Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TAMPOK NA TEKSTO 2-TEKSTONG SIYENTIPIKO ANG GLOBAL WARMING

Hango sa pananaliksik at pag-aaral

• Ang tekstong Global warming ay isang tekstong siyentipiko dahil ito ay tumutugon sa isang
teorya na nakabatay sa kaalamang pang-agham. Naglalaman ito ng proseso ng pagsasalisik,
datos, resulta at konklusyong ipinakita sa isang maayos at sistematikong paraan.

Pormal ang mga salita

• Ang tekstong ito ay binubuo rin ng mga pormal salita upang maunawaang mabuti ng mga
mambabasa ang impormasyong nakapaloob dito. Ito ay isang paktuwal dahil naglalaman
lamang ito ng mga totoo at tamang impormasyong na naayon sa paksang Global warming. Ito
ay base sa totoong kalagayan ng temperatura ng ating mundo. Ang mga nakapaloob dito ay
galing sa pananaliksik ng mga siyentista at kilalang organisasyon na humahawak sa isyu ng
global warming.Ang buong teksto ay sinulat sa pormal na paraan.

Paktuwal

• Masasabi nating paktuwal ang tekstong nabanggit dahil kung susuriing mabuti ang teksto ay
gumamit ng mga teknikal at mga pormal na salita at lahat ng impormasyon na nasa teksto ay
hindi lamang basta ginawa o nilagay sa nasabing teksto dahil tama ang bawat impormasyon na
nabanggit tulad ng pagbabago ng klima o ating panahon, napakaraming patunay na
masasabing paktuwal ang teksto dahil mapapansin natin ang pagbabago ng ating panahon.

Agham

• Ang global warming ay isang problemang pang agham. Ito ay ang nararanasan nating pagtaas
ng tempetatura ng daigdig.Nagkakaroon ng global warming dahilsa greenhouse effect, kung
saan natatrap ang init ng araw saatmosphere ng earth. Ang dahilan ng pagkakatrap sa init ng
araw sa atmosphere ayang carbon dioxide dahil sa polusyon na dulot ng usok, lalung-lalo na sa
usok nananggagaling sa mga sasakyan, at dulot na rin ng iba't ibang factories
napangkaraniwan na lang din sa ngayon.

Teknikal

• Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng


katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang
dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay
gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na
resulta ng mga produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at
iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang pagtaas sa
pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama na rito ang
pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga paguulan. Ang mga
pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan
ng panahon tulad ng baha, tag tuyot, bugso ng init, bagyo at buhawi. Ang paginit ay
makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito. Gayunman, ang mga pagaaral ay nakatuon sa
panahon hanggang taon 2100 na ang pag-init ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 o
carbon dioxide ay may mahabang buhay sa himpapawid.

TAMPOK NA TEKSTO 3- TEKSTONG AGHAM PANLIPUNAN PAGBUBUO NG ISANG


MALAKAS NA PAMILYA
Pag-uugnay ng tao sa lipunan

• Ang tekstong agham panlipunan ay tumutukoy sa ugnayan ng tao at ng kapaligiran. Ito ay


nakasulat sa anyong teknikal at kinakailangan nang maingat na pagbabasa, at pagkuha ng mga
impormasyon sa pagsusuri ng tekstong ito.Ang tekstong ito ay paktuwal dahil naglalaman ito ng
mga bagay gawain o ideya na totoong nangyayari sa ating buhay.Ang mga bagay na nasabi sa
tekstong binasa ay angkop at napatunayan ginagawa talaga sa loob ng isang pamilya.

Uri ng teksto

• Ang tekstong “Pagbubuo ng Isang Malakas na Pamilya” ay isang halimbawa ng tekstong agham
panlipunan, sapagkat iniuugnay nito ang mga tao sa lipunang kanilang kinabibilangan. Patunay
nito ay ang pangungusap na “matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na
pamilya”. Sa pangungusap na ito masasabi nating isa ang pamilya sa mga bagay na bumubuo
sa isang lipunan.

Pormal ang mga salita

• Makakakita rin tayo ng mga pormal na salita sa tekstong ito, tulad na lamang sa pangungusap
na “marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda
at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao”.

Teknikal

• Ito rin ay nasa anyong teknikal, dahil ito ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa
paggawa ng isang bagay. “Para mapuno ang “kahon”, kailangang magkaroon ng sumusunod na
katangian an isang pamilya: may pananagutan sila sa isa’t isa, nagpapakita ng pagpapahalaga,
may mabuting komunikasyon, may panahong nagkakasama-sama sila, sumusunod sa kanilang
mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga, nagkakaagapay sa
stress” ay ang parte ng tekstong nagpapatunay na ito ay nakasulat sa anyong teknikal, dahil
inilahad dito ang mga bagay na dapat sundin o gawin kung nais nilang mapuno ang “kahon”.

Hango sa pananaliksik, obserbasyon at pag-aaral

• Ang tekstong ito ay ginamitan din ng pananaliksik, obserbasyon, at pag-aaral, makikita ito sa
pangungusap na “May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang
magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon
ng kasama at iba pang magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng
mga bagay na ito.” Makakakita rin ng mga paktuwal na impormasyon sa tekstong ito, katulad
na lamang sa mga pangungusap na “Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na
pamilya. Maaaring mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila”.

You might also like