Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talino: ang talino

Talino: akong abang lingkod ninyo ay isinilang na mahirap,

at ni walang kayamann ditto ngayon ilalantad

pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad

ang pamanang magtatanghal, puhunan sa pag unlad

sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan

na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay

ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan

nagbibigkis sa damdamin, makataot makabayan.

Talino: nalimutan ng kantalo mga bayaning namatay

Na nagtanggol sa ating bayan, na ang laya ay makamtan

Kung hindi dahil sa talino, taglay nila nung araw

Hanggang ngayon,tayong lahat, alipin pa ng dayuhan

Mga naging presidente o senador at kongresman

Lahat sila ang talinoy hindi natin matawaran

Mga batas na nagawa’t ipinatupad sa ating bayan

Pinuhunan ay talino, kayat silay naging gabay

Talino: tila yata nalimutan nitong aking katunggali

Sa pagtulong ang talino asiyang gamit na palagi

Pag mayroong kalamidad,manlolokoy nariyan lagi

Kayat anong mahalaga, ang talino ipagbunyi

Matataas na gusali,super market, public mall

Fly overs,skyways, at ibat ibang komunikasyon

Lahat ng yan ay nagawat ang, talino naging puhon

Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy tuloy

Talino:talino ang puhunan

Talino: ang taong tamad gagamit ng talino para sumipag

Talino:talino!

You might also like