Professional Documents
Culture Documents
Week 006-007 - Liham Pangnegosyo
Week 006-007 - Liham Pangnegosyo
Week 006-007 - Liham Pangnegosyo
LIHAM PANGNEGOSYO
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag- aaral ang sumusunod:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga korespondensiya at natutukoy ang mga
pangunahing uri nito;
2. Natutukoy ang kahulugan ng liham pangnegosyo;
3. Nababatid at nailalapat ang mga dapat tandaan sa pagsulat at ang mga
katangiang dapat taglayin ng mabisang liham pangnegosyo;
4. Nakikilala at nailalapat sa mga gawain ang pangunahing bahagi, pormat, o anyo
ng liham pangnegosyo; at
5. Nakasusulat ng mabisang liham pangnegosyo.
Panimula
Introduksyon sa Korespondensiya
Liham Pangnegosyo
Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng
organisasyon o kompanya. May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham pangnegosyo:
1. Paghahanap ng trabaho;
2. Paghingi ng impormasyon;
3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw;
4. Promosyon ng mga ibenebenta at/o serbisyo;
5. Pagkalap ng pondo;
6. Parerehistro ng mga reklamo;
7. Pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon
8. Koleksyon ng mga bayad;
9. Pagbibigay ng instruksyon;
10. Pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod;
11. Pag- uulat tungkol sa mga aktibidad;
12. Pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe;
13. Pag- aanunsyo
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC) 3|
LIHAM PANGNEGOSYO
14. Talaan o rekord ng mga kasunduan;
15. Follow- up tungkol sa mga usapan sa telepono; at
16. Pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal.
Memorandum o Memo
Ang memo ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon
o kompanya. Gayunman, may mga memo din na ipinapadala sa labas ng kompanya o
organisasyon sa pamamagitan ng e-mail o kaya ay telefax. Narito ang mga gamit ng memo:
1. Paghingi ng impormasyon;
2. Pagkompirma sa kumbersasyon;
3. Pag-aanunsyo ng mga pagbabago sa mga pulong;
4. Pagbati sa mga kasamahan sa trabaho;
5. Pagbubuod ng mga pulong;
6. Pagpapadala ng mga dokumento; at
7. Pag- uulat sa pang- araw- araw na gawain.
Bagaman halos katulad din ng sa liham pangnegosyo ang mga paksang tinatalakay sa memo,
maraming panloob na ulat ang isinusulat sa anyong memo tulad ng ulat sa paglalakbay(trip
report), progress report, at maiikling proposal.
Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang
personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang
pormat na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat
sa 8 ½”x11” na bond paper. May anim na bahagi ang isang liham na pangnegosyo.
1. Pamuhatan
2. Patunguhan
Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o ang pupuntahan,
patutunguhan, o padadalhan ng liham. Samakatwid, ito ang adres ng pinadadalhan ng liham.
Kompletuhin ang adres na ito at isama ang mga titulo at pangalan ng padadalhan ng liham. Lagi
itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga ang patunguhan upang matukoy ang pinadadalhan ng
liham kung sakaling magkaroon ng sira ang sobre o kung sakaling hindi mabasa ang adres. Mag-
iwan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan at patunguhan. Maglagay rin ng isang
linyang espasyo bago ang pagbati.
3. Bating Pambungad
Karaniwan ding may titulo ng taong pinadalhan ng liham. Ang titulo ay maaring simpleng G.
(Ginoo), Gng( Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo sa propesyon o katungkulang hawak
ng taong pinadadalhan, halimbawa, Prop. (para sa Propesor) o Dr. (para sa Doktor). Ang bating
pambungad sa liham pangnegosyo ay laging nagtatapos sa tutuldok(:), hindi sa kuwit (,).
4. Katawan
Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pangnegosyo. Tandaan na hindi
ito isinusulat- kamay, palaging itong typewritten o computerized. Depende sa estilo ng liham na
iyong gagamitin, maaaring may indensyon ang mga unang linya ng mga talata. Ano pa man ang
pormat, maglaan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata, sa pagitan ng pagbati at
ng katawan, at sa pagitan ng katawan at ng pangwakas.
5. Pamitagang Pangwakas
6. Lagda
Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda.
Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman laging
kinakailangan.
May dalawang karaniwang pormat ang pagsulat ng liham- pangnegosyo: ang anyong
block at ang anyong may indensyon. Suriin ang kaibahan ng dalawa.
