Professional Documents
Culture Documents
Yaman NG Bansa
Yaman NG Bansa
sariling wika kung pagbabatayan ay ang tamang gamit ng mga ito, pasulat man o pasalita.
Yaman ng isang bansa ang wika, ito ang nagsisilbing salamin ng kultura ng bawat lahi. Sa pag-
aaral upang makamit nang maayos ang wika sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan itong pag-aralan.
Mahalaga ang gramatika/balarila, ito ay nagsisilbing isa sa mga pundasyon upang makamit ang higit na
pagkatuto . bago matutunan ang isang wika ay nararapat lamang na mapag-aralan muna ang
gramatika/balarila. Ang balarila ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita, tamang gamit ng
mga salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo nang malinaw na
kaisipan o diwa. Ayon sa Ama ng Balarilang Tagalog na si Lope K. Santos na ang balarila ay “bala ng dila”,
kung kaya’t mahalaga na malaman ang lawak ng balarila. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa
gramatika/balarila ay hindi lamang nakasalalay kung ano ang nakapaloob sa aklat. Nangangailangan din
ang guro ng iba’t iba at tiyak na sanggunian na magagamit sa kaniyang pagtuturo gramatika.