kadahilanang katamtaman lamang ang pagpasok ng mga

kakompetensya, ang pagtatayo ng ganitong klase ng negosyo ay isang pagkakataon upang

humikayat ng mas marami pang mamimili.

Threats of the Substitute Products (Mataas)

Sa panahon ngayon, maraming tao, lalo na ang mga estudyante na madalas ay

nakakalimutan nang kumain gawa ng pagmamadali, ang nahihilig sa pagkain ng street foods,

junk foods, o mga instant meals, gaya na lamang ng pancit canton, noodles, at iba pa, na may

mababang nutrirional value. Hindi na nila naiisip na masama ito sa kanilang kalusugan sapagkat

ito’y masarap at nakakabusong din. Imbes na ang pagkain ng mga masusustansya ay madami ang

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

9|Page
mas pinipili ito sa kadahilanang madali rin tiong ihanda at kainin, kung kaya naman ang banta sa

pamalit na produkto sa aming negosyo ay mataas.

Competitive Rivalry (Katamtaman)

Ang lokasyon na napili ng mga mananaliksik ay tunay na maganda sapagkat malapit ito

sa aming target customers. Masasabi namin na katamtaman lang ang kompetisyon sapagkat iilan

lamang ang mga negosyong nagbebenta na ang pangunahing sangkap ay prutas at gulay. Sa

kabila ng magandang lokasyon, hindi pa rin ito masasabing perpekto dahil marami pa rin ang

nakapalibot na iba't-ibang food business gaya na lamang ng mga fast-food restaurants, school

canteen, food carts, at carinderia. Ang aming kalamangan ay naghahandog kami sa merkado ng

mas masustansya at abot-kayang pagkain.

Bargaining Power of Supplier (Katamtaman)

Ang aming supplier ay magmumula sa Villasis, Pangasinan. Masasabi namin na

katamtaman ang bargaining power ng supplier sapagkat marami ang pwedeng pagbilhan ng mga

kakailanganing supply para sa aming produkto at matatagpuan rin ang mga ito sa iisang lokasyon

lamang. Ngunit, maaari pa rin kaming kumuha ng mga supplies sa mga malapit na pamilihan.

Bargaining Power of Customers (Mababa)

Masasabi namin na mababa ang bargaining power ng mga mamimili dahil magkakaroon

kami ng sariling menu ng aming mga produkto na may kalakip na akmang presyo. Ang presyo

na ito ay "fixed" na o hindi na mababago ng mga customer, maliban na lamang kung may

pagbabago sa presyo ng aming mga supplies.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

10 | P a g e
 Bandwagon effect. Katangian ng mga tao na kung saan ang uso ay nandon sila.

 Bento box. Isang uri ng lalagyan na kadalasang naglalaman ng mga pagkain katulad ng

kanin at prutas.

 Dagupeño. Mga taong nakatira sa siyudad ng Dagupan

 Fast food. Isang uri ng tindahan ng pagkain na nagaalok ng mga pagkaing madaling

lutuin at madaling ihain.

 Fruit Salad. Pagkaing gawa sa mga hilaw na sangkap kadalasang mga gulay at prutas

ang pangunahing sangkap nito.

 Fruit tarts. Isang uri ng pie na kadalasang nilalagyan ng prutas sa ibabaw nito.

 Kimbap. Isang uri ng pagkain na gawa sa kanin at iba pang sangkap at saka irorolyo.

 Monosodium Glutimate (MSG). Ito ay isang pampalasa at nagbibigay ito ng kakayahan

sa pagkain upang maging masarap, kilala ito sa tawag na vetsin o bitsin.

 Populated Area. Lugar kung saan maraming naninirahan, kadalasan ito ay matatagpuan

sa siyudad.

 Shareholder. Mga may ari ng isang organisasyon, nagtulong tulong upang isakatuparan

ang isang layunin.

 Target Market. Mga possible at nais maging pangunahing konsyumer ng isang

pamilihan.

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

11 | P a g e
 Stall. isang uri ng tindahan na may kaliitan at madaling ilipat. - mas kilala sa tawag ng

pwesto.

Camaso, R., Garcia, RJ., Pangilinan, EK., Santos, CJ., Idos, YK., Marcial, DS., Penales, K.,
Rapayrapay, MC., Soriano, AM.

12 | P a g e

You might also like