1. Anyong Block (Block Form)- lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan.
2. Anyong may Indensyon (Indented Form)- nakapasok ang unang salita sa bawat talata
at ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at
pamitagang pangwakas.
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC) 7|
LIHAM PANGNEGOSYO
Pangalan/Opisina ng Padadalhan
(dalawang espasyo)
(dalawang espasyo)
(dalawang espasyo)
(dalawang espasyo)
Pangwakas na Linya
Nakapagbayad kami nang dalawang ulit bago pa namin matanggap ang aming mortgage payment
book, na dumating matapos na ang due date. Dahil naghintay kami ng matagal bago dumating ang
payment book, at ayaw naming masira ang aming pangalan sa inyo, pumunta kami sa isang sangay
ng inyong bangko noong Oktubre 28, 2014. Ang sabi sa amin ng teller ay bayaran lamang ang
halagang nasa itaas ng form. Kinabukasan, tinawagan kami ng teller para sabihing hindi pa kasama
sa halagang aming binayaran ang real estate taxes. Kaya bumalik kami sa bangko at binayaran ang
mga ito. Ang parehong transaksyon ay makikita sa account number na7WVQ80600, sa mga
sumusunod: Oktubre 28, 2014, sa tseke na may numerong #380, P31,756.00; Oktubre 29, 2014 sa
tseke #381, P5,674.50.
Upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap, direkta naming ipapadala ang pangalawang bayad
sa inyong opisina sa Sta. Cruz. Kung may tanong kayo tungkol sa transakyong ito, maaari ninyo
kaming tawagan sa (043) 467-8976 o sa aming branch sa Pasay.
Lubos na gumagalang,
Magandang araw!
Ipinapabatid ng liham na ito ang tungkol sa reklamo ng mga naninirahan sa Phase 4 ng subdibisyon
na ito. Nais nilang malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi natutugunan ang kanilang mga
katanungan hinggil sa pagbabayad ng fees para sa asosasyon.
Naipaliwanang nang aming departamento sa mga nagrereklamo ang mga tuntunin sa buwanang
bayarin sa asosasyon, ngunit nais nilang margining ang inyong panig at paglilinaw tungkol dito.
Lubos na gumagalang,
Elena Reyes
(Bb.) Elena Reyes
Tagapamahala
Brookfield Subdivision
1. Malinaw ngunit magalang. Kailangang malinaw ang layunin ay maingat ang pananalita
sa liham pangnegosyo. Gumamit ng pormal na pananalita at iwasan ang maging personal
ang pakikipag- usap sa liham. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong
padadalhan ng liham, hindi ito nararapat na mabakas sa isang lihang pangnegosyo.
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC) 10 |
LIHAM PANGNEGOSYO
2. Maikli ngunit buong-buo. Hindi dapat maging mahaba ang liham pangnegosyo dahil
may mahalagang tungkulin at transaksyong nakapaloob dito na kinakailangan ng agarang
aksyon. Maging tiyak sa gamit ng mga salita.
3. Tiyak. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo,
beripikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng babanggitin. Huwag nang isama ang hindi
mahahalagang detalye o mga bagay na walang kaugnayan sa kasalukuyang inihahain sa
liham.
4. Isaalang- alang ang kapakanan ng kapuwa- palaging isaalang- alang ang etika. Etika
ang pamantayan ng lipunan sa kung ano ang tama at mali. Iwasang may mapahamak na
tao o may pangalang masira. Maging maingat sa mga pahayag.
5. Wasto ang gramatika. Napakahalaga ng tamang gramatika sa pagsulat ng liham
pangnegosyo. Nararapat na tama ang gamit ng mga salita, sapagkat ang maling gamit ng
salita ay maaaring magdulot ng ibang pakahulugan, at kalaunan ay hindi
pagkakaunawaan sa nilalaman ng mensahe ng liham. Tiyakin ding tama ang pagkakabuo
at pagkakasunod- sunod ng mga pangungusap para sa tamang pag- unawa ng
magbabasa.
6. Maganda sa paningin. Sa unang tingin pa lamang ng magbabasa, nararapat na
maganda na ang liham. Nararapat din na malinis ito, walang mga bura o alterasyon sa
anumang bahagi, at wala rin dapat itong anumang dumi. Maayos dapat ang pormat nito,
blocked man o indented.
Sanggunian:
Aklat
Francisco, Christian George C. at Gonzales, Mary Grace H.(March 2017). Filipino sa Piling
Larangan(Tech- Voc). 84-86 P. Florentino St., Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex Printing
Company, Inc.